Ring! Ring! Ring!
"Hello? Merea? Bakit ka nap...Ano?! Mga nakabalot ng telang dark blue?!" Biglang kumunot ang noo ni Laura sa nalaman.
"Saan?...
"Underground tunnel ng central district." Mahinang boses ni Rea mula sa kabilang linya. Dahil madilim sa tunnel minabuti niyang sa telepono ng Headmaster's office siya kumontak at hindi sa interface ni Laura.
"Sige sige papuntahin ko agad sila Ron! Uhm Rea! Mag-ingat kayo ni Yman at huwag pa dalus-dalos!" Medyo namutla ang kulay ni Laura nang nalaman na nasa delikadong sitwasyon sila Rea at Yman.
"Yes Aunty!"
Toot! Toot!
Pagkatapos tumawag ni Rea ay agad na tinawagan ni Laura si Ron. Mabilis naman itong sumang-ayon at agad na nagtungo sa lugar kung saan nagaganap ang laban. Kasama nila si Nine at Seven.
Kinalaunan,
Swoosh!
Tap! Tap!
Limang tao ang mabilis na tumatakbo at nagpatalon talon sa mga bubong ng mga makalumang gusali.
"Ron kumusta daw sila Rea at Yman?!" Tanong ni Jesa habang mabilis na tumatakbo at nagpatalon talon sa mga bubong ng gusali.
Tap! Tap!
Swoosh!
"Na trap daw sila sa loob ng tunnel" Paliwanag ni Ron.
Tap!
Swoosh!
"Malakas daw ba ang kalaban?!" Sigaw na tanong ni Alexes habang tumalon ng mataas sa ere.
"Hindi ako sure pero gumagamit daw ang mga ito ng kakaibang kapangyarihan na kayang kontrolin ang mga halimaw!" Malakas na boses din ang pagsagot ni Ron.
Tap!
"Kailangan nating bilisan!" Sabi ni Jesa habang malakas na tinadyakan ang rooftop ng gusali at tumalon ng mataas sa ere.
Tap!
Swoosh!
Sa loob naman ng tunnel,
Nakita ni Yman na pwede na gamitin ang talent niya. Pero nagdadalawang isip siya dahil sa malaking WARNING! na nakasulat dito.
"Bakit kaya may warning pa? Ano kaya mangyayari kung gagamitin ko ito? Magiging halimaw ba ako? Tapos mawawalan ako ng malay at gagalaw mag-isa ang aking katawan? Pano kung atakihin ko rin pati si Rea?..." Napuno ng katanungan ang isip ni Yman habang pinagmamasdan ang talent niya.
"Mukhang delikado nga ito gamitin ngayon..."
Hah!
Nagpakawala siya ng hangin sa bibig habang pinag-isipang mabuti ang sitwasyong kinalagyan. Hindi siya pwede magpadalus-dalos, dahil sila rin ang mapahamak. Lalo na at may apat pang puro level 5 na kalaban at mukhang mas malakas yung dalawa sa kanila.
Ang masaklap pa ay wala na siyang magamit na skill dahil zero na ang mana niya. Napansin din ni Yman na kumukupas ang liwanag na kulay lupa sa kanyang espada. Sa pagkakaalam niya, nung sinanay niya ang mga skill ng espada ay kumukupas ang kulay lupa nito pagkatapos gumamit ng skill. Sa loob naman ng tatlong minuto ay bumabalik ang kulay nito.
Para itong rechargeable.
"Wala nang ibang paraan. Wala na rin akong mana. Wala na akong ibang mapagpipilian." Pero bago makahakbang ay naisipan naman ni Yman yung nasa video na lumalaban ang katawan niya mag-isa.
"Pero paano si Rea? Paano kung mawalan ako ng kontrol sa sarili at magiging hostile pati sa kanya? Yun kaya dahilan ng malaking WARNING na sign?"
Hah! Bumuntong hininga nalang si Yman. Dahil nahirapan siya magdecide. Lihim naman niya sinulyapan si Rea. Mukhang nawala na ang kaba nito kahit nasa hindi parin magandang sitwasyon sila.
"Hoy bakla! Lumabas ka diyan! Ano takot ka? Magaling ka palang umarte dapat sumali ka sa stage drama o di kaya nag showbiz kanalang! Hahaha!" Sinubukan ni Fayatzu na inisin si Yman para lumabas. Pero mukhang walang epekto ito. Dahil nagtatago parin si Yman at Rea sa likod ng pillar.
"Teka Fayatzu!" Biglang pagtawag pansin ni Shrewter.
"Bakit ba Shrewter?!" Inis na tanong ni Fayatzu. Dahil puro galit ang laman ng isip niya ngayon, kung mahuhuli lang sana niya ang binatilyo ay sinusumpa niya na babalatan ito ng buhay. Hanggang umiyak ito ng dugo at magmamakaawa. Hindi kayang tanggapin ng pride ni Fayatzu na mautakan ng isang mahina at baguhang magician. Kung wala lang itong elemental sword ay kanina pa niya sana pinugutan ito ng ulo! gigil na gigil si Fayatzu.
"Paano kung nagtawag na sila ng backup?" Biglang tanong ni Shrewter. Nang mapag isip-isip niya ang posibleng ginagawa ng dalawa sa likod ng pillar.
Tsk!
Hindi naman mapigilang mainis si Snowbber sa kasalukuyang nagaganap. Habang sa mga kamay niya ay nakaready na ang mahigit isang metro na espada na kumikinang. Isa itong rare high grade equipments. Pero hindi ito elemental.
Kumunot naman ang noo ni Fayatzu sa sinabi ni Shrewter. Dahil tama ang sinabi nito. Baka maabutan pa sila dito kung patatagalin pa nila ito. Pagnagkataon ay hindi na nila mailigtas pa si Fatzu. Alam niya na buhay pa ito. Pero kung matatagalan sila sa pagpaslang sa binatilyo ay baka lalo lang na magiging hindi maganda ang sitwasyon para sa kanila. Hindi lang yun, baka hindi nila matupad ang misyon. Siguradong mapapahiya sila at itakwil sa organisasyon. Ang masaklap pa ay baka ipapapatugis sila!
"Tanda! Ang mga paniki!" Malakas na utos ni Fayatzu habang nilingon ang direksyon ng kasamang may matandang boses na nasa kaliwa niya.
"Ok ako nang bahala." Pagkatapos sabihin ito ay humakbang sa unahan ang matanda at mabilis itong nag ipon ng enerhiya sa katawan. Ilang saglit...
Mind Control!
Isa itong rank B+ na magic spell. Kaya nito kontrolin ang mga halimaw na rank B pababa. Kaso nga lang, tanging hybrid rats at evil bats lang ang halimaw sa loob ng tunnel na ito.
Isinigaw ng matanda ang pangalan ng spell. Na sinundan naman ng...
Kekeke!
Kekeke!
Keeeee!
"Hehehe! Tingnan natin kung hindi parin kayo lalabas diyan!" Malamig na sabi ni Fayatzu.
Halos dalawampung evil bats ang nagtipon tipon at pumalibot sa matanda. Umatras naman ng bahagya ang mga kasama niya para hindi madamay dahil medyo makitid ang alley kung saan sila naroroon. May sampung metrong lapad lang ito.
Sa kanilang unahan naman ay makikita ang sumulpot na malaking pillar. May limang metro kwadrado ang pillar, sinakop nito ang kalahating espasyo ng makitid na alley. Dahil napaatras sila kanina nasa dalawampung metro na ang distansya ng grupo ni Fayatzu mula kina Yman.
Kumunot ang noo nila Yman at Rea ng mapansin ang ingay na nagmula sa direksyo ng kalaban. Sinilip nila ito at nang makita kung ano ang mga paparating ay, "Evil Bats!!" Malakas na nabanggit sa isip nila. Mukhang hindi talaga sila titigilan ng mga ito hanggat hindi mapapatay.
Kahit walang kaba o takot na naramdaman si Yman. Ay hindi parin mapigilan na mabahala sa sitwasyon.
Tsk!
Naisipan ni Yman na wala ng ibang paraan. Dahan dahan lumakad siya palabas sa kinatataguan para hindi madamay si Rea. Ngayon susubukan niya i-activate ang kakaibang talent.
"Teka Yman!"
Bago paman siya tuluyang makalabas ay bigla siyang tinawag ni Rea. Napalingon naman agad si Yman. "Bakit Rea?"
"Wala kanang mana." Dahil sa pag invite ni Yman kay Rea sa party. Nakikita ni Rea ang Hp at Mp bar niya. Napansin ni Rea na wala nang blue sa dating blue na Mp bar ni Yman. Habang full naman ang red bar.
"Mhm." Tumango si Yman ng bahagya.
Dali-daling may kinuha si Rea sa kanyang cyber storage. Nang inilabas niya ay nakita ni Yman ang cylinder tube kagaya ng red potions na gawa ng ina niya. Pero kulay asul ito. Alam din ni Yman kung ano ito.
"Mana potions?!" Hindi sinadyang napatanong si Yman.
"Yes!" Nakasanayan na ni Rea na magtago ng potions sa storage niya.
Kaso nga lang, nagdadalawang isip pa si Yman kung tatanggapin ito. Wala siyang magic attack skill, at isang beses lang kada tatlong minuto pwede gamitin ang skill ng elemental sword. Tapos nadagdagan pa ng maraming evil bats ang kalaban.
"Ako nang bahala sa mga evil bats!" Determinadong sabi ni Rea.
Nagulat si Yman sa tuno ng pagkasabi ni Rea. Kahit na madilim ay tinitigan niya ang mga mata nito. Wala na ang bakas ng pagiging mahiyain at docile nature sa kanyang mga mata. Nakita niya na seryoso ito at palaban. Hindi mapigilan na mapangiti si Yman.
"Uhm Rea. Ano pang ibang skill meron ka?" Biglang bulong na tanong ni Yman.
"Maliban sa magic attack skill ko at healing skill. Meron pa akong buff na tinatawag na Enhancer." Bulong din ni Rea.
Nabigla si Yman sa narinig.
"A-anong epekto nito?"
"Pinapataas lahat ng base stats ng +50 maliban sa magic attack na pinapataas ng +50%, 1000 mana, 500 hp at nagtatagal ang effect sa loob ng dalawang minuto." Mahinang bulong ni Rea para hindi marinig ng kalaban.
Sa isip ni Yman ay, "Bug!" hindi mapigilan na mapasigaw sa isipan si Yman. "Ako lang ata may kaawa-awang skill. Pati buff ko napaka behind kung i-kompara sa buff ni Rea."
Hah!
Hindi niya mapigilang magpakawala ng hangin sa bibig at ngumiti ng bahagya pagkatapos.
Mabilis na ininom ni Yman ang mana potions na bigay ni Rea.
Ilang sandali...
Kekekekeeeeee!!!
Natapos na ang pag-iipon ng enerhiya ng matanda at nasa mahigit limampung evil bats ang mabilis na patungo sa direksyon nila Yman.
Naisipan ni Yman na ilagay nalang lahat ng stats sa agility para bumilis siya ng kunti at lumaki laki ang atake. "Mas ok na siguro to kaysa gagamitin ko ang walang kasiguraduhang talent. Baka maging hostile rin ako kay Rea pag ginamit ko yun." Pero dahil healer ang class ni Yman ay may penalty ito. 1points = 4 eva at speed lang ang dagdag. Ngayon ay nasa 165 na evade at speed niya. Ngunit mas mababa parin ito kung i-kompara sa evade at speed ni Fayatzu na nasa 245. Nadagdagan naman ng 60 ang attack ni Yman. Imbes na 1agi = 3atk pero dahil sa penalty ay 2atk lang ang dagdag sa kanya. Ngayon, 555 na lahat ang attack niya.
"Ready kana?" Tanong ni Yman.
"Yes!" Malakas na sagot ni Rea.
Matapos sumagot si Rea ay mabilis na lumabas sa likod ng pillar si Yman na sinundan naman ni Rea.
Enhance!
Biglang nababalutan ng kulay asul na enerhiya ang katawan ni Yman at Rea.
Malaki naman ang ngiti sa likod ng mga maskara na suot ng mga kalaban. Sa isip nila ay, "Wala na kayong kawala!"
"Hehehe sa wakas lumabas narin sa lungga ang daga!" Malakas na sabi ni Fayatzu nang makita si Yman.
Bigla namang ni'ready ni Snowbber ang sandatang bitbit.
Nakita nila ang nagliliwanag na katawan ng pasaway na kalaban.
Mabilis naman sumugod ang paniki na kontrolado ng matanda. Hili-hilira ang mga ito habang mabilis na patungo kay Yman.
Kkeekekeke!!!
Dahil nasa unahan si Yman ay hindi agad nila napansin si Rea na nasa likod at nag-iipon ng makapal na enerhiya.
Nang nasa dalawang sigundo nalang para maabutan si Yman ng mga paniki, "Ngayon na Reaaa!!!" Malakas niyang sigaw habang mabilis na tumalon sa kaliwa si Yman para hindi maharangan ang atake ni Rea.
Hyaaaah!! Sumigaw si Rea at biglang bumigat ang pressure sa loob ng tunnel. Ilang sandali ay may humulmang nakakasilaw na bagay sa harap ni Rea. Halos hinihigop nito ang lahat ng enerhiyang nasa paligid. Biglang nagliwanag ang dating madilim na tunnel. Kitang-kita ang mga alikabok at butil butil na lupang umaangat sa ere. Ang mga evil bats naman ay imbes na sumugod, mabilis na kinampay ang mga pakpak paatras. Dahil sa lakas ng pressure ay tila hinihigop sila nito.
"....."
Biglang nabahala si Yman na hindi kayanin ng tunnel ang pressure na dala nito. Hindi niya lubos akalain na napakalakas pala ng skill ni Rea!
Hum!
Naglalabas din ito ng kakaibang tunog habang lalong bumibigat ang pressure.
Hum!
"I-isa ba i-tong rank A+?" Napatanong nalang sa sarili si Yman at kumunot ang kanyang noo dahil nakadama siya ng hindi maganda rito.
Hum!
Ilang sandali ay kinuyog ng malakas ang buong tunnel. "Rea! Dilekado ito baka mabaon tayong lahat dito!" Hindi na kinaya at sumigaw si Yman para patigilin si Rea. Hindi nababagay ang skill na ito sa makitid na lugar gaya ng tunnel. Pero huli na ang lahat, dahil humulma na sa ere ang higanteng krus na gawa sa purong enerhiya.
Hum!
Isa pa, hindi na kayang patigilin ito ni Rea, dahil hindi pa niya kayang kontrolin ang skill na ito. Lalo na at rank B magician lang si Rea at rank A+ ang skill na ginamit niya. Tapos may dagdag pa na +50% magic attack mula sa buff.
Habang tinitingnan ang higanteng krus ay hindi mapigilang mamangha si Yman dito. Napaka holy nito tingnan. Para bang hinihigop nito ang kadiliman sa paligid.
Ngunit, kailangan niyang patigilin si Rea! Dahil nagsimula nang magsihulog ang mga butil ng bubong sa tunnel.
"Rea!"
Hum!
Eโnerโgy...
Mabagal na pagbigkas ni Rea sa pangalan ng skill. Dahil sa lakas ng skill na ito ay kailangan niya i-concentrate ang isipan. Ni'hindi nga niya naririnig ang pagtawag ni Yman na huwag nang ituloy ang skill dahil delikado.
"Rea!"
Hum!
"A-ano yan?" Pinagpawisang napatanong ang matanda, habang nanginginig at hindi makontrol ang mga tuhod. Kahit ang tatlo niyang kasama ay hindi napigilang manginig sa lakas at bigat ng pressure na dala ng skill na ito.
Hum!
"Reaaaaa!"
"Hayooooop!" Mabilis na sinuntok ni Fayatzu ang mga tuhod na nanginginig para pasunurin. Hindi niya akalain na pati ang babae ay may tinatago ring alas. Pero,
"B-Balak ba nila mag-suicide?! Tsk! Walang kwentang mga newbie!" Hindi mapigilang mapamura si Snowbber habang pinilit ang sarili na igalaw ang katawan.
"Umilag kayoooooo!!!!!" Malakas na sigaw ni Fayatzu. Hindi niya lubos akalain na may rank A+ na skill ang babaeng ito. Sa isip ni Fayatzu, kahit si Fatzu pag tinamaan ng direkta nito ay siguradong 1hit! Paano pa kaya sila na hindi tank at walang shield na skill!
"Rea! Huwaaaag!" Pinilit ni Yman na lapitan si Rea. Habang iniharang ang dalawang braso sa mukha dahil sa pressure na dala ng skill ni Rea. Pero huli na...
Croooooossssss!!!
Pagkatapos banggitin ito.
Hum! Hum! Hum!
Parang laser beam na hugis higanteng krus ang malakas na itinira patungo sa direksyon ng mga kalaban.
Hum! Hum! Hum!
Sinundan naman ito ng malakas na pagsabog. Na dumagundong ng napakalakas. Makikitang nagsitalunan ang mga kalaban at makikita rin ang isang kamay na nalusaw nang tamaan nito.
Habang mabilis namang tumalon si Yman patungo kay Rea.
Boom! Bang! Boom!
Swoosh!
Ilang sandali ay tanging mga labi lang ng gumuhong tunnel ang makikita sa paligid. Natabunan silang lahat ng mga malalaking bitak ng kongkreto.
Whooosh!
Isa namang malamig na hangin ang nagdaan sa paligid. Mukhang mapayapa ito tingnan na tila walang nangyaring kaguluhan. Ngunit bakas sa mga nagkalat na kongkreto at butil butil na malalaking piraso ng lupa mula sa gumuhong tunnel.
Masyadong mabilis ang pangyayarai.
Ilang sandali...
Thump!
Isang malaking bitak na kongkreto ang biglang natumba. At lumabas dito ang sugat sugat na katawan ni Yman habang yakap ng mahigpit sa kanyang mga braso si Rea.
Isa-isa namang nagsidagsaan ang mga tao sa medyo kalayuan.
Tap! Tap! Tap!
Mga kawal! Mga kawal!
Tap! Tap! Tap!
Nagsitawag ng mga kawal ang mga tao sa paligid. Dahil sa lakas ng pagsabog at pag dagundong ng paligid umagaw ito ng atensyon. Makikita sa paligid na nasa parang isang park ang kanilang kinaroroonan. Makikita rin ang mga nag-gagandahang makalumang mga gusali. Kung pagbabasihan naman ang araw, ay nasa 2-3pm na ang kasalukuyang oras.
Ngunit...
Thump!
Isa pang malaking kongkreto ang natumba. Lumabas naman dito ay ang apat na nakabalot ng dark blue na tela. Ngunit kulang sila ng isa.
Cough! Cough!
Malakas na pag ubo ni Shewter dahil sa mga alikabok na pumasok sa kanyang lalamunan. Natanggal ang takip sa kanyang bibig nang pinilit niya ang sarili na gumalaw.
Makikita naman na kulang na ng isang kamay ang matanda. Pero mukhang tumigil na sa pagdugo ang mga sugat nito. May mga kunting sugat at galos naman ang makikita sa iba ibang parte ng katawan ni Fayatzu at Snowbber.
"Hayop! Hayop! Hayop! Papatayin ko ang dalawang yuuuun! Papatayiiin! Gwaaaaah!" Malakas na sinuntok suntok ni Fayatzu ang mga lupang labi ng pagguho. Kitang kita sa mga mata ni Fayatzu na nalusaw ang kaliwang kamay ng matanda nang tamaan ito ng liwanag na hugis krus. Dahil sa takot at panginginig ay nahuli ito sa pag-ilag. Buti nalang at nagawa pa nitong makailag ng kunti. kung hindi ay siguradong malulusaw ang buong katawan nito. Agad naman nila itong pinainom ng mahal na elixer.
Ang matandang ito ay para nang ama ni Fayatzu. Ito ang tumulong at nagsagip sa kanya sa kahirapan noong siya'y bata pa. Dahil maagang naulila ay maaga niyang naranasan ang hirap ng buhay. Naging palaboy-laboy siya sa kaharian. Imbes na siya'y tulungan, ay pinangdidirian siya ng mga tao. Buti nalang isang araw nakilala niya ang matanda at tinuruan siya kung paano mabuhay sa ganitong klaseng paraan. Ang mangnakaw at pumatay para sa sariling kapakanan. Mula noon ay hindi na siya nagutom pa.
Lalo na nung masali siya sa organisasyon ay naging sikat siya at pinagkakatiwalaan sa mga importanteng misyon. Pero kung hindi niya matupad ang misyon ngayon ay siguradong itatakwil sila at tutugisin.
Hindi niya hahayaang mangyari yun. Hinding hindi niya hahayaang masayang ang mga pinaghihirapan.
Bigla ay, napansin ni Fayatzu ang dalawang kinamumuhian. Limampung metro mula sa kanila.
"He he he he! Bu-ti at buhay pa kayo. Dahil ako ang papatay sa inyoooo!"
Biglang nagpakawala siya ng makapal na enerhiya kulay asul. At mabilis na tinadyakan ang mga labi ng lupa para sugurin ang mga hayop na ito. Napansin naman ito ni Snowbber at nagpakawala rin siya ng makapal na enerhiya at mabilis na sinundan si Fayatzu. Hindi niya akalain na ganito ang kahinatnan ng lahat. Ang inakala niyang madaling misyon, ay pinapahirapan sila ng husto. Pero ngayon matatapos na ang lahat. Basta ma kompleto lang ang misyon ay panalo parin sila. Sisiguraduhin niya na iaalay ang mga dugo ng dalawang pipityuging ito para kay Fatzu.
Si Shrewter naman ay nanghihina dahil nadaplisan siya ng kunting enerhiya. Malaki ang sugat na makikita sa kanyang kaliwang braso.
Pinilit naman ni Yman ang sarili na bumangon kahit sumasakit ang buong katawan. Napansin niya na 1300 nalang natira sa kanyang HP. Kung hindi lang dahil sa buff ni Rea ay siguradong nasawi na siya.
Mabilis niyang niyakap si Rea nang mag-umpisang gumuho ang tunnel. Dahil dito, tinamaan siya ng samot saring bagay sa ulo at buong katawan. Hindi niya mabilang kung ilang beses siya tinamaan. Feeling niya ay binugbog siya ng daandaang hybrid rats. Puro pasa at galos ang buo niyang katawan. Punit-punit pa ang mahabang tela na nakabalot sa kanya. Buti nalang, dahil sa mask na suot ay hindi napasukan ng alikabok at butil ng mga lupa ang kanyang bibig.
Swoosh!
Biglang kumunot ang noo ni Yman. Dalawang malakas na killing intent ang kanyang naramdaman. Sa isip ni Yman ay.. Mas malakas pa ito sa dati. Mukhang wala nang ibang gusto ang mga ito kundi patayin siya. Kung dati ay gusto muna nila siyang paglaruan. Ngayon purong killing intent na ang pinakawalan ng mga ito. Dalawang sigundo maaabutan na siya nito dahil sa sobrang bilis.
Dali-dali na niyakap ni Yman si Rea na walang malay at sinipa ng malakas ang mga paa sa kongkreto para tumalon ng mataas paatras na sinundan ng...
Zing! Zing!
Dalawang marka ng paghiwa na pormang letter 'X' ang makikita sa dating kinaroroonan nila Yman. Buti nalang at mabilis siyang nakatalon.
Ngunit, hindi pa nga nakaapak sa lupa ang kanyang mga paa ay isang espada naman ang mabilis na sumugod sa kanila.
Swoosh!
Ting!
Isang high pitch na tunog mula sa banggaan ng dalawang matigas na bagay. Mabilis na kinuha ni Yman ang kanyang bone sword sa inventory at hinampas ng pahalang ang espadang paparating sa kanila.
Pagkaapak sa lupa ng mga paa ni Yman ay,
Ting! Ting! Ting!
Nagpalitan sila ng sampung hampas sa loob ng isang sigundo.
Nagulat si Yman. Hindi niya akalain na mabilis din ang isang ito.
Biglang sumugod naman ulit si Fayatzu.
Tornado Slash!
Mabilis na umikot na parang trompo at nagpaulan ng mga hugis crescent moon na purong enerhiyang kulay asul sa direksyon ni Yman. Isa itong rank B na magic skill.
Nakita ni Yman ang sampung hugis cresent moon na mabilis na paparating sa kanila. May isang metrong laki ang bawat isa.
Mabilis na tinadyak ni Yman ang mga paa sa mga labi ng kongkreto at mabilis na umatras para makailag.
Bang! Bang! Bang!
Sunod sunod na pagsabog nang tumama ito sa lupa. Makikita ang dalawang metrong lapad na mga butas sa mga lupang hindi pinalad na tamaan ng skill.
Nagpazigzag-zigzag sa pag-atras si Yman. Dahil marami pang paparating. Nakita rin niya sa gilid ng mata si Snowbber na nag-aabang lang para umatake.