Buti nalang umalis ang leader ng mga bandido dahil siguradong hindi ito matatalo ni Yman sa ordinaryong paraan. Kaya masaya narin siya na tumakas ito dahil hindi na niya kailangang gumamit ulit ng Talent.
Apat na RB ang nakolekta ni Yman mula sa mga bandidong humarang sa kanila. Kaya halos hindi mapagsidlan ang kanyang tuwa mula sa mga drops daw na kanyang nakuha. Kinuha rin niya ang magagandang kagamitan ng mga bandido na pwede ibinta sa magandang presyo. Ngayon ay nakangiti si Yman habang sinusuri ang laman ng kanyang cyber storage.
Hindi niya alam kung bakit ayaw ng mga kasama niya na kunin ang kagamitang pagmamay-ari ng mga natalong kalaban. Pero dahil ayaw nila edi mas mabuti. Dahil wala siyang kaagaw sa kanyang mga loots. Siguradong magkakapera siya kung maibinta niya ang lahat ng mga ito. Lalo na ang mga high grade equipments na sandata ng mga bandido.
Kasalukuyang makikita sa kanyang wallet section ay $501. Kung ikompara ito sa piso, sa panahong ito ang isang dolyar ay katumbas ng 50 pisos. Hindi alam ni Yman kung maiyak, dahil sa kulang na kulang pa ito pambayad ng utang. Hindi rin pwede ipang palit ang mga nakolektang RB dahil hindi naman ito brandnew kagaya ng pinahiram ni Headmaster Laura.
Habang busy sa pag-aatupag sa kanyang interface ay makikita naman ang mga tamad na ngiti sa mukha ng mga kasama niya sa loob ng kalesa. Pare-pareho ang laman ng kanilang isip, na kakaiba ang binatilyong ito na nakasama nila sa paglalakbay. Malakas ito kahit mababa pa ang level at ang nakapagtataka ay wala itong pinapalampas na bagay na pwede pagkakakitaan. Pati mga gutay gutay na leather armor ng mga bandido ay hindi pinalagpas. Lahat ng sandata ay kinolekta rin. Hindi tuloy maiwasan na mapatanong ang tatlo kung pulubi ba ito. Pero mukhang desente naman ang kasuotan niya, kaya lalong nagtataka ang tatlo sa katauhan ng kakaibang binatilyong ito na handang sumugod mag-isa sa Grassyland na walang dalang Backbone. Kaya lang, nagpapasalamat parin sila at nakasabay nila ang binatilyo, dahil malaki ang naitulong nito sa laban kanina.
Pagkatapos ng laban ay napansin nila na nawala ang nagmamaniho ng kalesa. Ngunit ilang sandali ay lumabas ito, buti nalang hindi pala tumakbo palayo si mamang kutsero at nagtago lang pala sa mga puno sa hindi kalayuan mula sa daan na pinaglalabanan. Siguro ay nag-alinlangan din siya mawala ang kanyang kalesa. Hindi madali makaangkin ng high breed abestrus, at hindi basta basta na mag-alaga nito. Kailangan pa ito palakihin sa wastong gulang para makapaghila ng kalesa.
Ngayon ay tinatahak nila ang daan papunta sa Amazon Town na makikita sa silangang bahagi ng kagubatan na pumapalibot sa Grassyland. Sinasabing nasa mahigit dalawang libo raw ang kasalukuyang naninirahan sa siyudad na ito.
Pagkaraan ng mahigit sampung minuto ay narating narin namin ang Amazon Town. Napapalibutan ito ng labing limang metrong pader na gawa sa bato at semento. Makikita rin ang mga tao sa taas nito na may hawak na sulo at iba ibang sandata. Halos walang makikitang armor na kanilang suot, tanging ang kakarampot na tela lang na nakatakip sa masisilang parte ng kanilang katawan. Hindi ko tuloy mapigilan na isipin kung hindi ba sila nakakadama ng ginaw sa klase ng kanilang pananamit. Kapansin-pansin din na babae ang karamihan sa kanila.
"Yman, alam mo bang sikat ang hot spring nila dito sa Amazon Town"
Habang akoy nag-iisip ng kung ano ano ay napukaw ang aking atensyon sa sinabi ni Khan.
"H-hot... spring?"
Napatanong ako sabay pagkabigla. Dahil hindi ko inaasahan na marinig ang tungkol sa hotspring na matagal ko ng gusto makita at maranasan.
"Oo hot spring, bakit hindi mo ba alam kung ano ang hot spring?"
"Hindi naman sa hindi alam pero sa mga libro at larawan ko lang ito nakikita."
Syempre alam na alam ko ito. Pero hindi ako mahilig gumala noong akoy nasa upperworld. Wala rin kaming sapat na pera para sa ganitong mga bagay. Lalo na at may sakit ang aking ina.
"Talaga?"
"Oo."
Tapat kung sagot kay Khan. Naramdaman ko na biglang naging excited si Khan habang binabanggit ang tungkol sa hotspring. Kitang kita na gustong gusto niya ito. Ako rin naman, gustong gusto ko rin maranasan makaligo sa sinasabi nilang hot spring.
"Kung ganun swerty ka at pumunta tayo rito."
Excited na sabi ni Khan sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang kumurba ang aking labi paitaas. Sana pala pinasama ko si Rea. Narinig ko na nakakarelax ito ng katawan at maganda pampawi ng kapaguran.
"Mhm!"
Tumango ako sabay pakawala ng ngiti sa mga labi.
Namangha ako pagkarating namin sa loob ng Amazon Town. Dahil parang may festival ata. Halos hindi madaanan ang maluwag na kalsada dahil sa rami ng taong dumaraan. At mayroon ring mga merchant sa gilid ng daan na abala sa pag-aatupag ng kanikanilang kostumer. Makikita rin ang mga lantern na nakalambitin sa mga mataas na poste patawid sa daan. May iba ibang tugtugin din na maririnig habang may sumasayaw sinasabayan ang bawat pagbabago ng melodiya.
"Napakasigla naman ng lugar na ito" ang tangi kong nasambit.
Dahil maaga pa ang gabi ay makikita rin ang mga batang masayang masaya na naghahabulan.
Sa pagkakaalam ko, kaya tinatawag na Amazon Town ang lugar ay dahil sa tribu ng mga babaeng madirigma. Tinatawag ang mga babaeng ito na Amazona, madalas ay kulay tsokolate ang kanilang balat at kilala sila sa pagiging agresibo.
Pero mukhang mali ang hinala ko huh, dahil kung titingnang mabuti ang paligid ay halo-halo ang mga klase ng tao. Mayroon din naman makikitang mga babaeng amazona pero mas marami ang mga taga ibang lahi.
Pagkatapos makapaglibot napag-kasunduan namin na maghanap muna ng Inn na pwede naming maupahan sa loob ng isang gabi.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay meron kaming nadaanan na isang gusali. Kung saan makikita ang nag-iilaw na pormang nakahubad na babae na gawa sa pailaw. Kada patay sindi ng ilaw ay parang gumigiling ang hugis babae na gawa sa liwanag. Makikita rin sa taas ang malaking pangalang NIGHT PLEASURE!!
Nang mapansin ni Taz at Zak ang mga namumulang mukha ng dalawang menor de edad ay hindi mapigilan na mapangisi ang dalawa.
Sa ilang minutong paghahanap ay nakakita narin sila ng Inn na matutuluyan.
1000pesos ang bayad sa loob ng isang gabi. Dahil may festival kaya medyo mahal.
Pagkatapos makapagbihis ay mabilis na pinuntahan ni Yman si Khan para yayain ito na maligo sa hot spring. Magkaharap lang ang kanilang silid kaya paglabas niya ay agad siyang kumatok sa pinto ng silid nito. Ngunit bago pa siya makapagkatok sa pinto ay napansin niya na bukas ito. Dahan dahan pumasok si Yman nang mapansin niyang may tao sa silid. Sa isip niya ay siguro nagbihis pa ito.
"Khan tara sabay na tayo mag-hot s... !!"
"!!"
Hindi natapos ni Yman ang sasabihin dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi si Khan ang kanyang nakita. Kundi isang nakatalikod na magandang naka-underwear ng kulay mapusyaw na asul na babaeng may mahabang kulay gintong buhok. Makikita rin ang mapuputing bundok nito nang biglang lumingon dala ng pagkabigla.
"KyaaaaAAAHHHH!!"
Sumigaw ang babae sabay takip sa kanyang masilang parte ng katawan. "BASTOS!!" Buong katawan na pamumula. Halos aapaw naman sa ilong ni Yman ang kanyang dugo dahil sa napakagandang tanawin na kanyang nakita.
"Papapa-pasinsya na Miss!! Mali lang ang napasukan kong pinto!!" Mabilis na yumuko at pinikit ni Yman ang kanyang mga mata sabay hingi ng tawad.
"LabaaaassS!!"
Sigaw ng naka-underwear na babae.
"Yeyeyeye-yes!! S-sorry!!"
Tumalikod si Yman na parang robot habang nakapikit ang mga mata. Dahil sa hindi makapag concentrate ang kanyang isipan ay "Pok!" Tumama sa gilid ng pinto ang kanyang mukha.
Kahit iniinda ang sakit dala ng pagbangga sa gilid ng pinto ay mabilis na lumabas. Pero bago pa siya makalabas.
"Sarado mo yung pinto!!"
"Yeeess!!"
Pak!!
Pagkalabas ay huminga siya ng malalim. Naisipan nalang niyang hanapin si Khan. Kamot ulong naglakad si Yman pero kahit anong paghahanap ay hindi niya ito nakita.
Nakakapagtataka naman, pagkakaalam ko sa harap ng silid ko ang silid ni Khan. Pero bakit iba ang nadun? Ahem!(umubo ng mahina si Yman para iwaksi ang pagbabalik tanaw sa magandang tanawin) At nasaan na kaya si Khan? Lumipat ba siya ng silid? Wala pa naman akong mapagtanungan dahil may pinuntahan ang dalawang uncle niya. Hmm, siguro nauna na siya sa hot spring.
Nang hindi parin niya mahanap si Khan ay naisipan ni Yman na magtanong tanong sa mga residente ng lugar, kung saan makikita ang sinasabing sikat na hot spring?
Mahigit sampung minutong paghahanap ay nakita narin niya. Ang matagal nang gustong makita sa personal. Ngunit nagulat siya dahil wala si Khan dito.
Pagkatapos niya hugasan at punasan ang kanyang katawan ay dahan dahan lumusong si Yman sa hot spring. Magkahalo ang kanyang nararamdamang saya.
Haaaah!!
Nakakarelaks pala talaga. Parang nawawala ang pagod ko at parang mabilis na bumabalik ang mga nawala kong mana.
Teka, hindi naman talaga ako pagod. Tingin ko nga wala akong kapaguran.
Hehe joke lang, syempre napapagod din naman ako. Pero kung pag-uusapan ang tungkol sa naganap na laban kanina ay hindi ako napagod dun. Mabilis lang naman yun natapos, kumpara sa mga nagdaang laban ay balewala yun lalo na yung laban ko sa mga ghoul. Pero kakaiba yung mga bandido kanina. Para silang ekspertong assassin. Lalo na yung leader nila. Siguradong hindi pa niya ginagamit ang buong lakas sa laban na yun.
Ilang minuto ang nakalipas ng pagbabad ni Yman sa hot spring.
Hmm...
Sino kaya yung babae kanina? Eh?!! Teka lang! Kung titingnang maayos... kulay gintong buhok, pati tangkad pareho, pati mukha kahawig? At higit sa lahat, yung boses niya pareho nung boses na narinig ko habang nilabanan ang bandidong may scimitar. Hindi kaya... babae talaga si Khan?
"Babae si KhaaAANNN??!!" Sigaw ni Yman nang mapagtanto ang katutuhanan.
Woosh!!
Pok!
Aray!!
Manahimik KaaAAAHHH!!
Dahil sa lakas ng boses ni Yman umabot ito sa katabing hot spring kung saan kasalukuyang nakababad si Khan. Natamaan tuloy siya ng flying timba sa ulo.
Pagkatapos makapagbabad sa hot spring ay nagkausap ang dalawa at nalaman ni Yman na totoo ngang babae ito at ang tunay na pangalan ay Khana Margarita. At kaya nagbalat-kayo siya bilang lalaki dahil may humahabol sa kanya. Pero dahil nalaman parin ng mga humahabol ang tunay niyang pagkatao, ay wala ng rason pa para mag-disguise pa siya. Ngunit, hindi na kinalkal pa ni Yman ang pagkatao ni Khana dahil ayaw niyang madamay pa sa problema nito. Sapat na sa kanya na malaman ang tunay nitong kasarian at pangalan.