Kinuha ni Yman ang mga drops at binitbit. Hindi niya tinanggal ang epekto ng black energy dahil narinig niya ulit ang mahiwagang maliit na bosseeees!!
[ano ang gustong mong itanong? Basta huwag mo lang gamitin ang iyong bibig na nakakabingi]
[ok, kung ganun bakit nakakausap lang kita kung gumagamit ako ng talent?]
[dahil tsaka lang ako nagigising kong naka-activate ang iyong talent o di kaya ay nasa panganib ang buhay natin]
[natin?]
[oo natin]
[eh?... kung ganun sino ka?]
[ako ay ikaw at ikaw ay ako]
[eh? Anong ibig mong sabihin?]
[pasinsya na dahil wala rin akong ideya. Pero pwede mo akong tawaging Sistema]
[Sistela?]
[S-I-S-T-E-M-A!!]
Kumunot nag noo niya sa mga sinasabi ng bosses. Hindi niya alam ang pinagsasabi nito. Anong sistema? Isa ba siyang interface? Imposible naman ata yun. Paano nakakausap ang sistema na parang tao? Naisipan nalang ni Yman na ibaling muna sa ibang araw ang issue na ito dahil medyo komplikado at hindi niya napaghandaan ang mga pwede itanong dito.
Pero ilang sandali ay naisipan niya ulit magtanong.
[ano naman ang kaibahan ng System Interface mula sa External Backbone at sa interface na nakikita ko ngayon?]
[ang external backbone na sinasabi ninyo ay isa lamang pangunahing kagamitan na ginagamit upang mapukaw ang totoong lakas na nakatago sa bawat isang magician. Ang mga nakapag breakthrough ng 100% at mahigit sa kanilang limiter ay nagkakaroon ng sarili nilang sistema kung saan magagamit nila ang tunay na lakas na kani kanilang taglay]
[kung ganun ikaw ang sistela ko? Pero sabi mo 100% breakthrough. Paano at bakit nagagamit kona ang sa akin?] Kuryos na tanong ni Yman.
[oo ako ang S-I-S-T-E-M-A mo!! Hmph!!... kaya nagagamit mo ako ay dahil... wala rin akong kasagutan diyan... na-activate nalang ako isang araw at napansin ko na may foreign na substance ang nasa loob ng iyong katawan. Hindi ko alam ang dahilan ng pagka-activate ko ng mas maaga. Marahil may kinalaman ang foreign na bagay na iyon sa pagka-activate ko]
Lalong kumunot ang noo ni Yman. Anong foreign na substance?
[sabi mo sistela ka, pero bakit nasa talent kita?]
[hey! Sinasadya mo ba talagang tawagin akong sistela?! Huh!!]
[ahaha]
[hmph!! Kaya nasa talent mo ako ay dahil wala akong choice!!]
[eh?! Anong ibig mong sabihin?]
[kung hindi ka pumunta sa lugar na iyon ay hindi sana mangyayari ito! Sapilitan kong binura ang talent na dapat mong makuha at pinalitan ng black energy]
[binura at pinalitan?]
[oo binura at pinalitan ko ang talent na dapat mong makuha kapag ikaw ay nag level 3 para mailigtas tayong dalawa sa kuko at pangil ng mga ghouls]
[a-ano ang iyong binurang skill?]
[para magamit ang black energy ay kailangan ng malakas na magic pampalit dito. Pero dahil mga low ranking ang iyong skill ay wala akong magawa kundi burahin ang malakas na talent na dapat mong makuha]
[malakas na talent?]
[oo, malakas na talent na tinatawag na Hyper Regeneration kung saan kayang pagalingin lahat ng klase ng sugat, pinsala o kahit ang malalang karamdaman]
[eh? H-h-h-h-hyper Regeneration?!!]
[oo, at ito dapat ang magiging talent mo]
[ahaha siguro isa itong self healing ulit]
[ahem! Hindi ito isang self healing na kagaya ng mga mahina mong skills ngayon. Isa itong area of effect na healing magic at napakalakas ng epekto nito. Kaya siguro mahina ang iba mong skill's dahil nakareserba na ang napakalakas na healing magic na dapat mong makuha sa iyong talent]
Wha———ttttt???!!
Biglang natigilan sa paghakbang si Yman sa narinig. Ang kanyang pinapangarap na healing skill na kayang magpagaling ng kahit na anong klaseng sakit ay nakalaan pala dapat sa kanya.
Kaya pala mahina ang kanyang ibang magic skills ay dahil hindi kayang suportahan ng mahina niyang enerhiya ang iba pang skills. Nakalaan na sa kanyang talent ang karamihan sa kanyang enerhiya kaya puro self healing lang ang nakukuha niyang skills. Pero....
.
.
.
.
.
Binura???????????????. . . .
.
.
.
.
.
Binura??????????????. . . .
.
.
.
.
.
Binura at pinalitan?????!! WaaAAAAAHHH!!
BAAAAKKKIIIT MOOO BIIINNURRRAAAA???!!
Halos gumuho ang buong kweba dahil sa lakas ng sigaw ni Yman. Lalo na at naka black energy mode pa siya. Nagsimula tuloy magsihulog ang mga butil ng bato at lupa. Halos kinuyog ang buong kweba.
Hindi niya napigilan ang pagkabigla sa nalaman.
[baliw kaba?!! At huwag kang sumigaw TaNGAAA!! Sa tingin mo may silbi pa yun kung mamatay ka rin naman? Dapat magpasalamat ka sa akin. Hmph!!]
[eh?]
Naisipan ni Yman may tama naman ang sinabi ng sistelang ito. Pero sayaaAAAANNNGG!!
[uhm, sistela virus] malamig na sabi ni Yman.
[anong sistela virus?]
[isa kang virus dahil nambubura ka ng walang pahintulot]
[hmpf!!]
[hey! Sistela virus pwede paba maibalik yung skill na nabura?]
[tingin mo ba may recycle bin ang system interface? Pag nabura na, wala na yun! at huwag mo akong tawaging sistela virus!!]
[ugh!]
Naisip ni Yman na wala na siyang magagawa kaya nagpatuloy nalang siya sa paglakad habang nakalaylay ang mga balikat at naglakad na parang negosyanteng nalugi. Pero ano kaya ang sinasabi nitong foreign na substance? May kinalaman kaya ang nangyaring insidente noong akoy nasa preschool pa lamang?
"Hah!"
Nagpakawala ng mahinang buntong hininga si Yman. Marami pa siyang naitanong kay sistema na tinatawag niyang `Sistela Virus' dahil sa pambubura nito ng skills.
Napansin ni Yman na walang makikitang HP or Mp sa Black Interface(tawag ni Yman sa interface na makikita kapag naka black magician mode).
Ngunit, may makikitang Power Level na 100,000 sa may upper left side ng interface. At hindi rin rank ang makikita sa mga skills kundi level. Pero nakalock halos lahat ng section nito. Hindi rin makapag equip ng items. Siguro dahil sapilitan ang pag-activate nito.
Dahil sa insidente sa mga ghouls kung saan muntik mapatay si Yman, napilitan ang sistema niya na palitan ang nakalaang malakas na healing magic talent ng black energy. Bukod dito, nagawa niyang kontrolin ang katawan ni Yman at nilabanan ang mga ghouls.
Napag-alaman din ni Yman na walang time limit ang paggamit niya ng black energy. Nakadepende lang pala sa katawan niya kung gaano katagal ang kakayanin.
Pinayuhan ni Sistela si Yman na huwag palaging gamitin ang black energy baka hindi kayanin ng low level pa niyang katawan ang backlash na dulot nito.
At maaaring unti unti nitong kainin ang kanyang pagkatao.
Pero kailangan ni Yman ang kapangyarihan ng Talent kung gusto niyang lumakas. Dahil nawala ang pinapangarap sana niyang skill, ay wala na rin siyang magagawa kundi gamitin ang talent na pinalit.
Lalo na't magulo na ang kanyang skills at stats. Magpapalakas nalang siya sa tulong ng kanyang talent.
Napansin din ni Yman na hindi magagamit ang kanyang mga skills sa normal mode kung siya'y gumagamit ng black energy.
"Hah! Makaalis na nga. Tsaka ko na iisipin ang mga bagay na ito. Kailangan ko na makauwi sa Engkantasya."
Dahan-dahan naglakad palabas ng kweba si Yman, bitbit sa kamay ang mga kakaibang bagay na drop items. Ang isa ay itim na galisgis na parang gawa sa crystal. At ang isa pa ay isang mask na kulay itim din. May dilaw itong mata at sa bandang bibig may kulay gray na guhit na pormang bibig ng Phantom Black Python.
Dahil hindi gumagana ang kanyang RB ay hindi niya matingnan ang stats nito. Pero tingin ni Yman isa itong rare high grade equipments dahil nung mahulog ito sa lupa ay nagliliwanag ito ng kulay asul.
.
.
.
.
.
.
Sa ilang oras na paglalakad ay nakalabas narin siya ng kweba. Mabilis niyang pinili ang may pakpak na ghoul icons na makikita sa kanyang Avatar skill.
Biglang may lumitaw na itim na hugis elder ghoul sa may likuran at ilang sandali sumanib ito sa kanyang katawan na sinabayan ng pagtubo ng mga pakpak sa likod ni Yman.
Dahan dahan niyang ikinampay ang mga pakpak. At dahan dahan din lumutang ang kanyang katawan. Nakadama ng kasiyahan si Yman.
"Hahaha, kakaiba pala ang feeling kapag nakakalipad ka. Dahil sa laban nung nakaraan ay hindi ko gaanong na-feel ang paglipad. Pero ngayon, ay napakasaya pala."
WoooooOoooOooOOOSSSSHHH!!!
Binilisan ni Yman ang paglipad. At nilagay niya sa mukha ang maskarang bitbit para maharangan ang pressure na dala ng hangin.
Kakaiba ito tingnan sa malapitan, parang malaking itim na paniki na may mukha ng Black Python ang mabilis na lumipad patungo sa direksyon ng Engkantasya.
Sinundan niya ang daan na makikita sa ibaba. Ito yung daan na kanilang tinahak sakay ng kalesa sa isang iglap lang ay napunta agad siya dito. Kung pagbabasihan ang araw, sa tingin ni Yman ay nasa 2pm na ang kasalukuyang oras.
WOOOOOooooosssshhh!!
Naisipan niya na lumipad sa mas mababa. Ngayon ay nasa tatlumpung metro ang taas ng kanyang paglipad mula sa lupa. At binagalan din niya ang paglipad para mas lalong ma-enjoy ito.
TweeeEEEEET! TWEEeeeet!!
Maraming ibon ang makikitang nakikisabay sa paglipad ni Yman. Baka akala nila ay ibon din siya.
"Hehe gusto n'yo ba ng karera? Ano paunahan tayo?" Sabi ni Yman sa mga ibon.
Matapos sabihin ito ay pinaikot-ikot ni Yman ang kanyang katawan habang binilisan ng kunti ang paglipad. Kung titingnang mabuti ay para lang siyang batang naglalaro. Agad namang binilisan din ng mga ibon ang kanilang paglipad para habulin siya.
Tweeeeet! Tweeeeeet!!
[Mukhang nag-eenjoy ka]
[hah!]
[hmpf]
"Pero sayang parin yung Hyper Regeneration na Talent!!!" Sigaw sa isip niya at binilisan pa ang paglipad.
WooooOOOOSSSSHHHHHH!!
[hah!] bumuntong hininga si Sistela kahit na walang bibig.