Chereads / Self Healing Magic / Chapter 35 - Elemental

Chapter 35 - Elemental

Hindi sumagot si Yman kay Fatzu. Tahimik lang siya habang nakayuko ng bahagya ang kanyang ulo. Dahil dito ay hindi rin makikita ang kanyang mga mata.

Kumunot naman ang noo ni Fatzu nang mapansin na hindi na umiimik ang binatilyong nasa harap.

"Boooy! Tumabi kaaaaa!" Nilakasan pa lalo ni Fatzu ang kanyang boses. Pero ganun parin, hindi parin siya pinansin ng binatilyo. Nakatayo lang ito sa kanyang harapan. Habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa dulo ng hawakan ng espadang bumaon. Na para bang tungkod nia ito at inalalayan siya.

Dahil dito ay lalong kumunot ang noo ni Fatzu. Napansin din niya na hindi na nanginginig ang binatilyo. Sa isip niya ay, "Hindi kaya nahimatay na ang lampang ito habang nakatayo?"

"Hey booooy!" Sinubukan ulit ni Fatzu na tawagin ang binatilyo. Pero hindi na talaga umiimik ito. Napangisi nalang si Fatzu sa likod ng kanyang maskara.

"Hehe. Fatzu! Anong problema?" Lumapit ng dahan dahan si Payatzu sa likod ni Fatzu.

Si Rea naman ay nanginginig na sa takot. Niyugyog niya ng mahina ang damit sa likod ni Yman. "Yman! Yman!" Marahang pagtawag ni Rea. Pero hindi manlang siya nito pinapansin. Tahimik lang si Yman at hindi gumagalaw.

"Gyahaha! Payatzu mukhang hinimatay na ata ang lampang bading na ito!" Malakas na boses na sabi ni Fatzu kay Payatzu.

Biglang kumunot ang mga noo ng kasama ni Fatzu lalo na si Payatzu.

"Tsk! Sigurado ka bang wala kang ginawa Fatzu?" Naiinis na tanong ni Payatzu.

"Wa-wala pa akong ginagawa, tingnan mo naman buo parin katawan niya. Kung may ginawa ako siguradong durog na ang isang ito!"

Nang nasa tabi na ni Fatzu si Fayatzu. Nakita niya na walang imik at nakayuko lang ng bahagya ang binatilyo. Ang mga kamay nito ay nakahawak sa dulo ng hawakan ng espada, na para bang ginamit niya ito pang-alalay para hindi siya matumba. Alam niyang buhay pa ito dahil naramdaman niya ang paghinga ng binatilyo. Pero totoo ba talagang nahimatay na ito? Hindi siya sure. Sa isip niya...

"Kung may balak ang binatilyo ng surprisang atake ay mapapahiya lang siya. Sa laki ba naman ng depensa at Hp ni Fatzu at sa taas ng agility ko. Sigurado walang magagawa ang healer na katulad niya at ang engkantadang nasa likod niya. Hindi lang yun, level 4 pa ito, habang level 5 na kami. Sa laki ba naman ng diperensya sa stats ay magiging kaawaawa lang siya. Bago pa man siya makakilos ay lilipad ang kanyang ulo sa ere. Hehe!"

"Kunin mo muna yang babae at espada ako nang tatapos sa lampa." Mariin niyang utos kay Fatzu.

"Si-sige akong bahala!"

Itinaas ni Fatzu ang kanyang kanang kamay sa kaliwang parte upang tampalin ang walang kaimik imik na si Yman gamit ang likod ng kanyang palad. Kitang-kita ang laki ng mga braso nito. Na para bang maliit lang kunti sa poste ng kuryente. Pero hindi basehan ang laki ng katawan para sa mga magician. Naka depende sa depensa at attack ang kanilang tunay na lakas.

Bakas naman sa mukha ni Rea ang takot sa maaring mangyari sa kanila ni Yman. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito si Yman. Kanina ay walang makikitang kaba at takot dito na para bang hindi alintana ang kahit anumang disgrasyang paparating. Pero ngayon ay hindi na ito kumikibo at tila naninigas sa takot at kaba.

Nang makita ni Rea ang itinaas na kamay ng mataba ay hindi niya napigilang mapasigaw..

"Huwaaaag!"

Ngunit bago pa tumama ang malaking kamay kay Yman ay, unti-unting itinaas ni Yman ang kanyang nakayukong ulo na para bang nag slow motion. Nakangisi habang makikita ang mapuputi niyang ngipin at tila nagliliwanag ang mga mata. Bigla ay sumabog ang berdeng enerhiya sa kanyang katawan patungo sa espadang hawak habang nakabaon sa lupa ang matulis na bahagi.

Nanlaki naman ang mga mata ni Fatzu at Fayazu sa biglang pagsabog ng enerhiya ni Yman sa katawan.

Pero mabilis na paparating sa mukha ni Yman ang malaking kamay ni Fatzu. Kaso nga lang, bago pa man ito tatama kay Yman. Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng tunnel.

Earth Pillar!

Malakas na sinigaw ni Yman ang kakaibang pangalan ng skill. Pero meron ba siyang magic skill na ganito? Syempre wala! Dahil wala siyang magic attack na skill.

Ngunit, pagkatapos ito isigaw ni Yman ay, biglang dumagundong ang paligid at mabilis na umangat ang lupang kinatayuan ni Fatzu at Fayatzu. Kaso nga lang, dahil mataas ang agility ni Fayatzu ay mabilis siyang nakaatras habang napamura... *Hayooop!!!* pero dahil mabagal si Fatzu ay hindi siya nakailag. Bigla din siya nawalan ng balansi at natumba. Dahil dito... *Baaang!!!* *Guwahhh!* dalawang malaking tunog ng salpukan at iyak ang umalingawngaw ulit dahil sa matigas na lupang bumangga sa bubong ng tunnel. Habang naipit naman si Fatzu sa gitna nito. May limang metro kwadrado ang lapad ng pillar na ito. Sinundan naman nito ng..

[4320 damage!] Pop up ng notification sa Interface ni Yman.

Dahil sa lakas ng pagsabog ay tila nagkaroon ng lindol sa loob ng tunnel.

Noong nakaraang gabi habang nag-uusap si Yman at Ron tungkol sa Title at attributes ay napag-usapan din nila ang kakayanan ng mga elemental weapon. Gaya ng espadang umaapoy ni Ron na kayang magpalabas at umataki gamit ang apoy, ang halimbawa rito ay ang Flaming Sword Slash na ginamit ni Ron sa laban nila ng Hybrid Minotaur. Dahil dito, napagkaalaman ni Yman na kaya din pala ng bone sword niya na kontrolin ang anumang elemento na gawa sa lupa/puno.

Kaya pag-alis niya sa black market nung gabing yun ay naghanap muna siya ng bakanteng lotte kung saan pwede niya masubukan ang epekto ng earth element niyang bone sword. Nalaman niya ang iba ibang skill nito. Gaya ng earth pillar na ginamit niya ngayon. Pwede rin siyang gumamit ng earth spike at earth bind, ito ang mga skill na kanyang natutunan habang sinasanay ang paggamit ng elemental sword. May tatlong minuto naman na cool down ang bawat skill na ito. At medyo malaki ang bawas sa mana. May 200 bawas sa mana ang Earth Pillar, 300mp sa Earth Spike at 100mp sa Earth Bind naman ang bawas sa mana.

Pero dahil baguhan pa si Yman, tanging ang Earth Pillar lang ang kanyang nakabisado. Kaya lang, sa ngayon ay kaya lang niya gamitin ito sa malapitan, na hindi hihigit limang metro mula sa kanya. Ngunit, may 2000 attack damage ito sa sino mang matamaan, pero pwede pa ito magbago depende sa sitwasyon.

Ito ang isa sa dahilan kaya umasta siyang takot at kinakabahan. Para hindi maalarma ang mga kalaban. At lumapit sa kanila ni Rea.

Dahil may 9000 ang hp ni Fatzu at 305 na depensa ay hindi agad ito namatay. Bagkus marami pang natira sa kanyang hp.

Mayroon namang [210atk] si Yman tapos dagdag [+100atk] = 310at [+50% of total atk] mula sa element ng espada. Dahil may 155 atk na dagdag mula sa elemento ng espada ay naging 465 ang total attack ni Yman. Ngayon 465 mula sa attack ni Yman at 2000 mula sa earth pillar skill, naging 2465 ang total nito. Pero, dahil may 305 na depensa si Fatzu ang total na damage ang natamo niya ay 2160 damage.

Ngunit, nabangga pa siya sa bubungan ng tunnel kaya naging doble ang natamo niyang damage. Dahil hindi nakagamit ng shield o kahit anong pang patibay na skill si Fatzu, nabawasan ng -4320 hp ang kanyang buhay. Ang total na buhay nalang niya ay 4680/9000 HP.

Hindi na makagalaw si Fatzu at unti unti pang nabawasan ang kanyang buhay ng dahil sa pagkaipit at nagdudugong sugat at mga gasgas na natamo. Si Fayatzu naman ay mabilis na nakaatras dahil sa taas ng agility niya.

Bigla namang sumigla ang pakiramdam ni Rea sa pagbalik ni Yman. Akala niya ay magiging katapusan na nilang dalawa sa mabahong lugar na ito. Sa isip niya ay... "Nagbalik siya!" Sigaw sa isip ni Rea habang dahan dahang pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Pasinsya na kung pinag-alala kita Rea." Mahinahong sabi ni Yman habang nakatalikod kay Rea. Walang kompiyansa ang makikita sa mga mata niya dahil marami pang kalaban sa harapan at mukhang mabilis na nakailag ang isa.

"Wa-walang anuman! Pero huwag mo na uulitin yun." Mangiyakngiyak na sabi ni Rea habang malakas na kumapit sa likod ng damit ni Yman.

"Sige. Susubukan ko." Syempre para kay Yman. Kahit anong paraan basta makatulong sa sitwasyon ay gagawin niya. Kahit pa ipahiya ang sarili. Basta sa huli ay panalo siya at makakaligtas sila.

Kaya lang hindi parin maganda ang sitwasyon nila. May apat pa ang natira sa kalaban. Ngunit, dahil sa pillar na lumabas sa gitna nila hindi narin basta basta makaatake ang archer ng kalaban at may mapagtataguan na sila. Bigla namang umatras papunta sa mga kasama si Fayatzu.

Napansin ni Yman kanina na gumagamit ng night vision ang mga kalaban. Kaya hindi nila napansin na elemental ang espadang hawak niya. Ang mga high grade equipments ay kumikinang ng bahagya. Nakadepende naman ang kulay ng kinang nila sa elemento nito. Pero dahil naka night vision ang mga kalaban naisip ni Yman na hindi nila mapapansin na elemental ang espadang hawak niya. Ito rin ang dahilan kaya kampante ang mga ito na lapitan siya.

"Hoy! Duwag lumabas ka d'yan hayop! Huwag kang magtago sa pillar mo!" Galit na ratsada ni Fayatzu. Dahil hindi niya akalain na mahulog sila sa patibong. At mukhang tama ang hinala niya na may balak ang binatilyong mag surprise attack. Ang masaklap pa, ay kahit alam niya, nahulog parin sila sa ka dramahan nito.

"Tsk! Sinong mag-aakala na elemental sword pala ang espadang hawak niya." Kunot noong sabi ni Shrewter. Kahit sino sa kanila ay walang naghihinala. Dahil hindi basta basta ang presyo ng mga ito at hindi ito maaafford ng kahit sino sinong estudyante lang.

Pareho kumunot ang noo nilang lahat dahil siguradong mapapahiya sila kapag nalaman ng organisasyon ang kanilang pagkakamali. Lalo na at dalawang healer lang ang kalaban.

Tsk! Pinitik ni Snowbber ang kanyang dila. Pati siya ay nagulat sa biglang pagbaliktad ng pangyayari.

Ngayon ay nag-aalanganin na silang lumapit sa dalawang healer na kalaban. Hindi nila alam kung ilang sigundo o minuto ang cool down nito. Lalo na at hindi nila kabisado ang skill ng mga elemental na sandata.

Lihim naman kinontak ni Rea ang aunty niya para humingi ng tulong.

May napansin naman si Yman mula sa skill niya. Dahil sa atake niya ay nadagdagan pa ang buhay niya. Ngayon ay full na ulit hp at may zero mana. Dahil dito, "Available na gamitin ang Talent ko?!" Malakas na nasambit ni Yman sa isip.