Chereads / Self Healing Magic / Chapter 43 - Death and Chaos

Chapter 43 - Death and Chaos

"Yman"

"Yes Headmaster Laura!"

"Maraming salamat sa pagprotekta mo kay Merea"

"Hindi n'yo na kailangan magpasalamat sa akin Headmaster Laura, dahil kahit ako man din ay niligtas ni Rea. Atsaka... (sumulyap muna si Yman kay Rea ngunit biglang binaling ni Rea sa ibang direksyon ang kanyang tingin)...masaya ako na okay lang si Rea" matapat niyang tugon. Hindi niya alam kung bakit agad na binabaling ni Rea ang kanyang tingin sa ibang direksyon sa t'wing magkakatitigan sila.

Tumango at ngumiti si Laura sa tinuran ni Yman. At may kasama pang meaningful na tingin nang makita na sinulyapan ni Yman si Rea. Ang kanya namang pamangkin ay halatang hindi mapakali sa bawat pagtingin ni Yman. "Mukhang may something sa dalawang ito" paghihinala ni Laura habang itinaas ng bahagya ang kilay at kumurba paitaas ang mga labi.

"Kung ganun...(tumigil muna sa pagsasalita si Laura upang isang-ayos ang pag-upo)...dumiretso na agad tayo sa rason kung bakit ko kayo pinatawag" wika ni Laura.

"Yes Headmaster!!!" Sumang-ayon ang lahat.

"Dahil sa pag-amin ng isa sa mga bihag ay napagkaalaman namin na hindi basta bastang grupo ang kalaban na kinakaharap ng guild" seryosong boses na pagsasaad ni Laura.

"Ah! sorry mali ang pagkakasabi ko..." dugtong ni Laura.

"Hindi lang pala ng guild pero ng buong kaharian ng Engkantasya at posible na pati rin sa iba pang mga kaharian at siyudad sa iba ibang panig ng mundo" Pagkatapos magsalita ay tiningnan ni Laura ang lahat. Sinabi niya na umamin ang isa sa mga preso.

Nagulat si Yman dahil sa bilis makakuha ng impormasyon ng guild. "Mukhang hindi basta basta ang kapit ng guild sa kaharian ha!" Pagkakaalam ni Yman ay dinala ang mga nahuli sa piitan ng palasyo. "At ano kayang klaseng torture ginawa nila para mapaamin ng mabilis ang bilanggo?" Hindi mapigilan na mapatanong sa isip si Yman habang dahan dahan uminom ng kapeng puti.

"Uhm. Alam n'yo naba kung sino-sino ang mga miyembro ng grupong ito?" Direktang tanong ni Ron kay Laura.

"Hindi pa Ember" maikling tugon naman ni Laura.

"Kung ganun..." natigilan si Ron sa kanyang sasabihin dahil itinaas ng bahagya ni Laura ang kanyang kanang kamay.

"Maliban sa mga bilanggo ay hindi pa matukoy kung sino-sino pa ang miyembro ng mga nakadilim na asul pero... (tumigil muna sa pagsasalita si Laura at may iniabot na evelope na siya namang tinanggap ni Ron) pero dahil diyan ay posible na malaman natin ang lahat tungkol sa grupong ito" sabi ni Laura habang iniayos ulit ang pagkaupo.

Dahan dahan na kinuha ni Ron ang laman ng envelope. At nang masilayan ang laman nito ay hindi mapigilan na sumimangot ang mukha. Isang litrato ng lalaki na nasa 37-40 years old ang makikita sa puting papel. Ang lalaking ito ay miyembro ng adventurers guild. Kilala ni Ron ang lalaking ito, ito rin ang dahilan kung bakit siya biglang sumimangot.

Napansin ni Yman ang pag-bago ng mood ni Ron. Pero hindi na niya ito pinansin pa. "Siguro may kaugnayan kay Ron ang lalaking nasa picture" bulong ng isip ni Yman.

"Headmaster, sigurado ba ito?" Tanong ni Ron.

"Hindi ko masasabi na 100% pero ang sabi ng kumantang bihag, yan daw ang impormante na nagreport tungkol sa hawak na cryst ni Yman at Merea" malungkot na sabi ni Laura.

Biglang may naramdaman na palad sa kanyang balikat si Ron. Ipinatong ni Jesa ang kanyang kaliwang palad sa balikat ni Ron nang maramdaman ang pagbago ng mood nito.

"Kung ganun Headmaster Laura, ano naman ang ibig sabihin ng hindi basta bastang grupo?" Biglang tanong ni Jesa.

"Ah yun ba? Alam n'yo ba na ang sinisimbolo ng asul ay kapayapaan sa mundong ito" sabi ni Laura.

Kumunot ang noo ng lahat pati narin si Rea. Dahil hindi nila makuha kung anong gusto ipahiwatig ni Headmaster Laura.

"Fufu. Kung ang asul ay sinisimbolo ang kapayapaan, ano naman kaya ang sinisimbolo ng dilim na asul?"

Biglang natauhan ang lahat sa huling sinabi ni Laura. Nanlaki ang kanilang mga mata.

"K-kaguluhan..." mahinang sambit ng kanina pang tahimik na si Rea. Sumimangot naman ang lahat nang marinig ito.

"Kuku. Very good Merea" sabi ni Laura habang hinimas ang ulo ng pamangkin.

"Kung ganun, ano naman kaya ang sinisimbolo ng markang bungo?" Biglang dugtong ni Laura.

Lalo pang nanlaki ang kanilang mga mata, napagtanto nila na mukhang hindi lang basta basta cosplay ang kasuotan ng grupong iyon.

"K-kamatayan..." sagot ulit ni Rea.

"Kuku. Goodjob Merea" hindi alam ni Laura kung bakit ganado ata sumagot si Merea ngayon. Nagpapasikat ba siya sa binatilyong nasa harap? Napansin din niya na panay ligaw tingin si Rea sa direksyon ni Yman. "Ahaha. paktay mukhang tinamaan na yata ang pamangkin ko" bulong sa isip ni Laura habang ipinatong sa kaliwang balikat ni Rea ang kaliwang kamay.

"Death and Chaos?" Mahinang bulong ni Yman.

"Tama! Ang grupo nila ay tinatawag na Death and Chaos o DC in short" usal ni Laura. "At hindi lang basta grupo ito, dahil isa itong malaking organisasyon na pinamumunuan ng mga hindi pa nakikilalang mga leader" dugtong ni Laura habang inisa isang tingnan ang mga mukha ng mga kasama. Napansin niya na tanging si Yman lang ang walang pagbabago sa ekspresyon. "Kuku. Kakaiba talaga ang isang ito"

Kumunot naman ang mga noo ng grupo ni Ron.

"Malaking organisasyon?" Napabulong nalang si Ron.

"Kaya Ember alam mo na ang gagawin" sabi ni Laura.

"Yes Headmaster" sagot ni Ron habang naningkit ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit na involve dito ang taong nasa litrato. Pero kailangan niyang malaman mismo mula sa taong ito ang rason.

"Yan ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag. Huwag kayong mag-alala dahil makakasama n'yo parin si Nine at Seven sa panibagong misyon. Alam ko na mas mabuti na ikaw ang humawak sa misyong ito lalo na sa katauhan ng lalaking nasa litrato" seryosong sabi ni Laura.

"Maraming salamat headmaster Laura" seryosong tugon din ni Ron.

"Uhm. Headmaster Laura. Bakit naman ako pinatawag?" Biglang tanong ni Yman habang dahan dahan ibinalik sa platito ang wala ng laman na tasa.

"Kuku. Mayroong pagdiriwang sa malaking bulwagan sa ikatlong gabi at gusto kong samahan n'yo ako ni Merea" sabi ni Laura.

"Eh? Pagdiriwang?" Napatanong nalang si Yman. Dahil hindi naman sa hindi pa siya nakapunta sa mga pagdiriwang. Pero lagi nalang hindi maganda ang memorya niya sa mga ganitong okasyon.

"Oo Yman. Mayroong gaganapin na pagdiriwang sa bulwagan ng palasyo. Kung saan iniimbitahan ang mga mahahalagang tao sa kaharian. Hindi naman sa sinasabi ko na isa ako sa mahalagang tao, pero bilang Headmaster ng guild ay kailangan ko parin dumalo. Hah!" Paliwanag ni Laura sabay pakawala ng buntong hininga. Sa totoo lang ayaw na ayaw ni Laura sa ganitong pagtitipon. Pero bilang headmaster ng guild ay kailangan niya pumunta. At isa pang dahilan, gustong makita ni Laura ang reaksyon ng dalawang ito. "Kuku"

"Pero bakit ako kasama Headmaster Laura?" Tanong ni Yman.

"Dahil walang escort si Merea. Dadalo ako sa pagpupulong ng mga mahalagang tao pagdating dun, kaya maiiwang mag-isa si Merea sa bulwagan. Hahayaan mo lang ba siya na apihin dun? Mag-isang nakatayo at walang kausap? Paano nalang kung may masamang binata na magtangka ng hindi maganda sa napakaganda kong pamangkin? Sino ang magliligtas sa kanya?" Paliwanag ni Laura na parang maluwa-luwa ang mga mata sa pagmamakaawa para lang pumayag si Yman. Pero sa isip niya... "Kuku. Abot leeg na ang pamumula ng pamangkin ko. Ito namang binatilyo sa harap ay hindi parin ma-gets ang sitwasyon! Hah!"

"Ahaha. (Hilaw na tawa ni Yman sabay kamot sa pisngi) kung ganun, wala na akong magagawa" sabi ni Yman sabay lingon kay Rea. Pero.. "humph!"

"Eh?! Galit ba siya?"

Sa isip ni Rea...

"Napipilitan lang ba siya na samahan ako? Ayaw ba niya ako makasama? Ayaw ba niya sa akin? Eh?! Ano bang pinag-iisip ko? Bakit parang gusto kong magustuhan niya ako?! Nooooo! Kumalma ka Rea! KALMAAA!" Kinagat ni Rea ang pang-ibaba niyang labi habang malakas na kinuyom ang paldang suot.

Hindi napansin ng dalawa na sa kanilang paligid ay lihim na humahagikhik ang mga kasama sa kilig.

"Tinamaan"

"Tinamaan na nga"

"Oo. Tinamaan na"

"Kuku"

"Goodluck!" Sabi ni Ron sabay patong ng kamay sa balikat ni Yman na may kasamang ngiti. Para itong bigbro na nagbibigay payo sa nakakabatang kapatid.

"?!" Naguguluhang Rea.

Biglang nag-thumbs up si Alexes kay Yman nang mapalingon siya dito.

"?!" Nalilitong Yman.

Tanging si Yman at Rea lang ang walang ideya sa mga reaksyon ng kasama.

"Oh my Lady Ella!" Sabi ni Seven na para bang nagdarasal.

"Puffftt!!!" Mangiyak-ngiyak na pinigilan ni Laura ang pagtawa nang mapagmasdan ang reaksyon ng dalawa.

Kinamot nalang ni Yman ang kanyang ulo dahil sa kakaibang kinikilos ng mga kasama. "Hah!" Isang buntong hininga ang tumakas sa kanyang bibig.

"Oh siya nga pala Yman"

"Yes Headmaster Laura"

"Napagkaalaman ko na may pupunta rin na mga estudyanteng mula sa EMRMHS kasama si Principal Mar Mari"

"Ganun ba?"

"Eh? Bakit parang hindi ka masaya?"

"Uhm. Hindi naman sa ganon. Pero wala naman akong gaanong kakilala sa EMRMHS dahil ilang araw lang ako nagtagal dun bago mapunta rito" sagot ni Yman.

Binigyan nalang nila si Yman ng understanding look.

"Ah ganun ba"

Sa isip ni Yman...

Kung tutuusin si Bob lang naman ang naging kaibigan kong estudyante dun. At hindi ko rin masasabing bestfriend dahil ilang araw lang naman ako nagtagal sa akademya. Mas marami pa nga akong haters kaysa likers.

Kumusta na kaya sila dun? Si Ms. Pai at Lolla kumusta na kaya? Sayang nasira pa ang pinahiram sa akin na RB hindi ko tuloy matawagan. Uhm! Speaking of RB!

Biglang namuti ang mga mata ni Yman nang maalala ang napaka-importanteng bagay na nakalimutan.

RB=1million pesos!!!

Gwaaaah! Saan ako kukuha ng pambayaaaaad?!

Nagulat ang lahat dahil biglang pinagpawisan ng malamig si Yman habang namuti ang mga mata. Natataranta naman si Rea kung anong nangyari.

"Bilis Seven! Seven! Seven!"

"Ow Lady Ella i-kalma mo ang iyong puso" sabi ni Seven na parang nagtutula.