Chereads / Self Healing Magic / Chapter 49 - Interesante

Chapter 49 - Interesante

Pagkatapos mailagan ang Consecutive Shots ay napagtanto ni Yman na malaking tiyansa na maiilagan din nito ang Homing Arrow. Kaya agad na pinasundan ni Yman ng pagbato sa silver dagger.

Hindi alam ni Khan kung paanong may dagger ang bumaon sa dibdib ng kalaban. Hindi niya napansin ng bumato si Yman.

Nagsitinginan naman sa kanilang likuran ang dalawa pang bandido. Nakita nila na wala ng malay ang kanilang archer. Naniningkit na matang sinulyapan ng bandidong may bitbit na scimitar sila Yman.

"Akin ang isang ito!!" Galit na saad ng bandido. Mabilis na sumugod ito kay Yman. Ngunit hinarangan ito ni Zak.

"Hindi kita hahayaan!" Sinugod ni Zak ang bandidong may scimitar, ngunit tumalon ito patungo kay Yman bago paman maiwasiwas ni Zak ang kanyang malapad na espada.

"Shit! Mag-ingat kayo!" Sigaw ni Zak sa dalawa sa likuran.

"Kuku! Halika bata maglaro tayo! Hahahaha!" Malakas nitong tawa habang lumalabas ang mahabang dila at umaagos ang malapot na laway.

Nang makita ito ni Yman ay may kinuha siya sa kanyang cyber storage. At pinaipit sa kanyang daliri tapos mabilis na pinitik!

Swooosh!

Pak!

GyuUHH!!!

Tinamaan ito sa noo at agad nahinto sa pagsugod. Mabilis naman nitong hinawakan ang nananakit na noo. Napansin ng bandido na may bagay na bumaon sa kanyang noo. Kinuha niya at tiningnan. "Hybrid rat tooth?"

"Hehe" mahinang tawa ni Yman sabay sinyas ng sugod sa kalaban gamit ang hintuturo.

Nang makita ang panghahamon ng bata sa harap ay agad nagsilabasan ang mga ugat sa katawan ng bandido. "Inisip mo ba matatalo mo ako huh?!!" Sumbat ng bandido.

"Lapit nang malaman mo" hamon ni Yman.

"Abay ang lakas ng loob ng batang to! Hahahaha!" Malakas na tawa ng bandido habang nakahawak sa tiyan ang kanang kamay.

"Daming satsat?"

Tumigil sa pagtawa at naningkit ang mga mata ng bandido "Aha ganun pala ha... Mukhang sawa kana nga sa buhay mo bata... Sige pagbibigyan kita!" Sabi ng bandido at pinaikot ang hawak na scimitar sa kanyang kamay.

Nagpalabas ito ng asul na enerhiya habang si Yman ay nagpalabas ng berdeng enerhiya. At nang makita ng bandido ang kulay sa enerhiya ng binatilyo sa harapan ay ngumisi ito na may halong pangungutya.

"Heh! Level 4 kalang pala... pero ang lakas ng loob mo tanga!! AHaha!"

Namutla ang mukha ni Khan nang makita ang kulay berdeng enerhiya ni Yman. Hindi niya alam kung bakit hinahamon pa ni Yman ang bandido eh level 4 lang pala siya.

"Ano bang iniisip ni Yman? Hindi ba siya takot mapaslang?" Takot na napatanong sa isip si Khan.

"Y-Yman t-tulungan kita!"

"Huwag na Khan, diyan kalang!"

"Eh?!" Nabigla si Khan sa tugon ni Yman at hindi na nakapagsalita.

"Bwahahaha ang lakas talaga ng loob ng isang ito!!... Sa tingin talaga kaya niya ako!... Naisip mo ba anong gagawin ko sayo?... Isa-isahin kong puputulin ang mga daliri mo!... Isusunod ko ang mga kamay at paa mo!... At pagkatapos ay babalatan kita at budburan ko ng asin ang buong sugat ng iyong katawan!!" Malamig na sabi ng bandido.

Lalong namutla ang mukha ni Khan sa takot dahil sa mga pinagsasabi ng bandido.

"Hehe, manong kung ayaw mong lumapit edi ako na ang lalapit dami pang kwento" sabi ni Yman habang dahan dahan na humakbang bitbit sa kanang kamay ang Bonesword na nakatutok sa lupa.

"Eh? Y-Yman huwag kang padalusdalos!" Sigaw ni Khan. Gusto sana niya awatin ito pero nakakatakot naman ang bandido. Ayaw niya ibaling ng bandido sakanya ang galit nito lalo na at hindi pa tapos sa pakikipaglaban ang mga uncle niya. Walang makakatulong sa kanila.

"Wahahaha grabe na talaga pagkabaliw ng isang ito!! Gyahahaha! Sige! kung yan ang gusto mo pagbibigyan kita bata!!"

Attack Up!

Brave Force!

Sunod sunod na paggamit ng buff ng bandido.

Enforce!

Gumamit din si Yman ng buff.

"Humanda kana bata!!"

Ibinaba bahagya ng bandido ang kanyang katawan. At itinaas ang espada sa bandang dibdib habang nakatutok ang matulis na dulo ng scimitar sa unahan.

Sonic AttaaaAAAAACCCCKKKK!!!

Malakas na sigaw ng bandido na sinabayan ng mabilis na pagsugod. Agad naman nagsitaas ang mga alikabok sa kanyang likuran na para bang nagwawalang tauru.

Kumunot ang noo ni Khan nang tingnan ang atake ng kalaban habang iniimagine ang hindi magandang kahinatnan ni Yman. "Dapat sana hindi nalang niya ito hinamon level 4 lang naman siya."

"Yman taKbO!" Malakas na sigaw ni Khan.

Hindi alam ni Yman kung bakit pero kakaiba ang boses ni Khan na kanyang narinig. Kaso hindi na niya ito pinansin pa. At agad na sumugod din sa kalaban.

"Naku! Sabi ko takbo pero hindi sa direksyon ng kalaban" namumutlang bulong ni Khan.

Sa isang iglap lang... Zing! Zing!

Nagkatagpo at lumagpas sa isa't isa ang dalawa at ngayo'y nakatalikod sa isa't isa. Sampung metro ang distansya ng mga likod nila.

Thump!

Isang katawan ang bumagsak makalipas ilang sandali.

Weng, weng, weng!

Tumilapon at nagpaikot ikot sa ere ang scimitar.

Zing!

Pagbagsak ay bumaon ito sa lupa katabi ng mukha ng bandido. Makikita ang malaking pahalang na sugat sa kanyang katawan na nasa bandang bewang. At hindi lang yun may isa pang espada ang bumaon sa kanyang paa.

"M-man..da...rah...yahh.."

"Kuku" tanging tugon niya sa nag-aagaw buhay na bandido.

Nanlaki ang mga mata ni Khan sa nakita. Hindi siya makapaniwala na natalo ng lowlevel ang mas mataas na level, at sa harapan na laban? "Paano niya ginawa yun?" Tanong sabay kamot sa mga mata "nakatiyamba lang kaya siya?" Pero napansin niya na walang makikitang takot o kaba sa mukha nito. Kalmado ito na para bang walang nangyaring laban sa harap niya "tao ba talaga ang isang ito?!" Hindi napigilan na itanong ito sa isip ni Khan.

Gyahhh!!

Gwaaahh!!

Pagkatapos matalo ni Yman ang may bitbit na scimitar napansin niya na tapos narin talunin ni Zak ang kanyang kaharap. Si Taz naman ay natalo ang isa na kanina pa nangungulit sa kanyang tagiliran. Ngayon tanging ang may maraming piklat sa mukha nalang ang natira. Nakita ni Yman na level 6 din ito kagaya ni Taz at mukhang hindi basta basta. Lalo na at pinapaulanan pa niya ng Wind Blades si Taz gamit ang elemento ng espada.

Parehong mabilis ang dalawang naglalaban. Halatang binubuhos nila sa agility ang lahat ng points nila. Kahit si Yman ay nahihirapan na sundan lahat ng galaw nila.

Ting, ting, ting!

Nagpang-abot sa ere ang dalawa at nagpaulan ng mga atake sa isa't isa.

"Gyahaha! May ibubuga ka naman pala gold adventurers" sabi ng huling bandido na may maraming piklat sa mukha.

"Tsk! Sino ang mag-aakala na ang isang bandidong kagaya mo ay may kakayanan din. Pero yun ay kung totoo ka ngang isang bandido" malamig na tugon ni Taz.

"Gyahahaha mukhang nabuko mo na ako ha. Hindi ka nga basta basta, Taz the Shadow!" Sabi nito habang umatras at pumatong sa ginawang pillar ni Yman "kuku sinong mag-aakala na may isa pang may elemental weapon dito! Gyahaha" dugtong niya nang mapansin ang pillar.

"Sabihin mo ano ang totoong pakay niyo!"

"Gyahahaha huwag kang aporado malalaman mo rin sa susunod nating pagkikita... pero sa ngayon ay kailangan ko muna umatras, dahil sa walang mga kwentang tauhan..gyahaha!" Sabi nito habang unti unting kumukupas ang kanyang katawan na parang chameleon/hinyango na nag camouflage.

"Tsk! Hindi kita hahayaan!!" Mabilis na sumugod si Taz para pigilan na tumakas ang kalaban.

Bang!

Biglang nadurog ang butil butil na tuktok ng malaking pillar. Nagsitalsikan naman ang butil ng lupa sa paligid. Dahil sa atake ni Taz. Ngunit wala na itong kalaban na tinamaan. Mukhang nakatakas na nga ito.

Tsk!

Pinitik ni Taz ang kanyang dila sa pagitan ng mga ngipin. Lumingon lingon siya sa paligid ngunit nawala na ito.

Si Khan naman ay tumalon mula sa bubong ng kalesa palapit kay Yman.

"Y-Yman paano mo.."

Ting!

"Eh?!"

Nagulat ang lahat dahil sa tunog ng banggaan ng mga metal.

"Ehk?!" Gulat ng isang boses na hindi nakikita.

Ting, ting, ting!

Banggaan ng espada at dagger na hindi makikita ng mga mata. Biglang nagtinginan ang lahat sa direksyon ni Yman. Nagulat sila dahil para itong nag shadow fight habang iwinasiwas ng mabilis ang bitbit na kakaibang espada.

Ting, ting, ting!

Dahil gumagabi na ay tanging mga nagsitalsikang mga liwanag lang ang makikita habang iwinasiwas ni Yman ang kanyang espada.

Tiiiiing!!

CreeeEEEEAAAAKKKK!!

CreeeEEEEAAAAKKKK!!

Isang malakas na banggaan ng sandata na sinundan ng dalawang tunog ng pagdausdos. Nakita rin nila na dumausdos ng limang hakbang paatras si Yman. May makikita rin na isa pang marka ng pagdausdos sa salungat na direksyon ni Yman mula sa lupa.

"Gyahahahaha!!" Isang pagtawa ang narinig ng lahat. Alam nila kung sino ang taong nagmamay-ari ng boses na ito, ang leader ng mga bandidong may maraming piklat sa mukha.

"Tsk!"

"Gyahahaha sinong mag-aakala na may isa pang interesanteng tao sa grupo mo Taz the Shadow" sabi ng boses.

"Tsk! Magpakita ka!"

"Hehehehe! Ngayon aalis na talaga ako pero hintayin niyo ang aking pagbabalik! Lalo kana interesanteng binatilyo!! GYAHAhahaaa...!!" Pahina ng pahina ang boses at ramdam ni Yman na umalis na ito sa lugar.

"Hayop takot kaba?! Magpakita ka!" Sigaw ni Taz.

"Umalis na siya" mahinahong sabi ni Yman.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Yman. Hindi nila alam kung paano niya nalaman na andito pa ang kalaban. Hindi lang yun, nakipagpalitan pa siya ng hampas at palo sa hindi nakikitang kalaban. Sinulyapan nila ito ng may halong pagdududa sa mga mata. Sa isip nila ay "ano ba talaga ang totoong pagkatao ng binatilyong ito? Mukhang hindi basta basta ang binatilyo sa kanilang harapan. Talaga bang level 4 lang siya? Kaya pala kampate ang isang ito pumunta sa Grassyland ng mag-isa ng walang dalang RB at sira ang EB na nakakapit sa leeg" sari saring laman ng kanilang pag-iisip. Pero kahit paano nila tingnan ay mukhang ordinaryo lang talaga ang binatilyong ito. At walang kakaiba maliban sa pagiging kalmado nito kahit sa harap ng panganib.

Pati si Yman ay nagdududa rin sa sitwasyon. Napansin niya na target ng mga bandido si Khan. Hindi lang yun, totoo ba talagang mga bandido ang mga nakalaban nila? Parang miyembro ito ng mga masamang organisasyon na sinusuhulan para mangdukot at pumatay gaya ng D'Chaos. Pero anong meron sa pagkatao ni Khan? Bakit nila gustong makuha ito? Kala ko ba anak siya ng mayamang pamilya na nalubog sa utang. Pero kahit gaano pang isipin ni Yman ay wala naman siyang kaugnayan sa kanila. Kaya ibinaling nalang niya sa likod ng kanyang isipan ang mga ito.

"Hah! Troublesome" isang buntong hininga ang kanyang pinatakas sa bibig sabay bulong sa sarili.

"Yman okay ka lang?" Tanong ni Zak.

"Okay lang."

"Maraming salamat pala sa pagprotekta kay Khan."

"Walang anuman."

"Y-Yman may 3rd eye ka ba?" Biglang tanong ni Khan ng makalapit sa kanila.

"Ahaha" hilaw na tawang tugon ni Yman. Hindi alam ni Yman kung matawa ba siya. Mukha ba siyang halimaw sa paningin ni Khan?

"Pero paano mo nakikita ang mga nakaimbisibol na kalaban?" Kuryos na usisa ni Khan.

Ah ito pala ang ibig niyang sabihin sa 3rd eye "uhm, naramdaman ko lang talaga" walang pag dalawang isip na tugon ni Yman. Pero sa isip niya, diba pangalawang beses na ito tinanong ni Khan sa akin?

"Yman! Ano kaya kung dumiretso nalang tayo sa Amazon town? Medyo gumagabi narin kasi at hindi naman ito kalayuan sa Grassyland" biglang tanong ni Taz kay Yman. Nagulat siya sa ginawa ng binatilyong ito. Natalo pa nito ang dalawang bandido na parehong level 5. Samantalang level 4 lang siya. Hindi lang yun, nakipag palitan pa sa level 6 na imbisibol.

Kaso lang, kung titingnang mabuti ay para lang talaga itong ordinaryong binata.

"Sige" sang-ayon niya.