Sinamahan namin si Princess Liya para personal na imbitahan ang Headmaster ng Adventurers guild na si Miss Laura Agila at si Miss Merea Ella para sa gaganaping pagdiriwang sa bulwagan ng palasyo.
Nang pauwi na kami ay naisipan namin na dumaan muna sa pamilihan para bumili ng high ranking na best quality potions at iba pang gamit. Kailangan namin ito para sa pagsasanay ng mga magician na mapiling ilalaban sa gaganaping kompetisyon sa mga susunod na buwan. Tatlo kaming pumunta rito kaya lang, sa kasamaang palad nawala ang mga kasama ko.
Sa totoo lang first time ko makapunta rito.
Sabi kasi nila na mas mura at maganda raw mga potions sa lugar na ito pero sa totoo lang, gusto lang talaga gumala ng mga kasama ko. "Asan na sila? Si Sally at Princess Liya" tanong ko sa sarili. Gusto kong sumigaw ng "Bakit n'yo iniwan ang Council President n'yoooo!"
Nakakatakot pa naman ang mga titig ng mga tao sa lugar na ito. Tiningnan ko sa interface ang oras.
"2:21 pm na pala," sambit ko. Medyo mainit na ang sikat ng araw. Ramdam na ramdam ko ang pawis at iba ibang amoy sa paligid. Pero tila baliwala ito para sa mga taong nandito.
Habang akoy naglalakad...
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakita akong mga nagkumpulang mga tao sa unahan.
"May gulo?"
Lumapit ako para makita kung ano ang dahilan ng pagtitipon ng mga ito. Nang makalapit na, ay agad nanlaki ang aking mga mata gaya ng ibang tao sa paligid.
"Itigil mo yaaaaaaaannn!!!!" Bigla akong napasigaw.
Paano ba kasi. Isang mamang kalbo ang tumalon ng sampung metro mula sa lupa habang nakataas ang mga kamay na may hawak na malaking palakol. Nakita ko rin ang isang lalaki na nakasuot ng longsleeve na itim at pantalon na itim din. Sa kanyang paa ay makikita na nakasuot ng itim na combat boots at makikita ang malaking backpack sa likod nito. May maitim siyang buhok at mga mata. Base sa hitsura ng lalaki, magkasing edad lang kami. Nasa 5"8 naman ang tangkad nito. At medyo payat tingnan na katawan. Siguro dahil sa damit?
Habang akoy sumisigaw napansin ko na tumingin sa akin ang lalaki. Gusto ko sanang sinyasan na sa taas moooo! Pero huli na ang lahat...
Bang!
Creak!
Wooosh!!!
Halos kinuyog at lumindol ang lupa na aming inapakan. Nagsitalsikan naman ang lupa at alikabok sa paligid. Dahil sa takot ay hindi ko napansin na namutla na pala ang aking mukha. Nang humupa na ang mga alikabok ay laking gulat ang aking naramdaman. Paano nangyari na ang mamang kalbo ang bumaon sa lupa? Habang nakaapak naman ang lalaking nakatayo sa likod nito. Walang ekspresyon na makikita sa mukha ng lalaki. Na para bang para sa kanya ay walang nangyari. Bigla namang nagbubulungan ang mga taong nakapalibot.
Ang pinagtataka ko lang ay hindi siya gumamit ng enerhiya. Hula ko mataas na ang level niya. Ilang sandali napansin ko nalang na kinukupitan ng lalaki ang bangkay ng mamang kalbo.
Tinanong ko ito kung ano ang kanyang ginagawa. Pero sabi niya binabawi lang daw niya ang kanyang pitaka. Pero napansin ko na marami itong bitbit na pitaka. Kaya pinasauli ko yung iba. Pero sabi niya sa akin ay drop items daw ang mga ito. Ahaha tingin ba niya halimaw ang kanyang napaslang? Bigla ko namang ikinagulat ang sunod niyang sinabi.
"Sayang hindi RB ang gamit ni manong Kalbo" ito ang sabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili at tinawag ko ulit ito.
"Woooooiii! Anong balak mong gawin?"
"Bakit?" Sabi niya sa akin.
"Anong bakit?" Naguguluhang ako.
"Balak mo bang sumama?"
"Eh?" Nagulat ako sa sinabi niya. Feeling ba niya tinatanong ko siya kung anong susunod niyang gagawin at saan siya pupunta? Kinagat ko ng malakas ang aking mga ngipin habang feeling ko ay naglabasan din ang pulso sa aking noo.
"Huwag ka ngang feeling!" Malakas kong sumbat sa lalaki.
"Kuku. Kung ayaw mo sumama, edi maiwan na kita" nakatawang sabi niya sabay hakbang papalayo. Pero alam ko ang binabalak niya. Fufu! Akala ba ng lalaking ito mautakan niya ang Council President ng Engkantasya MHS?
"Sandaliiii!" Malakas kong sigaw.
"Bakit? napag-isipan mo na bang sumama?" Lumingon sabay tanong siya sa akin.
Grrr! Napaka feeling talaga ng lalaking to! Hindi ko mapigilan na uminit ang ulo sa galit.
"Ibalik mo ang mga kinuha mooo!" Sigaw ko sa kanya.
Bigla naman nagbulungan ang tao sa aming paligid.
"Mag syota na nag-aaway?" Tanong ng babaeng may makapal na labi.
"Oo tingnan mo ginulpi ng lalaki ang ama ng babae" Sabi ng lalaking mukhang bungo.
"Eh? Ama ba ng babae ang nakaratay?" Sabi ng matabang babae na may tenga ng aso.
"Nalaman daw ng ama ang balak na pagtatanan ng dalawa" Sabi ng lalaking may buntot.
"Ano bang pinagsasabi n'yo! Gusto ng lalaki na makipaghiwalay sa babae pero ayaw pumayag ng babae" Sabi ng babae na may nunal sa bibig.
"Ah kaya pala mukhang galit yung babae" Sabi ng babae na may bitbit na bata.
Grrrrrrr! Biglang uminit ang aking mukha sa hiya. Ano bang pinagsasabi ng mga taong ito? Anong syota? Anong ama? Anong hiwalay? Waaaaaah!!! Gusto kong isigaw na mali ang pinagsasabi nila.
Ngunit bago ko pa masabing mali sila isang tinig ng demonyo ang aking narinig.
"Kuku. Salamat sa pagpapaalala(tinapon ng lalaki na si Yman ang mga pitakang wala ng laman), paalam mylove"
Nakangising sambit ng lalaki sabay tapon ng mga walang laman na pitaka sa bangkay ng mamang kalbo. Pagkatapos itapon ay tumalikod ito habang nakangisi.
"Kita n'yo? Mukhang gusto na talaga ng lalaki makipag hiwalay" sabi ng babaeng may nunal sa bibig.
"Kawawa naman yung babae. Nabugbog pa ang tatay, hiniwalayan pa ng syota" sabi ng babaeng may bitbit na bata.
"Kukuku ang aga kasi naglandi" sabi ng lalaking mukhang bungo.
My....love? Napatanong ako sa aking sarili.
"....."
Halos abot langit ang galit at pagkahiya ang aking nadarama sa mga oras na ito.
Malakas na kinuyom ang aking mga kamao. Nanginginig na ang aking katawan sa galit.
Mula sa hindi kilalang lalaki tinawag akong mylove?!
Na nakangisi ng may halong pangungutya!
Grrrr! Nagagalit na ako! Kala mo patatakasin kita pilingerong bastos na nangungupit ng bangkay. How dare you para ipahiya ang council president ng Engkantasya MHS! Hindi kita hahayaang makatakas! Huminga ako ng malalim para tawagin ng malakas ang lalaki.
"HOOOOOY! Malakas kong tawag.
Swoosh!
....OOYK!
Cough! Cough!
Bago ko pa matapos ang pagsigaw ay may pumasok sa aking bibig at muntikan na akong mabilaukan. Dahan dahan kong kinuha ito para makita kung ano.
Ubas? Napatanong nalang ako sa sarili. Galit na sinulyapan ko agad ang lalaki. Nakita ko na itinuro ako mula sa kausap niyang tindero ng prutas.
"Miss! Sabi ng boyfriend mo ikaw daw magbayad!" Sigaw ng tindero sa akin.
Agad namang nagbulungan ulit ang mga tao sa paligid.
Namuti ang aking mga mata sa narinig at nagsimulang lumuha. Bakit ba ang malas ko? Napatanong nalang ako sa sarili.
I HATE YOU!
Malakas kong sigaw sabay talikod.
"Pagbabayaran mo itoooooo! Gaganti akooooooo!"
Waaaaaaaah!
Hindi ko na kinaya pa ang sitwasyon at agad akong tumakbo papalayo habang umiiyak at sumisigaw.
"Hannah?"
Buti nalang habang tumatakbo ako papalayo ay nakita ko narin sila Princess at Sally. Nagulat sila kung bakit ako tumatakbo at umiiyak kaya ikinuwento ko sa kanila ang nangyari.
Puuuuuufftt!!!
Pigil na pagtawa ni Sally habang hinahawakan ang nanakit na tiyan.
Bwa-haha-hahahaha!!!
Malakas na tawa ni Princess Liya na may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Sino kaya itong lalaking to na nagawang paatrasin at paiyakin ang maganda nating Council President" sabi ni Princess Liya.
"....."
Iniwan n'yo kasi akooooo! Gagantihan ko talaga ang bastos na lalaking yun!
Pagkatapos umalis ng makulit na engkantada ay dumiretso na agad si Yman sa tindahan ng mga sandata at baluti. Bumili siya ng isang silver shortsword sa halagang 300pesos at isang silver dagger sa halagang 250pesos din.
Dahil sa mga nakuhang pera mula sa pitaka ay naging triple ang halaga ng pera niya. Kaya nakabili pa siya ng armguard at leather chest armor.
Ok ready na! Sa pagkakaalam ko sa Grassyland ang lugar kung saan maraming makikitang Hybrid Snakes. Ang lugar na ito ay sinasabing may mahahabang damuhan. Napapalibutan ito ng kagubatan. Nasa limang kilometro ang layo nito sa hilagang-silangan ng Engkantasya. Para makarating sa lugar ay kailangan pa sumakay ng kalesa. Hihinto ang kalesa sa pasukan ng kagubatan. Na nasa dalawang daang metro sa timog ng gubat. May isang oras at kalahati naman ang biyahe gamit ang kalesang hinihila ng high breed abestrus papunta sa Grassyland.
Balak sana magpasama ni Yman kay Rea. Kaya lang naisip niya na baka pagod pa ito dahil sa naganap na laban sa nakaraang araw.
Kasalukuyang nakasakay sa kalesa si Yman papuntang Grassyland. Makikita na nakasuot siya ng itim na longsleeves na sinapawan ng leather chest armor. Pinaresan ito ng itim na pantalon. Sa paa ay combat boots at armguard naman sa mga kamay.
Pero hindi siya nag iisa dahil may tatlo pang kalalakihan ang kanyang kasabayan sa biyahe.
Sa EMRMHS naman.
Kasalukuyang pinagdesisyunan kung sino sino ang isasama sa pagdiriwang sa bulwagan ng palasyo sa Engkantasya.
"Black Princess"
"Yes Mr. Principal?"
"May natanggap ang mga akademya ng magic high school na imbitasyon at inaanyayahan ang mga Principal at special students na dumalo sa pagdiriwang sa palasyo ng Engkantasya"
"Ano sa Engkantasya?" Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ni Mina ng marinig ang sinabi ni Mr. Mar.
"Oo. At ikaw ang isa sa napili ng komite para dumalo. Yun ay kung okay lang sayo"
"Maraming salamat sa pagpili sa akin Mr. Mar. Pwede po ba malaman kung kailan?" excited na tanong ni Mina.
Nagulat naman si Principal Mar sa direktang sagot ni Mina.
"Sa ikatlong gabi mula ngayon ang pagdiriwang. Bukas naman ng 8:00am tayo aalis"
Nang marinig ito ni Mina ay hindi magkamayaw ang tuwang nararamdaman.
"Sa wakas makikita ko narin si Yman! Kahit anong mangyari hahanap ako ng paraan para mabisita siya" laman ng isip ni Mina.
Tumayo si Mina at yumuko kay Mr. Mar.
"Kailangan ko na mag-impake" ngunit bago pa siya makaalis ay tinawag siya ulit.
"Teka lang Black Princess" mahinahong pagtawag ni Mr. Mar kay Mina.
Lingon sabay tanong "Yes Principal?"
"Gusto ko makilala mo ang mga makakasama natin sa paglalakbay"
"Ok Mr. Principal"
Creak!
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong estudyante.
"Mina!" Sigaw ni Kesha.
"Wow Kesha napili ka rin?"
"Oo. Buti at napili ka rin"
Nagyakapan ang dalawa. Nakita ni Mina ang dalawa pang kasama ni Kesha na pumasok sa silid, si Leon at si....