Chereads / Self Healing Magic / Chapter 53 - Hybrid Sand Mole

Chapter 53 - Hybrid Sand Mole

Ang mga Hybrid Sand Mole ay madalas makikita sa mga mabuhanging lugar gaya ng desyerto. Kaya nagulat si Yman nang makita ito dito sa loob ng kweba.

Matapos patayin ang isa ay mabilis niyang pinulot ang mga dagger at ibinalik sa sakuban nito na nasa kanyang mga hita. Kinuha niya ang Bonesword na nasa inventory at mabilis na hinarang ang atake ng isa pang halimaw na nasa likuran na niya. Nagpaulan ng sunod sunod na atake ang halimaw.

Pero dahil sa mataas ang agility ni Yman ay walang nagawa ang mga atake nito. Sinangga niya lahat gamit ang Bonesword. Nakaabang lang si Yman sa tamang tiyempo para bumawi sa pag-atake habang patuloy na hinaharangan at paminsan minsan ay iniilagan ang mga atake ng halimaw.

Isang malakas na atake ng kuko mula sa kanan ng kalaban ang parating kay Yman pero bago pa ito tumama sa kanya ay humakbang siya paabante sabay yuko para ilagan ito.

WooooOOOOOOSSSSSHHH!!!

Umabot sa mga tenga ni Yman ang parang tunog ng bubuyog nang lumagpas ito sa itaas ng kanyang ulo. Walang pagdadalawang isip na tinadyak ni Yman ang mga paa para mabilis na makaabante at mapunta sa likuran ng halimaw.

Mabilis niyang hinampas ang likod ng halimaw ng ataking mula sa upper left papuntang down right.

Ziing!

Isang diagonal slash ang pinakawalan niya. Hindi ito attack skill, kundi normal attack lang at walang dagdag damage na gaya ng mga skills. Ramdam ng kamay ni Yman ang medyo makunat nitong balat nang lumapat ang talim ng Bonesword sa balat at laman ng halimaw.

[330 damage]

Nagulat siya dahil ganun parin ang lumabas na damage kahit Bonesword na ang kanyang ginamit. Naalala agad ni Yman na may elemento pala ng lupa ang mga halimaw na ito kaya hindi gumagana ang dagdag na [+50% of total attack] mula sa earth element. Dahil kulang parin ang damage para tuluyan itong maging itim na usok ay naisipan ni Yman na sundan agad ang atake.

Ngunit bigla siyang natigilan at mabilis na tumalon paatras ng limang metro. Dahil may naramdaman siyang killing intent na nagmula sa lupa. Ito yung pangatlo sa apat na nagpakawala ng killing intent.

Isa ito sa mga pangunahing kakayanan ng mga mole type na halimaw. Kaya nila lumublob sa ilalim ng lupa at hatakin ang kanilang biktima. Kahit rank A magician ay siguradong walang kawala kapag nahatak sa ilalim. May dagdag na +200% lakas ang mga mole kapag umaatake habang nakalublob sa lupa.

Ang lahat ng impormasyong ito ay base mismo sa mga librong nabasa ni Yman tungkol sa iba ibang halimaw. Hindi lang dito sa underworld meron ang ganitong uri ng halimaw. Marami rin nito sa upperworld.

Naging maingat si Yman at walang makikitang kompiyansa sa kanyang mukha, hindi gaya ng laban kanina sa mga Blue Beak Bird. Kung saan bara bara ang kanyang pag-atake at tila hindi pinag iisipan. Pero alam kasi ni Yman na walang maidulot na gaanong pinsala ang mga Blue Beak Bird sa kanya. Lalo na at tanging Shockwave na mahina at Peck attack lang ang kaya gawin ng mga munting ibon na iyon. Sa taas ng depensa ni Yman na may dagdag pang resistance sa physical at magical ay tanging gasgas lang ang naidudulot ng mga atake ng munting ibon.

Pero ibang usapan na ang mga halimaw na nasa kanyang harap ngayon. Dahil may special ability ang mga ito, ang paglublob sa lupa at hinahatak ang biktima sa ilalim. Nakakapanindak ang ability na ito. Lalo sa kagaya ni Yman na nasa level 4 palang o kahit sabihin na nating level 5 na siya dahil sa mga dagdag na stats ay nagmistula na siyang advance sa level. Pero wala parin itong magawa kung mahatak siya sa ilalim. Kulang pa ang lakas ng level 5 lalo na at wala siyang kapakipakinabang na skills na pwede gamitin pangkontra sa ability ng halimaw.

Nang makaatras si Yman ay mabilis niyang pinalitan ng silver dagger ang Bonesword at pinalipad ito diretso sa nakaumbok na tiyan ng halimaw. Kaya wala parin itong kawala at naging itim na usok.

[You've killed....]

[You've got hybrid sand mole fur]

[Exp gained +1000]

Napansin ni Yman na mas mataas ang bigay nitong exp kaysa sa Hybrid Snakes at Blue Beak Bird. 100 lang dagdag ng Exp ng dalawa habang 1000 naman ang Hybrid Sand Mole.

Sa pagkakaalam ni Yman ang fur nito ay nabibili ng 10k pesos ang bawat isa. Dahil marami itong gamit na pwede gawin gaya ng paggawa ng vest, coat, armor at iba pa. Habang ang kuko naman ay nabibili ng 5k pesos. Ginagamit ang kuko nito sa paggawa ng mga kasangkapan sa pagbungkal ng lupa at bato gaya ng hatchet o shovel at pwede rin ito ihalo sa metal upang gawing sandata.

Dalawang killing intent nalang ang natira. Ang isa ay nasa bandang kaliwa ni Yman at nagbabalak na sumugod anumang oras habang ang isa naman ay nasa ilalim parin ng lupa. Mahirap patayin ang isang ito dahil walang skills si Yman para pasabugin ang lupa at hatakin palabas sa tinataguan ang halimaw.

Naisipan ni Yman na unahin ang nasa kaliwa. Bago pa sumugod ang halimaw ay mabilis na siyang sumugod papunta rito. Inunahan na niya ito, dahil naramdaman niya na parating sa kanyang likuran ang halimaw na nasa ilalim ng lupa. Nasa sampung metro nalang ang halimaw na kanina nasa kaliwa at ngayo'y nasa harapan na. Ni-ready ni Yman ang isang dagger sa kanang kamay dahil may hawak parin na flashlight ang kanyang kaliwa. Limang metro nalang at kitang kita na ni Yman ang halimaw.

Shit!

Ngunit, bigla siyang natigilan sa pag-atake at mabilis na umilag sa pamamagitan ng pag dive sa kanan. Dahil isang malaking bagay ang mabilis na paparating sa kanya. Gumamit ng isa pang ability ang mole. Isa itong kakaibang atake sa pamamagitan ng paghagis ng bato o boulder, at hindi ito normal na atake ng halimaw, dahil pag tinamaan si Yman ay siguradong mahihilo siya dahil sa epektong dagdag nito na kayang mag-stun ng kalaban. Isa ito sa karaniwang ailments na dulot ng mga may earth elements na halimaw. Ang atake ay tinatawag na Boulder Throw.

At dahil hindi ito normal attack ay siguradong may dagdag itong damage pag tinamaan si Yman. Kaya mas mainam na ilagan niya ito. Nang makapag-dive ay diretsong gumulong si Yman para mabilis na mabawi ang balansi ng katawan.

Nakita ni Yman na balak ulit pumulot ang halimaw ng isa pang malaking bato na nagkalat sa paligid. Dahil sa paggulong ay nasa anim na metro na ang layo ng halimaw kay Yman. Ang isa naman na nasa ilalim ng lupa ay ay nasa tatlong metro?

Mabilis na tumayo at tumakbo patungo sa kalaban na pumupulot ng bato si Yman nang maramdaman na nasa malapit na pala ang isa pang mole. Malakas na tinadyakan ni Yman ang lupa at sumugod nag mabilis sa mole na nasa unahan.

Ziing!

Isang saglit lang sa sobrang bilis ng laban ay tumilapon ang kamay ng mole bago paman nito maihagis ang bitbit ma malaking bato. Dahil nasa anim na metro lang naman ang distansya nito kay Yman. Kalahating sigundo lang ang kailangan niya para maabot agad ito.

SwoooOOOSSSSSHHHHH!!

Nang makalagpas sa halimaw ay mabilis na pinalitan ni Yman ng dagger ang Bonesword at pinalipad ito patungon sa likod ng mole na putol ang kamay.

GyaaAH!

[You've killed.....]

[....got hybrid sand mole claw]

[....got hybrid sand mole fur]

[Exp gained +1000]

Hindi tumigil sa pagtakbo si Yman kahit napatay niya ang pangatlong mole. Dahil sa bilis niya ay lumayo ulit ang distansya nila ng isa pang ghoul na nasa ilalim ng lupa. Nang mapansin ni Yman na nasa dalawampu't limang metro na ang distansya nila, ay bigla siyang humarap sa direksyon ng mole habang dumausdos paatras ng sampung metro.

Kinuha niya ulit ang Bonesword mula sa inventory at binaon sa lupa ang matulis na dulo nito. Nang mapansin ng mole na huminto ang taong kalaban ay lalo pa nitong binilisan ang paggapang sa ilalim ng lupa. Palapit na ng palapit ang mole nasa labing pitong metro nalang ito. Pinakiramdaman lang ni Yman ang halimaw gamit ang pandama sa killing intent. Napansin niya na nasa labing limang metro nalang ito.

Earth Pillar!

Ginamit ni Yman ang skill ng espada. Kung dati sa limang metro lang pwede ito magamit ni Yman. Ngayon dahil sa paglevel up ay napansin niya na pwede na pala itong gamitin hanggang 20meters.

Biglang umangat ang lupa kung saan naroroon ang halimaw. Pero dahil earth element ang mole at kaya nito mag-dive sa lupa ay wala itong naidulot na pinsala. Kaya lang, dahil sa pag-angat ng lupa, ngayon ay lumusot ang mole mula sa pader ng pillar. Kasalukuyan na itong nasa ere.

"Hehe!"

Ngumiti si Yman at mabilis itong sinugod.

Shiing!

Zing!

Dalawang sunod sunod na atake. Pagkatapos ng vertical slash ay sinundan agad ni Yman ng paghagis sa hawak na Bonesword.

[.....killed rank C monster hybrid sand mole]

[.....got hybrid sand mole fur]

[Congratulation's! You've got Killer Jacket]

[Exp gained +1000]

"Killer Jacket?"

Tiningnan agad ni Yman ang details nito.

[Killer Jacket](common)

β€’+500 HP

β€’+3 All stats

β€’+50 HP Regen

"Hindi high grade pero ok na yung stats. Hehe!"