Chereads / Self Healing Magic / Chapter 51 - New Update?

Chapter 51 - New Update?

Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay bumalik na sa kanyang silid si Khana. Pumasok narin si Yman sa kanyang silid at kasalukuyang nakaupo sa kanyang higaan. Sa kanyang leeg nakasabit ang towalyang ginagamit pang punas sa basa pang buhok.

Napag-isipan ni Yman na silipin muna ang kanyang interface dahil hindi pa siya inaantok.

Interface!

GHOUL SLAYER

Yman Talisman

Level 4

————

STATS

HP: 4500/4500

MP: 1600/1600

Stamina:100%/100%

Rank: C

Job: Healer

————

Atk:

270+100

Matk:

201

Def:

105

Mdef:

101

Eva:

165

Acc:

45

————

Str:

5

Int:

1

Dex:

1

Agi:

31

Vit:

1

————

Extra Points: 0

Exp: 2400/100000

————

SKILLS

Magic Skill: 

•Super Heal[Active]

•Enforce II[Active]

•Restoration II[Active]

•Resist[Passive]

Magic Type:

•Self Healing Magic

•Self Buff Magic

•Self Healing Magic

•Self Resistance

Magic Rank:

•Super Heal[D+]

•Enforce[D+]

•Restoration II[C]

•Resist[C]

Talent:

•Black Energy

Dahil nilagay lahat sa agility ang lahat ng kanyang extra points, ay tumaas ang kanyang evation ng 120 at 60 naman sa kanyang strength. Napromote rin ang dalawa niyang skill na Heal at Restoration. Naging Super Heal ang kanyang Heal at naging Restoration II ang kanyang Restoration. May bagong nadagdag din sa kanyang skill, ang passive skill na Resist. Maganda ang skill na ito. Dahil may bawas ito sa damage na pwede niyang matamo sa magic man o sa physical.

Napansin din niya ang mga bagong unread mails sa kanyang Mail Section. Sinubukan niyang tingnan...

Tap!

MAIL's

[Inbox]

•[\_/]Unregistered ID (15)

•[\_/]Ms. Boobs (10)

•[\_/]Lolli (5)

•[\_/]Anonymous (15)

•[\_/]Cute (3)

[Next]

Ito ang mga unread mails na makikita sa mail section ni Yman. Makikita rin dito kung anong oras at petsa ito pinasa sa kanya. Unang tiningnan ni Yman ang mail mula kay `Cute' na sender.

•Cute:

08:10am (Yesterday)

[Gising na! \(*^*)/]

07:40am (Yesterday)

[Gising kana?]

07:10am (Yesterday)

[Saan ka?]

Nagtaka si Yman dahil dumarami ang mail ng Anonymous at Unregistered ID. Pero hindi naman niya kilala ang mga ito. At dahil hindi pa niya nabasa ang mga message ng Unregistered ID ay naisipan niyang tingnan ito ngayon.

Tap!

•Unregistered ID:

19:10pm (Today)

[You can't hide from me this time!]

18:57pm (Today)

[See you soon!]

-:-

[I'm coming to get you!]

-:-

[Where are yoouuu!]

[•••]

Hindi na niya tinapos basahin lahat dahil sa kakaibang message nito. Sa isip ni Yman ay, meron ba akong nagawan ng masama? Bakit parang nakakatakot ang message ng sender na'to? Anong problema niya? May galit ba siya sa akin? Sino sino kaya ang mga prank na'to. Siguro kasamahan niya yung anonymous. Eh! Hindi kaya na-hack na ID ko??? Wag naman sana! Tsaka wala pa akong nabalitaang may nahack na account ng Interface.

Nilaktawan ni Yman ang message ni Anonymous dahil baka mananakot lang din ito. Sunod sinilip ni Yman ang message ni Miss Pai. Nang mabasa ang mga message nito ay hindi mapigilang mapangiti siya. Napuno ng pangungumusta at pag-aalala.

Sunod niyang binasa ay message ni Lolla. Nagulat si Yman dahil pinapauwi na siya.

"Hehe, namimis na ata ako ni Lolla. Hmm, at ano kayang ibig niyang sabihin na may bagong system update? mukhang kailangan kong bumisita dun. Uhm! Video call ko muna si Lolla."

Tap, tap, tap!

Dialing...

.....!!

Click!

"Uhm Yman?! Ikaw ba yan?!"

"Yes I'm Yman."

"Hindi kita agad nakilala."

"Eh? B-bakit?"

"Kuku mukhang may malaking nagbago sayo uh."

"G-Ganun ba? Hindi ko pansin."

"Kukuku" makikita ang tuwa sa mukha ni Lolla nang makausap na ang binatilyong hindi na nakabalik nang magtungo sa Engkantasya.

"Hehe, Lolla kumusta."

"Okay lang ako! Ikaw kumusta kana!"

Naisip ni Yman na hindi pala pwede malaman ng taga EMRMHS ang sitwasyon niya.

"Okay lang, nagpapagaling pa."

"Bakit feeling ko mukhang wala namang deperensya sayo. Mas mukha ka ngang maysakit dati kaysa ngayon."

Hindi alam ni Yman kung masaktan siya sa sinabi ni Lolla. Ano bang tingin ni Lolla sa akin dati? Sakitin?!

"Ma-magaling lang mga magic doktor dito. Ahaha!"

Nagpatuloy ang kwentuhan nilang dalawa ng halos dalawang oras. Kinumusta rin ni Yman si Ms. Pai mula kay Lolla. Nalaman niya na napaka busy nito sa ngayon dahil sa mga paparating na events. At kailangan niyang gabayan ng maigi ang mga estudyante, lalo na't sila ang pinaka lowest sa lahat ng section. Nalaman din ni Yman na sobrang nag alala ito sa kalagayan niya nung mga araw na wala pang balita tungkol sa kanya. Nakadama ng pagka-guilty si Yman dahil dito.

Huli nilang napag-usapan ang tungkol sa bagong system update. Sinabi ni Lolla na mayroong bagong section na madagdag pero hindi pa niya alam kung ano. Pero sigurado raw ito na makakatulong sa mga magician. Lalong na-kuryos si Yman sa mga sinabi ni Lolla. Buti nalang sinabi ni Lolla na balitaan niya si Yman kung available na ang bagong system updates. Sinabi naman ni Yman na nasira ang kanyang EB. Pero sabi ni Lolla ay okay lang dahil pwede naman pala ito palitan ng brandnew kung hindi na talaga maayos, pero yun ay kapag makabalik na siya sa Akademya ng EMRMHS.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay tiningnan niya ang oras sa Interface, 09:10pm na ang nakalagay. Kaya lang, hindi pa siya dinadalaw ng antok kaya dumungaw muna siya sa bintana para makapag isip isip ng mga bagay bagay at mag muni-muni.

Tumingin siya sa unahan kung saan makikita ang matinding liwanag na nagmula sa kasiyahan ng festival. Ilang sandali ay biglang pumasok sa kanyang isip ang kakaibang tinig na kanyang narinig nung siya'y gumamit ng talent. Speaking of talent, malaki ang pasasalamat ni Yman dahil nakokontrol niya ito at hindi parang halimaw na nagwawala. Buti nalang talaga at hindi yun kabilang sa dahilan ng malaking warning sign.

Kaya lang mula noong pagkatapos niyang gamitin ang talent ay hindi na niya narinig pa ang boses na maliit at mahiwaga.

Kinabukasan...

Shiing, shiing, shiing!

Mabilis na pagwasiwas sa bitbit na espada para sa mga halimaw na may mahabang katawan.

Swoosh, swoosh, swoosh!

Nagpaulan naman ng palaso ang isang dilag na may gintong buhok.

Sunod sunod ang pagkawala ng mga hybrid snakes sa paligid na pumapalibot sa dalawang ito.

Hissssh!

Dalawang adventurers naman ang makikitang nanonood lang sa hindi kalayuan.

Hissssh!

Isang hybrid snake ang nagbabalak kagatin ang binti ng isang dilag. Ngunit bago paman makagat ang maputing binti ay isang dagger ang bumaon sa katawan ng hybrid snake. Agad itong naging itim na usok at nagbigay ng 100 Exp at hybrid snakes skin.

"Salamat Yman."

"Walang anuman."

"Last naba yun?"

"Sa tingin ko."

"Haay, salamat naman. Paubos na mana ko."

"Haha nagpapaulan ka kasi ng malalakas na skills."

"Hmph! Kita mo naman na ayaw ma 1hit ng palaso ko."

"Saan mo ba nilalagay ang mga extrang points mo?"

"Sa dexterity at agility at kunting vitality pampataas ng buhay."

"Ahaha, kaya pala."

"Bakit?"

"Wa-wala."

Sa totoo lang, mabuti na nilagyan ni Khana ang kanyang dexterity dahil importante ito sa mga katulad niyang archer. Maganda rin na naglagay siya sa kanyang agility. Dahil pinapabilis nito ang kanyang mga kamay. Medyo mataas na kasi HP ng mga monsters na ito kaya naintindihan ko kung bakit nahirapan si Khana na talunin ang mga ito ng isang tira lang. Pero sa tingin ko ay masyado pang maaga para pataasin ang kanyang vitality. Sa bagay nasa sakanya naman yun kung alin gusto niyang pataasin.

"Hmm, ganun ba?"

"Congrats sa inyong dalawa Yman at Khana."

"Salamat Uncle Taz."

"Sunod na task ay...."

•Collect 50 blue beak from Blue Beak Bird

"Ah yan ba? Malapit lang dito ang pinamumugaran ng mga halimaw na yan." Sabi ni Zak.

"Talaga Uncle Zak?" sabi ni Khana.

"Oo, siguro makakarting tayo dun ng dalawang oras sa pamamagitan ng paglalakad."

"Eh? Paglalakad?"

"Kailangan mong sanayin ang sarili mo Khana kung gusto mong lumakas." Sabi ni Uncle Taz.

"Hah! Okay."

"Ahaha." Tumawa lang si Yman sabay kamot sa nangangati nanamang ilong gamit ang likod ng kanyang palad.

Lumipas ang dalawang oras na paglalakad. Ngayon ay narating narin nila ang lugar kung saan naroroon ang mga halimaw na tinatawag na Blue Beak Bird.

Makikita ang lugar na ito sa taas ng bundok na nasa hilagang bahagi ng kagubatan. Sinasabing sa ilalim ng bundok ay matatagpuan ang kweba kung saan naroroon ang halimaw na Mini Boss.

Nagulat si Yman at Khana nang makita ang halimaw. Dahil parang ordinaryong mga ibon lang ito tingnan. Ang pagkakaiba lang ay kulay asul ang kanilang tuka. Ang kanilang balahibo sa likod ay pormang 'V'. Hindi lang yun, mabilis pa ito kumilos.

Naisipan ni Yman na mahihirapan siyang patayin ang mga ito gamit ang espada lalo na't wala siyang skills. Kaya kinuha niya ang pana na pag mamay-ari ng bandidong nakalaban. Kahit hindi archer ang kanyang class ay hindi naman basta basta ang kanyang stats. Pang level 5 ang dexterity niya kaya medyo asintado siya kunti.

Nagulat ang tatlo sa ginawa ni Yman. Hindi nila maintindihan ang isang ito. Kala nila swordsman ang binata. Pero ngayon gumamit ito ng pana? Alin ba talaga? Hindi rin nila napansin na gumamit ito ng kahit anong skills. Maliban sa isang buff na tinatawag na Enforce II.

Ilang sandali ay tila umuulan ng palaso ang buong paligid. Nagpapaunahan si Khana at Yman sa pagpatay ng mga halimaw. Ngunit, hindi nila inakala na kayang magpakawala ng shockwave ang mga halimaw. Tinulungan ni Zak at Taz si Khana para sanggain ang iba pang shockwaves na hindi na kayang ilagan ni Khana. Pero nanlaki ang kanilang mata sa binatang kasama. Dahil ilang beses na ito tinamaan pero tila walang kaubusan ang HP nito. Anong klaseng halimaw ang taong ito? Hindi nila mapigilang magtanong.

Dahil sa lifesteal na additional effect ng espadang Bonesword ay mabilis na bumabalik ang buhay ni Yman kada tama ng palaso sa mga halimaw.

Hindi ito alam ng tatlo kaya wala silang magawa kundi isiping halimaw ata ang binatilyong ito. Tingnan mo naman, ang bilis nawawala ng galos at sugat niya sa katawan.

Pero hindi alam ni Yman ang mga pinag-iisip nila patuloy lang siya sa pagpapakawala ng palaso sa mga munting halimaw. Kahit minsan ay sablay ang kanyang tira.

Hindi manlang niya napansin na tumigil na si Khana sa pag-atake at bumuntong hininga nalang habang nakatingin sa kanya.

Sa paningin naman ni Yman ay halos umuulan ng pop up notification tungkol sa pagkapatay sa halimaw, exp gain at drops. Meron din napansin si Yman na accessories na drops. Hindi lahat ng napatay niyang Blue Beak Bird ay naglalaglag ng blue beak. Kaya medyo naparami ang kills.

At dahil naubos narin ang kanyang palaso ay kahit ano nalang na makita basta pwede i-panghagis ang kanyang ibinato sa mga halimaw. Yung hindi maswerte na lumapit ay makakatikim ng matalim na Bonesword. At yung nasa malayo ay swertihan nalang kung matamaan o hindi ng mga bagay na ibinato ni Yman.

Biglang nag-dot ang mga mata ng tatlo nang makita ang pinaggagawa niya. Si Khana ay nagkukulay asul na ang mukha. Sa isip niya ay binubully ni Yman ang mga kawawang ibon.

Halos nagtagal ng mahigit isang oras ang laban bago nakompleto ni Yman na kolektahin ang 50 blue beak.