Thump!
"Sa wakas dumating narin tayo!"
Masiglang sigaw ni Kesha pag-apak ng kanyang mga paa sa lupa. Parang sumasabay pa sa bawat galaw ng kanyang katawan ang naka ponytail nitong lavender na buhok habang inikot-ikot niya ang nananakit na bewang dala ng matagal na biyahe sa loob ng kalesa. Makikita rin sa mukha na sabik na sabik na itong gumala sa magagandang lugar ng kaharian, lalong lalo na sa mga pamilihan.
Thump!
Pagkababa ni Mina ay agad sinulyapan ang buong paligid. Nakita niya na nakapalibot sa kanila ang matatayog na gusaling makaluma. Blue Horizon Inn ang pangalan ng gusali sa kanilang harapan kung saan huminto ang kalesang kanilang sinasakyan. Isa ito sa pinakasikat na Inn dito sa kaharian. Bago pa pumarito ay nakareserba na ang Inn kung saan sila mananatili.
Ang Blue Horizon Inn ay may tatlong palapag at nakapinta ng kasingkulay sa bughaw na kalangitan. Makikita rin ang dalawang bantay na nakatayo sa gilid ng malaking pinto ng pasukan. Parehong nakasuot ng kulay asul na full-body armor ang bawat isa.
Pagkababa ni Mina..
"Hah! Tagal ng biyahe at ang dami pa'ng halimaw sa daan. Buti nalang at malakas din pala si Maen. (sinulyapan ni Mina ang magandang dilag na nasa likuran at pababa pa lang ng kalesa)...Nasa kahariang ito si Yman!(excited na sambit ni Mina matapos sulyapan si Maena) Pero saang banda kaya siya naroroon? Saan ko siya makikita?(Mga katanungan sa isipan habang pinagsalubong ang mga daliri at inuunat ang mapuputing mga braso. Hindi mapigilan na makadama siya ng pagkasabik habang iniisip na makikitang muli ang binatang matagal na niyang pinagmamasdan sa malayuan) Kung nagpapagaling pa siya, eh-di siguro nasa pagamutan pa?... Pwede rin sa mga malapit na dorm sa Engkantasya MHS, dahil pagkakaalam ko, dun siya nag-aaral? Pero malaki ang lugar na ito. Saan ako mag-uumpisa?"
"Mina bestfriend!(sigaw ni Kesha sabay yakap sa likod ni Mina) mamasyal muna tayong tatlo ni Maen!"
"Eh? Uh, ehm...(hindi agad nakasagot si Mina dahil nagdadalawang isip siya) si...sige. Pero maya na pagkatapos natin magcheck-in sa Inn." Sa huli pumayag narin siya. Sa isip ni Mina na baka sa hindi inaasahang pagkakataon ay makita si Yman habang namamasyal, kahit na maliit ang tiyansa na mangyari ito.
"4:10pm", sinilip ni Mina ang oras sa kanyang interface at napagtanto na may ilang oras pa sila para mamasyal. 8pm mag-umpisa ang pagdiriwang at dahil nakaready na ang lahat sa kanila, sa ngayon kailangan nalang muna nila maglibang kahit medyo pagod ang katawan mula sa mahabang biyahe ay hindi nito nahadlangan ang pagkasabik na makapasyal.
"Yaaay! I love u Mina! Muwaah!!" Walang magawa si Mina sa panglalambing ng kaibigan gaya ng palagi nitong ginagawa kapag may gusto ipakiusap.
"Ahaha," tumawa nalang siya ng mahina bilang tugon sa kaibigan na mahigpit na nakayakap sa kanyang likod na parang tuko.
"Fuu~ (pagkababa naman ni Maen ay nagpakawala ito ng hangin sa bibig) Sakit pala sa bewang maupo sa loob ng kalesa ng dal'wang araw at kalahati (matamlay niyang sinabi. First time niya makadama ng pagod sa biyahe. Kung laban ang pag-uusapan ay balewala ito kay Maena pero sa biyaheng ito ay gusto na niya sumuko. Kaya lang, masaya parin siya dahil maraming malalakas na halimaw ang kanilang nadaanan). Fufu! Kaya pala inatake si Yman. Saan kaya siya ngayon? Pag makita ko talaga yun, hindi siya makakatakas!"
"Maen! Tara mag-check in na agad tayo para makapamasyal na!" Excited na wika ni Kesha.
"Tara."
Dala dala ang kanilang bagahe ay sabay sabay pumasok ang tatlo. Pagkapasok ay agad silang pumunta sa reception table at naging mabilis naman ang kanilang pag-check in dahil nakareserba na sila bago paman pumunta rito.
Nasa malaking silid na may tatlong kama ang tatlong babae. Ito mismo ang pinili nila para makapag-kwentuhan daw bago matulog. Mga kwentong pambabae.
Sumunod din ang dalawang lalaki na sina Leon at Undying. Tig-iisa sila ng silid at hindi magkahati na gaya ng mga babae. Si Mr. Mar naman ay may pinuntahan. Siguro makipag kita sa mga dating kaibigan o kakilala o pwede rin na may nakatakda itong meeting.
Pagkatapos makapag-check in ay pumunta muna sila sa kanilang silid. Nang makita ng tatlo na malaki pala ang bathtub sa silid ay naisipan nilang sabay maligo.
Medyo natagalan lang sila sa bathtub dahil ilang araw din silang hindi nakaligo ng maayos. Habang papunta rito ay tumitigil sila sa bandang ilog paminsan minsan para makaligo. Ngunit iba parin ang feeling kapag nakaligo ng maayos lalo na sa mga babae. Pang maramihan ang bathub sa silid nila Mina at medyo malaki ito kaya sabay sabay naligo ang tatlo. Habang naliligo paminsan minsan kinukulit ni Kesha ang dalawa.
"S-sinong mag-aakala na pati rin sa dibdib ay hindi kayo magkakatalo."
"Kesha talaga."
"M-Mina bestfriend, (sabi ni Kesha habang dahan dahang lumapit kay Mina) sino ang pinaghandaan mo ng dalawang bundok na yan?!"
"Eh? A-A-Anong p-p-pinagsasabi mo Kesha?!" Namumula at nauutal na tanong ni Mina.
"Heh-hehe! Ngayon sabihin mo sa akin kung para kanino ang dalawang mapuputing bundok na yan! Kung hindi!, (banta ni Kesha habang itinaas ang dalawang palad at ang mga daliri ay gumagalaw-galaw na animoy mga galamay ng octopus) ay hihimasin ko ang mga yan hanggang sa maging flat!"
"H-h-hindi ko alam ang pinagsasabi mo at huwag kang lumapit!!" Natatarantang saad ni Mina. Hindi niya alam kung bakit, pero parang sinasapian ang kanyang kaibigan.
"Hindi kaya para kay Undying?"
"Eh?" Biglang natigilan si Mina at nag-dot ang mga mata hindi niya alam kung matawa o magalit. Hindi naman dahil sa pangit ito, dahil ang totoo ay pogi naman talaga. Pero walang naramdaman si Mina para sa kanya. Tanging kaibigan lang turing niya rito.
"Hmm...base sa reaksyon mukhang hindi. Kung ganun kay Necromancer?"
"....."
"Hmm...hindi rin ah. Kung ganun kay Wolf King or Holy Knight?"
"Hah! Nababaliw na ang bestfriend ko Maena tulong." Nakukulitan na bulong ni Mina.
"Fufufu." Natatawa nalang si Maena habang pinagmamasdan ang dalawa. Hindi niya alam napakakulit pala ni Kesha. At hindi rin niya kilala ang mga ibang pangalan na binabanggit ni Kesha. Tanging si Undying at Leon lang naman ang kanyang nakilala na lalaking taga special students.
"Er...kung h-hindi sila. S-Si L-Leo..."
"Hah! Huwag kang mag-alala hindi rin si Leon. Tsaka kaibigan lang talaga turing ko sa kanila." Hindi na hinayaan ni Mina na ituloy ni Kesha ang sasabihin dahil napapansin niya na parang may gusto ito kay Leon. Hindi nga lang pinapahalata ni Kesha pero ramdam ito ni Mina.
"S-sure ka na wala kang gusto kay Leon?" Mahinang tanong ni Kesha habang dahan dahan ibinaba ang mga kamay na gustong tumuklaw ng dalawang mapuputing bundok.
"Mhm."
Kahit sabihin ni Mina na wala siyang gusto kay Leon ay hindi parin nito mapigilan na magduda si Kesha. Lalo na't si Leon ang pinakagwapo sa lahat ng estudyante sa EMRMHS. Tapos may malakas pa na mahika. Ang tanging drawback lang niya ay medyo tahimik hindi gaya ni Undying at Necromancer. Pero depende naman yun sa babae kung anong tipo nilang lalaki.
"Kung ganun s-sino yung lalaking tinutukoy ni Lady Curse." Dahan dahang tanong ni Kesha.
Habang tinatanong ito ni Kesha ay medyo nakadama rin ng pagka-kuryos si Maena. Gusto rin niya malaman kung sino ang lalaking nagugustuhan ng magandang babaeng ito na nagngangalang Mina.
"Eh! Uh...er...p-p-p-pansinsya na Kesha. W-Wala lang yun, nagbibiro lang si Lady Curse nun." Hindi sa ayaw sabihin ni Mina ang tungkol kay Yman. Pero para sa kanya na nakagawa ng pagkakamali kay Yman noong nasa elementarya pa lamang sila, ay tingin niya wala siyang karapatan na banggitin na may gusto siya rito. Lalo na't hindi siya pinapansin nito. Mula noong hinalikan niya si Yman sa pisngi ay hindi na niya ito nakausap pang muli. Kaya kahit tinitingnan lang niya si Yman mula sa malayo ay sapat na kay Mina.
Pero iba na ngayon! Dahil desidido na siyang kausapin at makipagkaibigan sa binata.
Pagkatapos nilang makapagbihis ay dali-dali silang bumaba para makapagpamasyal. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita nila si Undying sa daan at nagbabalak atang sumama sa kanila. Naisipan ni Kesha na pasamahin narin si Leon. Kaya silang lima ang nagkasamang mamasyal.
Una silang pumunta sa mga magagandang lugar na nasa malapit lang sa Blue Horizon Inn. Sunod ay pumunta sila sa mga pamilihan.
Abalang abala si Kesha sa pamimili ng iba ibang item.
Si Maena naman ay kanina pa patingin-tingin sa kanyang interface kung may reply na ba. Pero hanggang ngayon ay wala pa siyang natanggap kahit isang reply mula kay Yman. Halos araw araw siyang nag-mail dito pero wala manlang reply. Kinagat nalang niya ang pang-ibabang labi. Ilang sandali ay sumali narin kay Kesha na mamili ng mga iba ibang item gaya ng mga accessories. Si Mina naman kausap ang dalawang lalaki na nasa tabi lang din nila Maena at Kesha, pero paminsan minsan sumusulyap sa paligid.
Pagkatapos mamili ng mga gamit ay pumunta sila sa sikat na pamilihan kung saan mura ang mga binibinta. Mahigit isang oras lang ang layo nito mula sa asventurers guild main branch kapag nilalakad. At mahigit isang oras din ang layo nito mula sa Blue Horizon Inn kapag nilalakad. Nasa kalagitnaan ito ng Adventurers guild at Blue Horizon Inn. Pero dahil sumakay sila ng kalesa papunta rito ay 10mins lang narating agad nila ang lugar.
"Wow daming tao!" Gulat na napabigkas si Kesha nang makita ang mga tao sa pamilihan na kung saan-saan papunta.
"Leon, wala ka bang balak bumili ng mga bagong equipments?" Biglang tanong ni Undying.
"Balak ko'ng bumili ng mga gamit na para sa pagsasanay." Mahinahong sabi ni Leon.
"Pero sa tingin ko mababa ang kalidad ng mga binibinta rito. Kitang kita sa mga presyo." Sabi ni Undying. Habang sinusulyapan ang magandang engkantada na kanyang nakita sa may pinto ng isang tindahan? Hindi alam ni Undying kung tindahan ba ito pero maraming naka sampay na magagandang damit na pang party. Siguro isa itong pananahian ng mga damit o kahit anong kasuotan.
Makikita na pasilip silip lang ang magandang engkantada sa loob na para bang may hinihintay itong lumabas.
Dinilaan ni Undying ang mga labi niya nang biglang mapalingon sa kanilang direksyon ang engkantadang may milky white hair na shoulder length. May magandang katawan at napaka gandang mukha. Magkahalong cute at ganda. Kakaiba ang dating ng engkantadang ito. Bigla tuloy naisipan ni Undying na subukang kilalanin.
"Undying sinong tinitingnan mo?" Biglang tanong ni Kesha nang mapansin nito na pasulyap sulyap si Undying sa iisang direksyon. Sa kanilang kaliwang bahagi sa hindi kalayuan.
"Ha? Ah wala...wala!" Biglang pagrarason ni Undying.
Ngunit...
"Eh! Si-si-si...a-a-no yan!!" Nang biglang lingunin ni Kesha ang direksyon na kanina pa sinusulyapan ni Undying ay biglang nagbilog ang kanyang mga mata at nauutal sa pagsasalita. Isang napaka gandang engkantada na nakatayong mag-isa sa labas ng pinto ng tindahan ba o panahian ng damit. Kilala niya ito, dahil isa siya sa mga subscriber ng channel nito sa wetube. At isa pa, gustong gusto ni Kesha ang mga music video ng engkantada. Kung hindi siya nagkakamali ang magandang engkantada na nasa labas ng pinto ay si Miss Ella! Napasigaw sa isip si Kesha.
Dahan dahang lumapit si Kesha sa magandang engkantada.
"K-Kesha saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Mina nang mapansin na humakbang si Kesha sa ibang direksyon.