Chereads / Self Healing Magic / Chapter 61 - Piknik

Chapter 61 - Piknik

Dahil sa pagsasanay ng sword skill ni Yman sa nakaraang gabi matagal siyang nagising kinaumagahan. Buti nalang ginising siya ni Rea sa pamamagitan ng mga malalakas na katok ng pinto.

9am siya nagising at dumiresto na agad sa pamilihan. Para maghanap ng damit na masusuot para sa pagdiriwang ngayong gabi sa bulwagan ng palasyo. Ngunit, habang silay naglalakad sa pamilihan sa hindi inaasahan na pangyayari, ay biglang inatake si Yman ng binata na nakasuot ng magic high school uniform. Pero dahil sa bilis ni Yman. Dinagdagan pa ng agility mula sa ring. At hindi lang yun, napagkaalaman niya na kapag nagsasanay siya ay tumataas din pala ang mga stats. Hindi lang pala sa paglevel pwede pataasin ang mga ito. Kaya mas lalo siyang natagalan natapos ng pagsasanay.

Hindi lang sword skill ang kanyang sinanay. Pati narin ang kanyang katawan. Sa pamamagitan ng pag-ehersisyo o di kaya pagpraktis ng mga fighting style. Pero dahil una pa lamang niya itong nalaman ay hindi pa siya nakapag sanay ng mga fighting style. Balak niya sana magpaturo kay Ron. Kaso nalasing ito dahil nag-inuman pala silang dalawa ni Alexes sa guild bar. Kaya naisipan nalang ni Yman na mag-jogging, push-up, pull-up at iba pang klase ng exercise. Tumaas lang ng bahagya ang kanyang stats. Nadagdagan ng 2 points sa kanyang strength, agility at vitality. Siguro kung magpraktis siya ng shooting siguradong tataas ang kanyang dexterity ng bahagya.

Dahil kayang makadama ni Yman ng killing intent ay agad niyang napansin ang masamang balak ng binata sa kanya. Nung nagkahanay ang kanilang mga balikat ay napansin ni Yman na tinanggal ng binata ang mga kamay sa bulsa ng medyo maluwag niyang pantalon. Agad naman itong sinamantala ni Yman, inunahan niya ang kalaban. Hindi manlang nito napansin nang dumukot si Yman sa bulsa ng binata. At pinalitan niya ng mga hybrid rat tooth ang laman ng bulsa.

Swerte naman dahil mga alahas ang laman nito. At hindi lang basta alahas. Magaganda pa ang mga stats. Hula ni Yman ay mga nakaw ang mga iyon. Pero dahil hindi naman siya ang nagnakaw nito sa tindahan ay sa kanya na ito. Para sa kanya, drop items narin ito kung maituturing. Hindi maitago tuloy ni Yman ang kasiyahan habang tinitingnan ang mga details nito sa interface.

Kaso nga lang, ilang sandali ay sinugod ulit siya ng binata. Hindi alam ni Yman kung maawa o matawa. Dahil mukhang may galit ito sa kanya ng hindi niya alam kung bakit. Ganun ba talaga siya ka malas na bigla nalang atakihin ng walang kamalay malay? Pero naisip ni Yman na siguro hindi siya malas kundi swerte dahil grasya na mismo ang lumapit sa kanya.

Muntik na tuloy siya makapatay ng wala sa oras. Kasama pa naman niya si Rea ng mga oras na iyon. Buti nalang bago tumagos sa puso ang dulo ng Bonesword ay may gwapong lalaki na may piklat na pormang `X' sa kanyang noo ang umawat sa binatang parang daga ang ngipin. Naramdaman ni Yman na malakas ang gwapong lalaki at hindi basta basta.

Pagkatapos ng gulo ay dumiretso na sila Yman at Rea sa pamilihan ng mga damit na parang walang nangyari. Ngunit, wala silang napili dahil walang kasya ni Yman. Kaya naisipan nalang magpagawa ng damit sa mananahi. Gamit ang magic ay hindi ito aabutan ng tatlong oras sa pagtahi.

Kaya lang napagkaalaman nila na kailangan pa ng matibay na sinulid mula sa gigant spider na makikita sa kagubatan sa labas ng kaharian. Parehas ito ng mga halimaw na nakalaban ni Undying.

Dahil dito ay walang nagawa si Yman at Rea kundi mag-hunting muna ng gigant spider. Mabilis lang naman napatay ni Yman ang mga gigant spider. Inilagan niya ang mga sapot na itinira sa kanya sa pamamagitan ng pagtalon sa ere ng mabilis habang nagpaikot-ikot ang katawan papunta sa kalaban. Nang makalapit ay agad kinuha mula sa inventory ang Bonesword at hinampas mula sa ulo papuntang likod hanggang dulo/pwet ng gigant spider.

Isang spider pa ang mabilis na tumalon para atakihin si Yman. Ngunit, bago tumama ang spider ay nagbackspring paatras si Yman at pagkaapak ng mga paa sa lupa tumalon siya ng mas mataas pa sa gigant spider. Talon sabay tumbling sa ere para mabilis makapag-dive. Lumanding ang paa ni Yman sa likod ng spider at pinabaon ang dulo ng espada sa katawan ng higanteng gagamba.

Kahit wala pang almusal ay feeling niya ang gaan gaan ng kanyang pakiramdam, gayun din ang kanyang katawan.

Bago pa maging itim na usok ang gagambang inapakan ay tinadyakan niya ito ng malakas sabay talon ulit ng mataas sa ere. Na sinundan ng apat na dagger na nagliparan. Ang unang dalawang dagger ay patungo sa higanteng gagamba na nagbabalak atakihin si Rea. At ang pangalawang dalawang dagger ay patungo sa baba na nasa bandang kanan ni Yman.

Lumipas ang isang minuto, halos tatlumpung gigant spider ang natalo ni Yman. Medyo matagal kasi magdrop ang [gigant spider web] kaya naparami ng kills si Yman. Madalas nitong nilalaglag ay [gigant spider leg] at [gigant spider eye]. Sa isip ni Yman ay siguro dahil marami silang mata at paa kaya ito madalas ang inihulog.

Habang nanonood si Rea sa bawat galaw ni Yman ay lalo lang siyang nahuhumaling sa binata. Sa mga mata ni Rea napaka-cool tingnan ni Yman habang nakikipaglaban. Hindi manlang kayang sundan ng mga gagamba ang galaw niya.

Lalo na yung huling atake niya. Limang gagamba na sabay sabay tinalunan si Yman habang nakapalibot. At lima rin ang mabilis sumugod mula sa baba. Kung titingnang mabuti ay parang wala na siyang takas. Ngunit, wala manlang makikitang takot o kaba sa kanyang mukha. Ngumiti pa nga ito na para bang sa kanya kulang pa ang bilang ng mga halimaw.

Bago paman siya tamaan ng mga tumalon ay mabilis niyang itinusok ang dulo ng espadang Bonesword sa lupa at gumamit ng Earth Pillar sa kanyang sarili. Dahil napaghandaan niya na tataas ang lupang kinatatayuan walang gaanong naidulot na pinsala sa kanya ang sariling skill. Tumaas ang lupa at inihinto sa tamang taas, hinablot niya ang nakatirik na espada pagkatapos. Ilang saglit ay mabilis ipinaikot ang katawan habang iwinasiwas ang talim ng espada na parang elisi. Walang magawa ang mga spider na nagsitalunan kundi bumangga sa mala-elising talim ng espadang dala ng mabilis na pag-ikot ng katawan ni Yman. Nagkahiwa-hiwa ang mga katawan ng mga higanteng gagamba at wala manlang nagawa.

Nang maubos ang limang tumalon ay mabilis na hininto ni Yman ang pag-ikot. Pagkahinto niya ay nakadama siya ng kunting pagkahilo at medyo nasusuka pa. Pero okay lang, balewala ito kay Yman.

Yung mga nasa baba naman ay biglang nahinto sa pagsugod habang ang dalawa sa kanila na hindi agad nakahinto ay *bang!* *bang!* bumangga ang mga ito sa pillar at medyo na stun ng kunti. Mabilis naman nag-dive si Yman sa dalawang nahilo para tapusin.

Agad naging usok ang dalawa. Nang makita ito ng tatlong natira ay agad nagpaulan ng mga sapot. Ngunit parang gulong na mabilis nagpa tambling-tambling habang sumusugod. Sa sobrang bilis ay parang anino lang ang dumaan sa mga gagamba at agad naging usok ang kanilang katawan.

[.....killed rank B gigant spider] halos paulit ulit at sunod sunod ang ganitong notification na makikita sa paningin ni Yman. Pero sa wakas ay...

[You've got gigant spider web] nakakuha narin sila.

Bago bumalik sa loob ng kaharian ay biglang naalala ni Rea na may ginawa pala siyang meryenda. Nakalimutan niya ito kanina dahil nagmamadali silang umalis mula sa guild hall.

Nung tanungin ni Yman kung ginawa ba niya ang meryenda para sa kanya ay biglang namula ang pisngi ng dalagang engkantada. At nag-rason na naparami lang daw ang pagkagawa niya nito kanina nung inutusan ni Aunty Laura, pero sa totoo lang ay ginawa talaga niya ang meryinda para kay Yman.

Masaya silang dalawa na nagmeryenda sa gitna ng kagubatan na pinalibutan ng mga halimaw. Pero wala manlang lumalapit sa kanila. Naubos ata ni Yman ang mga gigant spider sa bandang ito. At maaari rin na nagdadalawang isip sumugod yung iba. Dahil sa loob lang ng isang minuto inubos ng lalaking ito ang marami sa kanilang kasamahan.

Paminsan-minsan ay lihim na sinulyapan ni Rea ang binata sa kanyang harapan. Napatawa nalang siya nang biglang nabilaukan ito dahil sa bilis ng pagsubo. Agad naman niyang inabutan ng tubig. Sa isip ni Rea ay medyo naguguluhan siya sa magic ni Yman. Dahil isa itong healer pero kung makikipag laban ay talo pa ang assassin. Pero mas lalo niyang kinaguguluhan ang magic nito na naglalabas ng itim na enerhiya. Gusto sana magtanong ni Rea pero umuurong naman ang kanyang dila. Feeling niya ay sasagot naman si Yman kung magtatanong siya tungkol sa mahikang yun. Pero naisip ni Rea na hintayin nalang ang binata na ito mismo ang magkwento sa kanya.

Isa pa, ay hindi maintindihan ni Rea ang kanyang nararamdaman. Kung bakit ang saya niya kapag kasama si Yman. At kung bakit gusto niya na laging nasa tabi nito.

"Maghunos dili ka Rea!" Sumbat niya sa sarili.

Pagkatapos mag-piknik sa gitna ng kagubatang puno ng halimaw ay bumalik agad sila sa tailoring.

Habang naghihintay matapos ang paggawa sa damit ay naisipan ni Rea na lumabas muna.

Ito rin ang dahilan kaya nakita siya ni Undying. At ngayo'y isang babaeng may ponytail na lavender na buhok ang dahan dahan papunta sa kanya.