Tap! Tap! Tap!
Lumapit pa hanggang nasa sampung metro nalang ang distansya ng mga ito sa kinatatayuan nila Yman. Abot na ang mga ito sa liwanag ng naghihingalong flashlight na bitbit ni Rea. Ngunit, nanlaki ang mga mata ni Rea at Yman nang maaninag ang mga dumating.
"Mga nakabalot ng tela na kulay dark blue?!" Malakas na nasambit ni Rea sa gulat ng makita ang mga kasuotan ng mga ito. Lalo na't naglalabas pa ang mga ito ng asul na enerhiya sa buong katawan. Nakakasindak tingnan ang kanilang mga anyo.
"Y-Yman anong gagawin natin?" Mahinang tanong ni Rea.
Kumunot ang noo ni Yman. "Mukhang wala na tayong ibang choice kundi lumaban." Wala naring magagawa pa si Yman dahil hinarangan ang nag-iisang daan nila. Naglalabas pa ng matinding killing intent ang mga ito. Hindi lang yun, nagpasabog pa ng enerhiya sa kanilang katawan at base sa kapal at kulay ng enerhiyang inilalabas nila ay nasa level 5 na ang mga level nila. Siguradong walang plano ang mga ito na pakawalan sila.
"O-ok." Mahinang sagot ni Rea habang kinakabahan at naguguluhan ang isipan, dahil lima ang kalaban at nasa dihadong lugar pa sila.
Kahit si Yman ay naguguluhan din, pagkakaalam niya, kung ang grupong ito nga ang tinutukoy ni Headmaster Laura na nangnanakaw ng last hit sa mga boss. Edi sila rin ang grupong pinaiimbestigahan ng Headmaster. Kaya lang, ang binanggit lang ni Headmaster Laura ay pagnanakaw. Eh bakit naglalabas ng matinding killing intent ang mga ito?
Pero kung talagang sila nga yun, bakit sila nandito? Puro lang naman hybrid rats at evil bats ang makikita sa mabahong lugar na ito. Hindi lang yun, nabibili nga ang drops ng mga ito pero sa murang halaga. Kung magpapakahirap pa silang bumaba rito para mang-agaw ng loots, ay bakit hindi nalang sila pumatay ng para sa sarili nila? Total hindi naman gaanong kalakasan ang mga hybrid rats basta hindi ka lang makagat.
Sa isip ni Yman ay, "Siguradong may iba silang pakay. Kailangan kong alamin muna at baka madala pa sa pakiusap ang mga ito."
Ehem! Pumikit si Yman at umubo ng mahina para linisin ang lalamunan. Pagdilat ulit ng kanyang mga mata, ilang sandali ay...
"Si-Sino kayo?!" Mangiyak-ngiyak na tila takot na takot na pagtatanong ni Yman. Napatingin naman si Rea sa kanya. Nabigla siya sa biglaang pagbabago ng reaksyon ni Yman.
Nang marinig ang kabado at mangiyak ngiyak na boses ng binatilyo, ay hindi mapigilang ngumisi at humahagikhik ang mga nakabalot ng tela. Ito ang gusto nila marinig, ang takot at iyak ng kanilang mga kawawang biktima. Kilala ang grupo nila sa organisasyon. Bilang propisyunal na tagapaslang. Sila ang laging inaatasan kapag may importanteng bagay na nais mapasakamay ng mga Elders sa kahit anumang paraan, ang mga Elders na ito ay ang mga nagpapatakbo sa organisasyon at nagbibigay ng utos.
May iba ibang grupo naman ang organisasyong ito. Bawat grupo ay may iba ibang role na nakaatas sa
kanila.
Ngunit, ang grupong ito ang laging naatasan kapag importante ang misyon at mahalaga ang bagay na nanakawin. At dahil sila ang naatasan ngayon, ay siguradong ok lang na mapaslang ang mga kawawang biktima sa harapan.
"Hehehe. Kami ba? Uhm..." Nasisiyahang sabi nito habang pinag-iisipan ang susunod na sasabihin. "Kami lang naman ang naatasang magkolekta ng buwis sa inyo! Hehe."
"Bu-bu-buwis?!" Mangiyak-ngiyak na tila kabadong kabado na boses ng pagtatanong ni Yman.
"Ohoho, bakit hindi mo nalang diretsuhin ang mga kawawang bata, Payatzu!" Sabi ng may katandaang boses ng lalaki. Base sa boses nito, ay nasa pagitan ng 50-60yrs old ito.
"Tsk! Bilisan n'yo na at may gagawin pa ako." Sabi naman ng may pagkasupladong boses na nagngangalang Snowbber.
"Payatzu! Ok lang na wala akong parte basta sa akin na yang dilag! Gyahaha." Sabi ng may malaking boses ng lalaki. Base sa boses at laki ng tela nito, siguradong mataba ang taong nagtatago sa loob ng tela. At mukhang naglalaway pa ito sa loob ng mask na suot niya habang nakatingin kay Rea.
Bigla namang humakbang sa kanilang unahan ang isa nilang kasama na may bitbit na pana sa kanyang kamay.
"Tsk! Ako nang bahala. Swerty lang nila kanina at nadulas ang kamay ko. Ngayon sisiguraduhin kong wala nang kawala ang dalawang to." Malamig na boses ng babae na tinatawag na Shrewter.
Mabilis na inasinta ng babae sila Yman gamit ang pana at palaso. Ngunit,
"Te-te-teka lang! P-pwede ba pag-u-usapan muna na-natin to? A-a-anong bu-buwis ba tinutukoy n'yo?" Nauutal na tanong ni Yman.
Gyahaha!
Ohoho!
Hindi napigilang magtawanan ang mga ito dahil sa nauutal at nanginginig na kabado at mangiyak ngiyak na boses ni Yman.
"Tsk! Kawawang babae, bakit kasi sumama pa sa lampa at matakuting binata." Sabi ni Shrewter habang ibinaba ang pana at pinailing-iling ang ulo.
"Tsk! Walang kwentang pipityugi! Nakakasuka ang mokong nato!" Nandidiring sabi naman ni Snowbber habang pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.
"Hahaha! Kalma lang boy! Baka atakihin kapa niyan sa puso at masayang tong mga dagger na hawak ko." Sabi ni Payatzu habang pinaikot sa kanan at kaliwang daliri ang dalawang makurba na dagger. Dahil sa bilis ng pag-ikot *woosh!* *woosh!* ay nag-lalabas ito ng kakaibang tunog.
"Hey Miss! Kung ako sayo sa akin kana lang sumama at kaya pa kita ipagtanggol kaysa sa lampang kasama mo ngayon! Gyahaha!" Sabi ng may malaking boses.
Bigla namang nanlumo sa likod ni Yman si Rea. Hindi niya alam kung bakit tila biglang naging takot na takot si Yman. Diba siya si Black Magician? Ang nakikipaglaban sa rank A+ na halimaw ng nag-iisa? Kung tutuusin ay balewala sa kanya ang mga ito. Pero bakit takot na takot siya ngayon? Habang napuno ng katanungan ang isip ni Rea ay hindi sinadyang napakapit siya sa likod ni Yman.
"P-please lang mga sir! Pa-pag-usapan na-nalang natin to."
"Hahah! Ang buwis na tinutukoy ko... ay buwis buhay! Ahaha!" Malakas na tawa ni Payatzu.
"Hiiii!!" Napatili sa takot si Yman dahil sa narinig. Biglang itinaas niya ang dalawang kamay at para bang iniharang ang dalawang palad.
"Kuku! Ibig niyang sabihin, ay sa amin na lahat ng kung anong nasa sa inyo. Pati narin ang walang kwentang buhay mo! at sakin narin yang dilag na nasa likod mo! Gyahaha..!" Malakas na boses na sabi ng mataba kay Yman.
"Hiiiii! Wa-walang kwentang mga d-drops lang meron ka-kami." Takot na takot na sabi ni Yman.
Hahaha! Malakas ang tawa ni Payatzu.
"Hehe! Sorry boy pero alam na namin na nagmamay-ari kayo ng cryst! Pero para sa akin, ay okay na basta makatikim ng sariwang dugo ang mga daggers ko. Sabi nito habang dinilaan ang dalawang hawak na dagger.
Kumunot ang noo ni Yman sa narinig. Sa isip niya ay totoo nga na may espiya ng kalaban sa guild. Dahil tanging sa guildbar lang nila napag-usapan ni Rea ang tungkol dito. Hindi napigilang napabulong si Yman sa isip.. "Hah! Bumpkin nga talaga ako. Kung hindi lang sana umiral ang pagka-ignorante ko, ay hindi sana kami malalagay sa sitwasyong ito." Pagsisisi ni Yman sa sarili. Dahil napalakas ang pagkasambit niya ng cryst kanina sa guild bar ay hindi niya napansin na nakaagaw pala siya ng pansin sa mga adventurers na nandun.
Pati si Rea ay nagulat din sa nalaman. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Lalo na at kakaiba ang kinikilos ni Yman.
"P-please ku-kunin niyo nalang itong cryst! Huwag n'yo lang kaming pa-paslangin!" Sabi ni Rea habang kinakabahan.
"Ma-maawa ka-kayo mga bo-boss!" Nanginginig na ang mga kamay na nagmamakaawa si Yman. Dahil dito nabitawan ang hawak na espada.
Shiiing!
Bumaon ang matulis na dulo nito sa matigas tigas na lupa. Bigla namang natigil ang pagtawa ng mataba nang mapansin ang espada na nahulog mula sa kanang kamay ni Yman. Kakaiba ang hugis ng espadang ito. First time niya na makakita ng ganitong klaseng espada. Sa isip niya ay siguradong mabibinta ito sa malaking pera. Dahil kakaiba ang porma nito.
"Kuku mukhang may maganda kang sandata." Sabi ng mataba habang humakbang papalapit kay Yman at Rea.
"Hahaha. Fatzu! Kala ko ba yang babae lang sayo!" Sabi ni Payatzu."
"Titingnan ko lang ang espada. Kuku!" Sabi ni Fatzu habang nagpatuloy sa paglakad. Sinulyapan niya ang dalawang magiging biktima. Sa isip niya ay kaawaawang engkantada. Nakasama niya ay duwag na, lampa pa. Tingnan mo nga nanginginig pa ang buong katawan. Baka himatayin pa ito ngayon. Parang hindi magician ito kung tingnan. Siguradong mag-eenjoy ako ngayong gabi kasama ang napaka gandang engkantadang ito.
"Hey Fatzu! Binabalaan kita ako na'ng tatapos sa isang yan. Kinakalawang na itong mga dagger ko! Hehe" Sigaw ni Payatzu.
"Huwag kang mag-aalala. Iyong iyo na ang duwag na lampang bading na ito basta akin na ang babae! Gyahaha!" Malakas na boses na sabi ni Fatzu.
Diretso-diretso lang si Fatzu sa paglakad. Ngayon nasa dalawang hakbang nalang at makukuha na niya ang gusto niya. Ang babae at ang espada. Lihim na dinilaan ni Fatzu ang naglalaway na labi sa loob ng maskara. "Kuku mas lalo pa itong gumaganda pag tinitingnan sa malapitan." Bulong sa isip ni Fatsu habang tinitingnan si Rea.
Kumunot ang noo ni Yman at Rea nang makalapit na ang nagngangalang Fatzu sa kanila, dahil napakalaki nito.
Lihim naman nasisiyahan si Fatzu sa reaksyon ng dalawa. Sa isip niya ay, "Level 4 lang pala ang binatilyong ito. Kaya pala takot na takot. Mukhang mas malakas pa nga ang engkantadang nagtatago sa likod niya. Base sa impormasyong nakuha namin. Ang dalawang ito ay parehong healer. Gyahaha ang mga tanga nga naman. Healer? Pero may bitbit na espada? Gyahaha mukhang noob ang isang ito! Kaya napuno siya ng kagat kanina sa mga weak na hybrid rats. Nakakatawa talaga panoorin ang isang ito habang nakikipaglaban sa mga daga. Para lang itong batang nagmamaktol kung ikompara sa mga propisyunal na kagaya namin. Gyahaha!"
Nang nasa isang hakbang nalang ito kay Yman ay sinabi nitong...
"Boy! Tumabi ka!"
.
.
=============
!PALATANDAAN!
=============
1 Level up
•+1000 Hp
•+500 mana
•+50 attack
•+50 magic attack
•+25 defense
•+25 magic defense
•+10 evasion
•+10 accuracy
•10 points
=============
1 str = 5 Attack = 2 def = 1% stamina
1 int = 5 M. Attack= 2 mdef = 50 mana
1 vit = 5 Def/Mdef = 100hp = 2% stamina
1 Dex = 5 Accuracy = 3 Attack
1 Agi = 5 evation = 3 Attack
=============