Chereads / Self Healing Magic / Chapter 58 - Amulet

Chapter 58 - Amulet

Pagkarating ni Yman sa kanyang silid ay diretso ito nanghina at nawalan ng malay. Pero buti nalang nagawa pa niyang maihiga ang sarili sa malambot na kama.

Kinabukasan 10am na siyang nagising.

Napagkaalaman niya na medyo mabilis kumain ng stamina ang black energy. Pero okay lang dahil pwede naman pataasin ang kanyang stamina at lumalakas din siya kapag naglelevel up.

Kasalukuyang kumakain siya sa loob ng guild bar. Buti nalang bakante ang mesa kung saan siya laging pumuwisto. Pero kitang kita na maraming adventurers ang nag-iinom at kumakain sa araw na ito. Habang kumakain ay palihim na pinakinggan ni Yman ang mga pinagsasabi ng mga tao sa paligid. Dahil medyo may tama na siguro mula sa alak na iniinom ay malakas na ang mga bosses nito.

"Alam niyo ba... kung~hindiii lang akoO matalino! Ay nakU! SiguraAdo~ pagpippppis—tahan na tayO! Ng hali~maw na-yun!" Sabi ng isang lasing na adventurers. Sa kanyang kanang kamay makikita ang malaking transparent na mug na puno ng kulay dilaw na para bang kumukulo at sa ibabaw may makikitang parang bula. Nagtatapon-tapon pa ang mga laman nito dahil naglilikot ang kamay na humahawak. Ito'y tanda ng kalasingan.

"Aysus!! Kaya pa—la....i—niwan mo... kami Sly Fox. Muntikan! Oo muntikan... muntikan naa! Kamii! Maka—in ng lin—tik na Desert King!!" Sagot naman ng isa pang lasing sa lasing na unang nagsalita.

"GwahahaHAHA!! Swer-ty parin taYoO at bUhay fah!" Sabi naman ng pangatlong lasing sabay akbay sa dalawang kasamahan.

Taimtim lang na nakikinig si Yman habang kumakain. Napagkaalaman niya na, ang grupo ng mga lasing na ito ay sinubukang kalabanin ang mini boss na tinatawag na Desert King. Ito ay isang higanteng scorpion na matatagpuan sa area kung saan malimit dinaraanan ng mga tao. Marami nang adventurers ang nagtangka itong kalabanin pero dahil sa mga status ailments na kayang lasunin, paralyze, slow at stun ang kalaban ay nahihirapan ang mga adventurers na humahamon dito. Lalo na't nasa kalagitnaan pa ng desyerto ang pinupugaran ng Desert King.

Napangiti nalang si Yman habang pinakinggan ang mga pinagsasabi ng mga lasing.

Pagkatapos kumain ay naisipan niyang i-check ang kanyang interface. Kinuha niya sa bulsa ang isa sa mga RB na nakuha mula sa mga bandido at agad nilagay sa kanyang daliri. Isa itong ring type na RB. Pagka-log in pa lamang ay binati agad siya ng notification.

[Congratulation's new title aquired!]

[Equip new title?]

[Yes] [Cancel]

Gaya ng dati ay agad tiningnan ni Yman ang details. Para ma-achieve ang title na ito ay kailangang pumatay ng 50+ na hybrid snakes at patayin ang phantom black python na mini boss.

[Phantom Killer]

•+5 All Stats

•+25 Agility

•Dark Resistance

*ba-dump* *ba-dump* *ba-dump*

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Yman dahil sa pagka-excited. Ngayon may isa pa siyang dahilan kung bakit kinailangan niyang gamitin ang kanyang talent.

"Anong silbi ng skills kung hindi gagamitin. Kuku."

Pinindot niya ang [Yes] na choices at naramdaman niya ang dagdag sa lakas, bilis at sa iba pa niyang stats. Feel na feel din niya ang pag-angat ng stamina. Sunod na tiningnan ni Yman ay ang details ng maskara.

[Black Python Mask](rare)

•+25 Def

•+250 HP

•Night Vision

(Special attributes)

Hindi mapigil ang bugso ng damdamin at agad siya napangiti nang makita ang stats nito.

.

.

.

"A-anong ningiti-ngiti mo diyan mag-isa?" Biglang tanong ng masarap sa tengang bosses.

"Re-Rea?!" gulat na napalingon si Yman sa pinagmulan ng bosses.

"B-bakit parang gulat na gulat ka?" mahinang tanong ni Rea kay Yman at halata sa mukha na medyo nahihiya ito.

"Ahaha, pasinsya na. Kanina pa kasi kita hinahanap pero hindi kita makita."

Nang marinig ng bagong dating na si Rea ang sinabi ni Yman ay biglang namula ang pisngi nito at hindi agad naka sagot.

"Uhm, Umupo ka muna."

"S-sure" mahinang tugon ng dalaga.

CreeEEEAAAAKKKK!!

Dahil parang wala sa sarili, tumama ang tuhod nito sa upuan kung saan dapat siya uupo.

"Aww! P-pasinsya na!"

"Eh? O-okay ka lang." Natatarantang sabi ni Yman hindi niya alam kung bakit parang... wala ata sa sarili si Rea ngayon.

Dahil sa biglang ingay na dulot nito ay agad nagsitinginan ang mga tao sa paligid. Kasalukuyan silang nasa loob ng guild bar at katatapos lang ni Yman kumain at umiinom nalang ng juice.

"Diba si Miss Ella yan?" Sabi ng babaeng may kulay lila na maiksing buhok sa kasama niya nang makita si Rea na dahan dahang umupo.

"Ibig mo ba sabihin si Miss Ella na pamangkin ng Headmaser?" Tanong naman ng isang engkantado na may blonde hair. Base sa pananamit nito, isa itong ranger class na adventurers.

"Oo sino pa ngaba." Sagot ng babaeng kulay lila ang buhok.

"At sino naman kaya ang binatang kausap niya?" Tanong naman ng lalaking may malaking katawan at nakasuot ng silver plate armor.

"Baka manliligaw niya!"

"Manliligaw?"

"Tingnan mo naman parehong namumula ang pisngi ng dalawa."

"Tsk!"

"Adventurers din ba siya?"

"Sa tingin ko, baby ata" Sabi naman ng isa pang babae na kalbo.

"Baby pala ha!" Sabi ng engkantadong ranger.

"Ang lakas naman ng loob niya diskartihan ang pamangkin ng Headmaster. Tsk!" Sabi ng lalaking may malaking katawan.

"Mukhang kailangan turuan ng leksyon ang isang ito."sabi ng engkantadong may blond hair.

"Diba ganun naman talaga dapat kapag may mga bagong saltang baby na gustong magpasikat." Dugtong naman ng may malaking katawan.

(Baby=newbie)

Ito ang mga pinagsasabi ng iba pang tao sa paligid na kumakain at umiinom din sa lugar. Nasagap ito ng tenga ni Yman at napakamot nalang siya ng pisngi gamit ang hintuturo.

"Hah! Mukhang nangangamoy gulo." Bulong niya sa sarili.

"Uhm, ba-bakit mo ako hinahanap?" Nahihiyang tanong ni Rea.

"Magpapasama sana ako kung okay lang sayo." Nag-alinlangan na saad ni Yman.

"Eh? Saan?!" Mabilis na tanong ng dalaga.

"Maghunt ng mga mini boss." Mahinang tugon ni Yman. Medyo nag-alinlangan din siya na baka hindi pumayag si Rea.

"Ehem..(Isinang-ayos muna ni Rea ang sarili para hindi mahalatang excited na makasama ang binatang kausap)..S-sure." Mahinang tugon ni Rea kay Yman.

"Pa-payag ka?"

"mhm, kailan ba?"

Ngumiti muna si Yman bago sumagot.

"Sa mga susunod na araw." Determinadong sabi ni Yman.

"Eh?! Pero kailangan na natin pumasok sa magic high school."

"Ahaha, pagkatapos ng klase."

"S-sige k-kung yan ang gusto mo." Sabi ni Rea habang nakatingin sa ibaba.

Naisip ni Yman na kung mag-hunting lang din siya ng mga mini boss mas mabuti na isama niya si Rea para hindi masayang ang exp na pwede makuha. At kung suswertihin baka makakuha pa sila ng high grade equipments pareho. Hindi lang yun siguradong lalakas din si Rea kung makakakuha rin siya ng title kagaya ni Yman.

Pag nagkataon, ay may malakas na siyang ka-party kung gusto niyang magpalevel ng hindi gumagamit ng black energy.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay sinamahan ni Rea si Yman na mag register sa counter bilang bagong adventurers. Buti nalang at sinabi rin nila Taz, Zak at Khana ang tungkol kay Yman kaya wala ng gaanong katanungan at agad siyang natapos sa pagpapa-miyembro.

Isa na siyang ganap na adventurers. Makikita ang bronze na insignia hawak sa kanyang kanang kamay.

Dahil dito ay pwede na siyang magbinta ng mga drops. Naisipan niya na ibinta lahat ng mga nakuha. Nakalikom siya ng 450,000 pesos.

Ang medyo mahal na kanyang nabinta ay ang drops ng elder ghoul at phantom black python.

100k pesos ang presyo ng nag-iisang kaliskis. Ang tawag sa item ay [phantom black python scales]

Mas mahal lang kunti yung drop ng elder ghoul na nasa 150k pesos ang presyo. Ang pangalan ng item ay [elder ghoul wing]. Nasa 50k naman ang presyo ng isa pa nitong drop na [elder ghoul cloth].

Kaya lang napansin ni Yman nawala yung item na tinatawag na [monster core]. Ito yung item na drops ng unang ghoul na umatake sa kanya.

Dahil sa pagkasali sa guild ni Yman at para na rin sa dalawa na mag-uumpisa nang papasok sa lunes, ay naghanda ng kunting salo salo si Headmaster Laura Agila.

Masayang nagkukwentuhan ang lahat habang kumakain at paminsan minsan tinutukso nila si Yman at Rea. Pero gaya ng dati ay walang ideya ang dalawa sa mga pinagsasabi ng mga kasama.

"Ember ano nang balita sa taong yun." Biglang tanong ni Laura kay Ron.

"May kunti na kaming lead, Headmaster." Sagot ni Ron.

"Mabuti kung ganon. Mukhang mabilis din makapagtago ang isang yun."

"Haha, natural lang yun dahil isa siya sa mga beteranong adventrurers dito sa guild."

"Tama ka. Basta huwag lang kayong padalos dalos."

"Mhm.

.

.

.

Gabi na natapos ang kanilang munting salo salo.

Dahil medyo maaga pa ang gabi ay naisipan ng dalawa na maglakad lakad sa labas.

Habang may mga mata naman, na nagmamasid sa madilim na bahagi kung saan hindi naabutan ng liwanag mula sa poste na nasa gilid ng kalsada.

"Nabasa mo ba mensahe ko sayo kahapon?" Tanong ng babaeng may milky white hair at nakasuot ng dress na kulay puti.

"Ha? Uh-eh pasinsya na. Mula pa kahapon na hindi ko natingnan ang aking mail. At naka-off rin ang notification kaya hindi ko napansin." Sagot ng lalaki na nakasuot ng longsleeves na itim.

"Saan ka pala kahapon?" Tanong ng babae habang pinagsalubong ang mga daliri sa likuran at naka straight ang mga mapuputing braso na naglalakad sa tabi ng lalaki.

"P-Pumunta ako sa Grassyland." Sagot ng lalaki.

"Grassyland? Uh-uhm.. dahil ba sa huli mo'ng pagsubok?"

"Mhm!"

"Pero bakit hindi ka nakauwi agad?"

"Nagkaroon ng kunting gulo habang papunta palang ako. Kaya.. naisipan namin na dumiretso sa Amazon Town."

"Namin?"

"M-may nakasabayan kasi ako na nag-take rin ng pagsubok."

"Ah! Pero bakit hindi mo ako sinama?"

"Naisip ko na baka pagod ka."

"Hmm.."

"Naisip ko rin na baka galit ka sa akin."

"Ga-galit? B-Bakit naman ako magagalit?!" Nabigla na tanong ng babae.

"Uh-eh.. haha. Guni guni ko lang ata yun." sabi ng lalaki habang kinamot ang pisngi at tumawa ng kunti.

Habang nag-uusap ang dalawa ay mayroon namang parang mga bosses ng bubuyog habang pinagsalubong ng malakas ang mga ngipin.

"Grr! Ang torpeee naman ng Yman na ito! Hawakan mo ang kamay." Bulong ng bosses babae.

"Hah! Bakit ba ako nasama rito?" Sabi naman ng isa pang bosses babae habang hinawakan at pinailing ang ulo.

"Sssshhhh! Huwag kang maingay Nine." Sabi ng bosses babae kanina.

"Pa-pasinsya na!" Sabi ni Nine.

"Mu-mukhang masaya ang bunso." Sabi naman ng isa pang bosses babae.

"Oh Miss Ella." Sabi naman ng isa pang bosses na parang nagdarasal.

Ang apat na bosses na ito ay walang iba kundi sila Laura, Nine, Jesa at Seven. Kasalukuyan silang nagtatago sa madilim na bahagi sa gilid ng daan kung saan may puno at tanging ulo lang nila ang makikitang dumudungaw.

Sinusundan at pinagmamasdan nila ang dalawa habang naglalakad.

"B-bakit kaya sila nagtatago at nagmamasid?" Bulong sa isip ni Yman.

Umupo ang dalawa sa upuang gawa sa kakaibang kahoy. Dito umupo si Yman dati. Kung hindi siya nagkakamali. Makikita sa unahan, sa may eskinita ang black market.

"Headmaster tumayo ang dalawa."

"Eh? Saan sila pupunta."

"Hah! Bakit ba ako narito."

"Oh Miss Ella."

"Bakit ba paulit-ulit ang sinasabi ninyong dalawa?"

"Headmaster, tumawid sa kabilang kalye ang dalawa."

"Eh! Saan na?"

"Nawala ang dalawa."

"MereaAA masyado ka pang bata hindi ninyo pwedeng gawin yan, mag-aral muna kayo. Aray! Aray! Bakit maraming nangangagat? Seven heal!"

"Oh Headmaster, kagat ng langgam lang ya~n."

"Bilis makati talaga, aray! Help Seveeeen!"

Kukuku

Pumasok sa loob ng black market ang dalawa.

Creeaaak!

"Welcome."

Nagulat at napahawak sa braso ni Yman si Rea. Agad na pinasunod ng lalaking naka balabal ng itim at tanging ang may katandaan lamang na mukha nito ang masisilayan. Ito rin yung taong nagpasunod sa kanya nung unang pagpasok niya rito.

"Y-Yman anong lugar ito?"

"Black market."

"B-black market?"

"Isa itong tagu na tindahan ng mga iba ibang klaseng item na pinagbabawal ibinta."

"Tagong tindahan? Pinagbabawal ibinta?"

"Mhm!"

Nang makaliko na sila sa kanan ay binati sila ng hilihilirang nagtitinda. Nagulat si Rea nang makita. Hindi niya akalain na may ganito palang klaseng tindahan sa lugar. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Yman ang tagung lugar na ito. Diba first time pa niya makapunta rito? Hindi maiwasan na mapatanong sa sarili si Rea. Pero parang wala namang kakaiba sa mga binibinta nila. Wala rin siyang nakitang pinagbabawal na ibininta gaya ng sinabi ni Yman.

"tara."

Biglang pagyaya ni Yman.

"Eh? Hindi pa ba rito?"

"Hehe, hindi. Nasa pinakalikod pa ang pakay natin."

"G-ganun ba."

Pagkarating sa pinakadulo nakita ni Rea ang nag-iisang tindahan. Ngunit pinaka-naiiba ang tindahang ito. Dahil sa mga tinitinda nitong mga pinagbabawal itinda ng walang pahintulot. Sa isip ni Rea, ito pala ang tinutukoy ni Yman.

Bumili ng dalawang RB si Yman. At naghanap din siya ng item na pwede pataasin ang kanyang stats.

Habang pumipili ay napansin niya si Rea na nakatitig sa isang necklace.

[Life Amulet](rare)

•(slot 1)

•+1500 HP

•+20% Healing Effect

(Special attributes)

Napansin ni Yman na mayroon itong butas.

"Eh? B-bakit may butas yan?"

"Uh? Uhm.. lalagyan ng cryst."

"Ah! So diyan pala ilalagay ang cryst."

Tiningnan ni Yman ang presyo at nakita niyang hindi kaaya aya.

"35millions?" Nanlaki ang mga mata ni Yman sa nakita.

"Hehe, mahal kasi yung may mga slot."

"G-ganun ba. Ahaha. Uhm may accessories kana bang naka equip sa inventory mo?"

"Eh? W-wala pa!"

"Kung ganun ito muna ang gamitin mo. Malaki ang maitutulong nito sayo kapag naghunt tayo ng mini boss."

Nang makita ni Rea ang iniabot ni Yman ay bigla itong namula ng sobra. Makikita rin na may usok lumalabas sa ibabaw ng kanyang ulo.

"Eh? Rea? O-ok ka lang?" Natatarantang tanong ni Yman. Hindi niya alam kung hahawakan ba si Rea o hindi.

[Ring of Agility](common)

•+25 Agility

Ito ang iniabot ni Yman kay Rea. Naisip niya na kailangan nito ng kunting agility para mas mabilis makaiwas sa mga atake ng kalaban. Mas mainam narin to kaysa wala. Habang wala pang nakikitang mas magandang ring, ay ito muna. Ngunit, hindi inaasahan ni Yman ang reaksyon ni Rea.

Dalawa ang binili na ring ni Yman. Kapares pa silang dalawa. Pero sa isip niya ay maganda yung stats at mura lang. Nasa 30k ang bawat isa.

Dahil may isa na siyang naka-equip na ring, kulang nalang siya ng isa. Kaya binigay niya kay Rea yung isa pa.

"Pero bakit parang nag-aalok ako ng kasal?" Biglang namuti ang mga mata ni Yman nang maisip ito.

"Uh-Eh uhm Rea. H-H-Hindi ito ga-gaya ng iniisip mo." natatarantang sabi ni Yman.

"Y-y-y-yes!" Parang robot na nasira ang klase ng pagsagot ni Rea.

Kinalaunan,

Pumili pa si Yman ng kwintas na may magandang stats. Nakakita siya ng..

[Amulet of Durability](common)

•+10% Stamina

"Amulet?" Biglang pumasok sa isip ni Yman ang mukha at pangalan ng isang magandang dilag. Mayroon itong mahabang itim na buhok. At hinahangaan ng lahat dahil sa taglay na ganda. Ang buong pangalan niya ay Almina Amulet. Ito rin ang babaeng nangnakaw ng halik sa kanya.