Chereads / Self Healing Magic / Chapter 38 - Lagot kana ngayon!

Chapter 38 - Lagot kana ngayon!

Tinitigan ni Yman ang dalawang kalaban. Nakita niya ang isa na sumisigaw sa sakit habang umagos ang maraming dugo kung saan naputol ang braso, sa bahaging taas kunti kung saan naroroon ang dating siko.

Maraming paraan para muling maibalik ang mga naputol na bahagi. Gaya ng rank A elixer kung saan mabibili sa halaga na hindi bababa sa 10millions. Pwede rin sa pamamagitan ng rank A+ healing skill na Regeneration. O di kaya sa pamamagitan ng operasyon kung saan mas makakatipid kaysa sa elixer. Basta nasa sayo parin ang putol na bahagi. Kaya lang, hindi 100% ang success rate nito.

Si Fayatzu naman ay nakatitig ng masama sa kanya habang malakas na pinagsalubong ang mga ngipin. Pero mukhang nagdadalawang isip na ito sumugod ulit. Bumubulong din ito ng...

"Hayop na daga! Hayop na daga! Hayop na...!"

Paulit-ulit niya itong binubulong na parang wala sa sarili. Sa totoo lang para kay Yman, mahihirapan sana siya na labanan si Fayatzu dahil sa bilis nito. Kaso, mabilis din masira ang rythm nito. Lalo na't madali itong mainis. Sayang lang ang bilis nito dahil nagpadala siya sa inis at galit. Madali tuloy hulaan ang mga atake niya.

Si Snowbber naman, sa tingin ni Yman, ay parehong pinapataas ang kanyang strenght at intelligence. Halata sa atake ng fireball nito ang lakas ng kanyang magic attack. Kaya kahit nung nag-rage siya ay hindi parin nito mapantayan ang attack at speed ni Yman. Malas lang nila dahil hindi ordinaryong level 4 na healer ang kanilang nakasagupa.

Umatras papalayo si Yman dahil feeling niya wala nang kwenta pa ang laban na ito. Napansin din niya na nagsimula na kumilos ang mga kawal ng palasyo.

"Sila na bahala dito. Importante ay madala ko sa ligtas na lugar si Rea. Wala na ring katuturan pa na ipagpatuloy ang laban na ito. Isa pa, hindi ako mamamatay tao gaya nila. Naramdaman ko rin na buhay pa yung mataba na kasama nila"

Mabilis na tumakbo si Yman palayo habang karga sa dalawang kamay si Rea. Hindi niya lubos akalain na muntik na sila mapahamak ng dahil sa cryst. Pero bago paman makalayo siya ng tuluyan mula sa mga kalaban, isang bagay ang mabilis na itinapon sakanya na agad namang napansin ni Yman.

Swooosh!

Malakas na tinadyak ni Yman pahalang ang kanang paa para mabilis na makapag sidestep at mailagan ang bagay na ibinato sa kanya.

Plummm!

Kakaibang tunog ng bagay nang tumama ito sa lupa. "Sinong may sabi na pwede kang umalis!" Malamig na sabi ni Snowbber. Kumulubot ang kilay ni Yman nang makita ang bagay na ibinato sa kanya. "Putol na braso." Nabigkas ni Yman sa kanyang isip.

Sa hindi kalayuan naman...

"Captain nakahanda na ang lahat at naghihintay nalang sa utos mo!"

"Sige simulan niyo na!"

Lumingon si Captain Borg sa mga kasamang nakafull plate armor gaya niya. "Tara sundan natin!" Pagyaya ni Captain Borg sa mga kasama. "Yes sir!!!" Malakas naman nilang sigaw ng pagsang ayon.

Unang pinalibutan ng mga kawal ang mga sugatan na miyembro ng naka kulay dilim na asul. Tinutukan ng matutulis na sibat ng mga kawal ang dalawang sugatan. Kahit gusto nilang pumalag ay wala ring magagawa dahil sa dami ng kawal na pumalibot sa kanila. Kaso bago pa nila mahuli ang dalawa ay gumamit ng kakaibang skill si Shrewter at naglaho kasama ang matanda.

"Nasaan na?"

"Tsk! Isang Concealing Magic!" Inis na saad ng isang kawal.

"Atakihin n'yo ang dating kinaroroonan nila!" Utos ng isang kawal na may mataas taas na posisyon.

Sinubukan ng mga kawal na saksakin ng matutulis na sibat ang dating pwesto ng mga ito. Pero wala na silang tinamaan. Mukhang nakalayo na ang mga ito. Tanging dalawang bote ng elixer na walang laman ang naiwan sa lugar.

Bago pa makarating ang grupo ni Captain Borg ay nakatakas na ang mga sugatang kalaban. Minabuti nalang nila na ituon ang pansin sa dalawa pang natitira.

Bigla namang nagulat si Yman dahil lumitaw sa labing limang metro ang dalawang kasamahan ng mga kalaban. Gumaling na ang mga sugat at nakabawi narin sila ng lakas dahil sa elixer na ininom. Pero kitang kita na kulang na ng isang kamay ang kaninang tinatawag ni Fayatzu ng tanda.

"Tanda bilis!" Sigaw ni Shrewter.

"O-ok!"

Biglang nagliwanag ng kulay asul ang buong katawan ng matanda. Mabilis na itinuon nito ang ang palad sa direksyon ni Yman at bago mawala ang liwanag sa katawan ay sumigaw ito ng...

Mind Control!

Hindi lang mga halimaw na may mababang rank ang kayang kontrolin ng skill na ito. Kaya din nito kontrolin ang mga magician na may mababang level kaysa sa user ng skill sa loob ng tatlong sigundo. Tatlong sigundo lang kaya nito kontrolin ang tao or kahit sinong magician na may mababang level kaysa sa user. May 10mins ang cooldown nito kaya hindi ito magamit ng sunod sunod. Pero isa itong aoe skill kaya hindi basta basta ang skill na ito.

Para sa kanila na may maraming karanasan sa pagpaslang ay mahaba na ang tatlong sigundo para patayin ang kalaban na nasa harap nila.

Bigla natigilan sa paggalaw si Yman nang tamaan ng Mind Control mula sa matanda. Ngumiti si Shrewter at mabilis na nagpakawala ng enerhiya sa buong katawan at itinuon ang hawak na pana at palaso kay Yman na hindi na gumagalaw.

Ngunit bago paman siya makatira ay...

"Atraaas!" Malakas na sigaw ng matanda.

Kahit na naguguluhan ay mabilis na sinunod ni Shrewter ang warning ng matanda.

Earth Pillar!

Mabilis na itinusok sa lupa ang dulo ng bonesword sabay sigaw sa pangalan ng elemental skill.

Rumble!

Saktong pag-atras nila ay mabilis na umalsa ang lupang kinatatayuan nila noong nakaraang isang sigundo. Ngunit, *THUD!* nadaplisan parin ang dalawa at tumilapon sampung metro.

Dahan dahan tumayo si Shrewter dahil nananakit ang katawan. Nang makatayo na ay tinulungan din niya makatayo ang matanda. "Tanda anong nangyari? Bakit nawala agad ang epekto ng Mind Control mo?" Tanong ni Shrewter. "Hindi ito nawala!...(sabi ng matanda habang pinagsalubong ng malakas ang mga ngipin)...dahil ang totoo ay hindi tumalab sa kanya ang Mind Control ko!" Sagot ng matanda. "Whaā€”t?!" Dahil natanggal ang maskara ni Shrewter kanina ay kitang kita ang pagkunot ng kanyang noo sa sinabi ng matanda.

Nakita ni Fayatzu at Snowbber nang tumilapon ang dalawa nilang kasama. Lalong nagngitngit sa galit ang dalawa para sa binatilyong kalaban.

Sa grupo naman ng mga kawal...

Dahil nawala ang dalawang sugatan. Sunod nila pinalibutan ay ang dalawa na nasa unahan sina Fayatzu at Snowbber.

"Sumuko kayo!"

Sigaw ng isang kawal habang itinutok ang mahabang sibat sa direksyon ng dalawa. Pero hindi manlang sumagot ang dalawa. Dumating din si Captain Borg kasama si Alyssa at ang tatlo pang may kulay gintong baluti na kasamahan nila.

"Kawal anong problema?"

"Sir may kakaiba sa dalawang ito!"

Kumulubot ang makapal na kilay ni Captain Borg. Nakita niya ang naputalan ng braso na tumigil na sa pagsisigaw habang masama ang titig sa kalaban kanina na nasa hindi kalayuan.

Nagulat si Captain Borg nang sulyapan ang nakaitim na kalaban ng dalawang nandito. Dahil lumitaw ang dalawang sinasabing sugatan sa harap ng nakaitim. Hindi alam ni Captain Borg kung anong klaseng kasalanan ba ang nagawa ng nakaitim sa mga naka dark blue. Dahil tila galit na galit sila dito. Mas ikinagulat pa ni Captain Borg nang makitang tumilapon ang dalawa dahil biglang tumubo ang lupang dati nilang kinatatayuan.

Sa isip niya ay kakaiba talaga ang isang ito. Kahit pinagtutulungan na ng mas matataas na level ay hindi parin nila magawang talunin.

Sinulyapan din ni Captain Borg ang naputulan ng braso na nasa dalawampu't limang metro mula sa kanyang kinatatayuan. Base sa porma nito, kitang kita na may ibinato ito sa direksyon ng nakaitim na kalaban nila kanina. Mukhang hindi na nito iniinda ang sakit ng nagdurugo paring sugat. Napansin din niya nagkukulay dugo na ang lupang kinatatayuan nito dahil sa rami ng dugong umagos mula sa naputulang parte. Ang ipinagtataka ni Captain Borg, ay bakit tila wala lang ito sa kanya? Dapat ay naghihingalo na siya ngayon.

Weessssh!

Isang malamig na hangin ang nagdaan. Ilang sandali ay natakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Bumaba rin ang temperature at nanlamig ang paligid.

Woooosh!

Nanlaki bigla ang mga mata ni Captain Borg dahil nakadama siya ng panganib.

"Shit! Umatras kayong lahaaaat!" Malakas niyang sigaw!

"Eh?" Nagulat naman ang mga kawal.

"C-Captain bakit?" Tanong ni Alyssa.

"Bilisan n'yooo!"

Kahit nagdadalawang isip ay agad naman nilang sinunod ang utos ng Kapitan. Ang tanging naiwan ay ang grupo ni Captain Borg.

Ilang sandali ay...

WOOOOOSH!

"Gorr!" Sigaw ni Captain Borg.

"Yes Captain!" Pagkatapos sumagot ay biglang nagpakawala ng kulay purple na enerhiya sa katawan ang kasamahang nagngangalang Gorr. May malaki itong katawan base sa gintong baluti na kanyang suot.

Dominion Shield!

Isang parihaba na transparent na bagay na may labing limang metro ang taas at limang metrong lapad ang biglang humulma sa harap ng grupo ni Captain Borg. May kalahating metro naman itong kapal.

Ilang sandali...

Isang kulay pulang enerhiya ang biglang sumabog sa katawan ni Snowbber. Nanlaki naman ang mga mata ng mga kasamahan ni Captain Borg. Ang mga tumatakbong mga kawal papalayo sa lugar ay biglang nahinto at nagsitinginan sa kanilang likuran kung saan ang pinagmulan ng biglaang pagsabog ng matinding enerhiya.

Nagsitakbuhan naman ang mga tao at kalahating tao na nanonood sa distansya lalo na ang mga normal na tao at kalahating tao na walang magic. Yung iba ay nagkarandapa pa sa pagtakbo. Tanging mga magician lang na nagbi-video sa distansya ang naiwan.

Woosh!

Nakadama rin ng hindi maganda si Yman. Ganito ang naramdaman niya nang kalabanin ang mga ghoul. Ito ay killing intent na kagaya sa mga halimaw.

Unti-unting nagbabago ang ibang parte ng katawan ni Snowbber. Nagpasabog din siya ng pulang enerhiya na kagaya sa halimaw. Naglalabas din ito ng matinding pressure sa paligid. Ang mga mahihinang kawal ay hindi mapigilang mawalan ng malay at matumba.

Si Fayatzu naman ay biglang tumawa.

HAHAHAHA!

"Lagot kana ngayon hayop na daga! Akala mo hahayaan ka nalang namin basta bastang umalis!" Malaking tawa ni Fayatzu. Sa isip niya ay... "Kala niyo ba kayo lang ang may alas? Haha mga bobo! Tingnan natin ngayon kung makakatakas pa kayo!"

Sa pinakataas naman na palapag ng freshmen building. Ay kasalukuyang nanonood ang siyam na estudyante gamit ang malaking monitor na nasa loob ng silid. Kasalukuyang pinapalabas ang nangyaring kaguluhan sa Engkantasya.

"Ano yan?" Tanong ni Night Slayer.

"Bakit naging pula ang enerhiya niya?" Tanong naman ni Prophet habang nakayakap sa braso ni Mina.

"Hah! Hindi rin namin alam ang sagot sa mga katanungan n'yo." Sabi naman ni Leon.

"Kuku! Tingnan n'yo nagbabago ang kamay at mga paa niya." Turo naman ni Lady Curse.

"Tsk!" Pinitik ni Necromancer ang kanyang dila sa pagitan ng kanyang mga ngipin nang masulyapan ang nag-aalalang mukha ni Mina.

"Ano sa palagay mo Wolf King?" Tanong ni Golden Leon kay Wolf King. Alam ni Leon na may katulad na kakayahan si Wolf King kung saan nagiging parang halimaw ang kanyang anyo.

"Kahit may ganyan akong kakayahan, ay hindi parin maipaliwanag ang pagbabago ng kanyang enerhiya." Sagot ni Wolf King.

"Mhm. Tama ka." Pagsang-ayon ni Leon.

Tumango naman si Holy King at Undying sa sinabi ni Wolf King.

"Kuku medyo kakaiba ang isang ito." Biglang sabi ni Lady Curse.

"Dahil sa pulang enerhiya?" Tanong naman ni Night Slayer.

"Kuku! Ang ibig kong sabihin ay ang nakaitim."

"Ow! Ngayong sinabi mo yan. Paano kaya niya nagawang talunin ang maraming kalaban kahit level 4 lang siya?" Naguguluhang tanong ni Night Slayer.

"Haha! Dahil siguro sa espada niya, Night Slayer." Sagot ni Undying.

"Heh~ kahit na high grade equipment ang espada niya, hindi parin maipaliwanag na mas mabilis at mas malakas siya sa mga level 5 na kalaban." Dugtong naman ni Night Slayer.

"Tsk! Kita n'yo naman mga noob ang mga naglalaban." Inis na sabi ni Necromancer.

"Kuku. Hindi kaya dahil sa babaeng yakap niya. Power of love!" Sabi ni Lady Curse habang nag-heart ang mga mata.

Hindi alam ni Mina kung bakit, pero habang nagdadasal siya sa kaligtasan ni Yman, na sana nasa malayo layong lugar siya ngayon at hindi sa malapit sa pinaglabanan. Ngunit, biglang kumurot ang kanyang dibdib nang marinig ang sinabi ni Lady Curse. Kahit pagtinitigan niya ang imahe ng nakaitim ay hindi niya mapigilang maisip si Yman. Paano nalang kung magkagusto sa ibang babae si Yman? Hindi mapigilan na itanong ito sa isip ni Mina lalo na at sa Engkantasya ito mag-aaral ng dalawang buwan.

"Hah! Paano kaya kung susunod ako dun?" Biglang napaisip si Mina.

Ang grupo naman nila Maen, Chloe, Bob, Radis at Nelson ay kasalukuyang nagha-hunting ng Mini Boss sa paligid ng Human City.

"Wow! Ms. Maen, hindi namin alam sobrang lakas mo pala!" Excited na sigaw ni Chloe.

"Oo tama ang sinabi ni Chloe! Kung andito lang sana si Yman my friend siguradong magugulat siya sa lakas ni Ms. Maen."

"Ufufu. Sana makabalik na agad si Yman dito." Sabi ni Maena habang tiningnan ang palubog na araw.