Sinabihan ni Yman si Laura na nasira ang RB na pinahiram nito sa kanya. Sinabi rin niya na babayaran nalang kung makakapag-ipon na ng pera, yun ay kung papayag ang Headmaster.
Pero nakahinga si Yman ng maluwag nang sabihin ni Laura na okay lang bayaran nalang daw kung may sapat na siyang pera. Ayaw sana papayag ni Rea na pagbayaran ni Yman ang nasirang RB pero sabi ni Laura na hindi ganon ang binatilyo.
Naisipan din ni Laura na pahiramin ulit si Yman ng isa pang RB kaso sa ikalawang araw pa ito makuha. Lihim naman na binulungan niya si Rea na hindi naman niya sisingilin ito. Hahayaan nalang niya si Yman kung magbayad o hindi. Dahil dito ay hindi na umalma pa si Rea.
Natuwa si Yman sa sinabi ni Laura na pahiramin siya ulit. Kaya lang, kung gagamit siya ulit ng Black Energy ay siguradong masisira lang ito. Biglang napagtanto ni Yman ang dahilan ng malaking WARNING sign ng talent niya. Una, nakakasira ng EB at RB. Pangalawa, dahil sa requirements na kailangan zero ang kanyang mana ay nagkaka Mana Deficiency siya pagkatapos ito gamitin. Ang masaklap pa ay hindi niya ma-activate ang talent kung walang RB o EB!
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay dumiretso agad si Yman sa kanyang kwarto upang magmuni muni. Pagkaupo sa malambot na upuan ay agad siyang napaisip.
Hah! Mukhang hindi maganda ang sitwasyon ko. Hindi pa nga ako nakaipon ay may utang na agad. Ano kaya pwede kong gawin? Tapusin ko nalang kaya muna ang quest para makapagbinta na ako ng mga drops? Kaso ngalang wala akong magic. Pero sa tingin ko kakayanin ko naman kung mga low ranking monsters lang ang kalaban.
Nag-isip muna ng maigi si Yman at tinimbang timbang ang sitwasyon.
Sa huli ay napag desisyunan niya na gawin ang quest.
Eh teka lang check ko muna kung magkano nalang natira sa pera ko.
Ziiiip!
Tiningnan ni Yman ang laman ng kanyang pitaka.
Buti nalang talaga nagtabi ako sa pitaka ng isang libo at limang daan kung hindi, ay kahit pagkain wala akong malamon. Nasa balance ng Interface kasi ang karamihan sa pera ko. Ang matatanggap naming allowance ay diretso sa wallet section ng interface. Para itong points kung titingnan.
Hmm! Ang sunod kong quest ay...
•Kill 30 Hybrid Snakes
Kuku mukhang hindi magiging madali ito ah. Kailangan ko pa bumili ng mga gamit dahil wala akong magic. Buti nalang kahit sira ang EB o RB ay malakas parin ang katawan ko. Ang total na lakas ko ngayon ay gaya sa level 5 na magician kahit level 4 palang ako. Uhm sa tingin ko mas malakas pa nga sa normal na level 5. Dahil sa mga nadagdag na stats. Sayang lang at hindi ko magamit ang bonesword.
Matapos makapag bihis ay dali-dali na pinag-isipan ni Yman ang mga kailangan niyang dalhin.
Ano kayang mainam dalhin kapag nagha-hunting? Ang hirap pala kung walang Cyber Storage.
Bag? Oh Backpack. Tapos ano ang ilagay? Ah baon at tubig. Bibili nalang ako mamaya sa bar kapag bumaba na ako. Magdala narin ako ng sleeping bag panigurado. Baka gabihin ako. Atsaka sako, para lalagyan ng drops. Dahil siguradong hindi direkta sa Cyber storage ang mga ito. Malay natin makaloots pa ako ng magagandang drops. Sunod ay mga pangpa-ilaw siguro.
Argh! Ang hirap pala magprepare lalo na kung hindi sanay sa mga ganitong bagay.
Pagkatapos makapag handa ng mga bagay na dadalhin ay dumiretso agad si Yman sa pamilihan para bumili ng sandata at potion pangkontra sa lason at paralyze. Lalo na't kilala ang Hybrid Snakes sa lason at paralisa.
Pagdating ni Yman sa pamilihan ay binati siya ng buhay na buhay at masiglang atmosphere.
Ang dami talagang tao sa lugar na'to.
"Sir dito bili na kayo! Pili lang po kayo meron kami lahat ng klase ng potion!" Sigaw ng ali habang hinihikayat ang mga dumadaan para bumili ng paninda. Medyo mataba ang ali na ito at normal na tao lamang, dahil walang kakaiba sa kanyang mukha maliban sa malaking nunal na nasa bandang ilong.
Hmm! Matingnan nga. Bulong ko sa sarili habang dahan dahan na nilapitan ang tindahan ng ali na nagsisigaw.
"Sir anong potion ang kailangan niyo. Meron kaming mga best quality dito" sabi ng ali.
"Meron ba kayong rank C na potion para sa poison at paralyze?" Tanong ko sa kanya.
"Ah potion pang poison at paralyze po ba?! Sandali lang" sabi ng ali habang may kinuha sa box.
Mabuti at mukhang meron. Sambit ko sa sarili.
"Ito na po sir!" nilapag ng tindera ang dalawang kulay itim na box na may isang palad ang laki bawat isa. Nang binuksan niya ito ay makikita ang hili hilirang takip ng potions. Dumampot ako ng isa na nasa kanang box. Gaya ng red potions ng aking ina ay nasa isang cylindrical tube rin ito na kasing laki ng hintuturo. Ang kakaiba lang ay kulay berde ang laman nito. Giniwang giwang ko. Pagkatapos kong igiwang ay medyo nagbago ang kulay ng potion. Tiningnan ko ang tindira. Napansin ko na medyo pinagpawisan ito ng malamig.
Kuku! Sabi nga ng nanay ko. Na ang high quality na potion ay hindi nagbabago ng kulay kahit igiwang giwang pa ito. So ang isang ito ay may halo na at hindi high quality. Hah! Swindler si ali. Pero chance narin ito para makamura. Hehe!
Kinalaunan ay nakabili ako ng tatlong tunay na rank C na paralyze at poison potion sa murang halaga. Tinakot ko ang tindira na isumbong kung hindi bababaan ang presyo. Kuku! Ang bawat isa nito ay nagkakahalaga ng 100pesos pero nabili ko lang sa halagang 20pesos kada isa.
Sunod ay naglakad ako papunta sa tindahan ng mga sandata at baluti. Grabe talaga ang daming tao at kalahating tao. Halo halo pa ang amoy sa paligid.
"Tabi! Tabi! Padaan!" Sigaw ng lalaki na nasa 40+ years old. Nakasuot ito ng kulay dilaw? Kulay puti pala na nagkukulay dilaw na bandana sa ulo. May dala siyang isang sako na sa tingin ko ay may lamang graba. Bato bato ang hubad nitong katawan habang umaagos ang nagkukulay itim na pawis. Makikita rin ang mga armguard nito na kulay pilak.
Nag sidestep ako bahagya para hindi matamaan ngunit...
Pak!
Natamaan parin ako.
EWWW! Napasigaw ako sa isip nang mapansin ko ang nagsitalsikang mga nangingitim na pawis, kaya napaatras agad ako ng mabilis. Kung titingnan ay para akong tumalsik nang mabunggo.
"Sabing tabiii!!!" Galit na sigaw nito.
Ako pa talaga. Nasambit ko nalang sa isip. Dahan dahan hamakbang ako papalapit. "Cough! Manong pwede ba isuli mo ang pitaka ko? Wala na kasi akong ibang pera. Haha" mahinahong sabi ko sa mamang kalbo sabay ngiti.
Oo kalbo pala ang lalaking ito. Natanggal ang bandana na suot nito at nagreplika ang sikat ng araw sa kanyang ulo. Hindi lang yun, kinuha pa ang pitaka ko.
"Anong pitaka pinagsasabi mo huh!" Galit niyang bulyaw sa akin. Dahil sa lakas ng boses ay umagaw ito ng pansin. Bigla naman kaming pinalibutan ng mga tao sa paligid.
"Hey tingnan niyo may nag-aaway"
"Eh?! Diba si Stonehard yan? Balita ko level 4 siya" bulong ng isang lalaki na nakasuot ng leather armor.
"Balita ko rin mas malakas pa siya sa pangkaraniwang level4" sabi naman ng kausap nito na may kulay berde na buhok.
"Tinalo daw niya ang sampung Stone Slug at isang Bigger Slug ng mag-isa kaya siya tinawag na Stonehard" sabi naman ng babaeng may nakatakip na bandana sa bibig. Makikita rin ang dalawang espada sa kanyang likod.
"Bad news ang isang yan" sabi ng kaninang naka leather armor na lalaki.
"Ahaha. Yang pitaka na hawak mo manong kalbo. Pwede ibalik mo sa akin yan?" Mahinahon kong pakiusap. Kaso mukhang walang epekto huh.
"Ka-Kalbo?!" Galit na usal ng kalbo habang nagmarka ang kanyang pulso na pormang krus sa bandang noo.
"Baliw ba siya? Iniinis pa talaga niya si Stonehard" sabi ng kaninang lalaki na nakasuot ng leather armor.
"Kay laking tanga ng binatilyong ito! Mas importante paba sakanya ang pera keysa sa buhay niya?!" Dugtong naman ng isa.
"Hoy bata! Pakiulit nga ng sinasabi mo!" Galit na sigaw ng kalbo.
"Kalbo? Panot? Skinhead! Walang buhok haha" sabi ko sabay tawa. Naiinis narin ako sa kalbong to.
"Kalbo pala huh!"
Mukhang galit na ang notpa. Tiningnan ko ang mga kawal na nagbabantay sa area na nasa unahan nagmamasid, pero bigla namang ibinaling nila ang kanilang mga tingin. Haha! Ganun pala yun. Mukhang ang mga ito ang may pakana. Sa tingin ko may porsyento sila sa perang madukot ng kalbo. Kung ganun wala na akong magagawa.
Woosh!
Biglang nagpakawala ng kulay berdeng enerhiya si manong kalbo. Na sinundan naman ng paghulma ng malaking palakol sa kanyang mga kamay.
Strength UP!
Defense UP!
Sunod sunod na paggamit ng buff. Mukhang hindi naman pala basta basta ang kalbong ito.
Hoorya!!!
Sigaw ng kalbo sabay talon ng sampung metro sa ere papunta sa direksyon ko, habang nakataas ang mga kamay na nakahawak sa hawakan ng palakol.
"Lagot na siya!"
"Bata takbo!"
Kitang kita ang mga takot sa pagmumukha ng mga taong nakapalibot dahil sa maaring mangyari sa binatilyo kapag tinamaan ng palakol. Nakita rin ni Yman na ngumisi ang mga kawal na dapat ay umaawat sa kaguluhan.
Waaaaah!
Hiiiiiiiiiiiiii!
Nagsigawan ang mga tao sa maaring madugong kahinatnan.
Itigil mo yaaaaaaaannn!!!
Isang magandang bosses ang malakas na umalingawngaw. Kahit na may parating na panganib mula sa taas ay nilingon parin ni Yman ang pinagmulan ng boses.
Isang magandang engkantada na may blonde na straight na buhok at nakasuot ng uniporme ng magic high school?
Stone Breaker!
Sigaw ng kalbo. Agad namang ibinaling ng mga tao sa paligid ang kanilang mga tingin dahil sa maaring napakabrutal na kahantungan ng binatilyo. Yung iba ay tinakpan ang kanilang mga mata ng sariling kamay para hindi makita ang pagkadurog ng laman ng binatilyo.
Humanda kaaaaa!
Bang!
Creak!
Wooosh!!!
Halos nagkaroon ng lindol sa lakas ng atake. Napaatras naman ang mga tao sa paligid dahil sa lakas ng pressure. Ang mga babae ay pilit na pinigilan na hindi pumaitaas ang kanilang paldang suot.
Kumunot naman ang mga noo ng nagbubulungan kanina.
"Lagot na ang binatilyo!" Sambit ng isang audience habang hinarangan ng braso ang paningin.
Umusbong naman ang mga alikabok sa paligid. Ilang sandali ay dahan dahang humupa ang mga alikabok.
Pati ang magandang dilag na nakita ni Yman ay may takot na rumehistro sa kanyang mukha dahil sa maaring hindi magandang kahinatnan ng lalaking inatake ng mamang kalbo.
Ilang sigundo ay luminaw na ang paligid. Halos hindi makapag salita ang lahat dahil sa gulat. Hindi nila inakala na ganito ang kahinatnan. Ang kaninang masigla at buhay na buhay na lugar ay tila walang katao tao dahil sa sobrang tahimik.
Sa kanilang harapan makikita na bumaon ang manong kalbo sa lupa habang nakapatong ang binatilyong nakatayo.
Anyari kay Stonehard?
Eh?
Anong nangyari?
"Paanong nangyari yun? Wala naman akong naramdaman na nagpakawala siya ng enerhiya" hindi makapaniwalang sambit ng magandang engkantada na may blonde at straight na buhok na nakasuot ng uniporme ng magic high scool.
Bumaon si Stonehard?
Nagkamali ba siya sa pagpalo?
Hindi manlang pinansin ni Yman ang mga bulong sa paligid at sinuri ang katawan ng walang malay na kalbo.
Hindi naman mapigilan na mapangiti si Yman nang makita na hindi lang ang pitaka niya ang nakasuksok sa iba ibang parte sa katawan ng kalbo.
"Hehe swerty!"
Nang makita ng magandang engkantada ang pinaggagawa ni Yman ay bilis itong humakbang. Hindi siya makapaniwala sa nangyari, pero anong ginagawa ng lalaking ito? Ninanakawan niya ang bangkay ng kalbo? Tanong sa sarili ng magandang engkantada.
"Hey! Anong ginagawa mo?!" Malakas na tanong ng magandang engkantada.
"Ha?" Biglang napalingon si Yman sa magandang bosses. Nakita niya ang kaninang magandang dilag.
"Anong ha?"
"Eh? A-Ako ba?" Tinuro ni Yman ang sarili.
"Oo ikaw! Sino pa ngaba?"
"Uhm. Bakit?"
"Anong bakit? Ninanakawan mo ang bangkay!"
Biglang nagbulungan ulit ang mga tao sa paligid.
Ninanakawan ang patay?
Magnanakaw ng patay?
Hindi alam ni Yman kung matawa o maiyak dahil sa iba ibang version ng mga bulong. Atsaka hindi pa naman ito patay, nawalan lang ng malay.
"Uhm. Miss binabawi ko lang ang pitaka ko" mahinahong wika ni Yman.
"Eh bakit ang dami niyan? Ilan ba pitaka mo?!" Sumbat ng magandang dilag.
"Isa"
"Kung ganun isuli mo yang iba!"
"Eh? Bakit?" Tanong ni Yman habang inisa isang tingnan ang mga laman ng pitaka. At sinuksok sa bulsa ang mga perang laman.
"Anong bakit?!" Medyo galit na tanong ng magandang engkantada.
"Loots"
"Anong loots?!"
"Drop items"
"Eh?!" Halos hindi makapaniwala ang magandang engkantada sa sinabi ni Yman.
Anong drop items? Inisip ba niya na halimaw ang kanyang napaslang? Napatanong nalang sa isip ang dilag.
Pero para sa may malaking utang na kagaya ni Yman, ay wala siyang paki sa inisip ng iba. Basta para sa kanya drop items parin ito kung maituturing.