Chereads / Self Healing Magic / Chapter 63 - Pagdiriwang

Chapter 63 - Pagdiriwang

Bad news! Bad news! Bad news!

Paulit-ulit na sinasambit sa isip ni Yman.

Sa totoo lang, full force na ang pagpipigil niya na hindi magwala ang junior. Sino ba naman ang hindi ganahan kung napakagandang babae ang biglang yumakap sayo. Pero nakakahiya parin huh!, kung mapansin ni Mina na may biglang mag-umbok sa may gitnang parte. Sa sobrang higpit ba naman ng yakap nito sa kanya at ang bango pa. Feel na feel din ni Yman ang dalawang mount sa dibdib ni Mina. Ang masaklap pa ay..

Ba—dump! Ba—dump! Ba—dump!

Nag-umpisa nang kumabog ang kanyang dibdib.

"M-Mina!" Biglang pagtawag ni Kesha.

Dahan dahan humiwalay si Mina sa pagkayakap. Pero bakas sa kanyang mukha ang matinding hiya sa kanyang ginawa.

"Ano bang ginagawa ko? Bakit bigla nalang akong napayakap? Errrm... nakakahiya! siguradong magagalit na siya ngayon sa akin! Tanga, Tanga mo Mina! Bakit mo biglang ginawa yun?!" Pagsisisi ni Mina.

"H-hey." Mahinang pagtawag ni Mina.

"Y-Yes?" Mahinang tugon din ni Yman.

"M-May gusto a-akong sabihin." Namumulang pisngi na sabi ni Mina.

"O-okay."

"P-pwede... ba kitang... maging..."

"""""Eh?!"""""

Gulp!

Napalunok nalang si Yman dahil sa paisa-isang pagbigkas ni Mina.

"I-Ito naba yun? Magkaka girlfriend naba ako?!" Biglang nakadama ng pagka-excited si Yman at bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. At isa pa pangarap din niyang magkaroon ng magandang syota. Kahit papaano isang normal na binata rin siya. Base sa higpit ng yakap nito at yung dating halik sa pisngi, hindi mapigil na mapaniwala si Yman na may gusto si Mina sa kanya. Kung dati natakot siya na bullyhin ng ibang estudyante na may gusto kay Mina. Ngayon ay hindi na siya takot! Kaya na niyang ipaglaban ito!

"Liligawan ba niya ang lalaki?" Tanong ng mga kasama ni Mina. Namula na ang pisngi ng mga babae. Pero si Maena ay may pagdududa parin sa hitsura ng lalaki.

"Cree—eaakk!! Shiit! Naging pabaya ako at hinayaang mangyari to." Malakas na pinagsalubong ni Undying ang kanyang mga ngipin. Mukhang may magaganap na ligawan. Ang masaklap pa, mukhang si Mina ang gustong manligaw! At sa kanyang harapan pa talaga! Papatayin niya talaga ang lalaking ito!

"Eh?! A-anong nangyari?" Hindi alam ni Rea kung bakit parang hindi niya gusto ang kasalukuyang nangyayari. Napatunganga lang siya habang nakatitig sa dalawa.

Biglang tumigil sa paghinga ang lahat at pinakinggan ng maayos ang sasabihin ni Mina.

"Yes! Pwedeng pwede!" Hindi napigilan na mapasagot si Yman ng advance dala ng pagka-excited at hindi makapagtutok ang utak niya dahil sa nakakabinging lakas ng kabog sa kanyang dibdib. Halatang no girlfriend since birth. Sa kanyang isipan naman ay advance na naglaro ang mga eksena ng una nilang magiging date ni Mina, kung saan niya ito dalhin. Unang kiss sa labi kung saang lugar para mas romantic. Iba ibang eksena in future kung magiging girlfriend niya ang magandang dalaga gaya ng mga romantic movies na kanyang napanood dati. Pero bakit parang hindi narinig ni Mina ang kanyang sinabi?

"P-pwede... ba kitang... maging..."

"Gulp! P-pwede..." hindi parin siya narinig at nagpatuloy lang sa pagbanggit ng paulit-ulit na salita si Mina.

"P-pwede... ba kitang... maging...

.

.

Gulp!

.

.

...Kaibigan?.." Nahihiyang sabi ni Mina. Pero hinugot na niya ang buong lakas para masambit lang ito.

Kaibigan...

Kaibigan...

Kaibigan...

Kaibigan?! Pag-uulit ni Yman. Halos nag-uulit ang salitang ito sa kanyang tenga.

.

Kwaaak! Kwaaak! Kwaaaak! Tila may nagdaan na ganung ibon na sinundan ng *Wooosh!* malamig na hangin.

.

.

"""""Eh?!"""""

"""Kaibigan lang pala?!"""

Nang mapansin ni Yman na mali pala ang inakala niya. Ay nagpakawala nalang siya ng hangin sa bibig. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay na naramdaman ni Mina. Sinadya lang ba niya itong gawin? Sabagay imposible naman na magkagusto sa kanya ang prinsesang ito. Kahit alam ni Yman na hindi siya pangit at medyo kagwapuhan din naman. Ay hindi parin pumapasok sa isip niya na magustuhan ng magandang dilag. Lalo na ang kagaya ni Mina. Kaya lang, umasa parin siya dun! Akala niya may kunting tiyansa na magkagusto ito sa kanya. Pero sa bandang huli ay friendzone lang pala... ahaha.

Kinamot nalang ni Yman ang pisngi. Nakadama siya ng hiya sa sarili sa pag-aakala na magustuhan siya ng prinsesang ito. Pero anong rason ng mga luha niya? Kinapa ni Yman ang balikat kung saan feel niya nababasa. At tama nga hinala niya. Basa ito ng luha ni Mina. Lalo lang tuloy siyang naguguluhan.

Nakita ni Yman na biglang nakahinga ng maluwag si lavender girl ang bestfriend ni Mina. Humina rin ang killing intent na pinakawalan ng lalaking kasama ni Mina.

Ngumiti siya at sinabing "kung gusto mo makipag kaibigan ay walang problema sa akin, sige mauna na kami." Matamlay na sabi ni Yman sabay tingin kay Rea at sinabing "Rea, tara?" kailangan na nilang bumalik sa adventurers guild. Napansin din niya na malapit na mag 7pm.

Nang mapansin ni Rea na walang nangyari ay bigla siyang napangiti at sumagot ng masigla "tara!"

Napangiti rin si Yman nang mapansin na nawala yung galit kanina ni Rea.

Nagulat naman si Kesha sa closeness ni Ella at ang lalaking niyakap kanina ni Mina. Hindi tuloy maiwasan na mapatitig siya sa likod nito habang palabas ng pinto. Nakita rin niya na masayang masaya ang magandang engkantada sa tabi ng lalaki. "Ano kayang relasyon nila?" Tanong sa isip ni Kesha.

"Sandali Yman!" Bago paman makalabas ng pinto. Ay tinawag siya ulit ni Mina.

"Bakit Mina?" Mahinahong tanong niya.

"Yman?!" Isa namang gulat na bosses ang biglang narinig ng lahat. Dahil ibang iba na ang hitsura ni Yman mula sa larawan na nasa kanilang bahay noong bumisita si Maena, kaya hindi agad niya ito nakilala. Pero nang marinig ang pangalan na Yman ay bigla siyang napabigkas. Lalo na't taliwas sa kanyang inaakala ang hitsura ni Yman. Akala niya ay mukha itong lampa at sakitin.

"""???"""

Napatunganga rin ang iba dahil sa biglang pagtawag ni Maena.

Nilingon ni Yman ang pinagmulan ng bosses at nakita niya ang magandang babae na may blonde na buhok. Feeling talaga niya nakita na niya ito. Pero hindi lang maalala kung kelan.

"Bakit?" Tanong ni Yman sa babae.

"Talaga bang ikaw si Yman? Na anak ni Aunt Marie?"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

"Aunt...Marie?" Ngayon ay sigurado na siya na kilala nga niya ang babaeng ito.

"Fufu, Ako to si Maen!"

"Maena? Yung tomboy na bully?" Hindi niya inaasahan na marinig ang pangalang ito.

"Maen ang pangalan ko! At hindi ako tomboy na bully!"(Pout)

"Kuku, Kaw pala yan tomboy hindi kita nakilala! Pero paano ka napunta rito?" Gulat na sabi ni Yman. Hindi niya inakala na mapunta ang tomboy na ito rito. Bigla tuloy naalala niya ang pambubully nito sa kanya. Ilang taon narin niyang hindi nakita si Maena. Siguro mula pa noong 5years old pa sila. Magkaibigan ang kanilang ina na parehong alchemist. At noong active na alchemist pa ang kanyang ina ay laging bumibisita ang mama ni Maena sa bahay nila at kasa-kasama ang kanyang anak na si Maena. At dahil magkaedad ang dalawa ay lagi niya itong kalaro.

Kaya lang, napaka hardcore ng larong gusto ng tomboy na'to. Lagi siya nitong ginagawang pain/decoy sa mga halimaw sa labas ng Sitona City.

"""???"""

Naglabas ang mga question mark sa ibabaw ng ulo sa kanilang mga kasama. Kanina si Mina, ngayon pati si Maen ay nakakakilala rin pala sa lalaki? Hindi lang yun! Base sa kanilang pag-uusap ay mukhang matagal na nila kilala ang isa't isa. Nakadama rin ng pagkabahala si Mina. Lalo na dahil na-kwento ni Maena sa kanila na may gusto itong lalaki na taga EMRMHS.

"Hindi kaya si Yman ang tinutukoy niya?" Nanginginig ang mata ni Mina habang tinatanong ito sa sarili.

"Hmpf! Sabi ko hindi ako tomboy!"

"Teka lang Tomboy, bakit ang galing mo na magtagalog?" Pagtatakang tanong ni Yman.

"Hindi ako nagtatagalog, english parin ang pananalita ko. Pero dahil sa external backbone ay auto translated na ang pananalita natin! Hmpf! Tumangkad ka lang pero mukhang mahina ka parin huh!" Naka(pout) na sabi ni Maena.

"Ah ganun ba yun?" Napag-alaman ni Yman na dahil sa EB or RB ay auto traslated na ang kanilang pananalita. Matagal narin pinagtataka ni Yman kung bakit tagalog ang salita ng mga tao dito sa underworld pero mukhang dahil yun sa Backbone.

"Buti at nakita narin kita dahil nakailang mail na ako sayo pero wala manlang akong natanggap na reply mula sayo."

"Eh!" Biglang naalala ni Yman ang dalawang unregistered na ID sa kanyang Interface. Mukhang kay Maena ang isa nun.

"Ahaha pasinsya na. Ikaw pala yun? Eh bakit ba hindi ka nagpakilala! Tomboy ka talaga!"

"Sabing hindi ako tomboy!"

"Ows?! Eh may boyfriend ka naba?"

"Mayabang, porket friendzone ka."

Biglang may lumabas na mga question mark sa ulo ni Mina mula sa sinabi ni Maena.

Nag-dot ang mga mata ni Yman sa sinabi nito. Hindi na niya sinabayan pa ang sinabi ni Maena dahil hindi masayang umasa.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Rea kay Yman at Maena. Napansin niya na mukhang matagal na magkakilala ang dalawa.

"Kinukumusta ka pala nila Bob at ng ibang ka grupo."

"Eh?"

"Anong klaseng reaksyon yan?"

"Ahaha nagulat lang ako na kilala mo sila tomboy."

"Bakit naman hindi, eh section 1-D din naman ako. Atsaka huwag mo na akong tawaging tomboy."

Nagulat si Yman sa sinabi ni Maena na nasa lowest section din ito. Pero hindi na niya binigyang pansin.

"Ahaha tomboy ka parin. Parusa mo yan sa pambubully sa akin noon."

"Fufufu, parusa pala huh! Humanda ka ngayon dahil hindi kana makakatakas. Saan ba ang tinutuluyan mo?"

"Uh-uhm... bakit?"

"fufu, anong bakit? Sabi ko hindi na kita patatakasin at kailangan ko ng healer!"

Naisip ni Yman na mas ok na rin na nandito si Maena. At kung gusto niya ng healer ay nandiyan naman si Rea. Mas lalong mapadali ang kanyang pagpapalevel ng hindi gumagamit ng Talent.

Ilang sandali ay nakadama si Yman ng mahinang pag-unat ng kanyang manggas.

"R-Rea?" Dahil sa pakikipag-usap kay Maena nalimutan niya na kailangan na pala nilang bumalik.

Kinalaunan ay napagkaalaman nila na si Yman ay kasalukuyang nakatira sa lodging ng adventurers guild at bukas pa ito mag-umpisang papasok sa Engkantasya Magic High School. Kahit kakaiba ang takbo ng pangyayari ay masaya narin si Mina dahil ngayon pwede na niyang kausapin ng normal si Yman at hindi lang nakatingin sa malayo. Pero bakit parang hindi parin ramdam ni Yman na may gusto siya sa kanya? Nagpakawala nalang ng buntong hininga si Mina. Ang pinag-alala lang niya, ang magandang engkantada at si Maen. Na parehong mas close kay Yman. Hindi lang yun, diba sabi ni Maen na pumunta siya sa EMRMHS para sundan ang lalaking nagugustuhan? Hindi kaya si Yman ang tinutukoy niya?

Kinagabihan ay isa isa na ngang nagsidatingan ang mga bisita sa bulwagan ng palasyo para dumalo sa pagdiriwang. Narito narin ang grupo ni Maen at Mina. Makikita na maraming tao na, sa loob ng magarbong bulwagan. Malawak ang espasyo nito at makikita rin ang malawak na harden pagpasok sa gate. Ilang sandali ay dumating narin ang kalesang sinakyan nila Yman. Una siyang bumaba at inalalayan si Rea. Nakasuot ito ng white na cocktail dress. Si Yman naman ay...namuti ang kanyang mga mata. Dahil medyo kapareha ng kanyang suot ang suot ng mga guard na nagbabantay sa may gate.