Chereads / Fallacious Romance / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

Bati na sila pero para kay Hera, wala namang nabago. Hindi pa rin siya nito masyadong pinapansin maliban sa paminsan-minsan nitong pagtango sa tuwing nagtatama ang paningin nila. Hindi pa rin sila nag-uusap maliban na lang kung gusto nitong ipalipat ang channel o kung ipinaaabot nito ang ketchup.

She expected a lot only to be disappointed in the end. Akala niya, magiging close na sila. Not close close but close na puwede nang makakuwentuhan nang hindi sila naiilang sa isa't isa. Lalo na at sinabi niyang tutulong siya sa pagresolba sa problema nito kay Lynne. Dapat nag-uusap na sila nang masinsinan tungkol do'n!

Umupo siya nang tuwid nang makita kung sino ang dumating. Pormal na pormal ang dating nito sa suot nitong puting polo at itim na trouser. Ibinaba nito ang dalang messenger bag, nagtanggal ng sapatos, saka dahan-dahang umupo sa sofa ilang dangkal ang layo mula sa kinauupuan niya.

"I didn't go out… I mean, bar," ani Hera kahit hindi naman siya tinatanong. Hindi niya inalis ang paningin dito habang hindi ito sumasagot.

"Yeah, napansin ko nga." Ang atensyon ni Chase ay nasa telebisyon.

Pinagsisihan tuloy niya ang pagbubukas sa TV na 'yon. Hindi naman siya nanonood kanina, sana pinatay na lang niya.

Tumikhim siya at ngumuso. "I am trying to stay away from night outs and parties, napagalitan din ako ni Kuya Louie. And I am studying about fallacies and critical thinking. Mahirap i-apply sa totoong buhay, but at least, I'm trying. By the way, okay na kayo ni Lynne, 'no? Pauwi na siguro 'yon after an hour or so."

"Yes, I know," sagot nito.

Naghintay siya ng kadugtong pero walang dumating. Wala man lang komento sa pag-aaral niya ng logic? Napairap siya sa kawalan. Ginaya niya na lang ito at itinuon din ang atensyon sa telebisyon.

Balita tungkol sa korapsyon at kahirapan ang ipinalalabas. Ipinakita rin ang tungkol sa war on drugs at ang mga kriminal na diumano ay nanlaban.

Huminga siya nang malalim. She wanted to throw an opinion but she couldn't. Baka kontrahin siya ni Chase at mauwi na naman sa diskyuson tungkol sa lohika at batas ang usapan nila.

Nagulat siya nang bigla itong magsalita. "Your brother called me." Ni hindi siya nito tiningnan.

Ibinaling niya ang tingin dito. "Kelan? Bakit daw?"

"Nangungumusta. I told him you're always out at night."

Namilog ang mga mata niya. "So ikaw pala ang dahilan kung bakit pinagalitan ako?" akusa niya rito. "I am not a minor anymore! Isa pa, if I can't drive home because I'm drunk, I can just book a taxi on an app. It is new, it is convenient, it is safe."

Nagkibit-balikat ito. "Being new doesn't equate to being safe. That's appeal to novelty. Akala ko ba pinag-aaralan mo? At hangga't nandito ka sa bahay ko, ayokong umaalis ka at umuuwi ng dis-oras ng gabi. Responsibilidad kita habang nandito ka." Pirmi pa rin itong nakatingin sa TV kahit commercial naman.

Napakurap siya. Hindi siya sanay nang dinidiktahan. But his voice sounded so commanding that she couldn't help but nod. Natatakot siyang baka magalit ito kapag kumontra siya.

On second thought, ano naman kung magalit ito? Ah tama, baka hindi na siya payagang makipagkita kay Lynne.

"Okay," maliit ang boses na sagot niya. "Since you are the owner of this house, I will oblige."

Tumango ito. Muli silang tumahimik. Awkward…

Binasa ni Hera ang kanyang labi. Tumikhim siya nang ilang ulit.

"Magluluto na 'ko," ani Chase bago biglang tumayo.

Napatayo rin siya sa gulat. "Can you still cook? Pagod ka na siguro. Pa-deliver na lang tayo. My treat."

"I will cook."

O, e 'di sige. Ikaw na nga ang binigyan ng option d'yan. Kinagat niya ang kanyang labi. "Tutulong na lang ako!" she volunteered, nagtaas pa siya ng kanang kamay.

"Wag na. Baka kung ano pang—" Chase hesitated a bit. "Kaya ko na."

She sighed in defeat. Pakiramdam niya, ang tingin sa kanya ni Chase ay party girl at walking disaster. Naglakad na ito patungo sa kusina. Naiwan siyang nakatayo sa sala. Kumunot ang noo niya nang mapansing may kausap na ito sa phone. Nakangiti ito habang panay ang tango.

Dinampot niya ang remote at pinatay ang TV.

"Yes, Ai. Hindi kita pinagtataguan, I am just extremely busy."

Tumaas ang kilay ni Hera. Ai? 'Yung babaeng papansin?

"Let's schedule it on Sunday, then." Humina na ang boses ni Chase kaya hindi na niya narinig ang kasunod.

Suminghap siya nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Mabilis niyang dinampot iyon at sinagot ang tawag.

"Hello? Who is this?"

"Hera, it's Vina! Gosh, nagpalit nga pala ako ng number, I forgot."

Agad siyang napangiti sa narinig. Vina is an old friend, a former workmate. Ito ang head ng General Accounting sa huling kompanyang pinasukan niya.

"Vi, hello! I missed you!" tili niya. "What's up? Why did you call?"

"I knew it, nakalimutan mo! Birthday ni Sir Jon the CFO, 'di ba? Sa Sunday na 'yon. Guess what? 'Di raw siya sisipot kung wala ka."

Natigilan siya. Hindi sisipot kung wala siya? Bakit? Hawak ba niya ang birthday cake?

"Wala akong planong pumunta. Sa Timog gaganapin, 'di ba? Off-limits ako sa mga bar ngayon," she honestly commented.

"Off-limits sa bar? Hera Tadea, are you kidding me? Sa bar ka na nga halos tumira!" Humalakhak ito.

"I'm not kidding. Napagalitan ako ni Kuya."

"At kailan ka pa nakinig sa kuya mo?" nang-aasar nitong tanong.

Napairap siya. Of course, she listens to her brother. Not exactly all the time, but stil…

Nilingon niya ang kinaroroonan ni Chase. Napaatras siya nang makitang wala na itong kausap sa telepono at diretso na ang tingin sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Vi, hindi talaga ako puwede," bulong niya.

"Hera, just this once, please? Three months kaming nag-prepare for this. Nikki, Pretty, Yen and Jelyn were the organizers, but the whole Accounting Team contributed both money and effort. Sayang kung hindi matutuloy," bigong sabi ni Vina.

"Bakit ba kasi ipinaghanda n'yo pa 'yan? He didn't really appreciate your efforts in the first place because if he did, hindi niya sasabihing pupunta lang siya kung nando'n ako!"

"We know naman. Pero anong magagawa namin… Hera, please."

Nasabunutan niya ang kanyang ulo sa inis. Pansamantala siyang nag-isip. Panay ang pakiusap ni Vina. Natatakot siyang marinig ni Chase ang usapang iyon kaya humakbang siya palayo sa direksyon nito.

"Okay, fine. Ngayon lang 'to, ha. But I won't go there for him, kayo ang ipupunta ko ro'n."

Halos mabasag ang eardrum niya sa biglaang pagtili ng kausap. "Life saver! Thank you, Hera. 7:00 pm! I will text you the other details. We owe this to you. Love ka namin!"

Napabuntong-hininga siya nang matapos ang tawag. Nang tumalikod siya ay muntik na siyang mabuwal pagkakita sa mukha ni Chase. Kunot ang noo nito at mukhang malalim ang iniisip.

"You're going out?" tanong nito.

Kinagat niya ang kanyang labi, not sure whether to tell the truth or just lie. Sa huli, pinili niyang magsabi ng totoo.

"On Sunday. A friend's birthday bash. Sa isang bar gaganapin so…" she tried to sound nonchalant but failed.

"Mga kaibigan ang kasama mo?"

"Yup. Colleagues, mga kasamahan ko sa trabaho before."

"Okay." Tumango ito. "Let's eat, matatagalan pa raw si Lynne." Saka siya tinalikuran nito.

Hera sighed. Okay lang? 'Yun na 'yon?