Chereads / Fallacious Romance / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

"I told you, hindi siya papayag. I can stay tonight but he wants me gone by tomorrow! Sobra siya!" gigil na sabi ni Hera habang pinagsususuntok ang unan sa kama ni Lynne.

Kanina pa siya inis na inis. Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon ni Chase na mas makapagpaliwanag nang mabuti. He was plain cold-hearted and rude for that matter.

Imbes tuloy na payapa siyang magpahinga ngayon sa kuwarto ng kaibigan ay hindi niya maiwasang magmaktol. Thinking that tonight would also be her last night staying in this neat, all-white room with a queen-size bed was making her head throbbed in pain. Sayang ang pag-iimpake niya.

Lalo siyang nainis nang marinig ang halakhakan na nagmumula sa labas ng kuwarto. Pinaghalong malalagong at matitinis na boses iyon. Hindi pa rin umaalis ang mga kaibigan ni Chase at mukhang aabutin pa yata ng umaga ang inuman ng mga ito.

Tiningnan niya si Lynne. Abala ito sa pagtatabi ng mga maleta niya sa gilid ng kama. "Dito na lang muna 'to, aalis ka na rin naman bukas." Humagikhik ito.

Tinapunan niya ito ng unan. "This is all your fault."

Humikab ito at padapang humiga sa kama. "I know and I'm sorry, okay? Sa inyo na lang talaga muna ako tutuloy. I thought he will give you a chance. Ano ba kasing nangyari at bakit parang mas tumindi ang galit niya sa 'yo?"

"I don't know! Wala naman akong—" She blinked. Thrice. Wala sa sariling kinagat niya ang kanyang labi.

Dahil ba sa halik? Mali nga ako sa ginawa ko, pero hindi ko naman 'yon palaging ginagawa, nainis lang talaga ako… wait, is that a fallacy?

She hissed. "Right, special pleading." She was exempting herself into a particular principle or rule without adequate justification. Tama nga ba? Hinilot niya ang kanyang sentido. Hindi siya makapaniwalang bawat konting kibot… law, fallacy, arguments at logic ang naiisip niya.

"What are you talking about, Hera? Anong special pleading?"

"Wala, basta."

"But you paused kanina. May nangyari, 'no?" Nanlalaki ang mga mata ni Lynne habang nakatitig sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin. "Wala!"

Kinulit siya nito pero hindi siya nagpatinag. Panay ang sabi niya ng wala hanggang sa tuluyan nang napunta sa ibang bagay ang kanilang usapan. It was past ten when Lynne fell asleep. Nasa gitna pa sila ng pagkukwentuhan nang mapansing hindi na sumasagot ang kaibigan. At least she slept on the right side of the bed, iyong nakatapat sa pader.

Inayos niya ang pagkakakumot dito bago umupo sa gilid ng kama.

She spent minutes scanning Lynne's room—bagay na hindi niya nagawa nang maayos kanina dahil sa inis. It was only half the size of her room but well-organized. The walls were painted white while the furnitures were either black or dark brown.

Tumayo siya at naglakad-lakad. Naririnig niyang may mga nag-uusap pa rin sa labas ng kuwarto ngunit hindi na gano'n kalakas ang boses ng mga ito. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Dahan-dahan siyang sumilip doon hanggang sa matanaw niya ang sala.

Her eyes automatically darted on Chase. Nakaupo ito nang tuwid at sa balikat nito ay nakasandal ang ulo ng isang tulog na babae. The lady has fair skin, pouty lips and perfectly curved eyebrows. Bumagay sa hulma ng mukha nito ang bob-cut nitong buhok. Mukhang anghel kahit nakapikit.

Umarko ang kilay ni Hera. Halos tulog na rin ang iba sa sofa at isang lalaki na lang ang kausap ni Chase. Bakit kailangang magsiksikan sa sofa? The house was actually spacious! There were no upper floors but it was wide enough to accommodate three medium-sized rooms, a decent bathroom, tidy kitchen and an extensive sala. Lynne mentioned that earlier.

Lumabas siya ng pinto. Slightly elevated ang mga kuwarto kaya mabilis na dumapo ang tingin ni Chase at ng kaibigan nito sa kanya.

"I will use the bathroom," palusot niya.

"Meron sa kuwarto ni Lynne," sagot ni Chase. Umiling-iling ito na para bang may ginawa siyang malaking kasalanan.

Napalunok siya. "I didn't know that."

Nang makita ang bahid ng pagdududa sa mukha ni Chase ay parang gusto niyang magmura. Totoo namang hindi niya alam! Nagmadali siya sa pagpunta sa banyo na nasa labas ng kuwarto ni Lynne. Bahala na si Chase kung ayaw nitong maniwala sa kanya.

Nang matapos ay naghugas lang siya ng kamay at lumabas na. Habang naglalakad pabalik sa kuwarto ni Lynne ay napansin niyang hirap na hirap ang isang kaibigan ni Chase sa pag-alalay sa lasing na kaibigan patungo sa kuwartong katabi ng kay Lynne.

Lalong bumagal ang paglalakad niya. Tiningnan niya si Chase. Pirmi pa rin itong nakaupo habang inaalalayan ang ulo ng babaeng nakasandal sa balikat nito.

"Kaya mo ba, King? Tutulong ako. Iaayos ko lang muna 'tong si Ai."

"Ako na rito, si Kurt na lang naman. Baka magising pa 'yang si Ai kapag gumalaw ka. Pahirapan pa namang makatulog 'yan. Insomiac 'yan."

Hera snorted. "Sooner rather than later, gagalaw rin naman 'yang si Chase. Hindi naman puwedeng umupo lang siya nang tuwid d'yan." Napakurap siya nang maglingunan ang mga ito sa kanya. Oops, did she say it out loud? Sa utak niya lang dapat 'yon!

Narinig niyang tumawa si King. Kinagat niya ang kanyang labi. Masama naman ang tingin ni Chase sa kanya.

Ano? Galit ka na naman? Inirapan niya ito.

"Balik na 'ko sa kuwarto," paalam niya kahit alam niyang wala namang may pakialam.

Dalawang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang magsalita ang kaibigan ni Chase.

"Miss, one of our friends is sleeping in Lynne's room. Si Helen. Pero kasya ka pa naman, baka lang magulat ka," King casually explained.

Kumunot ang noo niya sabay turo sa babaeng nakasandal kay Chase. "What about her? Saan siya tutulog?"

She was dead curious. If she remembered it correctly, tatlong lalaki at dalawang babae ang kainuman ni Chase. If the guys would sleep in the guest room and one of the ladies was in Lynne's room already, how about this other lady? Sa couch?

Chase scowled. "Matulog ka na nga lang."

What now? Nagtatanong lang naman.

"Tulog ka na, Miss, para 'di mo na malaman kung saan matutulog si Ai," natatawang pahayag ni King.

Namilog ang mga mata ni Hera. Don't tell me?!

Tumikhim si Chase. "Sa kuwarto ko na lang si Ai. Dito ako sa sofa."

Napabuga siya ng hangin. Humalakhak naman si King. Lumapit ito sa kinaroroonan ni Chase at may ibinulong na kung ano.

Hera looked so out of place. Ano pa nga bang hinihintay niya at bakit hindi siya makaalis-alis?

"Tama na nga, King," biglang sabi ni Chase na nakapagpakurap sa kanya. "Ai will sleep in my room and—"

"You can just sleep in your room, too. Ai won't mind, I'm sure," may himig ng pang-aasar ang boses ng kaibigan ni Chase.

Gustong matawa ni Hera. Really? How dare this guy speak on behalf of a drunk girl?

"King," banta ni Chase.

"I'm kidding! Ito naman, ang tagal mo kasing 'di nagparamdam kaya 'di ka na makasabay sa ganitong biruan. Sige na, tulungan na kitang ihatid si Ai sa kuwarto mo."

Umatras nang bahagya si Hera. Pinanood niya ang dalawa. Hindi pa nakakakilos si Chase nang biglang ipulupot ni Ai ang isang kamay sa baywang ni Chase.

Napasinghap si Hera nang makita ang pag-angat ng labi ng babae. Oh my God. She's awake!

"Ai, we will transfer you to my room, okay?" bulong ni Chase habang pilit kinakalas ang kamay ni Ai na nakapulupot dito.

Hera raised an eyebrow. "She's awake."

"Gising?" tanong ni King.

Tumango siya. "Oo. Ngumiti pa nga, e."

"I don't think she's awake, though," ani Chase sabay tingin sa brasong nakapulupot pa rin dito.

You fool! You are so dense, Chase! Tinalikuran niya ang mga ito saka tuloy-tuloy na naglakad patungo sa kuwarto ni Lynne. Hindi siya makapaniwalang may tao pa palang kasing manhid ni Chase. Obvious namang nagpapapansin lang si Ai.

Bago tuluyang makarating sa kuwarto ay narinig niya ang biglaang paghikab ng isang babae kasabay ng kunwaring pagkabigla.

"I'm sorry, Chase, nakatulog pala ako!"

"It's alright. You can use my room, doon ka na matulog. Nasa guest room na ang iba," sagot ni Chase.

"How about you?"

"Couch."

"We can just sleep together, ano ka ba! We're both adults and it's not like we're doing something wrong. Matutulog lang naman."

King laughed heartily. Parang todo ang pagsang-ayon sa sinabi ni Ai.

Hera made a face. Nang marating ang kuwarto ay sinadya niyang padabog na isara ang pinto.