Sunday, Hera's dreaded day. May umiikot na kung ano sa tiyan niya sa tuwing naaalalang kaya siya nag-aayos ngayon ay upang puntahan ang birthday bash ng dati niyang boss. She didn't hate Jon, but she didn't like him either. Kabado siyang baka kung ano ang masabi niya rito kapag napikon siya sa pagyayabang nito.
Ni hindi siya nag-abalang mamili ng susuotin. She just casually picked a royal blue chiffon blouse partnered with a pleated skirt.
Nang matapos ay tumayo na siya at lumabas ng kuwarto. It was already six o'clock in the evening. Umalis si Lynne noong alas tres para makipagkita sa isang kaibigan. Chase, on the other hand, miraculously stayed at home. Ang alam niya ay may usapan ito at si Ai kaya laking pagtataka niya nang hindi ito umalis ng bahay. Or maybe it was still too early? Baka alas otso pa magkikita? Or nine?
Nagkibit-balikat siya. Napaatras siya nang makitang nakaupo si Chase sa sofa at nakatitig sa kanya. Hindi na ito nakapambahay. He was now wearing blue polo shirt and beige pants.
"Aalis ka na rin? Sa'n ka ba, sabay na tayo?" kaswal na paanyaya ni Hera dito.
"Okay."
Tumango ito at sumunod nang maglakad siya palabas ng bahay. Sumakay siya sa kanyang kotse. Bahagya siyang natigilan nang kinatok nito ang pinto at sinenyasan siyang lumabas. Lito niyang sinunod ang gusto nitong mangyari. Nang makababa ay mabilis itong kumilos at umupo sa driver's seat. Itinuro nito ang katabing upuan pagkatapos.
"Let me drive."
"O-okay." Umawang ang kanyang labi bago naglakad patungo sa passenger's seat. "Same way lang ba tayo or same lang talaga tayo ng pupuntahan?" tanong niya habang inaayos ang kanyang seatbelt.
Hindi ito sumagot. Wala nang nagsalita sa kanila.
Tahimik nilang binaybay ang daan patungo sa Quezon City. Paminsan-minsan ay pinagmamasdan niya ito. Seryoso ang mukha nito habang nagmamaneho. Nakatupi hanggang siko ang suot nitong polo. Napatingin siya sa kanyang suot, halos magkakulay ang damit nila.
Couple shirt? Napailing siya sa naisip.
Bumuntong-hininga siya nang unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa tuluyan na itong hindi gumalaw. Na-stuck sila sa traffic! She quietly checked her phone. It was already quarter to 7.
Ilang text na mula sa mga dating katrabaho ang natanggap niya. Puro paghihinala ang mga iyon, kesyo baka nagbago na ang isip niya at hindi na raw siya sumipot. She would never do that, though. She maybe a pain in the ass sometimes, but she was true to her words. Ni-reply-an niya ang bawat text, pinakakalma ang mga kaibigan.
Bahagya siyang napaigtad nang marinig ang boses ni Chase. "Hanggang anong oras ka ro'n?"
Napakurap siya. "Ako?" Now, the car was moving. Mabagal nga lang.
Kumunot ang noo nito habang patuloy sa pagmamaneho. Parang sinasabing, 'Sino pa ba? Dadalawa lang naman tayo rito.'
Nag-iwas siya ng tingin. "I don't know. Maybe 10 or 11? How about you? Sasabay ka rin ba pauwi?"
"Yes."
"Really? Sa Timog din ba kayo magkikita ni Ai?"
Mabilis siyang nilingon nito habang nakaangat ang isang kilay. Sinulyapan lang siya nang ilang segundo bago ibinalik ang tingin sa harap. "Bakit alam mong magkikita kami?"
She giggled. "I overheard," confident niyang sagot. "Ikaw nga, alam mo ring sa Timog ang punta ko. I didn't even mention that. Nakinig ka rin sa usapan namin ng kaibi—"
"Sinabi ni Lynne…" putol nito sa sinasabi niya.
Nakagat niya ang kanyang labi. Ano, Hera, pahiya ka, 'no? Tumikhim siya at hindi na lang umimik. Tumingin siya sa labas. Nakaalis na sila sa parteng may mabigat na daloy ng trapiko. Ilang saglit pa'y narating din nila ang Timog Avenue.
Madilim na at may mangilan-ngilang panggabing kainan at tambayan na ang nagbukas. Mga babae't lalaking halos kaedad o siguro'y mas bata pa sa kanya ang nadaraanan nila.
"Where's the bar?"
"Diretso then turn left."
Sinunod nito ang sinabi niya. Nang matanaw ang hinahanap ay agad niya iyong itinuro kay Chase. He skillfully parked the car near a black Mustang. Bukas na ang bar ngunit iilan-ilan pa lang ang pumapasok doon.
Nauna na siyang bumaba. Tinext niya agad si Vina na nakarating na siya. Naibaba niya ang kanyang cellphone nang makitang binuksan na ni Chase ang pinto ng sasakyan. He gracefully moved out of the car. His chiseled jaw clenched as he bit his lips while scanning the place. Para bang first time makapunta sa ganitong klase ng lugar.
Bumaba ang tingin nito sa kanya, bahagya siyang napaatras sa gulat. Agad siyang naghagilap ng sasabihin. Saktong nag-vibrate ang phone niya kaya ibinaling niya ang atensyon doon. She read the reply made by Vina, palabas na raw ito para sunduin siya.
"U-uhm Chase, my friend will fetch me here. You can go to your meeting or something. Baka late ka na." Ngumiti siya. "Thanks for driving me here. Kung sabay tayo mamaya, just text me. Here's my number—"
"I will stay here," seryosong sagot nito.
"Ha?" Hindi agad naproseso ng utak niya ang sinabi nito. Stay? Here? What?
"Why would you even think that I'm here for a meeting? I'm here because you're here. I will be your guardian."
Guardian?!
—x—
Hera breathed heavily. She bit the lime before gulping down her margarita in one shot. Napapikit siya nang gumuhit ang init sa kanyang lalamunan.
Hindi siya makapaniwalang sinamahan siya ni Chase para lang bantayan. Akala niya, talagang si Ai ang dahilan kung bakit ito sumabay sa kanya. At anong sinasabi nitong guardian? Ano siya, five years old? Oo't naiintindihan niyang responsibilidad siya nito ngayong nakikitira siya sa bahay nito, pero kaya na naman niya ang sarili niya. She's already twenty-seven for pete's sake!
Kanina nga, niyaya siya nitong maghapunan muna, tinanggihan lang niya nang makita ang kaibigang si Vina. Mabuti na lang at hindi naman sumama si Chase sa kanya sa loob ng bar. Hihintayin na lang daw siya nito. Siguro'y may pupuntahan muna ito saglit at babalik na lang mamaya. Baka nga makipagkita talaga ito kay Ai. She was not really sure. Everything was confusing her.
"You really came," a voice cooed near her.
Napakurap si Hera. Kahit hindi na niya lingunin, alam na niya kung sino ang nagsalita. Umakto na lang siyang nagulat nang harapin niya ito.
Jon was wearing some fitted, black button-down polo and white trousers. Naka-style ang buhok nito pataas just like some Hollywood stars. His features are soft and his presence shouts vanity. Lalo na nang maamoy niya ang pabango nitong ipinaligo na yata ng lalaki.
"Hi, Sir Jon," she said, trying to sound polite. "Happy birthday."
"Thank you! Where's my gift?"
Kinagat niya ang kanyang labi. Gift? Napilitan nga lang akong pumunta rito, naghahanap ka pa ng regalo?
Nang hindi siya sumagot ay humalakhak ito. "I'm kidding!"
Pinilit niyang tumawa. Umupo ito sa tabi niya. The couch was comfortable earlier but now, it felt suffocating. Bahagya siyang umusog palayo. Her eyes traveled to her friends who were busy gossiping while directly looking at them. Nag-thumbs up pa ang mga ito sa kanya. Gusto niyang magmura sa inis. Ito na nga ba ang ayaw niyang mangyari, ang maiwan na siya lang ang kausap ng dati niyang boss.
"You can just call me Jon. I am not your boss anymore."
Ngumiti siya, pilit. "Okay."
Pansamantala silang natahimik. May mga lumalapit dito upang mag-abot ng regalo at bumati ngunit agad din nitong pinaaalis.
Inilibot nito ang tingin sa kabuuan ng lugar. Nasa isang malaking kuwarto sila sa loob ng The Glee. It was made of one-way reflective mirror glass kaya tanaw nila ang mga tao sa labas habang hindi sila nakikita ng mga ito.
May personal servers doon, at may built-in speaker kaya ang trance music na pinatutugtog sa labas ay naririnig din nila sa loob. Napairap siya nang makitang nagsasayaw na sa gitna sina Vina. Ni hindi man lang siya inalala ng mga ito!
"Do you like the place? VIP room 'to ng TG. Baka hindi ka pa nakapasok dito noon. The Accounting Team made this party possible but it would have been better kung ako mismo ang nag-asikaso. Baka ipinasara ko ang buong bar para dito."
Umarko ang kilay niya. There you go again. "I'm sorry but I've been here before. And your team did their best to secure this place, you should be thankful."
"I am!" Humalakhak ito. "I am thankful since you are here. I am just saying it could have been better."
Humilig ito sa couch. Ipinatong ang kanang braso sa sandalan dahilan upang bahagya nitong mahawakan ang balikat niya. She uncomfortably shifted from her seat.
Nakita niya ang paglapit ng isang server. May dala itong juice na sigurado siyang may halong alcohol. Naglapag ito sa tapat niya. Hinawakan niya agad iyon.
"You're single now, right? You broke up with that good-for-nothing guy? What's his name again? Lucas?"
Tumango siya. "How did you know?" Lumipat ang tingin niya sa kanyang cellphone na nakapatong sa mesa katabi ng juice. It was vibrating. Dinampot niya iyon habang nagsasalita si Jon.
The text she received was from Lynne. Tinatanong nito kung anong oras matatapos ang party. She replied: 'idk, I wanna go home.'
"I just know. Won't you give me a chance now that you're single? I can answer for your every whim, I can provide."
Oh no, Mr. CFO, I don't need your money. "My brother can provide for me, too," she joked.
"Look, Hera." Tumagilid ito upang makaharap siya. "You need to think about living life on your own sooner rather than later. Your brother is now married, right? I still like you so give me a chance. Then let's get married after a year or two. Kaya kong tumbasan ang buhay na binigay sa 'yo ng kapatid mo." Ikinumpas nito ang kamay na tila may iniaalok lang na business proposal.
Napaatras siya nang hawakan nito ang kanyang siko. "Jon, ano ba." Kinalas niya ang pagkakahawak nito sa kanya.
Nagtaas ito ng dalawang kamay. "Just a chance, Hera. I won't blow it off. You know that's an ideal scenario for you, too. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mo 'yung Lucas na 'yon noon kaysa sa 'kin. Does he even earn well? Kung pipili ka lang din naman, ako na lang. I am well-off."
Anong tingin mo sa 'kin, mukhang pera? Excuse me! And what you said is a fallacy—nirvana fallacy. Ideal scenario, your face, that's nothing but an irrational alternative. Chase, you must be proud of me.
She couldn't help but snort.
"I'm sorry, Jon, but you are not my type," seryosong sabi niya. She didn't even bat an eye. Nakita niya ang bahagyang pagkatulala ng kausap.
"Why? May mali ba sa 'kin?"
Are you really asking me that?! Gustong-gusto niyang isa-isahin ang lahat ng rason ngunit natatakot siyang baka abutin siya ng bukas. Nagkibit-balikat na lang siya.
"But I really like your honesty," bulong nito.
Bumuntong-hininga na lang siya. Trance music was still filling the room. Nagsasayawan ang lahat habang siya ay tulala at si Jon ay mukhang nalugi. She grabbed her juice and took a small sip. Nang makadalawang lagok ay ibinaba niya iyon.
Nang mapansing hindi na nagsalita pang muli ang kausap ay nagsimula na siyang ma-guilty. She was ready to apologize for being offendingly blunt and tactless when her phone suddenly vibrated.
The text came from an unknown number. Agad niyang naalala si Chase na nagsabing kukunin na lang nito ang number niya kay Lynne. And she was right, the message was from Chase!
Napatayo siya nang mabasa ang nakasulat doon.
'Magtatagal ka pa ba? Your dinner is getting cold. Nandito lang ako sa loob ng kotse. I will wait.'
She wasn't sure why but her heart just gone wild.