Pagkatapos makumpleto ang pagkolekta ng 50 blue beak ay agad bumaba ang grupo sa bundok.
Pagkababa ay nagulat nanaman ang tatlo sa sinabi ni Yman na magpapaiwan dahil mayroon pa siyang nais gawin sa lugar na ito. Hindi nila alam ang takbo ng pag-iisip ni Yman. Napakahiwaga talaga ng binatilyong ito. Sino ba naman ang gustong mapag-isa sa lugar na puno ng halimaw. At ano ba ang sinasabi niyang may gagawin pa? Wala namang ibang pwede gawin dito kundi makipag laban sa mga halimaw. Kahit naguluhan si Khana ay pumayag narin siya na magpaiwan si Yman. Pero bago pa tuluyang umalis ay nakipagpalitan muna siya ng ID sa binata.
Kahit nagdadalawang isip ang tatlo na iwanan ang binatilyo ay wala na silang magawa sa kagustuhan nito. Dumiretso ang tatlo sa Amazon Town. Mula roon ay sasakay sila ulit ng kalesa pabalik sa Engkantasya.
Si Yman naman ay sinimulan agad ang paghahanap sa pasukan ng kweba kung saan makikita ang sinasabing Mini Boss.
Habang naglalakad ay sinilip niya ang laman ng kanyang storage. Napansin niya kanina na may accessories siyang napulot. Naka ilang swipe si Yman bago niya ito nakita. Pinindot niya at tiningnan ng details nito.
[Metal Ring]
•All stats +2
Hindi ito rare at mukhang napakakumon. Tingin ni Yman kahit si Khana ay nakapulot din nito. Pero hindi na masama ang stats, lalo na at lahat may dagdag. Mabilis na ini-equip ito sa kanyang inventory. Dahil hindi ito highgrade ay walang loading na makikita at diretso itong nag-equip. Bigla agad naramdaman ni Yman ang kunting nadagdag sa kanyang lakas, bilis at sa iba pang stats.
Mahigit kalahating oras na siyang naglakad lakad pero hindi parin niya ito nakita. Habang naglalakad ay may mga hybrid snakes ang paminsa minsan umaataki sa kanya. Pero gamit ang espada at dagger ay mabilis niya itong napapaslang. Lalo na at nadagdagan pa kunti ang kanyang lakas.
Nasa 18400/100000 na ang kasalukuyang exp ni Yman. Marami rami pang exp ang kanyang kailangan kung gusto niyang maglevel up. Pero narinig niya na mas malaki ang mga bigay na exp ng mga Mini Boss. Hindi lang yun, may chance pa makakuha ng high grade equipments. Kaya bago umuwi sa Engkantasya ay naisipan niyang subukan itong kalabanin gamit ang kanyang talent.
Nitong umaga sa EMRMHS naman.
Maraming estudyante ang nagtipon tipon sa harap ng malaking pintuang daan para masilayan ang pag-alis ng mga estudyanteng pupunta sa pagdiriwang sa bulwagan ng palasyo ng engkantasya.
Princeeessss!!
Sigaw ng mga estudyante sa paligid nang makita ang parating na si Mina. Ngayon ay nakasuot siya ng white dress at makikita rin sa kanyang ulo ang white hat. Tangay tangay nito ang kanyang maliit na malitang may gulong.
Princeeeesssss!! Goodluuuck!!
Malakas na sigaw ng mga estudyante habang nagpupuso ang kanilang mga mata, babae man o lalaki ay pareho ang reaksyon sa kanilang mga mukha nang makita si Mina. Kanya kanyang sigaw at pagpapalipad ng flying kiss sa direksyon ni Mina.
Makikita rin ang grupo ni Kiko sa hindi kalayuan. Kitang kita sa mukha nito ang pagkabahala at galit. Dahil nandun sa lugar na iyon ang taong yun. Ang taong kinamumuhian. Kahit anong mangyari ay hindi niya hahayaan na mapasakamay ng taong yun ang pinakamamahal na si Mina. Para kay Kiko, si Mina ay hindi nababagay sa mahina at lampang pulubi na si Yman. Nababagay lang si Mina sa mga katulad niya! Gwapo, mayaman at malakas ang mahikang taglay. Lalo na ngayon na level 5 na siya. At marami na rin siyang malalakas na skills! Siguro next year magiging kabilang na siya sa mga special students. Kapag nangyari yun ay liligawan na niya si Mina. Pero sa ngayon, hindi niya hahayain na may ibang aangkin dito. Lalo na ang traydor na Yman na yun!
Ilang sandali ay nagsidatingan na ang iba pa. Pati sila Leon at Undying ay dumating narin at kasalukuyang kausap si Mina at Kesha. Lalo nagkagulo ang estudyante dahil sa mga idol nila. Ngunit, hindi inakala ng karamihan ang panglima sa mga napiling dumalo sa pagdiriwang. Dahil hindi pa maraming estudyante ang nakakita kay Maena.
Pero nagulat sila sa ganda nito. Lalong naghugis puso ang mga mata ng mga estudyante. Ngayon lang sila nakakita ng isa pang dyosa na katapat ng kanilang Black Princess.
Agad na sinalubong nila Chloe si Maena. Sabi naman ni Bob na ikukumusta nalang daw siya kay Yman kung magkita sila.
Nilapitan din ni Mina at Kesha si Maena nang makita ito.
Halos nagkagulo ang paligid sa pagdating ng isa pang dyosa.
Pati mga kasama ni Kiko ay nagpupuso ang mga mata nang makita si Maena. Pero para kay Kiko si Mina parin ang sakanya.
Pagkarating ni Mr. Mar Mari ay dumiretso na agad sila. Sakay ng malaking kalesa, nagsimula na nilang tahakin ang daan patungo sa Engkantasya. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagka-excited. Tamang tama na darating sila doon sa hapon ng lingo.
Sa kinaroroonan naman ni Yman,
Sa wakas ay nakita narin niya ang pasukan ng kweba. Naharangan ito ng mahahabang damuhan. Pagpasok ni Yman ay binati siya ng matinding kadiliman. Agad niyang kinuha ang flashlight na nasa kanyang storage.
Click!
Nang ini-on niya ang flashlight ay nagulat si Yman dahil sa dami ng mga nagliliwanag na mga mata nang tamaan ito ng liwanag mula sa flashlight. Biglang naalarma si Yman at binunot agad ang dagger na nasa kanang hita niya. Napansin ni Yman na ang mga mata na ito ay mata pala ng mga evil bats, na nakalambitin sa loob ng kweba. Dahan dahan nagpatuloy si Yman. Kitang kita ang bato batong lupa na medyo maamog nang tamaan ito ng liwanag.
Habang palalim ng palalim sa loob ng kweba si Yman ay napansin niya na lalong lumalapad ang espasyo nito habang siya ay palayo ng palayo sa pasukan. Makikita rin ang mga nagkukulay bahaghari na mga kakaibang klase ng bato nang tamaan ito ng liwanag mula sa flashlight. May mga makikita rin na parang mga matataas na haligi na gawa sa bato. At makikita rin ang mga butas butas na lupa. Nasa mahigit isang metrong radius ang laki ng mga butas na ito.
Kahit nasa ilalim siya ng kweba ay malamig ang kanyang naramdaman sa loob.
Hindi abot ng liwanag ng flashlight ang dulo ng mga dingding kaya hindi sigurado si Yman sa tunay na lawak nito. Kasing taas naman ng apat na palapag na gusali ang taas ng bubungan mula sa lupa.
Nagpatuloy lang sa paglakad si Yman habang nakaready ang sarili sa mga posibleng ambush. Sa kanyang kanang kamay ay bit bit ang high grade dagger mula sa bandidong imbisibol. Ilang sandali ay nakadama ng mga killing intent si Yman.
Apat na killing intent na mula sa apat na direksyon. Mukhang pinalibutan siya. Alam ni Yman na delikado ang mapalibutan ng kalaban. Kaya bago paman makalapit ang mga ito mabilis niyang inihinagis ang hawak na dagger sa unahan kung saan niya naramdaman ang isa sa mga killing intent. Hindi alam ni Yman kung anong mga halimaw ito pero base sa lakas ng killing intent na nilalabas ay siguradong nasa rank C ang mg ito.
Ziiing!
Maririnig ang tunog ng mabilis na paglakbay ng dagger sa ere nang inihagis ito ni Yman. Dire-diretso lang ito hanggang isang iyak ang maririnig.
GyaaaAAAAHHHH!!
Kaya lang hindi nito nagawang patayin ang halimaw. Biglang lumitaw ang red bar sa paningin ni Yman nang tamaan ito ng dagger. Nakita niya na may kunti pang red na natira sa red bar nito. Tantsa ni Yman ang total niyang atake ay nasa 386. Dahil ang bonesword ang naka-equip sa kanyang inventory ay walang bilang ang dagdag na attack ng kanyang dagger at iba pang special effects nito.
Napansin ni Yman na nasa 20/350 ang HP na makikita sa loob ng red bar ng kalaban. At dahil 386 ang total na atake ni Yman, kung ganun nasa 36 ang total na depensa ng halimaw na kanyang binato. Pero dahil rank C na halimaw ito ay may dagdag na 20 defense pa ang halimaw. Kaya 330 nalang ang total na damage ni Yman.
Hindi gumana ang +50% of total attack mula sa element dahil hindi naman ang Bonesword ang kanyang ginamit sa atake, dahil ang elements ay nabibilang sa special effects ng high grade equipments ay hindi gumagana ang epekto nito hanggat hindi ang mismong equipment ang ginagamit.
Ang lifesteal naman ay hindi nabibilang sa special effects ng Bonesword kaya kahit hindi ito gamitin ni Yman ay gumagana parin ang epekto nito. Kahit suntukin lang niya ang kalaban ay makakaagaw parin siya ng HP hanggat nababawasan niya ang kalaban. Nasa 5% naman ng total damage ang total na HP na madagdag kada lifesteal ni Yman.
GwaaaaAAAAAARRRRRR!!!
Malakas na sigaw ng halimaw at bigla itong sumugod. Dahil sa hawak na flashlight sa kanyang kaliwang kamay ay nakita narin ni Yman ang hitsura nito. Makikita naman sa dibdib ng halimaw ang nakabaon na dagger. Hindi alam ni Yman kung bakit hindi ito tumakas bagkus ay sumugod pa ito. Gusto ata ng halimaw na tumabla kay Yman. Ang halimaw na ito ay mayroong malambot na balahibo, maliit na mata at tenga, cylindrical na katawan at malaking mga kuko.
"Hybrid Sand Mole!" Gulat na saad ni Yman.
Napag-isip isip ni Yman ang dahilan ng malalaking butas kanina na kanyang nakita ay siguradong mula sa mga halimaw na ito.
Malakas na sumugod kay Yman ang halimaw. Base sa klase ng pagsugod nito na para bang isang train na walang preno ay siguradong balak niyang daganan si Yman. Ngunit bago paman ito makaabot sa kanyang target ay isa pang dagger ang bumaon sa kanyang ulo. Agad itong naging itim na usok. Na sinundan ng mga pop up.
[You've killed rank C monster hybrid sand mole]
[You've got hybrid sand mole claw]
[You've got hybrid sand mole fur]
[Exp gained +1000]