Chereads / Self Healing Magic / Chapter 37 - Hybrid Magician(2 in 1)

Chapter 37 - Hybrid Magician(2 in 1)

SuperHeal!

Mahinang pagbigkas ni Yman sa kanyang healing skill habang umiilag sa mga atake ni Fayatzu.

Bang!

Inilagan ni Yman ang itinira sa kanya sa pamagitan ng pagtalon sa kaliwa. Ngunit, isa pang hugis crescent moon ang inaabangan siya sa kaliwa. Dahil sa bilis ng reflexes niya ay mabilis na napatalon siya sa ere ng paatras. Pero hindi napansin ni Yman na may nag-aabang din na isa pang hugis crescent moon ang mabilis na itinira sa kanya.

Tsk!

Dahil nasa ere pa si Yman ay hindi na niya kayang ilagan ito. Kinagat nalang niya ng malakas ang kanyang mga ngipin at pinatigas ang kanyang panga.

Bang!

Isang pagsabog ang maririnig at makikita sa pagtama ng purong enerhiya na hugis crescent moon kay Yman at Rea.

Biglang may makapal na usok ang lumitaw sa ere kung saan nasabugan si Yman at Rea.

Isang imahe naman ang tumalsik habang nag-uusok.

Pag-apak sa lupa ng mga paa ay napadausdos paatras si Yman habang nag-uusok ang kanyang katawan. Sa kanyang kaliwang braso ay ang walang malay na magandang engkantada. Sa kanan naman ay ang espadang nakataas habang nag-uusok. Buti nalang naiharang niya ang bone sword. Kung hindi ay siguradong hindi maganda ang mangyayari.

Ito ang kasalukuyang naka display sa mga monitor sa iba ibang parte ng mundong ito. Dahil umagaw ng atensyon ang pagsabog kanina, kumalat agad ang balita at maraming tao ang nagtipon tipon sa distansya para tingnan ang kaguluhan. Hindi naman napigilan na i-video ito ng mga magician na napadaan gamit ang kanilang interface. Hindi manlang nila naisipang tumulong. Sabagay, hindi rin nila alam kung sino ang bad guy sa mga naglalaban. Dahil parehong nakabalot ang mga mukha nito. Marami na ring tao ang nagtawag ng mga kawal.

Tap! Tap! Tap!

Tunog ng mga yapak mula sa mga kawal na nagsidatingan. Sinuri nila ang paligid. Nakita rin nila ang mga naglalaban sa distansya. Mga nakabalot ng kulay dilim na asul at sa likod nila may malaking markang bungo. Sa kanilang mukha ay may mga maskara kaya hindi makilanlan ang pagkatao ng mga ito. Kalaban naman nila ay isang lalaki na nakabalot ng gutay gutay na telang kulay itim, sa kanyang mukha ay may mask na nakatakip sa bibig at ilong. Bitbit naman nito sa kaliwang braso ang walang malay na babae na nakabalot hanggang leeg ng telang puti. Dahil sa mga mask na suot nila ay hindi makilanlan ang pagkatao ng mga naglalaban.

Ilang sandali pa...

Tap! Tap! Tap!

Tunog ng yapak ng mga bagong dating.

Tumabi kayo! Tumabi kayo!

Sigaw ng mga kawal sa mga taong nagtipon-tipon. Labing lima na bagong dating na mga kawal ang dahan dahan naglakad. Ngunit naiiba naman ang lima sa kanila. Dahil may suot itong mga kulay gintong full-plate armor. Pati mga sandata nila ay kulay gold din. Sa bahaging dibdib naman ng kanilang baluti ay makikita ang insignia ng kaharian ng Engkantasya.

Captain Borg!!!

Sigaw ng mga naunang kawal, habang inilagay ang mga kanang daliri sa gilid ng kanilang noo nang makita na dumating ang isang lalaking nakasuot ng kulay gold na full-plate armor. Sa likod niya ay may kapa na kulay pula. Kung pagbabasihan ang kanyang mukha. Nasa pagitan ito ng 35-40years old. May kunting balbas na makikita sa kanyang mukha. May maiksi na brown itong buhok. Makikita rin ang malusog na pangangatawan nito mula sa armor na suot. Hindi mahaba ang kanyang tenga. Mukhang isa siyang normal na tao.

Itinaas nito ang kanang kamay ng bahagya nang mapansin ang mga kawal. Sa totoo lang napadaan lang sila sa lugar na ito. Dahil may pinag-uutos ang mahal na hari sa kanila sa lugar na malapit dito.

Nang makita ng mga kawal ang itinaas na kamay ng lalaking tinatawag nilang captain, ay mabilis silang nag attention at humakbang ng isang hakbang ang isa sa mga kawal.

"Sir bago pa kami nakarating dito. Ay kasalukuyang nagrurunda kami sa paligid ng lugar na malapit dito. Ngunit, bigla kaming nakarinig ng malaking pagsabog na sinundan naman ng mga nagsisigawang mga tao. Kaya tumakbo agad kami sa pinagmulan ng ingay, at yun nga ang nasaksihan namin(pag-uulat ng kawal habang saglit na nilingon ang direksyon ng mga naglalaban)."

Lumingon din ang tinatawag na captain sa direksyon na itinuro ng mga kawal. Kumunot ang kanyang noo nang masilayan ang gumuhong lupa ng park. Sa ilalim nito ay isang underground tunnel. Sa isip niya ay, paano nila nagawang sirain ito?

Nakita rin niya ang mga naglalaban sa distansya. Hindi niya mapigilang magulat at manlaki ng bahagya ang mga mata. Dahil parehong nakabalot ng mga tela ang mga ito.

"Captain! Miyembro ata sila ng mga napapabalitang masamang organisasyon na nangnanakaw at pumapatay" Isang naka gold na full-plate armor din ang hindi napigilang magsalita sa kanilang captain. Base sa hugis ng baluti at boses. Isang babae ang nasa loob ng baluti na suot nito.

Tumango naman ang kapitan.

"Huhulihin ba natin?"

Tumango ang Kapitan at lumingon sa kaninang kawal na nag-uulat.

"Kawal!"

"Yes! Captain!"

"Magtawag ka pa ng maraming kasama at palibutan n'yo ang buong area. Ipagpaalam n'yo agad sakin kung ready na ang lahat."

"Yes sir!!!"

Mabilis na tumakbo ang mga kawal.

"Captain Borg."

"Bakit Alyssa?"

"Sino kaya yang isa na kinalaban nila?" Tanong ng naka gold plate na babaeng tinatawag na Alyssa.

"Hindi ko alam pero mukhang nasa delikadong sitwasyon na siya."

"Mas malakas ang dalawang kasapi sa masamang organisasyon."

"Tama ka. Mukhang nasa level 5 na ang dalawa at ang nakaitim naman ay level 4."

"Mukhang hindi magtatag...."

Booom!!!

Naputol ang sasabihin ni Alyssa. Dahil sa malakas na pagsabog mula sa direksyon ng mga naglalaban.

Isang malaking bolang apoy ang itinira ni Snowbber kay Yman. Buti nalang at hindi siya nasapul pero nadaplisan siya kaya tumilapon silang dalawa ni Rea. Tumigil narin sa pagtira ng hugis crescent moon na enerhiya si Fayatzu dahil natapos na ang epekto ng skill at nasa cooling down state na ito.

Nakaipon na sana ng enerhiya ang bonesword ni Yman at gagamitin na sana niya ang skill na earth pillar pero bigla naman siyang pinaulanan ng bolang apoy mula kay Snowbber. Nagpailag-ilag siya ngunit, isang bolang apoy ang hindi naiwasan ni Yman. Kaya naisipan niyang hiwain ito gamit ang bone sword. Nagtagumpay naman siya sa pag hiwa dito. Pero sinundan pa ito ni Snowbber ng higanteng bulang apoy. Naisip ni Yman na harangan ito gamit ang earth pillar kaso nga lang, walang earth pillar ang lumabas. Tiningnan niya ang espada ngunit wala na itong kulay lupang enerhiya. Naisipan ni Yman na dahil siguro sa paghiwa niya kanina sa bolang apoy nawala rin ang enerhiyang naipon ng bonesword.

Dahil dito mabilis siyang tumalon sa kanan para iwasan nalang ang higanteng apoy na itinira ni Snowbber. Pero dahil nahuli na siya sa pag-ilag ay nadaplisan siya nito at tumilapon.

"Hahahaha! Wala ka palang binatbat." Malakas na tawa ni Fayatzu.

"Hah~ akala mo ba sa espada lang ako magaling!" Sabi naman ni Snowbber habang bakas sa titig nito ang pangmamaliit kay Yman.

"Pasinsya kana boy. Pero pwede ba mamatay kana!" Malakas na sabi ni Fayatzu habang niready ang sunod na atake.

"Tsk! Kahit daplis lang ang tumama malaki naman ang naidulot na pinsala. Ano ba class niya? Hindi ba siya swordsman? Posible kayang..." Hindi na tinapos ni Yman ang pinag-iisip. Pero sa tingin niya hindi lang siya ang may abnormal na skill.

Pinilit ni Yman na itayo ang sarili at nakita niya sa tabi si Rea, mukhang ok lang ito, pero wala paring malay. Napansin niya na 1500Hp nalang natira sa buhay, 51% naman ang kanyang stamina. Habang 1375 naman ang mana niya. Dahan dahan tumayo si Yman habang nagpakawala ng makapal na enerhiyang kulay berde.

May bakas naman ng contempt sa mga titig ni Fayatzu at Snowbber. Para sa kanila ay huling struggle na ito ng binatilyo.

Enforce!

SuperHeal!

Restore!

Mahinang sambit ni Yman. Habang sunod sunod na gumamit ng skill. Gumamit din siya ng restoration dahil sa burn effect ng fireball. Dahan dahan na dinampot ni Yman si Rea at mabilis na umatras papalayo sa dalawa.

Sa mga nanonood naman ng laban...

Maingay naman sa bandang ito. Dahil maraming nanonood at may kanya kanyang reaksyon ang bawat isa. Ilang sandali...

"Captain!"

"Bakit?"

"May nakita pa kaming dalawang kasamahan ng mga naka dilim na asul."

"Saan?"

"Malapit sa naglalaban. Mukhang may mga sugat ang mga ito at nahihirapan gumalaw."

"Mabuti kung ganun. Huwag niyo muna lapitan para hindi maalarma. Pero huwag n'yo rin alisin ang inyong mga tingin sa kanila. Susugod tayo kung ready na ang lahat." Sabi ng Kapitan sa kawal.

Mabilis na pinag-utos ng kapitan na palibutan ang mga ito. At hintayin kung makaready na ang lahat bago sugurin para walang kawala.

"Yes sir!!!"

Booom!!!

Isang pag-sabog nanaman ang malakas na umalingawngaw. Pero wala itong tinamaan.

SuperHeal!

Restore!

Mahinang bigkas ni Yman habang mabilis na umiilag sabay dampot ng bato na kasing laki ng kamao. Dahil sa pagsabog ay hindi nila napansin na may dinampot si Yman. Full na ulit ang Hp niya at nawala narin ang mga sugat sa katawan. Nawala na rin ang mahapding burn effect. May 700mana naman ang natira sa mp bar niya.

Sa tingin ni Yman may 5-7mins pa bago dumating sila Ron.

"Hahaha! ano na?! dagang drama king! Tatakbo ka lang ba lagi? Huh!" Sigaw ni Fayatzu at nagpakawala ng enerhiya.

"....."

"Heh~ dagang drama king pala huh!" Bulong ni Yman sa sarili.

Ngumiti si Yman at tumigil sa pagtakbo. Ibinalik din niya sa inventory ang bonesword. Nagulat naman ang dalawang kalaban sa ginawa niya.

"Balak mo ba sumuko?! Pasinsya na ha pero wala kaming balak na buhayin ka!" Malamig na sabi niya kay Yman habang tumalon sa sampung metrong distansya mula kay Yman si Fayatzu.

"Hehe mapapatay narin kita hayop ka!"

"Back Up!" Sigaw ni Yman para maranig ng kalaban.

Pagkatapos sabihin ito ay mabilis na itinuro ni Yman. Ang direksyon sa likuran ni Fayatzu. Dahil sa reflexes ay napalingon naman ito sa likuran kung saan ang itinuro ng kalaban. Pati si Snowbber na nasa dalawampung metro ay napasulyap din sa likod. Ngunit, ang nakita niya sa likuran ay mga tao sa unahan. May mga sundalo ng palasyo rin. Sa isip ni Fayatzu, akala siguro ng binatilyong ito na madali kaming hulihin. Anong magagawa ng mga kawal na yan. Ang importante mapatay kita at makuha ang cryst mula sa inyo! at saan na ang sinasabi mong back up? Nilingon niya ulit si Yman ngunit,

Pak!

Para bang nakalog ang utak niya sa lakas ng pagtama ng bato sa mukha niya. Bigla namang nadurog ang batong inihagis ni Yman nang tumama sa mukha ni Fayatzu. Alam ni Yman na walang maidudulot itong malaking pinsala dahil matigas ang katawan ng mga magician. Pero gusto lang niya inisin ang kalaban.

Nang makarecover na si Fayatzu sa nangyari. Alam niya nahulog nanaman siya sa kadramahan nito. Nakita niya ang kalaban na gumagalaw galaw ang balikat habang maririnig ang tunog na "Hehe". Pinagtatawanan siya nito! Sirang sira na ang pride niya. Sa isip niya ay, babalatan kita ng buhay animal ka!

"Hayooooo...!!!"

Sumigaw ito ng napakalakas habang nakabuka ng malaki ang bibig! Dahil dito natanggal ang mask na nakatakip sa kanyang bibig. Ilang saglit...

Swoosh!..

"oooookk....!"

Guwah!

Hindi nito natuloy ang pagsisigaw dahil may isang bagay ang pumasok sa kanyang bibig na muntikan na niyang malunok. Buti nalang mabilis niyang dinura.

Kinuha ni Fayatzu ang bagay na binato ni Yman sa kanya. "Hybrid rat tooth?" Nang makita ito ay halos gusto niyang pasabugin ang buong mundo sa galit.

"Leche ka! Leche ka! Leche ka!....."

Paulit-ulit niyang sambit na para bang nababaliw. Biglang nagpakawala ito ng malakas na enerhiya sa katawan.

UltraSpeed!

Isa itong buff kung saan dinagdagan ng 20% ang evation at speed. Ngayon ay lalo pang bumilis si Fayatzu.

Swoosh!

Zing! Zing!

Hindi na siya nag aksaya pa ng oras at sinugod agad si Yman.

Buti nalang nagawa pa makailag ni Yman. Ngunit,

MultiSlash!

Tila nagiging apat ang katawan ni Fayatzu. Habang mabilis na nagpakawala ng sunod sunod na atake.

Ting!

Hinarangan ng bone sword ang atake mula sa kanan ng kalaban.

Isang Fayatzu ang tila humulma sa kaliwa ni Yman.

Shiing!

-200...Nadaplisan si Yman sa balikat.

Ting!

Mabilis niyang sinangga ang ataking patungo sa kanyang mata.

Isa nanamang Fayatzo sa kanan ni Yman ang lumitaw. Para itong mga phantom na nawawala at lumilitaw.

Shiing!

Ting!

Naharangan ni Yman ang atake na tatama sana kay Rea.

May lumitaw nanaman sa likod ni Yman.

Shiing!

-170...Natamaan nanaman siya sa likod ngunit daplis lang dahil mabilis na inikot kunti ni Yman ang katawan para hindi malaki ang damage na matanggap.

Shiing!

-120...Nadaplisan ulit siya sa pisngi. Nakakalito ang skill na ito at mahirap sanggain lahat ng atake. Kaya naisipan ni Yman na sanggain lang ang magdudulot ng malaking pinsala at mga ataking posible na tumama kay Rea.

Shiing!

-150.....

Dahil sa sobrang bilis ng atake hindi mapigilang matamaan si Yman. Tila lumilitaw ang mga Fayatzu at nawawala dahil sa sobrang bilis. Buti nalang nagawang sanggain ni Yman ang mga atake sa delikadong parte ng katawan. Sunod-sunod naman ang pagbawas ng Hp niya. Nasa 2500 nalang ang natira.Ngunit,

SuperHeal!

+2000Hp

Balik ulit Hp niya. May dalawang sigundo lang cool down ng super heal at may x2 healing effect mula sa Enforce. Pitong sigundo nalang at mawawala na ang epekto ng enforce.

Natapos narin epekto ng MultiSlash ni Fayatzu. Pero dahil sa kahihiyang dinanas kanina ay hindi ito napansin ni Fayatzu. Tanging laman ng isip niya ay patayin ang binatilyo.

Napansin ni Yman na wala na yung mga parang phantom na skill ni Fayatzu. Pero sugod parin ng sugod ang kalaban niya na para bang wala sa sarili.

Ngumiti si Yman habang pinailing ng bahagya ang ulo. Kahit mabilis ang kalaban, ay wala rin kung napuno ng inis at galit ang utak. Umatras ng bahagya si Yman at mabilis na inilagan ang mga atake.

Pero ang kalaban ay tela zombie na sugod lang ng sugod. Hindi manlang makasingit sa pagtira ng fireball si Snowbber.

Tumalon ng limang metro paatras si Yman dahil naramdaman niya ang double slash na pormang 'X'.

Sheng! Sheng!

Hindi ito tumama. Lalong nag ngitngit sa galit si Fayatzu dahil hindi siya makatama. Mabilis naman niyang sinundan ang binatilyo. Hindi niya ito lulubayan hanggat hindi napapatay. Mabilis na tinadyakan ni Fayatzu ang lupa para sundan ang daga na atras ng atras. Ngunit...

Zing!

Buti nalang nagawang itagilid kunti ni Fayatzu ang kanyang ulo. Kung hindi ay kakainin niya ang matalim na dulo sa espada ng kalaban.

Pero nadaplisan parin siya sa pisngi. Nagulat si Fayatzu at nanlaki ang kanyang mata. Hindi niya akalain na atakihin siya. Sa isip niya ay aatras at iilag lang ulit ang binatilyo ngunit taliwas ang ginawa nito sa hinala niya. Kumunot ang noo ni Fayatzu dahil nahulog ulit siya sa kadramahan nito.

"Lagi nalang! Lagi nalang!...." Kasalukuyang laman ng isip ni Fayatzu.

Dahil sa gulat ay natigilan ng bahagya si Fayatzu.

Sa totoo lang nag-aabang lang si Yman ng pagkakataon. Napansin ni Yman ang gulat sa reaksyon ng kalaban kaya mabilis na sinundan niya ng diagonal slash. Mula sa upper right side papuntang lower left. Pero dahil sa bilis ng reaction speed ni Fayatzu ay nagawa pa niyang makareact sa tamang oras.

Tiiing!

Biglang hinarang ni Fayatzu ang kanyang dagger sa kaliwang kamay. Ngunit...

Bang!

Tumilapon si Fayatzu ng sampung metro. Akala niya mahina ang attack ng binatilyong kalaban dahil level 4 lang ito.

Kahit level 4 lang si Yman ay pang level 5 ang stats niya dahil sa title na Ghoul Slayer. Mas mataas kunti ang attack ni Yman kay Fayatzu dahil sa bone sword na +100attack at +50% sa total na attack dahil sa element nito. Isang rare na high grade equipments din ang dagger ni Fayatzu ngunit +50attack lang lahat ang dalawang dagger pag pinagsama at walang element.

Nagulat naman ang mga nakasaksi sa biglaang pagbaliktad ng sitwasyon. Pati si Snowbber kumunot ang noo. Hindi niya akalain na mas mataas pa attack ng binatilyo kaysa kay Fayatzu, at mukhang sinasadyang inisin nito si Fayatzu.

Nanlaki naman mata ni Captain Borg at Alyssa.

"Captain paanong....?"

Hindi natapos ang pagtatanong ni Alyssa dahil napansin niya na kumunot ang noo ng kapitan.

"Hmm. Mas mataas attack ng sandata niya" Mahinang bulong ni Captain Borg.

"Pero pareho silang rare high grade equipments na."

"Elemental yung espada ng nakaitim."

"Pero Captain. Wala ba kayong napapansin? Yung dalawa sa naglalaban medyo kakaiba ang estilo."

"Ibig mo ba sabihin yung dalawang swordsman?"

"Mhm!"

"Ang tawag sa kanila ay Hybrid Magician."

"Hy-brid? Magician?"

"Oo. Dahil sa pagkaabnormal ng kanilang skill at class. Katulad ng dalawang yan. Yung isa gumagamit ng bolang apoy na pang mage class. Yung isa naman ay halatang isang healer."

"Healer?!!!"

Gulat na napatanong din yung ibang kasamahan.

"Hindi n'yo ba napapansin na panay healing skill lang ang gamit niya."

"Ta-Tama ka Captain!"

Kumunot naman ang noo ni Kapitan Borg hindi niya akalain na makakita ng Hybrid Magician dito. Hindi pa isa kundi dalawa.

Hindi na pinasundan ni Yman ang pag-atake dahil delikado. Lalo na at bitbit niya si Rea sa kaliwang kamay. Ayaw niya bitawan ito dahil siguradong atakihin nila si Rea. Halata sa tindi ng killing intent na nilalabas ng mga kalaban. Kaya kahit anong mangyari hindi niya bibitawan si Rea.

Biglang napansin ni Yman na naglalabas nanaman ng enerhiya si Snowbber. Habang si Fayatzu ay hindi pa tumayo mula nung tumilapon. Hindi niya akalain matalo sa lakas ng level4. Ang masaklap pa ay isang healer ang kalaban. Hindi lang yun pinaglalaruan pa siya nito.

Rage!

Biglang gumamit ng buff si Snowbber. Pinapataas nito ang kanyang attack at speed. Makikita na lumaki ng bahagya ang muscle niya sa katawan habang namumula ang mga mata. Pagkatapos ay mabilis itong sumugod.

Gyaaahh!

Nagpakawala ng malakas na sigaw si Snowbber habang sunod sunod ang pag-atake niya kay Yman. Ngunit mabilis naman itong naiilagan ni Yman.

Syempre mas mataas agility niya kaysa kay Snowbber.

Kumunot at nagulat ang mga nanonood ng laban. Mas malakas at mas mabilis ang healer na level 4?

Kahit si Captain Borg ay nanlaki ang mata sa gulat. Kung kanina kaya niya ipaliwanag ang tungkol sa atake ngayon ay hindi. Sa isip nilang lahat, ay paano naging mas mabilis at mas malakas ang level 4 na healer na'to?!!

Nahinto rin sa pag-atake si Snowbber. Nagulat siya sa bilis ng kalaban. Kahit nasa rage mode na siya ay mas mabilis parin ito.

Napansin ni Yman na nagulat ang kalaban. Hindi na siya nagsayang pa ng oras.

Woosh!

Mabilis niyang tinadyakan ang labi ng kongkreto. Sa isang iglap lang.

Shiiing!

Tumilapon ang braso ni Snowbber. Hindi agad naka-react si Snowbber dahil sa gulat niya na walang tumama sa mga atake kanina.

Gyaaaaah!

Nakakabinging iyak ni Snowbber.

Nang makita ito ni Fayatzu ay nagdilim ang kanyang paningin. Mabilis siyang tumayo at sumigaw.

"Hayoooo...!"

Sumigaw ng napakalakas ito dahil sa galit. Ngunit...

Swooosh!

"...ook!"

Gulp!

"Nanaman?!!!" Sigaw sa isip ni Fayatzu. Pero ngayon ay nalunok na niya ito.

Lihim na ngumisi si Yman habang pinailing iling ang ulo.

"Hehe. Hindi na nadala ang isang ito."