Chereads / Self Healing Magic / Chapter 33 - Pipityugi

Chapter 33 - Pipityugi

Matapos maubos patayin ni Yman ang sampung hybrid rats ay naisipan niya na pagalingin ang lason na kanina pa nangungulit. Mukhang hindi ito gumagaling kahit bumabalik sa full ang hp niya. Makikitang nagkukulay lila ang dating kinaroroonan ng mga kagat. Para itong mga pantal pantal. Nawala na ang sugat pero nandun parin ang lason at patuloy parin ito sa pagbawas ng Hp sa kanya. Ilang sandali ay,

Nagliwanag ng kulay berde ang buong katawan ni Yman. Bago sambitin ang...

Restoration!

Marahang binanggit ni Yman ang pangalan ng spell. Naramdaman niya na humihina na ang epekto ng lason, pero hindi parin nito tuluyang napagaling. May naiwan parin na kunting pantal pantal. Pagkatapos ng 5 seconds cool down ay,

Restoration!

Sinundan ulit niya ng isa pa.

Pero may kunti pa rin natirang pantal. Dahil may 25% ailment healing lang ito ay kailangang apat na beses gamitin ang spell para tuluyang mawala ang lason sa kanyang katawan. Pagkatapos ng mga cool down ay pinasundan pa niya ng dalawang beses.

Restoration!

Restoration!

Sa wakas ay tuluyan nangang gumaling ang lason na dala ng hybrid rats. Nawala na rin ang mga pantal pantal na kulay lila dala ng lason.

"Hehe maganda pala ang skill na ito. Pero sayang lang at hindi pwede i-share sa iba."

Kanina ay naramdaman ni Yman na nag level up ulit siya habang pinagpapatay ang mga hybrid rats. Kaya naisipan niya na silipin ulit ang...

Interface!

GHOUL SLAYER

Yman Talisman

Level 4

————

STATS

HP: 4350/4500

MP: 200/1600

Stamina:92%/100%

Rank: C

Job: Healer

————

Atk:

210+100

Matk:

201

Def:

105

Mdef:

101

Eva:

45

Acc:

45

————

Str:

5

Int:

1

Dex:

1

Agi:

1

Vit:

1

————

Extra Points: 30

Exp: 1800/100000

————

SKILLS

Magic Skill: 

•Heal[Active](Promotion Avail..)

•Enforce II[Active]

•Restoration[Active](Promotion Avail..)

•Resist[Passive](New!)

Magic Type:

•Self Healing Magic

•Self Buff Magic

•Self Healing Magic

•Self Resistance

Magic Rank:

•Heal[D]

•Enforce[D+]

•Restoration[-C]

•Resist[C]

Talent:

•Black Energy

Nanlaki mga mata ni Yman at bakas ang pagiging excited, dahil dalawang skill ang may promotion.

Pero nang makita ang bagong dagdag na skill ay,

Haaaah!... nagpakawala lang si Yman ng malalim lalim na buntong hininga at hindi na nagreact pa. Nagsawa narin siya at hinayaan nalang ang system sa gusto niya. Kahit hindi niya alam kung bakit ganito ang nangyayari sa skills niya. Kung bakit ayaw siya bigyan ng kahit isang magic attack spell, o di kaya isang normal healing spell. Ngunit, malaki ang hinala niya na may kinalaman ang dormant niyang hollow cells.

"Sabagay level 4 pa naman ako. Baka magkakaroon din ako ng magic attack spell sa mga susunod kong level. Sabi nga nila na kapag may tiyaga may nilaga." Napag-isipan ni Yman na tingnan ang details ng bagong skill. Pagkatapos kamutin ang nangangating ilong gamit ang likod ng kanyang kamay ay pinindot niya ang *Click!* details ng bagong skill.

Resist[Passive]

•Resistance to Control type magic

•+15% M.Atk Resistance

•+15% P.Atk Resistance

"Hindi na masama, pero pansarili parin? Baka hindi ako isali sa mga group battle competition nito kapag malaman nila ang uri ng mga magic meron ako. Narinig ko dati, na ang ganitong skill sa ibang magician ay active skill, at pwede e-buff sa ibang ka party. Pero sa akin ay pansarili at passive. Sabagay mas maganda narin siguro na passive ito. Atleast hindi aksaya sa mana. Pagkakaalam ko rin na rank A buff magic dapat ito. Pero dahil mahina ang kalidad ng magic ko ay naging self resistace magic siya, kaya siguro naging rank C nalang ito. Ahaha!" Kahit medyo naguguluhan, ay masaya parin si Yman. Ngayon ay level 4 na siya. Isang level pa at magiging Rank B magician na rin siya.

Sunod na sinilip ni Yman ay ang promotion skill ng Restoration. Ito ang details ng Restoration at Heal,

Restoration:

Mana: 100

CD: 5seconds

•+25% Heal Ailments

At ang promotion niya ay,

Restoration II:

Mana: 110

CD: 3seconds

•+50% Heal Ailments

Habang ang Heal naman ay,

Heal:

Mp:50

CD:2 seconds

•+500hp

•Heal injury

At ang promotion ng Heal ay,

Super Heal:

Mp:75

CD:1 second

•+1000

•Heal injuries

Pagkatapos i-promote ang dalawang skill ay nagpakawala ng buntong hininga si Yman. Sinilip niya si Rea na nasa likuran niya. Nagulat si Yman sa kanyang nakita. Malungkot ang mga mata ni Rea.

"?! Uhm Rea, ba-bakit mukhang malungkot ka?" Nag-alalang tanong ni Yman.

"Hmph!" Sabi ni Rea habang biglang sumimangot at ibinalang sa ibang direksyon ang ulo.

"Eh? Ma-may nagawa ba akong kasalanan?"

"Wala. Hmph!.. Hindi ka manlang naawa sa mga kaawa awang daga. Pinagsaksak mo at hinampas mo pa sa pader... Hmph!" Mahinang pagbubulong ni Rea. Dahil dito ay hindi siya narinig ni Yman.

Ahaha! Hilaw na tawa ni Yman habang pinag-isipan ang posibleng dahilan ng pagkakaganito ni Rea. Pero kahit anong isip niya ay wala talaga siyang maisip.

Naisipan nalang niyang tumayo at lapitan ito. Ngunit, tumalikod si Rea at akmang iiwanan siya. Bilis na kinabig ni Yman ang beywang ni Rea. Nabigla si Rea sa ginawa ni Yman at namula ang buong pisngi hanggang leeg. Ilang sandali ay,

Swoosh!..

Bago pa masilip ni Rea ang mukha ni Yman ay isang palaso ang dumaan sa kanyang paningin. Siguro kung hindi siya kinabig ni Yman ay tatamaan siya nito sa ulo. Nagulat si Rea at bilis na tiningnan ang direksyon na pinagmulan ng palaso. Ngunit, madilim sa bandang unahan kung saan ito nagmula. Sinilip niya ang mukha ni Yman. Bakas sa mukha ni Yman ang galit? Kalmado?

Hindi alam ni Rea kung alin sa dalawa pero nakakasiguro siya na walang takot o kaba na rumihestro sa mukha ni Yman. Agad naman kinabahan si Rea. Biglang napuno ng katanungan ang kanyang isipan kung sino ang umatake sa kanila? At sa anong dahilan na inatake sila?

Habang nakikipaglaban kanina sa mga hybrid rat ay nakadama ng hindi maganda si Yman. Inakala niya ay dahil iyun sa kakaibang kinikilos ng mga daga. Pero nang lapitan niya sana si Rea ay isang napaka tinding killing intent ang bigla niyang naramdaman. Mabilis niyang inabot ang beywang ni Rea gamit ang kaliwang kamay at kinabig papunta sa kanya.

Buti nalang mula noong magising siya sa pagka comatose ay kaya na niyang makaramdam ng mga ganitong aura. Hindi niya alam kung bakit o paano siya nakakaramdam ng mga ganitong bagay. Wala naman siyang skill na tinatawag na Killer Instinct. Kung saan ang mga propisyonal magician ay madalas nagkakaroon nito. Hinala ni Yman ay dahil siguro sa pakipaglaban sa mga ghoul.

Sa kanilang likod ay isang pader, sa kaliwa at kanan naman ay pader din. Nasa isang alley sa loob ng tunnel ang kinaroronan nila Yman. May sampung metrong distansya mula sa kaliwa at kanang pader. Ang tanging daan lang nila pabalik ay ang pinagmulan ng palaso. Sa bandang napakadilim.

Medyo matigas ang bato batong lupa na kanilang inaapakan. Wala rin duming umaagos sa gitna ng alley na ito. Napunta sila rito dahil, sinundan ni Yman yung huling hybrid rat nang tumakbo rito.

Biglang napaisip si Yman na, "Hindi kaya sinadyang ni'lure kami dito? Posible yun dahil kakaiba ang mga hybrid rats na huling nakalaban ko kanina. Mukhang kinontrol ang mga iyon ng kakaibang spell." Habang iniisip ito ni Yman ay ni-ready niya ang sarili sa sunod na atake ng hindi kilalang kalaban, agad niyang kinuha ang bone sword mula sa inventory.

Pagkatapos kunin ang espada mula sa inventory ay nakadama siya ng mahinang pagtapik tapik sa kanyang kaliwang balikat. Sinulyapan ni Yman ang balikat at nakita niya ang engkantada habang yakap niya ng mahigpit sa kaliwang braso. Dahil madilim ay hindi maaninag ni Yman ang reaksyon na rumihestro sa mukha ni Rea.

"?!"

Mabilis na binitawan ni Yman si Rea.

"Sa likod ka Rea." Hindi maganda ang sitwasyon kaya hindi na nakapagsorry si Yman.

"Mhm!" Tumango si Rea at mabilis na binunot ang parang wand mula sa kanyang inventory. Sa kanyang kaliwang kamay ay ang naghihingalong flashlight. Dahil mga magician sila ay mas matalas ang kanilang pandama kaysa ordinaryong tao. Pero mas mainam parin kung may kunting liwanag. Kaya hindi binitiwan ni Rea ang flashlight.

Ilang sandali ay nakaranig silang dalawa ng mga yapak.

Tap! Tap! Tap!

Tap! Tap!

"Hehehe! Mukhang naduduling kana ata Shrewter!" Sabi ng mapang-uyam na boses ng lalaki.

"Tsk! Nadulas lang ang kamay ko." Sabi naman ng malamig na boses ng babae.

"Sila ba yung sinasabi ng informant?" Sabi naman ng lalaking may malaking boses.

"Hohoho! Mukhang mga freshmen lang ang mga to." Sabi naman ng medyo may katandaang boses.

"Tsk! Bakit n'yo pa ako sinama? Dalawang pipityugi lang naman pala ang target ngayon. Sinayang n'yo oras ko." Sabi naman ng lalaking may pagkasupladong boses.

"Hehehehe. Pwede ka naman umalis kung gusto mo Snowbber. Pero narinig ko isa sa kanila ay nagmamay-ari ng cryst." Sabi ng lalaking may mapang-uyam na boses.

"....."

Hindi na nagsalita pa ang lalaking may palayaw na Snowbber.

*****

Kalahating oras mula nang umalis sila Yman at Rea sa guild bar. Sa isang madilim na silid kung saan tanging nag-iisang lampara lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nakapatong ang lampara na ito sa pinakagitna ng hugis bilog na mesa. Sampung mga upuan naman ang nakapalibot sa bilog na mesang ito. Ang mga nakaupo naman ay nakabalot ng telang kulay dark blue mula ulo hanggang paa. Sa likod ng tela na nakabalot sa kanila ay makikita ang malaking markang hugis bungo. Dahil sa telang nakabalot sa kanila ay hindi mawari ang mga kasarian nila. Kahit ang mga mukha ay may maskara kung saan sa bandang mata ay may parang telescope.

May dalawa namang nakabalot din ng dark blue na kasuotan ang nagbabantay sa pinto sa loob at dalawa rin sa labas.

Ang kaibahan lang ng kanilang kasuotan ay ang mga nakaupo sa mga upuang nakapalibot sa mesa ay kulay dugo ang mga markang bungo sa kanilang likuran. Habang kulay puti naman ang mga marka ng bungo sa mga nakatayo sa gilid ng pinto.

Sa bandang dibdib ng mga nakaupo ay makikita ang mga katagang Dragon, Phoenix, Chimera, Griffin, Gorgon, Unicorn, Manticore, Werewolf, Mermaid, Qilin, Hyppogryph. Nakasulat ang mga katagang ito sa kulay dugo.

Tahimik lang ang mga nakaupo at walang kaimik-imik na tila hindi humihinga. Kahit sa klase ng kanilang kasuotan.

Ilang sandali...

Creak!...

Biglang bumukas ang pinto at isang nakabalot ng telang dark blue ang pumasok. Gaya ng mga nakabantay sa pinto, kulay puti rin ang markang bungo sa kanyang likuran.

Dumiretso sa tabi ng nakaupong may nakasulat na Dragon sa kaliwang dibdib at biglang lumuhod. Pagkatapos lumuhod ay may binulong ito sa may katagang Dragon.

~~~~~

"Cryst?! Sigurado ba yan?" Kakaibang boses na sabi ng may Dragon na kataga sa kanyang dibdib. Mahina at kakaiba ang boses nito.

Tumango ang reporter.

"Sino ang nagmamay-ari?"

Hindi sumagot ng malakas at bumulong lang ito sa tenga ng may Dragon na kataga.

~~~~~

"Binatilyong tao? At dalagitang engkantada?"

Tumango ulit ang reporter.

"Kekeke. Magaling kung ganun. Saan?" Tanong ng may katagang Dragon. Sa isip niya ay, "Mga kaawa awang bata, mamatay kayo ngayong araw na ito ng walang kaalam alam."

Bumulong ulit ang reporter.

~~~~~

"Underground tunnel ng Central District sa Main City?"

"Tumango ulit ang nag report."

"Kekeke mukhang mamatay ng malungkot sa mabahong lugar ang mga kaawa awang mga bata."

Biglang may binulong din ang katabi ng may Dragon na kataga sa kanya. Ang katabing bumulong ay may katagang Chimera.

~~~~~

"Sige." Pagkatapos sabihin ito ay lumingon ang may Dragon na kataga sa reporter.

"Ipadala mo ang grupo ni Payatzu, ipasama si Srewter at Snowbber. Ok lang na mag-iwan sila ng bakas, basta importante mapasatin ang cryst." Malamig na sabi ng kakaibang boses na may katagang Dragon sa dibdib.

Tumango at mabilis na lumabas sa silid ang reporter.

*****

Pinagmamasdan ni Yman ang mga bagong dating habang iniready ang sarili sa laban na magaganap. Walang takot o kaba, tanging pag alala lang para kay Rea.