Chereads / Self Healing Magic / Chapter 41 - Miss Ella?

Chapter 41 - Miss Ella?

Nagulat ang lahat at halos hindi makapaniwala. Hindi lubos nila akalain na ganito ang magiging resulta ng laban. Napaka taliwas nito sa inaasahan ng lahat. Kahit sino man sa mga naroroon ay hindi maipaliwanag kung ano talaga ang nangyari. Paano humantong sa ganito ang resulta ng laban? Paanong ang napakabilis na taong halimaw ay humantong sa ganitong sitwasyon? Nawala ang mga braso. Nawala rin ang ibabang parte ng bibig. Halos ilang sigundo lang ang lumipas nang itinira nito ang higanteng javelin na gawa sa yelo. Pero imbes na ang mga kalaban nito ang makakaranas ng napakabrutal na pagkasawi, ay kabaliktaran ang nangyari.

Luminaw na ang paligid. Nawala na ang mga alikabok at nawala narin ang mga parang usok na mula sa mga durog na yelo. Ngayon ay kitang-kita ng lahat ang mga itim na kuko na nakatusok sa dibdib ng taong halimaw.

"B-Black Magician"

Ilang sigundo ang lumipas. Isang tinig na hindi malakas. Isang hindi sinasadyang bulong na nakatakas. Ngunit tila ang tinig na ito ay mapamintas. Dahil sa pangalan na kanyang binigkas.

"Black Magician" Halos nag-e-echoe ito sa kanilang mga tenga.

Dinig na dinig ito ng lahat ng mga taong nakapalibot. Ang mahinang bulong na ito ay tila umalingawngaw sa lakas dahil sa kilalang pangalan na ito. Ito ang pangalan ng magician na kayang talunin mag-isa ang isang rank A+ na halimaw. Marami ang nagduda kung totoo ba ito o gawa gawa lang. Pero ngayon, para sa mga taong nakasaksi ng laban. Kahit hindi nila nakita kung paano nabaliktad ang sitwasyon. Pero walang duda. Pulang mga mata, itim na mga kuko at pakpak na parang sa paniki na nasa kanyang likuran. Ang taong ito ay walang duda.

Walang duda na si BLACK MAGICIAN!!! Halos isigaw nila sa isip ang katagang ito.

"Black? Magician?" Nanlaking mata na pag-uulit ni Captain Borg.

"Yes Captain! Siya si Black Magician sigurado ako na siya si Black Magician!" Parang nae-excite na tinig ni Alyssa.

"Totoo nga ang tungkol sa misteryosong black magician na kayang talunin ang rank A+ na halimaw ng mag-isa." Sabi naman ng isa pang boses na babae sa grupo nila Captain Borg.

Kumunot naman ang noo ni Captain Borg dahil sa kakaibang mga mahika na taglay ng dalawang naglalaban. Hindi niya lubos akalain na may mga taong kagaya nila na may nakakasindak na kapangyarihan. Tulad ng taong nagiging parang halimaw ang anyo. Hindi lang yun, pati ang enerhiya nito ay nagiging pula rin katulad sa halimaw.

Paano nangyari ito? Diba ang dalawang ito ay mga Hybrid Magician? Kilala ang mga magician na ito bilang pinaka mahina na klase ng magician dahil sa napaka random ng kanilang Class at Stats pati narin mga skills. Wala pang napapabalita na malakas na Hybrid Magician kahit mula noon. Pero bakit ang dalawang ito ay masyadong kakaiba. Lalo na ang tinatawag na Black Magician. Anong klaseng enerhiya ang taglay niya? Bakit kulay itim ito? Nakakatakot din ang mga tingin nito na para bang isang maling galaw mo lang ay maghihiwalay ang mga parte ng iyong katawan. Lalo na ang mga matutulis nitong itim na mga kuko.

Napuno ng katanungan ang isip ni Captain Borg habang lihim na pinagpawisan ng malamig nang pumasok sa isip niya na... paano nalang kung magiging kaaway ng kaharian ng engkantasya ang isang ito? Anong trahedya ang maaring mangyari sa kaharian. Kahit anong mangyari kailangan mapasakamay ng kaharian ang taong ito. Kailangan malaman ng hari ang tungkol dito.

Napansin din ni Captain Borg ang mga tao sa unahan. Pero nakasuot ito ng mga telang itim sa buong katawan kaya hindi mawari ang kanilang katauhan. Hindi alam ni Captain Borg kung kaaway ba ang mga ito o kakampi.

"Sino sila?" Biglang tanong ni Gorr.

Pero walang sumagot sa kanya dahil kahit sino sa mga kasamahan niya ay walang nakakakilala sa mga taong ito.

"Hindi ito totoo... hindi ito totoo.. hindi ito totoo..."

Paulit-ulit na sinabi ni Fayatzu.

Nanginginig naman ang mga mata at katawan ni Shrewter dahil sa nangyari sa kanilang kasamahan. Hindi niya akalain na ganito ang magiging resulta ng lahat. Kinagat nalang niya ang kanyang mga labi hanggang dumugo. Alam niyang bigo ang kanilang misyon dahil sa misteryosong Black Magician na ito!

"Hayop na daga... hayop na daga... hayop na dagaaaaa!!! Waaaaah!!!" Malakas na nagsisigaw si Fayatzu na parang batang nagmamaktol. Dahil alam niya na katapusan na ng grupo nila.

Tahimik naman ang matanda dahil alam na niya kung saan sila pupulutin. Ngayong natalo si Snowbber ay wala na silang kawala sa mga sundalong naka gintong baluti. Lalo na at nasa level 7-8 ang mga level ng mga ito. Ang masaklap pa, ay hindi nila inakala na ang sumikat kamakailan lang na misteryosong black magician pala ang kanilang target. "Kaya pala hindi tumalab ang aking Mind Control." Nasambit nalang ng matanda. Pero syempre gusto nila gumanti kung may pagkakataon. Lalo na sa isip nila ay nasawi ang dalawang kasamahan sa kamay ni Black Magician.

Bang!

Isang malakas na tunog nang itapon ni Yman ang katawan ni Snowbber. Nagpagulong gulong ito na parang breadroll. Nahinto ang paggulong nito sa harap nila Captain Borg. Agad naman umusbong ang mga alikabok sa paligid. Nagulat naman sila Captain Borg sa ginawa ni Yman. Tumingin siya sa direksyon nito at nakita niya na nakatingin din ito sa kanila. Dahil dito ay lalo pang umagos ang malamig na pawis sa kanyang likuran. Suminyas si Yman sa direksyon ng katawan na itinapon. Agad naman lumingon ang grupo nila Captain Borg sa nag-aagaw buhay na katawan na walang mga kamay.

Nakita nila na humihinga pa ito ng mahina pero wala na itong lakas para gumalaw. Unti-unti naring bumabalik sa pagiging tao ang anyo nito. Nagkatinginan si Yman at Captain Borg, nagulat si Captain Borg nang tumango ang Black Magician sa kanya. Ngunit agad namang naintindihan ni Captain Borg ang nais sabihin ng Black Magician. "Hah!" Lihim na nakahinga ng maluwag si Captain Borg.

"Zahra pagalingin mo ang mga sugat niya." Biglang utos ni Captain Borg sa kasamahang babae na nagngangalang Zahra.

"Yes Captain!" Mabilis na sagot ni Zahra.

Focus Heal Il!

Restore!

Ginamitan niya ito ng Focus heal II at Restore para sa mga posibleng bleeding effect.

Ilang sandali ay nawala na ang mga sugat nito at huminto na sa pagdurugo. Ngunit, wala na rin itong mga kamay pati ibabang parte ng bibig ay wala rin.

Marami pang paraan para maibalik ito. Ngunit para kay Yman, sila na ang bahala sa mga kriminal na ito.

"Rea? Rea?" Mahinang pagtawag ni Yman sa engkantada na kanina pa nakapikit. Habang isinuksok ang ulo sa dibdib ni Yman.

Dahil sa pagtawag ni Yman ay dahan dahan na ibinuka ni Rea ang mga mata. Dahan dahan din niyang iniangat ang namumulang mukha.

"Tapos na ang laban" Nakangiting sabi ni Yman.

Tinitigan ni Rea si Yman. Pumipikit-pikit pa ang mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit ang guwapo ni Yman ngayon, lalo na ang pula nitong mga pupils sa kanyang mga mata at ang napakaitim na buhok. Sa tingin ni Rea ay bagay na bagay ito sa mukha ni Yman. Hindi maipaliwanag ni Rea pero biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at uminit ang kanyang mukha.

"Rea? Rea?"

Kumulubot ang kilay ni Yman dahil parang tulala si Rea at wala sa sarili. Akala niya ay may nangyaring hindi maganda sa dalagang kayakap.

"Hello? Rea?" Mahinang pagtawag ulit ni Yman.

"Eh?"

Bigla ay nagbalik sa reyalidad ang katauhan ni Rea. Nagulat siya dahil napakalapit ng mukha nilang dalawa. Hindi napigilang napalunok ng laway si Rea.

"Eh?"

Nagulat din si Yman sa kakaibang kinikilos ni Rea.

"Uhm. Tara na?" Dugtong ni Yman para maiwasan na mas lalo pang maging awkward ang sitwasyon.

"Eh? Tapos na ang laban?"

"Hehe. Oo"

Lumingon si Rea sa paligid. Nakita niya na isa isang tinatalian ang mga naka dilim na asul na umataki sa kanila. Marami namang kawal ang nakapalibot habang marami pang nagsidatingan. Napansin din ni Rea ang isang sundalo ng kaharian na naka gintong baluti. Nakatitig ito sa kanya habang nanlaki ang mga mata.

"Tara?"

Tumango si Rea at sinabing...

"Tara"

Ngumiti si Yman at sinabing "Yumakap ka ng mahigpit. Hehe"

"Eh?" Nabigla si Rea sa sinabi ni Yman. Pagkatapos sambitin ito ay...

Woosh! Woosh!

Dalawang pagpagaspas ng pakpak lang ay nawala agad ang dalawa sa kinatatayuan.

Sa kinaroroonan naman ng grupo nila Captain Borg. Nanlaki ang mga mata ni Alyssa.

"M-Miss Ella?"

Hindi makapaniwala si Alyssa na ang vlogger na si \kyutako_ella/ pala ang kanina pang yakap yakap ng Black Magician. Kilalang kilala ni Alyssa ang vlogger na ito dahil isa rin siya sa mga subscriber nito. At gustong gusto rin niya panoorin ang mga blog nito na kumakanta si Ella. Isa rin siya sa humanga kay Black Magician lalo na at si Ella ang nag-upload ng video. Alam niya na hindi basta basta nag-uupload ng mga pekeng videos si Miss Ella dahil sikat ang vlog nito sa Wetube. Kaya nang makilala niya ang babaeng kanina pa pinoprotektahan ng Black Magician ay hindi mapigilan na manlaki ang kanyang mga mata.

"Anong relasyon nila?!" Hindi mapigilan na itanong ito sa isip ni Alyssa. "Ang swerty naman ni Miss Ella. Bagay na bagay sila."

"Hah!" Nagpakawala nalang siya ng buntong hininga.

"Ok ka lang Alyssa?" Biglang tanong ni Zahra ng mapansin ang buntong hininga ni Alyssa.

"Eh?! O-Okay lang!"

Lumanding sa harap nila Ron sila Yman at Rea.

"Rea! Rea! Rea! Paulit-ulit na sambit ni Jesa habang may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata."

"Jesa!"

Biglang nagyakapan ang dalawa. "Okay ka lang ba Rea?!" Mabilis na sinuri ni Jesa ang buong katawan ni Rea matapos magyakapan ang dalawa.

"Ron! Salamat at dumating kayo." Sabi ni Yman.

"Ahaha Yman! Muntik na ako atakihin sa puso. Akala ko matatalo kayo."

"Ahaha pasinsya na."

"Yman ok kalang ba." Tanong ni Alexes habang nag-apir kay Yman.

"Hehe. Okay lang ako salamat. Salamat din sa shield mo Nine niligtas mo ang buhay namin ni Rea."

Tumango naman si Nine kay Yman. "Walang anuman Black Magician."

"Eh? Pwede Yman nalang. Ahaha"

Thump!

Pagkatapos sabihin ito ni Yman ay biglang nanghina ang kanyang katawan at natumba. Bumalik narin ang kulay ng kanyang mga mata.

"Ehh!!!"

Nagulat ang lahat nang matumba si Yman. Bigla rin napalingon si Rea.

"Y-Yman O-O-Okay ka lang?!" Natatarantang tanong ni Rea.

Pilit na itinaas ni Yman ang kanyang mukha at sinabing...

"Pa-sinsya na pe-ro pa-rang nang-hi-hina ang buo kong ka-ta-wan." Pagkatapos sabihin ay...

"Thump!"

"Ymaaaan!" Sigaw ni Rea.

Tuluyan na ngang nawalan ng malay si Yman.

"Seven!"

"Yes leader!"

Dinilaan ni Seven ang tuyong mga labi at mabilis na lumapit sa tabi ni Yman para suriin.

Ilang sandali...

"Uhm. Mana Deficiency ang dahilan ng pagkawala ng kanyang malay at mababa narin ang stamina niya kaya siya nanghihina." Sabi ni Seven matapos suriin ang kalagayan ni Yman.

"Ok lang ba siya?" Nag-alalang tanong ni Rea.

"Hehe huwag kang mag-alala lady Ella. Ok lang ang Black Magician mo. Bukas ay siguradong magigising siya." Panunukso ni Seven kay Rea.

"Hah!" Biglang nagpakawala ng buntong hininga si Rea nang malaman na ok lang pala si Yman. Ngunit...

"Eeehh?! Anong i-ibig mong sabihin Seven? A-Anong Black Magician ko?" Namumulang sabi ni Rea.

"Hah! Mukhang tinamaan na ang bunso natin." Sabi ni Jesa habang nakahawak sa ulo at napailing-iling.

"Hahaha!!!"

Nagtawanan ang lahat sa reaksyon ni Rea.