WooooOOOOOOOSSSSSHHHH!!
.
.
.
BooooooooOOOOOOOOMMMM!!
.
.
.
Mabilis na paghampas ng higanteng itim na buntot ang malakas na nagpayanig sa loob ng madilim na parte ng kwebang ito.
Agad naman naglaglagan ang mga butil ng lupa at bato sa paligid. Pero hindi ito pansin ni Yman dahil sobrang dilim ng kweba. Nabitawan niya ang hawak na flashlight kanina nung pagpasok palang ay binanatan na agad siya ng sunod sunod na atake ng halimaw. Ang tanging magagawa lang ni Yman ay pakiramdaman ito at ilag sabay bato ng mga bagay na pwede ibato para masubukan ang kunat ng tila cystal na balat ng Mini Boss na kaharap.
Ngunit wala manlang maidudulot na malaking pinsala ang bagay na ibinato niya rito. Sinubukan niya muna na labanan ng hindi gumagamit ng talent baka sakali manalo pa siya pero mukhang imposible huh!
Kalahating oras na si Yman nakikipag laban sa halimaw. Ang halimaw na ito ay ang tinaguriang Mini Boss. Pinindot ni Yman ang info ng boss na makikita sa gilid ng HP bar.
[Boss Name: Phantom Black Python]
[Boss Rank: C+]
[Boss HP: 99,155/100,000]
[Boss Base Attack: 500]
[Boss Defense: 250]
HiiiissssSSSHHHHH!!
Nakakarinding bosses ng Mini Boss. Bawat atake ni Yman gamit ang Bonesword ay bumabawas ng 365 at 160 naman ang damage kung hindi ang Bonesword ang kanyang gagamitin sa pag-atake.
Habang binabawasan naman ang HP ni Yman ng 750 kapag tinatamaan siya nito. Napansin ni Yman na may dark element ang halimaw. Kaya siguro 750 ang bawas kahit 500 lang base attack nito. Naglalabas ang Mini Boss ng usok na kulay itim mula sa bibig kung saan pag tinamaan ang kalaban ay nagdudulot ng pagkabulag sa loob ng isang minuto. Pero dahil madilim na ang paligid ay kahit hindi bulagin ang kalaban siguradong mahihirapan parin ito makakita.
Sa kasamaang palad walang epekto ito kay Yman na kayang makadama ng killing intent. Kahit ngayon ay nakapikit ang mga mata niya habang pinakiramdaman ang galaw ng kalaban. Paminsan minsan binubuka niya ito para masilip ang HP niya at ng halimaw.
Malawak ang espasyo ng silid na kinaroroonan ng Mini Boss. Siguro para makagalaw ito ng maayos at hindi malimitahan ang kanyang kilos.
Marahil nagtataka kayo kung paano nagkakaroon ng mga Mini Boss. Base sa librong nabasa ni Yman, ang mga Mini Boss ay dating mga low rank na halimaw. Gaya ng hybrid snakes. May dalawang posibilidad para mag-evolve ang halimaw at maging Mini Boss.
Una ay dahil sa katagalan na silay nanatiling buhay. Hindi lang ang mga magician ang may kakayanan magpalakas. Pati mga halimaw ay kayang gawin din ito. Sa katagalan na sila ay nabubuhay unti unting magbabago ang kanilang katawan at lumalakas ang kanilang kapangyarihan. Kung paano?
Sa kasalukuyan ay wala pang naitala na may personal na nakasakhi ng kanilang pagbabagong anyo o pwede rin natin tawaging pag-evolve. Siguro dahil nagtatago sila habang naramdaman na sila'y mag-e-evolve.
Ang pangalawa naman ay sa pamamagitan ng pagkain ng magician. Magician? Oo magician! Ang mga natatalong magician na hindi na nagawang tumakas ay mapait ang sasapitin. Diretso ito sa kanilang tiyan. Para sa mga halimaw, ang mga hollow cells sa katawan ng mga magician ay parang experience points sa kanila. At dahil dito unti unting lumalakas ang kanilang katawan at magsisimulang mag-evolve.
Ang rason kaya may `+' ang kanilang rank ay dahil sa posibilidad na mas malakas pa sila sa mga high level na halimaw. Kahit rank C or rank D kung mag evolve ito at magiging rank C+ or rank D+ ay posibleng maging mas malakas pa sila sa mga rank B or rank A na halimaw.
Mabilis na tumakbo si Yman papunta sa kanyang kaliwa dahil isang nanamang paghampas ng buntot ang mabilis na parating sa kanya. Isa itong pahalang na paghampas ng buntot patungo kay Yman. Habang tumatakbo ay nakasunod ito sa kanya at anumang oras ay maabutan na siya.
Ruuussstle!!
Dinig na dinig ng tenga ni Yman ang mga nadurog na lupang dinaanan. Siguro pagtinamaan siya ay posible pa maging double ang damage nito.
Tinadyak ni Yman ang mga paa ng malakas sa lupa para tumalon ng mataas sa ere dahil naramdaman niya naabutan na siya. Saktong pagtalon ni Yman...
WoooOOOSSSSSHHH!!
Dumaan ang higanteng buntot ng Phantom Black Python. Nagpaikot-ikot sa ere ang katawan ni Yman habang mabilis itong nagdive sabay hampas ng hawak na espada sa dumaang buntot.
Tiing!
[365 damage]
Ramdam ni Yman ang tigas ng galisgis nito. Pero nabawasan parin niya ng HP. Kaya lang kung magpapatuloy ito ay mauna siyang maubusan ng stamina kaysa HP. Bawat pagtama ng halimaw kay Yman ay nababawasan ng 5% ang kanyang stamina. Napagtanto ni Yman na dilekado ang sitwasyon niya. Dahil sa bilis ng regen na bigay ng kanyang armor ay mabilis bumalik ang kanyang HP pero nanganganib naman siyang maubusan ng stamina. Nasa 60% nalang ang kanyang stamina dahil kanina pa siya nito natatamaan at mahigit isang oras na silang naglalaban. Nasa 650 naman ang kanyang MP.
Pagkatapos tamaan ang halimaw ay ginamit niya ang impact nito at nagbackspring paatras para makalayo. Pagkalanding ng kanyang mga paa ay agad na nagpakawala ng makapal na enerhiya si Yman sa katawan. Ramdam niya ang mabilis na pagbawas ng kanyang mana. Siguro kong may makakakita sa kanya ay iisiping nababaliw na siya dahil nag-aaksaya siya ng mana sa delikadong sitwasyon
Ang mga normal na magician ay mag-alinlangan gumamit ng mana sa ganitong sitwasyon. Pero si Yman ay hindi normal, kailangan niya ubusin agad ang mana para magamit ang kanyang talent.
Makikita na nababalutan siya ng matinding kulay berde na liwanag at nagmistulang alitaptap sa madilim na silid ng kwebang ito. Mapang-akit ang liwanag na bumabalot sa buong katawan ni Yman.
Lalo tuloy naging agresibo ang atake ng halimaw.
Hiiisssshhhh!!
Mula sa taas ay biglang nag dive ang ulo ng Phantom Black Python kay Yman habang nakabuka ang malaking bibig. Balak nito lamunin ng buo ang alitaptap sa kanyang harapan na naglakas loob na siya'y hamuning mag-isa.
BaaannNNNNGGGGG!!
Tila lumindol ulit nang tumama sa bato batong lupa ang ulo nito na bigla namang nagdulot ng pagkabuwal ng lupa. Buti nalang nakapag-dive si Yman sa kanan bago pa ito tumama sa kanya.
Ngunit biglang nagbago ang kulay sa mga mata ng halimaw. Ang dating kulay dilaw ay naging pula at nagpakawala ito ng malakas na sigaw na para bang kumulog sa loob ng kweba. Tumaas ang pressure at tila naglalabas ng shockwaves ang lakas ng sigaw nito. Hindi lang yun, nagdudulot pa ng takot ito sa mga kalaban.
Kung saan mawawalan ng concentration ang kalaban at magmistulang basang sisiw.
Agad namang tinakpan ni Yman ang kanyang mga tenga. Alam na niya ang epektong hatid ng sigaw nito. Dahil natamaan na siya nito kanina. Buti nalang talaga at hindi gaanong malakas epekto nito kay Yman.
Dahil nawala ang pagiging matakutin niya simula nung magising sa pagka-comatose. Maraming nabago sa kanya mula noon. Siguro may kinalaman ang kanyang talent sa lahat ng pagbabagong ito.
Napansin ng Black Python na walang epekto ang ginagawa niya. Tumigil ito sa pagsisigaw at bumalik narin ang kulay dilaw nitong mga mata. Nasa 200 nalang natitirang mana ni Yman. Gumagamit din siya ng mga skills para mabilis maubos ang mana.
Ang karaniwang atake ng Black Python na ito ay paghampas ng buntot, pagkagat sa pamagitan ng diretsong pag-atake nito sa kalaban habang nakabuka ng malaki ang malaking bibig at pag-ipit ng biktima sa pagitan ng kanyang katawan. Maliban sa Blind at fear ay kaya rin nito mag pakawala ng shockwaves kung saan sumisigaw ito ng malakas at may lalabas na parang mga rings sa kanyang bibig. Mula sa bibig nito ay palaki ng palaki ang mga mistulang kulay asul na mga rings.
Kanina natamaan si Yman nito at direktang nag 50 ang HP niya at hindi agad nakabangon ng sampung sigundo. Ito ang pinaka nakakatakot na atake ng Mini Boss na ito. Ngunit napagkaalaman ni Yman na may 30 seconds na pagitan bago magamit muli ang malakas na shockwaves. Kapag tumitira ang halimaw ng shockwaves ay nagkukulay puti ang mga mata nito. Kaya kailangan ni Yman tiyempuhan ang pag-ilag kung hindi ay delikado ang buhay niya.
Kahit may halong pagsisisi na hindi agad ginamit ang talent bago pumasok sa silid ng Mini Boss ay kinalma parin ni Yman ang sarili at nag-isip ng taimtim habang pinakiramdaman ang mga galaw ng kalaban.
Ilang sandali ay nagliwanag muli ng kulay puti ang mga mata ng Phantom Black Python.
Tsk!
Pinitik ni Yman ang kanyang dila sa pagitan ng mga ngipin. Nakita niya na umangat ang ulo ng Black Python. Nasa sampung metro mula sa lupa ang bibig nito na nakatutok kay Yman. At nasa labing lima ang layo ng ulo mula sa kanya. Nagsimula na itong magliwanag at anumang sandali ay pwede na itong tumira. Ngunit bago pa ito maitira ang shockwaves ay biglang umangat ang lupa at tinamaan ang bibig nito.
Earth Pillar!
Saktong pagtama ng earth pillar itinira ng halimaw ang kanyang nakakasindak na shockwaves. Dahil sa pagtama nito sa bibig ay nabaling sa taas ang bunganga nito at walang tinamaan kundi ang bubungan ng kweba. Agad naman nagsihulog ang mga malalaking butil nito sa ibaba kung saan naroroon si Yman at ang Black Python.
Thump!
Shit!
Napamura nalang si Yman nang muntik na siya tamaan ng malaking tipak ng bato.
Napansin niya na ready na ulit sumugod ang Mini Boss ngunit walang makikitang takot sa mukha ni Yman. Nakangisi pa nga ito na parang excited.
HiiiissssSSSSSSHHHHHHH!!!
Bang!
Russstle!!
Mabilis na sumugod ulit ang halimaw sa pamagitin ng pagbangga ng ulo sa kalaban. Kaya lang, biglang naputol ng sampung piraso ang 150 meters long na katawan ng Phantom Black Python.
Black Energy!
Mahinang pag-e-echoe ng malamig na bosses ni Yman. Hindi manlang nakasigaw ang halimaw at diretsong naging itim na usok. Wala manlang notification o pop up. Dahil nasira nga ang kanyang RB. Wala rin siyang nakuhang exp.
Dahan dahan naglakad si Yman, makikita sa kanyang mga kamay ang isang metrong itim na mga kuko at ang mga mata naman ay nagkukulay pula.
Klang! Klang!
Dalawang klaseng item naman ang makikita na bumagsak sa lupa. Ito ay mga drops mula sa Mini Boss.
"Hehe"