Chereads / Self Healing Magic / Chapter 64 - Bulwagan(part1)

Chapter 64 - Bulwagan(part1)

Gusto sana niyang umurong nang makita ang kasuotan ng mga guwardiya. Kaso huli na, nandito na sila. Pagkababa ni Rea ay agad nakaagaw ng atensyon sa mga tao sa paligid. Bagay na bagay sa kanya ang suot na white cocktail dress. Hindi rin mapigilan ni Yman ang sarili na mapanakaw tingin sa kasamang engkantada.

"Ang ganda niya!" Sabi ng isang binata na nasa hindi kalayuan nang makita si Rea.

"Anak ba siya ng noble?" Tanong naman ng isa pa.

"Diba si Miss Ella yan! Grabe ang ganda niya," sabi naman ng isang engkantadang nakakilala kay Rea.

"Yman, wala ka manlang bang sasabihin kay Rea?" Biglang tanong ni Laura. Pero sa totoo lang ay kanina pa paulit-ulit nagbibigay komento si Yman sa kasuotan ni Rea dahil paulit ulit din nagtatanong si Laura, mula pa sa guild hall hanggang dito ay hindi nito tinantanan ang binata, dahil nasisiyahang makita ni Laura ang pamumula ng dalawa. Kumunot ang noo at sumimangot si Laura nang hindi umimik si Yman at nakatayo lang. Ngunit, nang makababa na sa kalesa.

Ahahaha-aha-ahaha-haha!

Hindi mapigil-pigil ang pagtawa ng Headmaster nang makita ang mga kasuotan ng guwardiya. Napansin niya na medyo katulad ito sa kasuotan ni Yman. Nakita rin niya ang pagdadalawang isip ng binata. Walang magawa si Yman kundi kamutin nalang ang ulo.

"Aunty!" Nagsalubong ang kilay at inis na tinawag ni Rea ang tiyahin. Hindi niya alam kung bakit parang bata ito umakting minsan.

"Haha, pasinsya na. Okay lang yan Yman huwag mo nang isipin ang kasuotan. Ang importante ikaw ang may pinakamagandang partner. Ehehe!" wika ni Laura at itinapik ng bahagya ang kanang kamay sa kaliwang balikat ng binata.

"O-okay," mahina at namumulang sagot niya sabay lingon sa ibang direksyon.

"A-Aunty! U-umalis ka na nga!" Nahihiyang pagtaboy ni Rea kanyang tiyahin .

"Yman ikaw na bahala kay Rea at sana umiwas kayo sa gulo," biglang paalala ni Laura at nagbigay pa ng kindat at thumbs up bago tuluyang umalis. Kahit na may eyepatch sa isa niyang mata.

"Okay Headmaster!" Sagot ni Yman at sinulyapan ang nasa tabi sa kanyang kanan na magandang engkantada.

"Yes Aunty!" Sagot naman ng dalaga sa kanyang tiyahin.

Pagkatapos sabihin ito ay pinasunod sa ibang silid si Laura ng isa sa mga guide.

Nang makitang nakaalis na ang Headmaster ay agad niyaya ni Yman si Rea. "Tara?" Hindi niya alam kung anong dapat gawin sa ganitong sitwasyon, kaya kaswal lang niyang niyaya ang dalaga na para bang niyaya lang niya itong maglakad lakad. Sa totoo lang, naiilang si Yman na hawakan ang magandang kasama. Siguro kung ang sitwasyon ay katulad nung nilabanan niya ang mga miyembro ng D'Chaos hindi siya magdadalawang isip na yakapin si Rea para iligtas. Pero habang iniisip niya ang salitang `yakap' ay bigla namang naramdaman ni Yman na uminit ang kanyang mukha.

Kaso lang, iba ang sitwasyon ngayon. "So iba ibang sitwasyon may iba ibang epekto huh. Kahit na iisang tao lang sila pero bakit kaya nakakailang na humawak ngayon kay Rea?" Kahit paanong itanong ito ni Yman sa sarili ay wala siyang mahanap na sagot kaya nagpatuloy nalang siyang humakbang nang mapansin niyang tumango ng bahagya ang kanyang ini-eskortan.

Bago pa makapasok sa loob ng gate, ramdam ni Yman na nagsitinginan sa kanya ang mga bantay. Siguro akala nila na guwardiya rin siya. Kaya hindi niya mapigilan na magpakawala ng tamad na ngiti sa labi at kamutin ang pisngi na madalas niyang ginagawa kapag nahihiya at feeling niya ay wala na siyang magagawa.

Buti nalang ay biglang kumapit si Rea sa kanyang manggas. Nang makita ng mga guwardiya ang magandang kasama ni Yman ay biglang napalingon sa ibang direksyon habang naka-atensyon ang mga ito. Pero kitang kita sa mga mata nila na nagnanakaw-tingin sa engkantada.

Pag-pasok sa gate ay binati sila ng malawak na harden. Makikita ang samot saring halaman, puno at bulaklak. May makikita namang fountain na napalibutan ng upuan sa bandang unahan kung saan makikita ang malawak na bakanteng espasyo. Nasa kanan ang kinaroroonan nito kung papasok mula sa gate.

Halos mahigit isang daang metro ang distansya ng gate papunta sa pinto ng bulwagan. Isang stone pavements na daan naman ang nagkokonekta mula sa pintong daan papunta roon.

Dahan dahan naglakad si Yman. Sinabayan niya sa paglakad ang magandang kasama. Pero bilang eskort ay wala siyang ideya kung anong dapat gawin. Nakita niya sa unahan ang dalawang mag-partner na nakapulupot ang kanilang mga kamay at siko. Nakahawak sa siko ng lalaki ang kasama nitong babae. Gayun din ang nasa likuran nila. Tanging si Yman at Rea lang ang naglakad ng normal? Pero siguro hindi rin ito normal para sa sitwasyon ngayon. Hindi alam ni Yman kung alin ang normal o hindi. Pero naiilang siya na humawak at ganun din si Rea.

Pagpasok sa bulwagan ay binati sila ng dilaw na liwanag na nagmula sa chandelier na nasa kisame ng silid. Isang banayad na musika naman ang agad nagpadagdag sa nakakarelaks na atmospera ng bulwagan.

Makikita rin ang mga bisita na nakasuot ng samot saring magagandang kasuotan. Bawat isa sa kanila ay kaswal na nakikihalubilo sa iba pang mga bisita.

First time na makapunta ni Yman sa ganitong klase na pagdiriwang. Hindi naman sa hindi pa siya nakapunta sa pagdiriwang. Kaya lang, iba ang klase ng pagdiriwang na kanyang napuntahan dati. At lagi nalang hindi maganda ang mga karanasan niya. Kaya medyo hindi niya alam kung anong dapat gawin. Sabagay sinabi lang naman ni Headmaster Laura na samahan si Rea. Okay na siguro kung wala siyang gagawin at maging parang statwa nalang at nakatayo ng hindi gumagalaw. Pero nang makakita siya ng pagkain sa unahan ay hindi niya mapigilang mapalunok.

"Y-Yman, ano kaya kung k-kumain muna tayo?" Suhestisyon ni Rea nang mapansin na palingon lingon ang binata sa mga nakaparadang pagkain.

"Mhm."

"Tingnan niyo si Miss Ella ba yan?" Biglang tanong ng isang bosses ng babae na nakatayo sa hindi kalayuan.

"Oo, si Miss Ella nga yan!" Sabi naman ng isa pa.

"Tara lapitan natin."

Sampung kabataan na nakasuot ng magagarang kasuotan ang palapit sa direksyon nila Yman.

Bago pa makalapit sa lamesang may nakahilirang samot saring pagkain sila Yman at Rea ay napansin niya na maraming mga mata ang nakatingin sa kanila?... Hindi, ang totoo ay nakatingin sila kay Rea. Base sa mga titig nila ay parang hindi nila nakita ang binata niyang kasama. Okay lang sa kanya na hindi siya mapansin. Pinagdalangin nga ni Yman na ganun ang mangyari. Dahil hindi maganda lagi ang mangyayari kapag siya'y napapansin. Gaya nalang noong unang araw sa auditorium. Pati narin yung pagdating nila dito sa underworld. Napansin ni Yman na parang nagbabalak lumapit sa kanila ang mga ito.

"Miss Ella." Biglang natigilan sa paghakbang ang dalawa dahil isang babae na may shoulder length na kulay abo na buhok at mukhang strict ang biglang tinawag si Rea. Base sa kasuotan at hitsura nito ay siguradong anak ito ng mayamang pamilya.

"Sally bakit?" Sagot na tanong ni Rea sa babae.

"Nais kang makausap ni Prinsesa Liya." Sabi ni Sally.

Naningkit kunti ang mata ni Yman. At napansin niya na natigilan din sa paghakbang ang mga kabataang nagbabalak pumunta sa kanilang kinaroroonan.

"O-okay, Tara." Tumango si Rea.

Paghakbang ni Rea ay sumunod din si Yman dahil siya ang eskort nito.

Nang napansin ni Sally na balak din sumama ng lalaking katabi ni Rea ay biglang naningkit ng kunti ang kanyang mga mata. "Naligaw ba ang guard na to?"

"Uhm isa ka ba sa mga guwardiya?" Mariin na tanong ni Sally kay Yman.

Nagpakawala nalang ng tamad na ngiti si Yman habang sa isipan ay, "ito na, napagkamalan na, Ahaha." Walang nagawa si Yman kundi umiling ng bahagya.

"K-kasama ko siya." Medyo inis na tugon ni Rea.

"Eh? G-ganun ba? Ehem! Pasinsya na pero si Miss Ella lang nais makausap ni Princess Liya. Okay lang ba kung maghintay ka muna rito?" Mahinahong tanong ni Sally.

Nag-alinlangan na sinulyapan ni Rea ang kasamang binata.

"Walang problema." Ngumiti lang ng bahagya si Yman at sumagot ng mahinahon. Alangan namang hindi siya papayag. "Pero sino kaya ang sinasabi nitong Princess Liya?"

"Pasinsya na Yman. Babalik ako agad pagkatapos ng pag-uusap." Sabi ni Rea at nag-alinlangan na sumunod kay Sally.

Nang makaalis na ang dalawa ay agad naman napansin ni Yman na nagtawanan ang mga kabataan kanina na papunta sa kanilang direksyon ni Rea.

Pero hindi na niya ito binigyang pansin. Naalala niya na narito rin pala sila Maena at Mina. Pero hindi naman niya makita. Lumingon lingon siya sa paligid at may napansin siya sa may gilid ng silid. Nakita niya sila Mina na masayang nakikipag-usap sa mga ibang bisita. Sampung kalalakihan at anim na mga babae ang kakwentuhan nila. Mukhang taga ibang akademya ang mga ito. Napansin din niya ang lalaking nagpakawala ng killing intent kanina sa panahian. Kausap nito ang mga babaeng hindi nakikilala ni Yman. Paminsan minsan ay sinulyapan ng lalaki sina Mina at Maena.

Gusto sana lumapit ni Yman pero naisip niya na huwag nalang. Baka makaagaw pa siya ng atensyon. Atsaka mukhang hindi siya napansin ng grupo nila. Nakita niya si Maena na mukhang bored. "Hehe tomboy talaga." Napatawa nalang siya nang makita ito.

At dahil hiniram ang partner niya, naisip ni Yman na kumain muna dahil nagugutom siya. Wala naman sigurong mawawala kung kakain siya. Marami rin naman nakita si Yman na mga kumakain ng bahagya. Sabagay, nakakahiya naman na kumain ng marami sa ganitong party ng mga sosyal na tao.

Lumapit siya sa lamesa at kumuha ng pagkain ng dahan dahan. Dahil maraming pagkain na mukhang masasarap ay napuno ang kanyang plato.

Pumuwisto siya sa medyo madilim bahagya at sumandal sa dingding habang kumakain. Makikita sa kanyang harapan ang maraming mga bisita. Sa kanyang kaliwa ay ang lamesang maraming pagkain at sa unahan pa nito makikita ang parang tanghalan kung saan may mga musikero na kasalukuyang tumutugtog. Sa kanan naman ay ang pinto kung saan sila pumasok. Makikita naman sa labas ng pinto ang malawak na harden kung saan marami rin mga bisitang naglalakadlakad. Malawak ang espasyo sa loob ng bulwagan at marami rin namang bisita.

Nakatayo lang si Yman habang kumakain. Wala rin siyang katabi kaya safe walang makakapansin sa kanya. Ang importante ay masidlan ang kumakalam na sikmura. Alam din naman niya ang GMRC kaya dahan dahan lang siya habang kumakain. Para naman hindi mapapahiya si Rea ng dahil sa kanya.