Kanina pa sana balak gamitin ni Yman ang kanyang Talent dahil nakadama siya ng hindi maganda nung nagsimulang magbagong anyo ang kalaban. Ngunit nasurpresa siya sa kanyang nalaman, dahil hindi pala pwedeng gamitin ang healing skill kung nasa full pa HP niya. Kaya kinagat niya ng paulit ulit ang kanyang mga labi sabay heal kada dalawang sigundo. Kahit mabawasan lang ng isa ang kanyang HP ay pwede na siyang makapag heal ulit. Saktong naging zero na nga ang kanyang mana at full naman ang HP nung biglang lumitaw sa harap niya ang kalaban.
Pagtama ng mga javelin sa shield ay siya namang pagtalon ni Yman ng mataas sa ere. Dahil nagkaroon ng mga parang usok na yelo mula sa pagsabog ng mga javelin nang tumama ito sa Floating Shield ni Nine ay walang nakapansin nung tumalon si Yman ng mataas sa ere. Ngunit bago pa man nangyari ang lahat ng ito, nakarinig si Yman ng maliit na boses nang iniactivate niya ang kanyang Talent.
Ito ang mga nangyari makalipas na ilang sigundo.
Nang iniactivate ni Yman ang kanyang Talent ay nabigla siya dahil naramdaman niya ang matinding lakas na gustong sumabog sa kanyang katawan. Hindi lang yun, napapalibutan pa ng itim na enerhiya ang buong katawan ni Yman. Subalit hindi niya alam paano gamitin ang kapangyarihang ito. Sinubukan niya tingnan sa Interface. Pero laking gulat niya dahil nasira ang RB na suot. Napagtanto ni Yman na hindi kinaya ng RB ang lakas ng itim na enerhiya kaya para itong nag overheat ng iniactivate niya ang Talent. "Kung ganun, marahil ay ito rin ang dahilan kaya nasira ang EB ko?" Bulong sa isip ni Yman.
[Oo. Tama ang hinala mo.]
"Huh?????" Nabigla si Yman dahil may narinig siyang kakaibang boses. Isang napaka liit na boses.
Hindi niya alam kung sino ang nagsalita. Sinilip niya si Rea pero wala parin itong malay. Inisip niya na baka guni-guni lang. Ngunit...
[Hindi mo ba ako narinig?!]
"Eh?!" Narinig ulit ni Yman ang boses. Hindi niya alam kung saan ito galing kaya napalingon lingon siya sa paligid. Pero bukod kay Snowbber na nasa harap ay walang ibang tao maliban kay Rea na walang malay.
[TSK!]
"Uhm. S-Sino ka?" Hindi na niya napigilan ang sarili na tanungin ito.
[Huwag kang sumigaw! Naririnig kita ng maayos!]
"Eh? Hindi naman ako sumigaw." Mahinang sabi ni Yman. Pero nagulat siya dahil sumagot ito.
[Sabi ko huwag kang sumigaw naririnig kita ng maayos.]
"Eh? Pero hindi ako sumisigaw." Ngayon binulong na niya ng mas mahina.
[Grr! Mabibingi na ako sayo!]
Halos hindi na alam ni Yman kung anong gagawin. Dahil kahit bumulong na siya ay sinasabi parin ng kakaibang boses na sumisigaw siya.
[Hah! Ganito nalang. Anong lamang mo sa mga halimaw?]
Bigla itong nagtanong sa kanya. Gusto sana matawa ni Yman dahil sa kakaibang tanong nito.
"Uhm. Kagwapuhan?" Bulong na sagot ni Yman.
[TANGAAAA!!!]
Malakas na bulyaw ng kakaibang boses pero para kay Yman ay maliit parin ang boses nito. Dahil hindi alam ni Yman kung sino at saan galing ang boses na ito ay sinabayan nalang niya.
"Uhm. Ahaha joke lang sa tingin ko utak." Kinamot ni Yman ang kanyang pisngi gamit ang hintuturo habang sinasabi ito.
[TUMPAAAAK! Ngayon, para saan naman ang utak?]
"Uhm.Para mautakan ang kalaban?"
[50-50! Para saan ang utak?!]
Gusto sana matawa ni Yman dahil tila naging Q & A na ang kanilang usapan. Sa isip niya... ano kaya kailangan ng mahiwagang boses na ito? At sino kaya ang may-ari ng boses?
[Sagutin mo muna ang tanong ko bago ka magtanong ng kung sino ako.]
"Eh?" Nagulat siya dahil bigla itong nagsalita na para bang alam nito ang pinag-iisip niya. Bigla tuloy napaisip si Yman.
"Uhm. Ginagamit ang utak sa pag-iisip?"
[TAMAAAAA!]
"Kung ganon...."
[SSSTOOOP! Nakakabingi na ang boses mo!]
"Eh?!"
[GU-MA-MIT——KA——NG——I-SIP!]
Hindi ma-gets ni Yman kung ano pinagsasabi ng boses.
"Isip?" Hindi sinadyang nabigkas niya sa isipan.
[Oo!]
"Eh?" Napag-isip isip ni Yman baka isa itong uri ng "TELEPATHY?"
[Masasabi kong oo at hindi.]
"Ano?!"
[Grrr! Sabi ko huwag kang SU-MI-GAW!!]
Itinutok ni Yman ang kanyang isipan para magtanong ulit. Ngunit...
Bang! Bang! Bang!
Malalakas na pagsabog ng mga javelin na gawa sa yelo nang tumama sa lumitaw na shield sa harap ni Yman. Dahil dito ay napapalibutan ng durog durog na yelo na parang usok ang paligid ni Yman.
[Bilis tumalon ka ng mataas sa ere!]
Kahit naguguluhan sa sinasabi ng kakaibang boses ay agad na tumalon si Yman ng mataas sa ere.
Swoosh!
Tumalon ng isang daang metro mula sa lupa si Yman ng yakap yakap sa braso ang wala paring malay na magandang engkantada.
[Ngayon ipapaliwanag ko kung paano gamitin ang tunay mo'ng kapangyarihan.]
"Mhm." Sagot ni Yman sa isipan.
[Una, itutok mo sa mga mata ang iyong enerhiya.]
Agad na sinunod ni Yman ang sinasabi ng boses.
Biglang naglabas ng itim na enerhiya ang kanyang pulang mga mata.
[Tingnan mo sa gilid ng iyong paningin. Sa bandang gitna ng kanan.]
Tiningnan ni Yman ang sinasabi nito. Sa bandang gitna ng kanan sa kanyang paningin. Nagulat siya dahil may lumitaw na nagliliwanag ng kulay pula. Isang parisukat na kasing laki ng kanyang hinlalaki ang lumitaw.
"Ano ito?"
[Isa yang 'Assistive']
"Assis-tive?"
[Huwag kana magtanong wala ng oras. Sundin mo lang sasabihin]
"Ok"
[Pwede mo pindutin yan gamit ang iyong mga daliri o di kaya bigkasin sa isipan ang salitang "Assistive". Pwede mo rin kaladkarin yan kung saan ka komportable. Ngayon subukan mo pindutin ito.]
Click!
Bling!
Isang magical sound ang sumunod nang pindutin ni Yman ang Assistive. Pagkatapos ng magical sound, ay lumitaw ang hili-hilirang mga icons ng kakaibang mga skill. Ngunit, karamihan sa mga skills na ito ay naka-kandado. Tanging dalawang klase ng skill lang ang naka-unlock. Isa sa Active Section at isa rin sa Passive Section. Ang isang skills na nasa Passive Section ay Killer Instinct.
[Wala ng oras bilis sa Active Section!]
Sigaw ng kakaibang boses na agad namang sinunod ni Yman.
Click!
Nang pindutin ang Active Section ay binati si Yman ng kakaibang skill.
[Bilis pindutin mo ang Avatar Skill!]
Pagpindot ni Yman sa Avatar Skill ay may lumitaw na bilog na kasinglaki ng kamao. Nahahati naman sa walong pangkat ang bilog na ito at sa pinakagitna ay may makikitang maliit na bilog. Lima sa walong pangkat ang nakakandado. Dalawa naman ay may laman na icon ng halimaw. "Teka lang! Isa ba itong imahe ng ghoul?!" Hindi mapigilang magulat si Yman.
[Tama ang hinala mo. Ngayon pindutin mo ang icon na may pakpak bilisan mo!]
Click!
Pagkatapos pindutin ito ni Yman. May lumitaw na imahe ng Elder Ghoul na gawa sa itim na enerhiya sa kanyang likuran. Ilang saglit ay sumanib ito sa kanyang katawan. Na sinundan naman ng paglitaw ng itim na mga pakpak na parang sa paniki sa kanyang likuran.
May lumilitaw din na mga skill na makikita sa ibabang kanan ng kanyang paningin. Sharp Long Claws, Gatling Earth Bullets at Homing Giant Earth Balls. Ito ang mga skills na nakikita ni Yman sa kanyang vision.
Agad na pinindot ni Yman ang Sharp Long Claws na skill.
Tumubo ang mahahabang kulay itim na mga kuko sa kanyang mga kamay. "Hehe. Ang astig nito." Hindi mapigilan ni Yman na ma'excite sa mga bagong skill at sa kakaibang talent niya.
"B-Black M-Magician?" Isang mahinang boses ang bumulong sa tenga ni Yman.
Sinulyapan niya ang engkantada. Nakita ni Yman na nakatitig sa kanya si Rea. Bigla tuloy napalunok ng laway si Yman ng makita ang kaakit akit nitong hitsura.
"Kumustang tulog mo princess? Hehe." Biro ni Yman.
"Eh?" Nagulat si Rea sa biro at biglang namula ang mga pisngi. Pero mas kinagulat niya ang anyo ni Yman. Ang dating itim na pupils ng kanyang mga mata ay nagiging pula.
"Uhm Rea. Kaya mo ba kumapit ng mahigpit?"
Biglang namula hanggang leeg si Rea nang mapansin niya na yakap yakap siya ni Yman.
"Ehhhhh?!" Biglang nagpupumiglas si Rea dahil sa pagkahiya ngunit...
"Uhm. Huwag kang gumalaw nasa taas tayo." Sininyasan ni Yman si Rea na tumingin sa baba. Nang makita ni Rea na nasa ere sila ay laking gulat niya. Nakita rin niya ang kakaibang halimaw sa ibaba habang may humulmang higanteng bagay na gawa sa yelo sa taas ng kamay nito. "Black Mag... Yman ano yan?"
"Mamamaya kona ipapaliwanag. Kaya mo ba kumapit ng mahigpit?"
"Mhm!"
Kumapit ng mahigpit si Rea sa leeg ni Yman. Dahil dito ay damang dama ni Yman ang dalawang bundok ni Rea sa dibdib. Agad na pinailing iling ni Yman ang kanyang ulo para matanggal ang hindi magandang pag-iisip na nagbabalak sakupin ang kanyang isipan.
[Tapusin mo na ang laban!]
Sigaw ng kakaibang boses.
BAAANG!
Isang malaking pagsabog mula sa pagbagsak ng higanteng bagay na itinira ni Snowbber sa dating kinatatayuan nila Yman. Sinundan naman ito ng pag-usbong ng mga alikabok at usok na mula sa durog na mga yelo. Ilang sandali ay...
Swooosh!
Mula sa taas mabilis na nag-dive si Yman sa likod ni Snowbber.
Shiing!
Tumilapon ang kaliwang braso at umagos ang maraming dugo sa paligid. Nagulat si Snowbber sa nangyari biglang naputol ang kanyang kaliwang braso. Nanlaki ang kanyang mata nang mapansin ang kalaban sa likuran.
Woosh!
Lingon sabay hampas ng kanang kamay sa kanyang likuran.
Shiing!
Ngunit tumilapon na naman ang kanyang kanang kamay. Nagulat si Snowbber sa sobrang bilis ng kalaban. At nawala na naman ito sa harapan. Mabilis na lumingon ulit siya sa likod. Ngunit...
Shiing!
Hindi manlang niya magawang sumigaw dahil nawala na ang ibabang parte ng kanyang bibig. At hindi manlang niya masundan ito ng tingin. Ngayon ay nasa likod nanaman niya ito. Bago pa makalingon si Snowbber.
Shiing!
Limang mahahaba na maitim na mga kuko ang bumaon mula sa kanyang likuran palabas sa kanyang dibdib.
"B-Black Magican."
Isang hindi kilalang boses ang pumasok sa tenga ni Yman. Habang si Rea naman ay nakapikit lang habang mahigpit na nakayakap sa kanya.