Chereads / Self Healing Magic / Chapter 65 - Bulwagan(part2)

Chapter 65 - Bulwagan(part2)

Sa totoo lang hindi alam nila Mina at Maena na nandito rin sa bulwagan si Yman, dahil hindi naman nila napag-usapan ito nung nagkita sila.

Patuloy lang sa pagkain si Yman at wala siyang paki sa paligid basta ba'y wala rin silang paki sa kanya.

Ilang sandali ay may mga bagong pumasok na mga bisita. Apat na lalaki at tatlong mga babae. Gaya ng ibang nandito ay nakasuot din sila ng magandang mga kasuotan. Sinulyapan ni Yman at napansin niya na mga kaedaran lang din niya ang mga bagong dating.

"Haha, hanggang ngayon ba ay hindi parin kayo ni President Hannah, Jura?" Natatawang tanong ng isang lalaking may medyo mahabang blonde na buhok.

"Kuku, malapit na Elvis. Kailangan ko lang hanapin yung lalaking nangbastos sa kanya. Pag-nagkataon ay mapapasaakin na siya." Sabi naman ng isang lalaki na may pangalang Jura. May mahaba itong tenga at medyo singkit na mga mata. May kulay gray itong buhok na bumagay naman sa pogi niyang hitsura.

Hindi tuloy mapigilang maisip ni Yman kung sadya bang pinanganak na mga pogi at magaganda ang mga engkantada at engkantado.

"Bakit parang lahat nalang sila ay ang gaganda at gwapo ng mga hitsura? Napaka-unfair naman," ito ang laman ng isip ni Yman habang tinitingnan ang mga bagong pasok. Base sa kanilang kasuotan at pagmumukha, mukhang tagarito sila sa engkantasya.

"Teka lang Elvis, Jura!" Biglang tawag ng isa pang lalaki na may short white spiky hair na kanilang kasama.

"Bakit Nicholas?" Tanong ng lalaking may pangalang Elvis.

"Kailangan paba natin magpapakilala sa mga mas mahinang akademya?" Tanong ng tinatawag na Nicholas.

Dahil nasa sampung metro lang ang kinaroroonan ng mga bagong dating sa kanya ay dinig na dinig ni Yman ang mga pinagsasabi nila. Lalo na dahil isa siyang magician. Mas matalas ang kanyang pandinig kaysa normal na tao.

Naningkit ng bahagya ang mga mata ni Yman nang marinig ang sinabi nito. "Mas mahinang akademya huh!" Bulong niya.

"Haha, syempre naman Nicholas para malaman nila na mga extra lang sila. Hahaha," sagot ni Jura.

"Hehe, tama si Jura." Pagsang-ayon ni Elvis.

"Huwag kayong pasisiguro. Hindi n'yo ba napansin na karamihan sa kanila ay nagtataglay ng mas malakas na enerhiya? At puro special students ang lahat ng nandito, kaya wala kahit isang mahina sa kanila." Biglang sabi ng pang apat na lalaki sa mga bagong dating.

Napansin ni Yman na kakaiba ang isang ito. Mas naiiba sa mga kasama niya. At nagtataglay ito ng pinakamalakas na enerhiya sa lahat ng bagong dating. Siguro siya ang pinakamalakas sa kanila.

Sa totoo lang ay maraming malalakas na enerhiya ang naramdaman ni Yman at hindi basta basta ang bawat isa sa kanila. Tulad nalang ng isang lalaki na kausap ng grupo nila Mina. Medyo namumukhaan ni Yman ang lalaking ito. Siya yung umawat sa kanila dun sa pamilihan nung inatake siya ng mukhang daga na binata. May `X' sa kanyang noo na parang piklat. Ramdam ni Yman ang lakas nito. Siguro kung lalabanan ni Yman ang lalaki ng hindi gumagamit ng talent ay hindi siya mananalo. Mukhang kailangan pa niya kumitil ng maraming halimaw. Lalo na't ang karamihan sa estudyanteng nandito ay anak ng mga mayayaman na pamilyang mula dito at doon sa upperworld. Siguradong mga high grade ang kanilang equipments.

Sa grupo naman nila Mina. Ramdam ni Yman ang lakas nilang lahat. Lalo na si Mina at yung mukhang tahimik na lalaking kausap ngayon ni lavender hair girl. Feeling talaga ni Yman na kilala niya ito. Pero hindi niya lang matandaan kung saan sila nagkakilala. Bawat isa sa kanila ay mga special students.

Hindi lang siya sure tungkol kay Maena. Pero tingin ni Yman hindi basta basta ang tomboy na'to. At mukhang hindi parin ito nagbago hanggang sa kasalukuyan, mahilig parin sa labanan.

Sa totoo lang, marami pang ibang malalakas at natatanging enerhiya ang naramdaman ni Yman. Nagkalat sa buong bulwagan. "Siguro lahat ng dumalong estudyante ngayon ay ang mga pinakamalakas sa kanikanilang akademya." Ito ang tingin niya.

Napansin din ni Yman na ang mga bagong dating ay nagtataglay lahat ng malalakas na enerhiya. Pati ang mga babae nilang kasama.

"Siguradong magiging kaabang-abang ang nalalapit na kompetisyon," sabi niya pero sa totoo lang ay wala siyang balak sumali. Mas nanaisin pa ni Yman na magpapalevel at kumitil ng marami pang halimaw keysa mag-aksaya ng oras sa kompetisyon.

Ilang sandali ay lumapit siya sa lamesa para ilapag ang wala nang laman na plato.

Nakaramdam ng mahinang enerhiya at biglang napalingon ang grupo nila Jura sa pinagmulan nito. Nagulat sila dahil mula ito sa isang guwardiya?, Hindi lang yun, pumasok pa talaga dito at kumain. Sa isip nila, "sarap naman ng buhay ng guwardiyang ito! Dito pa talaga kumain sa loob ng bulwagan. Hindi ba niya alam na bawal sila dito?" Naningkit ang kanilang mga mata sa inaakalang guwardiya.

"Hoy, ikaw." Biglang tawag ni Jura.

Pinailing nalang ng mga kasamahan ni Jura ang kanilang mga ulo. Pare-pareho ang laman ng kanilang isip na ang taong nasa harap nila ay isang naligaw na guwardiya.

Nakasuot ng black suit si Yman at ganun din ang mga guwardiya. Kaya lang mukhang hindi niya napansin ang pagtawag ni Jura. Pagkalapit niya sa mesa ay agad niyang inilapag ang platong wala nang laman.

"Hayop! nagbibingihan pa talaga." Galit na mura nang mapansin niya na hindi siya nito pinansin.

Kumuha si Yman ng mukhang mamahaling baso na babasagin para paglagyan ng malamig na tubig.

"Tsk! Hoy ikaw!" Medyo malakas na tawag ni Jura mula sa likod ni Yman. Hindi alam ni Yman na siya ang kinakausap nito. Ngunit dahil sa lakas ng pagtawag ay napalingon siya sa pinagmulan ng bosses at nang makita na nakatingin sa kanyang kinaroroonan ang mga bagong pasok ay lumingon-lingon siya sa paligid. Pero wala naman siyang nakitang ibang tao na katabi.

"A-ako ba?" Tanong niya sabay turo sa sarili.

"Oo ikaw. Halika ka nga dito." Sininyasan niya si Yman na lumapit.

"Ahaha, bakit naman ako ang lalapit?" Matapos sabihin ito ay nagpatuloy si Yman sa paglagay ng inumin sa kanyang baso at pinailing ang ulo ng bahagya. Hindi niya alam kung matawa.

(Inisip ba niyang utusan niya ako, para palapitin ng ganun lang? May deperensya ata sa utak ang isang to.)

"Abay! hindi ba nakikilala ng guwardiyang to kung sino ako?" Nagngitngit na sabi ni Jura.

Ahahaha! Tawa ng mga kasama niya habang pinailing ang mga ulo.

(Sabi ko na ngaba napagkamalan akong guwardiya. Hah! Pahamak na kasuotan.)

"Ahaha, pasinsya na pero hindi ako guwardiya." Sabi ni Yman sabay pakawala ng tamad na ngiti.

"Ano? Hindi ka guwardiya?"

Tumango si Yman sa tanong sa kanya.

"Bwahaha! Ano bang klaseng palusot yan. Matagal na yang buminta oi." Sabi naman ng lalaking may spiky white hair na si Nicholas. Tumawa rin ang mga kasama nila. Pati ang mga babaeng kasama nila ay tumawa ng bahagya.

(Malas naman, makaalis na nga.) Dala ang isang basong tubig ay humakbang si Yman papunta sa dati niyang kinatatayuan. (Bakit kaya ang tagal natapos ng pag-uusap nila Rea? Siguro importante ang pinag-usapan nila.)

Bago pa makaapat na hakbang si Yman ay hinarangan siya ni Jura, Nicholas at Elvis. Lumapit din ang iba pa nilang kasama pati yung may pinakamalakas na enerhiya sa kanilang grupo.

"?"(May kailangan paba sila?) Naguguluhang katanungan ni Yman.

"Kung hindi ka talaga guwardiya, saang akademya ka nanggaling?" Tanong ni Elvis habang nakangiti. Dahil alam nila na puro special students lang ang inimbitahan sa bulwagan kasama ang kanilang mga punong guro.

Alam din nila na nasa rank A at S ang mga magic na taglay ng mga special students dahil isa rin sila sa special students sa engkantasya Magic High School.

Bukod sa mga guro at estudyante ay puro mga importanteng tao sa Engkantasya ang iba pang inimbitahan na bisita, at kilala nila lahat ang mga ito. Hindi lang yun, dahil napansin din nila na may mahinang enerhiya ang lalaking nasa harapan kaya lalo lang silang nagduda. Sa isip nila ay, "kala mo ba makaisa ka sa amin. Walang kwenta ang palusot mo. Hindi pala guwardiya huh!"

Nabigla si Yman sa tanong sa kanya. At paano ba niya ito sasagutin. EMRMHS? Pero bukas ay sa Engkantasya MHS na siya mag-umpisang papasok. Pero sabi naman ng nagtanong kung saan galing. Kaya...

"Uhm! Sa EMRMHS(East Middle Region Magic High School)" mahinahong sagot niya.

"Kuku, alam mo bang puro special students ang inimbitahan sa pagdiriwang ito?"

"Eh? Ganun ba? Tama pala hinala ko" mahinahong sagot ni Yman.

"Haha, sa tingin mo ba isa ka rin sa mga special students?" Nakangiting may halong pangungutya na katanungan ni Elvis.

"Ahaha, hindi ko inisip yun. At napansin n'yo naman siguro na napakahina ng enerhiya ko."

"Kuku, kung ganun bakit ka nandito sa bulwagan?" Malamig na tanong ni Jura.

"Ah, yun ba? Dahil...(sasabihin sana ni Yman na sinamahan niya si Rea. Pero baka hindi nila kilala ito at wala rin si Headmaster para tumistigo. Kaya sinabi nalang niya na...) Dahil inimbitahan." (Nakakainis naman ang mga ito. Ano bang gusto nila iparating? Na isa akong guwardiya?)

"Inimbitahan pala huh!"

Pak!

Biglang itinulak si Yman at napaatras ng tatlong hakbang.

Klang!

Nabitawan niya ang baso dahil sa biglaang pagtulak. Dahil sa ingay na dulot nito ay umagaw ng atensyon sa paligid. Hindi inasahan ni Yman na itulak siya, kaya hindi niya nagawang umilag. Okay lang naman ang pag-uusap nila, pero bakit biglang itinulak siya? Naningkit ang kanyang mga mata.