Chereads / Self Healing Magic / Chapter 55 - Undying

Chapter 55 - Undying

"Uh-eh.. pumunta kasi sa En...."

"Ehk!!"

Kacha, kachak... kachaa...!!

CreeEEEEAAAACCCKKK!!

KyaaAAAHHH!!

"Ba-bakit? A-anong nangyari?"

"Pa-pasinsya na! M-m-m-may mga halimaw sa unahan!!" Sigaw ng kutsero na nagmamaniho sa malaking kalesa.

"Halimaw?" Bulong ni Maena at mabilis na binuksan ang pinto ng kalesa para makita ang sinasabing halimaw ni mamang kutsero.

"M-Maen!" Tawag ni Mina.

Sumunod din ang iba para makita ang sinasabing halimaw.

"A-Anong klaseng halimaw yan?" Tanong ni Kesha.

"Gigant Spider" sagot ni Leo.

Limang mala-higanteng gagamba ang nasa unahan nakaharang sa daan. Kulay pula at itim ang kanilang katawan. Makikita rin ang mga kulay berdeng mga mata. Nagkumpulan ang mga gigant spider na tila may kinakain sa gitna ng kalsada. Ang mga halimaw na ito ay rank B monster. Isa sa pangunahin nilang abilidad ay ang pagtira ng malagkit na sapot. Kung saan binabalot nila ang magiging biktima bago pagpistahan. Kapansin pansin din ang matutulis at mistulang bakal nilang walong mga paa na ginagamit para atakihin ang kanilang kalaban.

"Kuku rank B lang pala. Oras na para makapag pasikat" mahinang binulong sa hangin ni Undying sabay suklay sa kanyang silky blond hair gamit ang kanyang mga daliri sa kanang kamay.

"Ako ng bahala!" Sabi ni Undying sabay litaw ng high grade equipments na long sword sa kanyang kanang kamay. Napaka cool nito tingnan habang dahan dahan humakbang palapit sa halimaw. Pero sa isip niya ay...

"panahon na para kayo'y mamangha at mahulog sa aking charisma. Kuku hindi ko na mahintay na maging lovesick na fangirl sa akin ang magandang blonde na dilag. Kung suswertihin ay pati si Prophet at Princess magiging isa rin sa mga fangirl ko. Hehe!"

Ang longsword na kanyang hawak ay isang epic na espada. Nagkukulay ng purple ang icon nito na makikita sa kanyang inventory. Halos lahat ng equipments niya kulay purple. Dahil mayaman ang pamilya niya, kaya nito bumili ng mga high grade equipments. Bawat isa sa kanyang equipments naghahalaga ng 10-20 milyon dollar. Napaka mahal ng mga epic na high grade equipments. Ngayon ang total niyang buhay nasa 30,000 habang ang mana ay nasa 10,000. Ang attack ay abot 750 at 350 naman ang kanyang defense at magic defense. Nasa 150 ang kanyang Evation at Accuracy. Kapag mayaman ka ay madali lang magpalakas. Kaya sa isip ni Undying, sino bang babae ang hindi magkakarandapa sa kanya? Mayaman, malakas at higit sa lahat gwapo.

Pero alam niya na hindi uubra ang yaman niya kay Mina. Kaya kailangan din niya magpasikat ng kunti para mahulog ito ng kusa sakanya. Hindi ginamit ni Undying ang mga armor sa katawan. Dahil mga resistance lang naman ang special attributes ng mga ito. At napansin niya na normal monster lang ang mga halimaw na nasa unahan at may tiwala siya sa kanyang pagkamatibay. Kaya nga tinatawag siyang undying dahil mas makunat pa siya sa mga tank. Pero syempre hindi lang yun ang rason. Dahil ang totoong rason kaya tinatawag siyang Undying ay dahil sa kanyang rank S magic.

Sinigurado ni Undying na mataas ang kanyang HP dahil para sa kanya, ay mas mahalaga ang kanyang buhay. Sino ba namang matino na gustong magkaroon ng kaunting buhay? syempre sa laban ay ang bilang ng buhay parin ang pagbabasihan at lakas ng atake.

Dahil pipityuging rank B lang naman ang mga kalaban. Sapat na ang epic na espada para sa kanila. Hindi na kailangan i-equip sa katawan ang mga armor na epic din na nasa kanyang inventory.

Ang mga gigant spider ay may 270 defense at dahil rank B ito may dagdag pang 30. Pero balewala ito kay Undying, sa laki ba naman ng kanyang atake. Siguradong 1 hit parin sakanya ang mga halimaw.

Ang normal na atake ng rank B na halimaw ay madalas nasa 500. Ngunit, ibang usapan na ang kanilang mga abilidad na may iba ibang laki ng damage.

Dahan dahan naglakad sa kinaroroonan ng mga halimaw si Undying. Nang nasa dalawampung metro nalang siya mula sa mga ito ay agad nagsitinginan ang mga halimaw.

Nakita ng mga halimaw na may bago nanaman silang pagpipistahan. Bilis na sumugod ang isa at nagpakawala ng agad ng sunod sunod na atake na parang gusto saksakin ang kalaban, gamit ang matutulis nitong mga paa sa unahan.

"Heeh, easy.. easy" sabi ni Undying habang nakangiti. Para sa kanya na level 6 na ay balewala ang bilis ng halimaw. Inilagan niya ang atake ng halimaw sa pamamagitan ng pag side step sa kanyang kaliwa at kanan.

"Go! Undying!" Biglang cheer ni Kesha.

"Hehe" tumawa si Undying nang marinig ang sigaw ni Kesha. Ngayon ay mas lalo pa siyang ginaganahan.

Ziiiiinnngg!!

Isang pincer attack ng dalawang matutulis na paa ang muntik na tumama kay Undying. Buti nalang nakayuko siya agad. Bigla naman kumunot ang noo ni Undying.

"Hehe, may maibubuga karin pala. Pero sayang lang at ako ang nakalaban niyo" pagkatapos sabihin ito ay nagpakawala siya ng asul na enerhiya. Biglang nababalutan ng asul na enerhiya ang kanyang espada. Isa ito sa pinaka mahina niyang skill. Rank B+ lang skill na ito, pero para sa mga halimaw na rank B ay sobra na ang lakas nito sa kanila.

Killing Blade!

Para lang nitong dinaanan ang kalaban at biglang naging usok. Isa itong pagsugod na atake kung saan malakas na itinadyak ang paa sa inaapakan at tumalon ng diretso sa kalaban at mabilis na ihampas ang espada mula sa tagiliran. Napaka cool nito tingnan lalo na at nagliliwanag ang espada niya.

[...killed rank B monster gigant spider]

[.....got gigant spider leg]

[Exp gained +2000]

"Hehe one down, tutunganga lang ba kayo diyan?" Sabi ni Undying sa iba pang halimaw habang makikita ang tamad niyang ngiti.

Nang makita ng mga gigant spider na mabilis lang nailigpit ang isa nilang kasama ay sabay sabay nagsisugod ang mga ito.

Zing, zing, zing! Ting! Ting!

Sunod sunod na atake ng dalawang spider habang pinalibutan si Undying. Ngunit hindi manlang nila magawang tamaan ang kanilang kalaban. Ilag sabay harang ng longsword ang ginagawa ni Undying para hindi matamaan.

Ngumiti si Mr. Mar Mari nang makita ito. Para sa kanya ay mukhang may chance na sila manalo sa parating na kompetisyon. Alam niya na malalakas ang mga special students ngayong taon na ito. Lalo na at dumagdag pa si Maena. Ang dalagang apo ng Head Chairman ng USNA. Hindi pa nakita ni Mr. Mar lumaban si Maena pero sigurado siyang hindi rin ito basta basta.

Wooosh!

Tumalon ng mataas sa ere si Undying dahil naisipan niya na hindi na cool kung patatagalin pa niya ang laban. Muli siyang nagpakawala ng enerhiya sa katawan at binabalutan uli ang kanyang espada.

Super Hard Hit!

Isa itong pangunahing atake ng mga swordsman at promotion skill ng hard hit. Madalas ay rank B+ ito pero dahil sa lakas ng enerhiya ni Undying ay rank A ang skill na ito sa kanya.

Mula sa taas ng ulo habang nasa ere mabilis itong nagdive paibaba at hinampas ng malakas diretso sa halimaw. Nagkabitak bitak ang lupa at lumindol ng mahina dahil sa lakas ng atake na ito. Agad naman naging itim na usok ang dalawang nasa malapit na halimaw.

"Kuku mukhang ginaganahan makikipaglaban si Undying" sabi ni Kesha sabay lingon kay Mina. Napansin ni Kesha na parang may gusto si Undying kay Mina dahil sa palaging ligaw tingin nito sa bestfriend niya. Pero hindi niya alam ang totoong motibo nito. Akala lang niya ay nagpapasikat si Undying para kay Mina. Sabagay halos lahat naman ng mga lalaking miyembro ng special students ay may gusto sa bestfriend niya. Maliban siguro kay Leon na hindi maintindihan ang iniisip.

"Haha sana huwag niyang sirain yung daan baka hindi tayo matuloy" nababahalang sabi ni Mina. Para sa kanya ay mas importante na makapunta siya sa Engkantasya kaysa sa labang nagaganap sa kanyang harapan.

Biglang may lumilitaw na question mark sa ibabaw ng ulo ni Kesha. Kung minsan ay hindi niya rin maintindihan ang pag-iisip ng bestfriend niya. Paanong mas nag-aalala pa siya sa daan? Sobra ba talagang siyang excited na makapunta dun? Alam ko na nakaka-excite pumunta sa Engkantasya. Pero iba parin ang pagkaexcited na makikita sa mukha ni Mina.

Napapalibutan ng puno ang kanilang kinaroroon kaya kung masira ang daan ay mahirapan sila magpatuloy. At yun ang inaalala ni Mina.

Tahimik lang si Leon habang nanonood. Pinakiramdaman din niya ang paligid kung may iba pang halimaw. Ngunit wala siyang ibang naramdaman maliban sa mga halimaw sa kanilang harapan.

Si Maena naman ay nakangiti habang nanonood ng laban. Aminado siyang malakas ang binata. Pero dahil ito sa malakas niyang enerhiya at mga mamahaling equipments.

Swoosh! Swoosh!

Nagpapaulan ng mga sapot ang dalawa pang natira. Mabilis na umatras si Undying para mailagan ito. Ngunit hindi nila binigyan ng pagkakataon si Undying at sunod sunod nagpapaulan ng sapot habang sumusugod.

Ting!

Mabilis na hinarang ni Undying ang kanyang longsword. Naramdaman niya na balak nito magpakawala ng sapot kaya mabilis siyang umatras. Ngunit tumalon ang gigant spider sa kanyang taas at lumagpas papunta sa kanyang likod. Sinundan ito ng tingin ni Undying habang nasa ere kaya hindi niya napansin ang isa pang sapot na mabilis na parating sa kanya.

Puta!!

Pak!

Tinamaan si Undying at agad nabalutan ng sapot. Dahil dito ay natumba siya. Ngunit dahil sa laki ng depensa at buhay niya ay para lang itong kiliti sa kanya. Kaya lang hindi siya makagalaw dahil sa sobrang lagkit ng sapot. Mula sa kanyang leeg hanggang paa ang nakabalot na sapot. Kahit malakas siya kung hindi naman makagalaw ang katawan ay useless lang. Ito ang isa sa mga nakakatakot na hatid ng abilidad ng mga halimaw. Kapag tinamaan ka at hindi handa ay posibleng mabaliktad ang laban kahit mas malakas kapa sa kanila.

Kahit kiliti lang sa kanya ang atake ng mga gigant spider kung paulanan siya nito ng sunod sunod na atake hanggang maubos ang 30,000 na HP ay manganganib ang buhay niya.

Nanlaki ang mga mata ni Undying sa masamang pwede mangyari sa kanya. Malakas niyang kinagat ang kanyang mga labi.

"Bwesit!"

Napansin ni Undying na nagbabalak na sumugod ang dalawa.

Nanlaki ang mga mata ni Kesha nang makita ang sitwasyon ni Undying. Hindi niya akalain na matalo ito. Dahil mukhang hindi naman siya seryoso sa pakikipaglaban kanina. Mukhang nagpabaya siya at hinayaan niya ang sarili na mahuli ng halimaw.

"Undying!" Sigaw ni Kesha.

Ngunit biglang nagpakawala ng matinding enerhiya si Undying. Gagamitin niya ang isa sa malakas niyang magic na rank A+. Biglang bumigat ang pressure at nagsayawan ang mga puno sa paligid.

SwooooOOOOSSSHH!!

WoooOOOOOGGGHH!!

Bago pa tuluyang magamit ni Undying ang malakas na skill ay dalawang bagay ang mabilis na lumipad at direktang tumama sa mga halimaw. Agad naman naging itim na usok ang mga ito nang tamaan. At natigil narin ang pagpakawala ng matinding enerhiya ni Undying nang mapansin na makagalaw na siya ulit. Kasabay ng pagkamatay ng halimaw ay nawala rin ang sapot na bumalot sa kanya.

"Eh?"

"Hah!" Nagpakawala ng buntong hininga si Mina. Buti nalang hindi natuloy ni Undying ang balak. Dahil kung nagkataon ay siguradong maabala at posible rin na matigil ang pagpunta nila sa Engkantasya. Sa mga kamay ni Mina ay may kakaibang hugis ng sandata.

Isang matalim na purong enerhiya at isang palasong nababalutan ng enerhiya ang tumapos sa dalawang gigant spider. Ito ay itinira ni Maen at Mina.

Biglang napangiti si Mr. Mar na kanina lang ay nakadama ng kaba. Mapapansin din na namutla ang kulay niya ng bahagya. Pero ngayon ay alam na niyang nagmana ito sa kanyang lolo na si Silver Hawk.

Ngumiti rin si Leon. Buti nalang naging maayos ang lahat. Pero hindi niya inakala na hindi rin pala basta basta ang lakas ng magandang babaeng kasama nila. Akala niya ay napili itong dumalo ng pagdiriwang dahil sa gandang taglay nito. Pero mukhang mali ang kanyang inakala. At bakit kaya nasa lowest section siya? Kahit gusto ito itanong ni Leon ay hindi naman siya mausyosong tao.

Malakas namang pinagsalubong ni Undying ang kanyang mga ngipin. Hindi niya nagustuhan na tinulungan siya sa pagpatay ng halimaw. Kayang kaya naman niyang tapusin ang mga yun. Kaso lang, hindi siya pwede magalit sa dalawang magandang babae. Kaya...

"Tsk!"

Pinitik nalang ang kanyang dila sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Pero sa isip niya ay paparusahan niya ang dalawang babaeng ito ng walang pahingang laban sa ibabaw ng kama kung mahulog ang mga ito sa kanya.

Sayang ang pagkakataon na makapagpasikat siya sa mga dilag na kasama.

Sa loob naman ng kweba ay nagsimula na ang laban ni Yman laban sa Mini Boss.