Pagkatapos ng naganap na laban ay hinuli ng mga kawal ang grupo ni Fayatzu. Napagkaalaman din nila na may isa pang kasamahan ang grupo na kasalukuyang naipit sa loob ng tunnel mula sa gumuhong mga kongkreto. Ipinag-utos naman agad ni Captain Borg na hukayin at hanapin ang taong ito. Sa ilang oras na paghahanap ay nakita narin nila ang huling miyembro sa grupo ni Fayatzu. Natabunan ito ng mga gumuhong kongkreto at nawalan ng malay. Pero gaya ng sabi nga ni Yman, naramdaman niya na buhay pa ito.
Ginamitan ng HIGH RANKING HEALING MAGIC SKILL ni Seven si Rea matapos mapagkaalaman na may mga broken cells ito sa loob ng katawan. Resulta ito sa paggamit niya ng malakas na magic skill. Nag-overload ang kanyang mana output dahil hindi pa kontrolado ang malakas na magic skill na taglay kung kaya nagkasira-sira ang mana output sa katawan ni Rea na s'ya namang dahilan kaya naapektuhan ang mga cells na siyang nagsusuplay ng enerhiya sa kanyang magic. Ito rin ang dahilan kung kaya nawalan ito ng malay sa kalagitnaan ng laban. Pero gamit ang HIGH RANKING HEALING MAGIC SKILL na REGENERATION ay mabilis nito na-reform ang mga broken cells pati na rin ang nasirang mana output.
Sa kasamaang palad, hindi nito kayang pagalingin ang madalas na karamdaman ng mga reckless na magician ang Mana Deficiency. Kung kaya ang ating bida ay kasalukuyang nakaratay sa kanyang kama sa silid ng lodging area sa 4th floor ng Guild Hall. Nakatulog ng mahimbing si Yman dala ng sobrang pagod dahil sa sunod sunod na laban.
Kinabukasan, pinatawag ng Hari ng Engkantasya na si Haring Regis Engkanta si Captain Borg at ang grupo niya. Ngayon ay nasa meeting room ng palasyo sila para pag-usapan ang mga mahalagang bagay.
Gusto sana i-rekomenda ni Captain Borg si Black Magician para isali sa mga sundalo ng hari pero hindi naman niya kilala ang pagkatao nito at naisip din niya na hindi mapapayag ang mga ministro lalo na at hindi pa sapat ang mga nagawa ni Black Magician para bigyan ng pansin ng hari at mga ministro.
Bukod pa dito ay hindi niya nasaksihan mismo kung paano tinalo ni Black Magician ang kalaban. Ngunit nagulat si Captain Borg sa sinabi ng mga ministro ng hari na dapat hulihin si Black Magician at pagbayarin para sa mga property na nasira.
Lihim naman na kumunot ang noo ni Alyssa sa narinig.
Kinalaunan ay pinag-utos ng hari na imbestigahang mabuti ang tungkol sa masamang organisasyon at kay Black Magician.
Dahil tanging ang grupo lang nila Captain Borg at Ron ang nakasaksi sa pagtatapos ng laban ay hindi alam ng mga tao kung paano naresolba ang laban. Ang alam nila ay dumating ang maraming kawal at hinuli ang mga naglalaban.
10:10am na nagising si Yman.
Dahan dahan ko idinilat ang aking mga mata. Ngunit sa aking pagdilat ay binati ako ng medyo pamilyar na kisame. Naisipan ko agad na nasa loob ako ng aking kwarto sa ika-apat na palapag ng Guild Hall.
Tinanggal ko ang mga solid na bagay sa gilid ng aking mga mata.
Haaar~ff
Hindi ko napigilang humikab sabay unat ng aking katawan.
Creak!
Isang tunog ng lagitik ang biglang pumasok sa aking tenga na bigla ko namang nilingon. Upuan? Napatanong nalang ako sa aking sarili nang hindi sinadyang nasagid ng aking siko ang upuan na nasa gilid pala ng aking higaan.
Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkahiga. Naramdaman ko na mukhang okay naman ang aking pakiramdam. Feeling ko rin full na ulit ang aking mana. Nang ibinaling ko ang aking tingin ay nasulyapan ko ang mesa sa gilid ng aking higaan, sa may bandang paanan. Napansin ko rin ang isang mangkok na tinakpan ng plato at may nakapatong na kutsara sa ibabaw. Sa gilid naman ng mangkok ay may makikitang naka-slice na apple na nakalagay sa babasaging plato. May mga tinapay din sa kabilang gilid nito. Pagkatapos tingnan ang mga nakapatong sa mesa ay naisipan ko i-check kung anong oras na.
Interface! Binigkas ko ng mahina sabay guhit ng baliktad na number '3' sa ere.
??
Walang nangyari. Bigla ay naalala ko na nasira pala ang RB na pinahiram lang sa akin. *sigh* Hindi ko napigilan na bumuntong hininga.
Tumayo ako at inikot-ikot ang aking balikat. Feeling ko ay nag-uumapaw ako sa lakas pero hindi kasing lakas nung ini-activate ko ang aking talent.
Nilapitan ko ang mesa sa paanan ng aking higaan. Nang malapitan ko na ito ay may napansin akong isang piraso ng papel na nakaipit sa ilalim ng mangkok. Dahan dahan ko itong kinuha para hindi maglaglagan ang plato at kutsara sa ibabaw nito.
Nang mahawakan ko na ang kapirasong papel ay agad naramdaman ng aking balat na medyo mainit ito. "Mukhang mainit pa ang pagkain na nasa mangkok. Kung ganun hindi pa katagalan nang ito ay lutuin. Pero sino kaya ang nagluto nito?" Nabanggit ko nalang sa aking isipan.
Napansin ko na nakatupi ang kapirasong papel, dahan dahan binuklat ko ito.
[^^Uhm. Kainin mo ang mga nasa mesa pag nagising ka. Pagkatapos ay dumiretso ka sa office ni Aunty Laura.^^ From: Rea]
Habang binabasa ko ang nakasulat sa kapirasong papel ay hindi ko napansin na biglang kumurba pataas ang aking mga labi.
Pagkatapos basahin ang sulat ay dahan dahan kong tinanggal ang kutsara at plato na nakatakip sa mangkok. Nang matanggal kona ito ay biglang binati ang aking ilong ng amoy ng bagong lutong lugaw. Hindi ko mapigilang mapangiti at lumunok ng mga nagbarang mga laway sa lalamuna. Ilang sandali ay napansin ko ang kakaibang design ng mga apple slices sa tabi ng mangkok. Dahan dahan na dinampot ko ang mga piraso nito habang sa aking isipan lumitaw ang napaka-cute na mukha ni Rea.
Pagkatapos kumain ni Yman ay mabilis siyang nagshower. After makapag bihis ay dumiretso agad siya sa office ni Laura.
Tok! Tok! Tok!
Mahinang pagkatok ko sa pinto ng Headmaster's office.
Come in!
Nang marinig ko ito ay agad ko'ng binuksan ang pinto. Pagbukas ng pinto ay nakita ko agad ang mga nakangiting mukha ng grupo nila Ron. Pati narin si Headmaster Laura. Kaya lang, parang may kakaiba sa ngiti ng Headmaster. Nakita ko rin si Rea sa kanyang tabi na nakayuko habang medyo namumula ang pisngi? Lihim naman ako nakahinga ng maluwag nang makitang okay lang si Rea.
"Magandang umaga Yman!" Biglang bati sa akin ni Headmaster Laura.
"Magandang umaga rin Headmaster Laura!" Ganting pagbati ko sa kanya.
Napansin ko na bago na ang mesa na nasa gitna ng malaking silid na ito. Wala na yung parisukat na gawa sa salamin. Pinalitan na ito ng bilog na mesa. Dahan dahan akong lumapit at umupo sa bakanteng upuan. Sa aking kanan ay si Ron na sinundan naman ni Jesa, Rea, Laura, Seven, Nine at Alexes. Nakapalibot ang aming upuan sa bilog na mesa na gawa rin sa salamin.
Sa aking kaliwa ay makikita ang malaking salamin na dingding kung saan makikita rin ang mga taong naglalakad sa labas at iba ibang gusali sa distansya. Sa kanan ko naman ay ang pinto kung saan ako pumasok. Habang sa unahan sa aking harapan na nasa likod ni Headmaster Laura ay makikita ang personal na mesa ni Headmaster Laura. Makikita sa mesang ito ang iba ibang nakapatong gaya ng libro, mga pangsulat at mga papeles. Makikita rin ang malaking name tag ng Headmaster.
Sa aming harapan ay makikita ang isang tasa na nakapatong sa platito. Umuusok naman ang laman nito na white coffee. Pumasok sa aking ilong ang amoy ng gatas at gata. Dahan-dahan kong itinaas ang tasa papunta sa aking mga labi. Bago higupin ay inihipan ko muna ito.
*Woosh!* *Woosh!* Nang makasiguradong hindi na gaanong mainit ay dahan dahan ko itong hinigop. *Sluurrrrp! Hah!* *Sluurrrrp! Hah!* Higop sabay hinga ang ginawa ko.
Medyo matamis na may kunting pait. Napakasarap nito inumin. Saktong sakto sa aking panlasa. Napapikit pa ang aking mata habang ininom para lalong malasahan ito. Nang idinilat ko ang aking mga mata ay napansin ko na nakatingin pala sa akin si Rea. Agad naman ako napatigtig sa kanya habang nagpakawala ng ngiti bilang pasalamat sa white coffee at sa almusal kanina. Kaya lang, biglang namula ang mukha niya at ibinaling ni Rea ang kanyang tingin sa ibang direksyon.
"Ahaha" Mahina kong tawa sabay kamot sa aking pisngi.
Cough!
Mahinang pag-ubo ni Headmaster Laura para himukin ang atensyon ng lahat. Hindi ko alam pero kanina ko pa napapansin na panay bigay ng meaningful na tingin sa aking direksyon si Headmaster Laura.
Sa isip naman ni Rea,
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na tumingin tingin sa direksyon ni Yman. Anong nangyari sa akin? Tanong ko sa aking sarili. Bakit hindi ko maiwasan na mapalingon sa lalaking ito? Napaka wierd ng nararamdaman ko. Feeling ko umiinit ang aking mukha kapag tinitingnan niya ako! Bakit ba Rea? Kontrolin mo ang sarili mo! Habang sinusumbat ko ito sa sarili ay bigla nanamang naligaw ang aking tingin kay Yman.
Sakto namang nakita ko na dahan dahan niyang hinigop ang tinimpla kong white coffee habang nakapikit ang mga mata? Hindi ko napansin na napatitig na pala ako sa kanya. Pagkatapos inumin ang white coffee ay dahan dahan niyang ibinalik sa platito ang tasang hawak. Ilang sandali ay dahan dahan niyang ibinuka ang kanyang mga mata.
Pagdilat niya ay nakatitig siya sa akin at may kasama pang ngiti?! Naramdaman kong uminit nanaman ang aking mukha kaya dali dali na ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking tingin. Bigla namang bumilis ang tibok ng aking dibdib.
Hah! Nagpakawala nalang ako ng hangin sa bibig dahil sa wierdong karamdamang ito. Maayos kayang na reform ni Miss Seven ang aking mga cells? Tanong ko sa sarili ng may halong pagdududa.