Chereads / Self Healing Magic / Chapter 48 - Stealth

Chapter 48 - Stealth

Isang kasinglaki ng kamaong bato ang inihagis ni Yman sa bandidong umasinta kay Zak. Isa ito sa durog na bahagi ng malaking bato na nabangga ng kalesa.

Napatingin si Khan kay Yman na nasa kanyang kaliwa. Hindi niya akalain na babatuhin nito ang bandido at nasapul pa sa mukha. "A-Ang galing mo Yman" sabi ni Khan habang nakahinga ng maluwag ngunit bakas parin ang takot at kaba sa kanyang mukha. Akala niya matatamaan na si Zak ng Bowgun. Ngumiti lang ng bahagya si Yman sa sinabi ni Khan. Dahil alam niya na walang maidulot na malaking pinsala ang bato. Pero tamang tama na ito para magambala ang kalaban sa binabalak nitong gawin.

"Kid maraming salamat!" Malakas na sambit ni Zak habang mabilis na sinugod ang nahihilo paring kalaban. Kitang kita sa mukha nito ang pag-agos ng dugo sa kanyang ilong.

Mabilis lang ang pagkahilo nito at nawala agad. Bigla naman uminit ang ulo nito dahil hindi masayang matamaan ng bato sa mukha.

Bwiset!

Galit na nilingon niya ang pinagmulan ng inihagis na bato. Ngunit binati siya ng malapad na bahagi ng espada paglingon.

BaaAAANNNGGG!!!

Tumilapon ito at dumausdos ang katawan at agad nawalan ng malay. Napansin naman ng isa pang bandido na may hawak na dagger sa mga kamay ang binatilyo na nasa tabi ng kalesa at katabi rin nito ang isa pa na nakasuot ng maluwag na robe. Ngumisi ito dahil nasa sampung metro na ang distansya ng lalaking may malapad na espada mula sa dalawa. Hindi lang yun, mukhang mga lowlevel pa ang dalawang ito. Hula niya nasa level 4 palang ang dalawa. Dinilaan ng bandido ang mga hawak na dagger na sinundan ng paggamit ng skill.

Stealth!

Isa itong rank B na skill. May tatlumpung sigundo naman ang epekto ng skill kung saan nagiging imbisibol ang buong katawan ng gumamit. Dahil sa skill na ito ay marami na siyang napatay ng walang kamalay malay. Kawaawa lagi ang sinasapit ng mga biktimang target niya. Hindi manlang nila alam na lalagutan sila ng hininga. Tanyag siya sa pagkitil ng buhay sa mabilis at siguradong paraan. Pero ang target niya na nasa unahan ay dalawang pipityuging mga musmos lamang. May napatay nga siya dati na mas mataas pa sa level niya. Lalo na ang dalawang ito na nasa unahan. Anong magagawa ng mga ito kung iturok niya ang hawak na dagger sa mga leeg ng dalawa.

Hindi mapigilan ngumisi ang bandidong naka-stealth habang iniisip ang gulat na reaksyon ng dalawang magiging biktima kapag naiturok na niya ang dalang mga dagger sa kanilang mga leeg.

"Gue-hehe-hehe walang kamalay malay ang dalawa. Nakakatuwa talaga pagmasdan ang mga kaawa awang magiging biktima ko lalo na ang gulat, takot at kaba sa kanilang mukha habang dahan dahan nagiging zero ang kanilang HP... sino kaya ang uunahin kong lagutan ng hininga? Pagsabayin nalang! Teka lang... ehehehe mukhang kakaiba ang amoy ng isa sa kanila" tumawa ito ng masama nang makalapit lapit na at pumasok sa ilong ang kakaibang amoy. Agad naman nitong dinilaan ang mga labi. "Kaya pala gustong hulihin ng leader ang isang ito gue-hehe. Magaling! magaling... Ililigpit ko muna ang mukhang patpatin at walang kamuwang-muwang na binatilyong may itim na buhok" nagliliwanag ang mga mata nito at abot tenga ang ngiti habang sumisilip ang mga nagdidilaw na mga ngipin.

Mabilis na sumugod ang naka imbisibol na bandido kay Yman. Nakatutok ang mga matulis na talim ng kanyang dagger sa unahan habang nakataas ng bahagya hanggang balikat. Limang metro at isang sigundo nalang itatarak na niya ang mga talim ng dagger sa leeg ng binatilyong walang kamuwang muwang. Tinadyakan niya ng malakas ang lupa para lalo pang bumilis. WooOOSSH!!! "Paalam na binatilyooohhh!!!" Malakas niyang sigaw sa isipan at kitang kita ang kasiyahan.

PaaAKK!!!

Kakaibang tunog ng pagtama.

BlaaAAGGHH!!!

Tumilapon paatras at bumagsak sa lupa ang katawan. Hindi niya alam kung anong nangyari pero sumasakit ang sikmura at napansin din niya ang nangalahating HP bar sa gilid ng kanyang paningin. Dahan dahan siyang bumangon. Cough, Cough, Cough! Sunod sunod na pag-ubo dala ng malakas na pwersang tumama sa kanyang sikmura. Dahil dito ay nawala sa konsentrasyon ang kanyang isip kaya nawala rin ang epekto ng Stealth.

Halos hindi makapaniwala ito sa nangyari at naguguluhan. Paano siya tinamaan? Imposible yun! Naka-stealth siya! Wala pa siyang nakasagupa na kayang makita ang Stealth mode niya! Ngunit kahit ano paman ang kanyang iisipin ay huli na ang lahat. Natamaan na siya ng malakas na sipa sa sikmura.

Iniangat niya ang kanyang mukha at lumingon sa harapan. Kung saan naroroon ang binatilyong bibiktimahin. Kung saan naroroon dapat ang binatilyong bibiktimahin. Kung saan dapat naroroon... pero nasaan na ito? Napatanong nalang siya sa isip nang hindi na matanaw ang kaninang binatilyo. Tanging ang naka-robe lang ang nasa harapan na tila may takot, kaba at higit sa lahat ay gulat na rumehistro sa kanyang mukha ang nakita ng bandido.

Zing! Zing!

GuwaaAAAHHHH!!!

Dalawang dagger ang kanyang nakitang lumusot sa kanyang sikmura na bumaon mula sa kanyang likuran. Ito ang mga dagger na kanyang pagmamay-ari. Nabitawan niya kanina dahil sa lakas ng impact na tumama sa kanyang sikmura.

"Drop items" sabi ni Yman habang tinatanggal ang RB sa braso ng bandido.

Ito ang huling nakita at narinig ng bandido bago nawalan ng malay. Kitang kita rin ang luha at takot sa kanyang mukha.

Dahil sa bilis ng pagsugod ng naka-stealth na bandido ay hindi nito napansin ang biglaang sipa ni Yman. Nakadama ng matinding killing intent si Yman sa kanyang harapan. Habang palapit ito ng palapit ay patindi ng patindi ang kiling intent na ito. Kaya malakas at mabilis niyang isinipa ang kanang paa sa harapan. Sakto namang natamaan sa sikmura ang nakaimbisibol na bandido. Kahit medyo nagulat si Yman ay agad niyang pinulot ang mga dagger na nabitawan nito.

Gulat na gulat naman si Khan sa nasaksihang pangyayari. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Yman na may nakaimbisibol na bandido sa kanilang harapan. Talaga bang level 4 lang siya? Bakit ang bilis ng kilos niya? Halos hindi ko nga napansin ang pagsipa niya sa bandido? Naguguluhang pagtatanong ni Khan sa isip.

"Y-Yman pa-paano mo nalaman na m-may kalaban sa harapan?" Hindi napigilan na mgatanong si Khan.

"Hmm. Naramdaman ko lang" sagot ni Yman habang inilalagay sa kamay ang nakuhang RB.

"Eh?! Naramdaman mo lang?"

"Mhm!"

Pagkatapos ilagay sa braso ang nakuhang RB ay agad na nilingon ni Yman ang paligid. Nakita niya na lima nalang ang natirang kalaban. Kasalukuyang nakipagtulakan si Taz sa kalaban na may maraming piklat. Habang iniilagan ang atake sa tagiliran ng isa pang bandido. Si Zak naman ay pinagtutulungan ng tatlong bandido at mukhang nadidihado dahil sa pagpapaulan ng palaso mula sa bandidong may pana. Nasa sampung metro ang naglalaban sa kanilang unahan.

"Khan anong mga skill mo?" biglang tanong ni Yman.

"Uhm, Homing Arrow at Consecutive Shot. Tapos.."

"Sige gusto kong gamitin mo ang Consecutive Shot at sundan mo agad ng Homing Arrow."

"P-pero mahina pa ang attack ko."

"Okay lang yan. Basta huwag kang magdadalawang isip na gamitin ito."

"S-sige" kahit hindi alam ni Khan kung anong binabalak ni Yman ay sumang-ayon nalang siya.

Nang ini-activate ni Yman ang kanyang nakuhang RB ay agad binati siya ng pop up. Automatic na naka log out ang account kapag tinanggal ang RB o EB sa katawan.

[ID:___________]

[Password:___________]

Tap, tap, tap!

Matapos ilagay ang kanyang ID at password ay agad na sinundan ng...

[Account confirmed!]

[Logging in...]

[Successful!]

[Welcome back user Yman Talisman!]

Pagka-log in ay nakita niya ulit ang mga bagay sa kanyang Interface. Kinuha niya agad ang Bonesword mula sa inventory.

Nakita ni Yman na balak ulit magpaulan ng palaso ang bandidong may pana kay Zak.

Zing!

Mabilis na itinusok ni Yman sa lupa ang matulis na dulo ng Bonesword.

Earth Pillar!

Nagulat ang bandidong may pana ng biglang tila lumindol sa kanyang kinatatayuan. Sinubukan niyang tumalon sa kaliwa ngunit...

BlaaaAAGGGGH!!!

Nadaplisan siya ng malaking pillar na tumubo na gawa sa lupa. Dahil busy ang kanilang atensyon sa lalaking may malapad na espada ay hindi nila napansin ang dalawa sa unahan. Para sa kanila ay mga pipityuging mga bata lang naman ito. Kompara sa dalawa na kasalukuyang kaharap ay balewala ang dalawang bata sa likod. Kapag matapos nila ang dalawang level 6 ay siguradong walang kawala ang dalawang mahina sa likod.

Nakita ni Yman na tumilapon ang archer ng kalaban.

"Ngayon na Khan!" Malakas na sigaw ni Yman.

Tumalon si Khan sa bubong ng kalesa habang makikita ang nag-iilaw na pana sa kanyang kamay.

Mabilis na inasinta ni Khan ang tumilapon na bandido kahit na nanginginig ang mga kamay. Kinagat ni Khan ng bahagya ang pang-ibabang labi bago pakawalan ang mga skill. First time niyang umasinta ng tao. Kaya hindi madali sa kanya na gawin ito at napapikit nalang siya. Biglang pumasok sa kanyang isip ang sinabi ni Yman. "Huwag kang magdadalawang isip na gamitin ang mga ito..." biglang ibinuka ulit ni Khan ang mga mata at pinakawalan ng sunod sunod ang mga skill habang nagliliwanag ng berde ang kanyang katawan.

Consecutive Shot!

Homing Arrow!

Swoosh!

Woosh!

Tatlong magkasunod sunod na arrow na sinundan ng malaking arrow na nagliliwanag.

Napansin ng archer ang mga palasong paparating na itinira ng musmos na nakapatong sa bubong ng kalesa. Biglang ngumisi ang bandido kahit hindi pa siya nakabawi ng balansi.

"Huwag n'yo akong maliitin!!!" Malakas niyang sigaw sabay pakawala ng asul na enerhiya. Intinukod niya ang kamay sa lupa para mabilis na mabawi ang balansi ng katawan.

Bago pa siya tamaan ng arrow ay nakatayo na siya agad. Mabilis niyang inilagan ang tatlong sunod sunod na palaso. Ngunit hindi niya inaasahan ang huling arrow na parating. Bigla itong lumiko at sumunod sa kanya.

Wooosh!

Thump!

Buti nalang mabilis siyang tumambling sa likod at naiwasan na tamaan. Tumama sa lupa sa kanyang paanan ang Homing Arrow.

Nagulat si Khan dahil hindi niya tinamaan ang bandido.

Plok, plok, plok!

Kakaibang pagpatak ng pulang likido mula sa katawan.

Dahan dahan itinaas ng bandidong may pana ang kanyang mukha at nilingon ang kinaroroonan ng dalawang musmos sa unahan. Nakita niya ang nakangising binatilyo na may itim na buhok. Nakita rin niya ang may kulay gintong buhok na gulat na gulat.

Napansin din ng bandido na mabilis bumabawas ang kanyang HP. Na makikita sa kanyang paningin. Isang dagger ang nakatusok sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

"Pa-paano?...na..ngyari....."

Thump!

Hindi natapos nito ang sinasabi at natumba.