Chereads / One-sided Love by pinkyjhewelii / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

REIKO

KINAKABAHAN ako ngayon dahil papunta akong guidance office. Sabi ni Tita Fancy susunod daw siya kasi may kailangan muna siyang daanan.

Hindi naman sa hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko pero kasi, first time ko 'to. Kahit naman super bad ni Kuya Miko before dito sa SWU, hindi naman ako gano'n e. Kay Mom kaya ako nagmana.

Kumatok ako sa guidance office bago pumasok.

Nakagat ko ang labi ko nang nasa loob na pala si Glecy at iyong feeling ko nanay niya na masamang nakatingin sa akin.

"Goodmorning, Ma'am." Bati ko sa guidance counselor.

"Anong maganda sa umaga, iha?" Tanong nung nanay ni Glecy.

Manang mana e. Kaya pala ganyan ugali ng Glecy na 'yan. Lakas ng genes ng nanay niya.

Umupo na ako sa kaharap na upuan nina Glecy.

"Reiko, nasaan ang guardian mo?" Tanong ni Miss Minchin. Iyong guidance couselor ng school.

"Ah, ma'am, on the way palang po." Sagot ko.

Tumingin ako kay Glecy at inirapan pa ako. Humanda siya mamaya sa Tita Fancy ko!

"So kami pa ang mahihintay? Pa VIP naman yata 'yang guardian mo, iha?" Sabi ng nanay ni Glecy.

"Hindi naman po. May dinaana---"

"Wala akong pakialam. Ang point ko dito is pinaghihintay niya ako! Hindi ba niya ako kilala? Mayor ang asawa ko!"

I rolled my eyes. Mayor ang asawa niya? Then hello, satan ang tatay ko at may tita din ang demonyita.

Parang wala man lang magawa si Miss Minchin sa nanay ni Glecy. Ang daming sinasabi. Akala mo naman talaga! Ako nga kahit mayaman at kaibigan ng family ko ang may ari ng school, hindi ko pinagmamayabang kahit kailan. Sila naman, mayor lang ang asawa akala mo na kung sino.

Hindi ko nalang sila sinagot. Baka kasi mawala iyong galang ko sa nanay ni Glecy.

"Mama, naiinip na ako. Dahil sa tagal ng guardian niya, hindi tuloy ako makaka-attend ng first class ko." Sabi ni Glecy.

"Don't worry baby, tuturuan ko sila ng leksyon saka isusumbong ko sila sa Papa mo, ha? Remember, Papa mo ang Mayor sa lugar na 'to. Hindi katulad niyang classmate mo na 'yan. Sino ba ang pamilya niyan?" Tumawa pa ang nanay ni Glecy

Wow naman. Para namang nag-aaral talaga si Glecy e puro landi lang naman alam niya. Kaunting timpi pa.

Tumingin ako kay Miss Minchin at nakatingin pala siya sa akin. Iyong tingin na parang humihingi ng paumanhin. Don't tell me natakot siyang suwayin ang nanay ni Glecy kasi asawa niya ang mayor dito?

"Okay, Mama. Thank you talaga kasi hindi mo ako hinahayaang maapi dito."

I rolled my eyes. Siya pa talaga ang inaapi? E napaka bruhilda niyan at feeling sikat.

Bumukas ang pinto at nag-twinkle-twinkle iyong mga mata ko nang si Tita Fancy na ang dumating. She's so pretty!

"Tita!" Tawag ko sa kaniya.

She walks like a goddess palapit sa amin.

"Fancy Abellano?" Parang nagulat pa si Miss Minchin. Bakit kaya?

"Hi, Miss Minchin! Missed me? Remember lagi akong narito when I was in college. OMG! I missed this office." Sabi ni Tita Fancy.

Lagi ba siyang naga-guidance noon? Inaapi ba si Tita Fancy dati?

"May pinagmanahan naman pala." Sabi nung nanay ni Glecy.

"Are you her mother or yaya? Or julalay? Like omg, you're so plain." Sabi ni Tita Fancy sa nanay ni Glecy. "And you were saying... may pinagmanahan? What? Are you insulting my niece?!"

"Mas matanda ako sa 'yo, ineng kaya igalang mo ako! Wala ba talagang manners ang pamilya niyo? Kaya 'yang pamangkin mo wala ding manners e!" Sabi pa ng nanay ni Glecy.

Umupo si Tita Fancy sa table ni Miss Minchin kaya napatayo naman si Miss Minchin. Yung itsura niyang parang gustong umawat pero alam niyang wala siyang magagawa.

"So what? You're mas matanda sa akin, yes?" Tumawa si Tita Fancy. "How can I galang you when you don't even know the word respect? You want mega sabunot, tanders?"

"Tanders? Ano? Sabunot? Manang mana nga pala sa 'yo ang pamangkin mo! Mahilig manabunot!"

Tumawa lalo si tita Fancy. "Oopps! You're wrong, tanders. I'm not mahilig manabunot like OMG! You should ask Miss Minchin kung anong ginagawa ko sa mga hair ng mga palakang katulad ng anak mo."

"Anong sabi mo? Ang anak ko palaka!? Hoy? Baka hindi mo alam asawa ako ng Mayor sa lugar na 'to. Piliin mo ang kinakalaban mo!" Sigaw ng nanay ni Glecy na mukhang gigil na gigil na.

Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Go Tita Fancy!

"Oh, so asawa ka ng Mayor? Like ohmyholychuvaners natatakot ako!"

"Matakot ka talaga!"

"Are you out of your mind? Duh! Asawa ka ng Mayor then do you know who I am?" Tanong ni Tita Fancy.

"Tita ka ng pamangkin mong pala-away na mukha namang nagmana sa 'yo." Sarcastic na sagot ng nanay ni Glecy.

Omg. This is so fun.

Tumayo si Tita Fancy at lumapit sa nanay ni Glecy.

"I will introduce myself to tou. I am the crazy little devil. I'm the Abellano queen because my niece is the new Abellano princess. Don't you get that? We are royalty. Mayor lang ang asawa mo pero kapatid ko si satan!"

Hindi ko alam kung natatawa ako pero satan naman talaga si Dad.

Tumawa iyong nanay ni Glecy. "Englisera ka lang na nagtatagalog at mukha namang mayaman kayo pero hanggang doon lang kayo! Kayang kaya ko kayong paalisin sa school na 'to! Isang tawag ko lang sa asawa k---"

"Then call him. Call your husband and let's see kung mapapaalis niya kami dito." Sumeryoso ang mukha ni Tita Fancy.

Nakakapagsalita na pala siya ng straight tagalog and straight english? Amazing!

"Talagang hinahamon mo ak---"

Nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang pinto at none other than, hala ka! My Dad!

"WHAT THE FUCK IS GOING ON HERE?!"

Ayan na naman ang tatay ko na parang laging sumusugod sa gyera.

"At sino naman 'yan! Nagtawag pa yata kayo ng kakampi. Wala kayo sa asawa kong mayor." Sabi pa nung nanay ni Glecy.

"Mr. Abellano." Parang mas natakot si Miss Minchin kay Dad kesa kay Tita Fancy kanina.

"Oh, that's my brother. He's a satan I was talking about." Sabi ni Tita Fancy. "You're dead."

"Dad..." tawag ko sa kaniya.

"My princess, what happened? Your Tita Chelsea told me that you are here in guidance office. What did you do?"

Oh my. Kalmado na ang tatay ko. "She bullied me, Dad. Sinabihan niya ako ng malandi dahil lang close ako sa shinwoo triplets. Tapos hindi na ako nakapagpigil. Nakipagsabunutan na ako sa kaniya because she was too much!" Sumbong ko kay Dad.

"WHAT THE FUCK?" Sigaw ni Dad saka humarap kay Glecy saka sa nanay niya na mukhang nagulat sa pagmumura ng tatay ko.

Well, that's normal.

"Excuse me lang, mister. Pero huwag kang magmura dito. Iyang anak mo ang malandi at sinabih---"

"SAWA NA BA KAYO SA BUHAY NIYO?!"

That's my Dad! Natatakot akong magsabi kahapon kay Dad pero hindi ko naisip na ipagtatanggol naman niya ako e.

"Miss Minchin ano ba 'tong tatay ng babae na 'yan. Mura ng mura! Wala man lang manners!" Sabi pa ng nanay ni Glecy.

Nag-sign of the cross ako. You just hit my Dad's button.

"WHAT THE FUCK DID YOU SAY? DO YOU KNOW WHO I AM? I'M FUCKING LANCE REID ABELLANO AND I'M THE FATHER OF THAT GIRL YOU WERE TALKING ABOUT AND WHOEVER BULLIED MY DAUGHTER WILL SENT TO HELL."

"Omg this is going to be fun." Sabi ni Tita Fancy.

"Ha-ha! Nakakatakot naman. Hoy, mister! Mayor ang asawa ko!"

"I DON'T GIVE A DAMN. MAYOR LANG ANG ASAWA MO. ABELLANO AKO!" sigaw pa ni Dad.

"Ano naman kung Abellano ka? Talagang may pinagmanahan iyang anak mo! Basta hindi ako papayag na hindi maparusahan 'yang babae na 'yan! Anong karapatan niyang sabunutan ang anak ko?! Miss Minchin, ano na?"

Si Glecy mukhang proud pa sa nanay niya.

Tahimik si Miss Minchin at parang ayaw nalang magsalita. Hindi ko pa rin ma-gets kung bakit parang ilag na ilag siya sa Tita at sa Dad ko.

Magsasalita pa sana si Dad nang bumukas ang pinto at jusko, nalaglag ang eye balls ko.

Si Tito Kyle!

"Hey, brad. My wife told me that you're here. What happened? Rinig na rinig ko sa labas ang sigaw mo. Wala ka pa ding pinagbago." Tanong ni Tito Kyle.

Si Glecy ay mukhang nagulat. Syempre sino ba namang hindi nakakakilala kay Kyle Shinwoo.

"Hi, satan the second!" Bati ni Tita Fancy.

Sabi ni Tita Fancy twin satan daw si Dad at Tito Kyle.

"That mother and daughter bullied my daughter and I don't fucking care if she's a wife of a mayor. Anong pakialam ko sa mayor na asawa niyan?"

"At sino naman 'yan?" Sabi nung nanay ni Glecy.

"Mama! Siya po ang may ari ng school. Asawa siya ng president ng school." Natatakot na bulong ni Glecy sa nanay niya.

Mukha namang nagulat ang nanay niya.

Sumeryoso si Tito Kyle. "Miss Minchin what happened?"

"Mr. Shinwoo, ang nakarating po sa akin, base sa mga sinabi din ng mga estudyanteng nakakita ay itong si Glecy ay binully si Reiko. Sinabihan niya ng malandi si Reiko dahil close siya sa mga anak niyo, ang Shinwoo triplets."

Hindi pa man nagsasalita si Tito Kyle ay bumukas na naman ang pinto at iyon, ang Shinwoo triplets.

Nanlaki ang mga mata ko. Literal!

"You bullied Reiko just because she's close to us? Are you fucking serious?!" Sigaw ni Kenzo.

"Anong karapatan mong sabihan ng malandi si Reiko? Iginagalang namin 'yan tapos ikaw lang ang gaganyan sa kaniya? Akala mo mapapalampas ko 'to?" Sabi ni Renzo. "Dad, kick her out of the school!"

"Nagtitimpi lang ako. Sa halip na kasama ko si Reiko sa pagbe-bake ng pakwan cake, she's here dahil sa 'yo!" Sigaw ni Enzo.

Lalong hindi na makapagsalita si Miss Minchin. Ikaw ba naman, nagsuguran silang lahat dito. Huhu, na-touch naman ako.

"Is that true, iha?" Tanong ni Tito Kyle kay Glecy.

"Aba't! Pinagtutulungan niyo pa ang anak ko! Makakarating ito sa asawa ko! Gusto niyong ipatanggal ang anak ko dito? Baka gusto niyong itong school na 'to ang ipaalis ko dito? Uulitin ko, Mayor dito sa lugar na 'to ang asawa ko!"

Tumawa si Tita Fancy. "She's out of her mind. I should stapler her bibig nalang para mag-stop na siya. Her voice is irritating. I know now what will happen so, my Reiko, I need to make alis na. I have things to do pa." She kissed my cheek.

Tumango lang ako. "Thank you, Tita."

Umalis na siya at naiwan kami. Si Dad hinawakan ko na sa kamay kasi lagi siyang galit at sumisigaw e. Wala pa naman si Mom para pakalmahin siya.

"Renzo, Enzo, Kenzo, go back to your practice. I will handle this." Sabi ni Tito Kyle.

Sumunod naman 'yung tatlo at lumabas na ng guidance office. Kami nalang ang naiwan. Nanay ni Glecy at ang twin satan.

Parehong lumapit sina Tito Kyle at Dad sa nanay ni Glecy. Napatingala nalang tuloy siya kasi ang tatangkad nila kaya. Duh! Varsity sila ng basketball team dito sa SWU before.

"Sigurado ka bang kayang ipatanggal ng asawa mong mayor ang school na 'to?" Seryoso at nakakatakot na boses ni Tito Kyle.

"Sawa na ba ang asawa mong mayor sa buhay niya?" Sabi naman ni Dad.

"Do you even think na mas malakas ang asawa mo sa akin?" Sabi pa ni Tito Kyle.

"Do you really threaten me dahil sa asawa mong mayor?" Sabi pa ni Dad.

"Kilala mo ba ako?" Tanong ni Tito Kyle.

"Do you fucking know me?" Si Dad naman.

Palipat lipat ang tingin ko kina Dad at Tito Kyle.

Mukha namang nasisindak na ang nanay ni Glecy. Feeling strong lang siya kasi pinagmamalaki niya ang asawa niyang mayor.

"I am Kyle Shinwoo. I'm the fucking owner of this school and I can fucking rip your husband's neck."

"I am Lance Abellano. I'm fucking top 2 youngest billionaire, well, he's the first. And I can fucking send you back to your mother's womb."

Nasapo ko ang noo ko. Satan brothers nga sila. Ngayon ko na-gets ang sinabi ni Tita Fancy na mas nagiging satan sila kapag magkasama sila.

"A-anong... anong paki ko sa inyo!" Sigaw ng nanay ni Glecy.

"I will send you to hell." Sabi ni Tito Kyle.

"I will fucking buried you alive." Sabi naman ni Dad.

Gusto kong umawat kaso as if naman may magagawa ako? E takot ako sa Dad ko.

"Bring me your mayor husband and I will show him who's the king." Sabi pa ni Tito Kyle.

"Bring me your mayor husband I will show him who's above him." Sabi pa ni Dad.

Kahit ako natatakot na sa awra nina Dad at Toto Kyle. Paktay na talaga ang nanay ni Glecy!

"Your husband is a mayor?" Sabay pang tumawa ng sarcastic sina Dad. "We're both satan."

Lalo kong nasapo ang ulo ko. Si Miss Minchin napapa-sign of the cross nalang. E siya 'tong guidance counselor tapos wala siyang magawa. E lalo naman ako! Walang makakapigil kay Dad kundi si---

Bumukas ang pinto at pumasok... okay, nagdilang anghel ako. Ang mga babaeng makakapigil kina Dad at Tito Kyle. Mom and Tita Chelsea are here!

Sabay silang dumiretso kina Dad at Tito Kyle. Sabay din nilang... wait, natawa ako. Piningot nila pareho sina Dad. Oh my.

"Wife..."

"Baby ko..."

Sabay napalunok sina Dad at Tito Kyle.

"Nasa office kami ni Chelsea at kitang kita ko sa CCTV ang mga pinaggagawa mo dito, hubby! Nakakahiya! Kapag talaga magkasama kayo!" Sabi ni Mom hila hila ang tenga ni Dad palabas.

"Ikaw, ang tapang tapang mo ha! Kayo ni Lance nanakot pa kayo! Sobra ka gummy bear ha! Uwi!" Sabi naman ni Tita Chelsea habang hila din ang tenga ni Tito Kyle.

Naiwan nalang kami dito at jusko, matatawa ba ako o ano? Ang epic ng araw na 'to.

"I-Ikaw... huwag mo ng uulitin ang ginawa mo sa anak ko! At ikaw Glecy, anak huwag ka ng makikipag away! Uuwi na ako sa bahay." Sabi ng annay ni Glecy na natataranta.

"Mama naman!" Sigaw pa ni Glecy saka sumunod sa nanay niya palabas.

Naiwan naman kami ni Miss Minchin. "Ano na pong gagawin ko? Detention po ba?"

"Naku, Reiko. Sige na bumalik ka na sa klase mo. Kalimutan mo nang ipinatawag kita sa guidance at huwag kang mag-alala. Hinding hindi na kita ipapatawag sa guidance. Sige na."

Napakamot ako sa ulo ko saka lumabas ng guidance. Kaloka si Miss Minchin.

Pero iyong totoo? Parang walang sense ang nangyari? Parang  nabalewala lang ang katotohanang na-guidance ako.

"Bestyyy! Ano na? Anong ganap? Balita ko sumugod ang shinwoo triplets dito! Saka alam mo bang nagkagulo ang students dito kasi pumunta din daw dito 'yung former SWU Tigers na sina Kyle Shinwoo at Lance Abellano. Naks! Sikat ang Dad niya."

Natawa nalang ako. "Epic besty, ikukwento ko sa 'yo at as in, matatawa ka lang. Pero my gosh!kinilig ako sa pagsugod ni Enzo!"

"Oo nalang! At least nakalabas ka na ng guidance. Detention ka ba daw?"

Umiling ako. "Sabi nga ni Miss Minchin kalimutan ko nang pinapunta niya ako sa guidance. Hindi ko din siya nagets e."

Tumawa si Ciara. "Ikaw naman, sumugod ba naman ang asawa ng may ari ng school plus your Sad plus shinwoo triplets. Kung hindi ba naman mawindang si Miss Minchin."

Natawa nalang din ako saka kami sabay na bumalik sa room ni Ciara.

Ngayon, ano kayang magiging trato sa akin ni Glecy pagkatapos niyang malamang maraming susugod kapag ako ang kinalaban niya. Aw, I feel so proud. I so love my family.

And Enzo of course. Yeee!