Chereads / One-sided Love by pinkyjhewelii / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

REIKO

MASAYA ako kasi hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari last time. Hindi dahil pinagtanggol ako nina Dad saka ni Tita Fancy kundi dahil ipinagtanggol din ako ng triplets.

Paano kumalma? Ilang araw na pero hanggang ngayon, kapag naaalala ko, umaabot hanggang tainga ang ngiti ko.

"Hoy, besty! Lutang ka na naman."

Sinimangutan ko si Ciara. "Huwag kang panira ng imagination, besty."

"Don't tell me iniisip mo pa rin iyong pagtatanggol sa iyo ni Enzo? Yeee, umaasa na naman siyang gusto talaga siya."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag ka ngang nega. Saka hindi ako umaasa 'no! Sadyang nakikita ko lang talaga na nahuhulog na siya sa akin. Maganda naman ako e, sexy, tapos..."

"Tapos ano, besty? Hello, flat tayo. Sexy ka lang pero flat ka. Flat!"

Pabiro kong hinila ang buhok niya. "Bastos ka talaga. Inaano ka ng boobs ko?"

"Ay? Meron ka?"

Lalo kong hinila ang buhok niya. "Flat ka din 'no! Flat ka." Sabi ko.

"Okay lang. Libro nalang ang likes ni Kenzo babes e. So it doesn't matter kung flat ako. E ikaw, besty? Pakwan ang nais niya. Duh, buto lang ng pakwan 'yang boobs mo."

Bwisit na kaibigan 'to. Lakas mang-realtalk.

"Ewan ko sa 'yo! Basta ang mahalaga, next week na iyong laban nila. At kasama ako, and you know, makakasama ko sila sa hotel dahil three days kami doon. I'm so excited!"

"Pinayagan ka na ba?"

"Bakit naman hindi ako papayagan, e kasama naman ang Shinwoo triplets." Sabi ko.

"Pero besty, isama mo ako. Kahit water girl nalang ako."

"Gusto mo lang makasama si Kenzo e!"

"Dali na kasi, besty. I-request mo. Kahit nga tagapunas lang ng pawis."

Tumawa ako. Kung fall na fall ako kay Enzo, iba ang pagka fangirl ni Ciara kay Kenzo. Hindi ko nga pa rin alam kung ano talaga ang nakita niya kay Kenzo, e kahit naman mabait iyon, napaka cold at masungit, saka hindi gaanong namamansin. Parang Kuya Miko ko lang.

"Subukan kong itanong kung kailangan nila ng extra student." Sabi ko.

Syempre, bestfriends kami. Sabay kaming umaasa, kaya sabay din dapat kaming magfangirl. Para in the end, sabay din kaming umiyak at masaktan. At least hindi kami nag-iisa. Kapit bisig!

"Yaaaa! Thank you, besty! Kalag talaga ako nakasama, mag-vlog ako!"

"Anong vlog naman?"

"How to stalk your bias."

Naningkit ang mata ko. "Ano 'yan, KPOP group?"

"Duh, ano ka ba besty! Nakita mo naman ang mga feslak ng SWU Wolf 'diba! Para na rin silang kpop group e. Kaya nga si Kenzo ang bias ko."

"At sino namang bias wrecker mo?"

Nag-isip pa siya. "Wala. Kasi loyal ako kay Kenzo ko."

I rolled my eyes. "Malala ka na, besty. Tara na nga sa room."

"Alright! Balita ko pumasok na raw ngayon si Glecy. Tingnan natin kung tatarayan ka pa niya. Ang tapang tapang tapos ilang araw absent dahil sa nangyari sa guidance. Nakakatawa!"

Ngumiti ako. Hindi ko naman talaga gusto na may inaaway ako. Siguro pinagtanggol ko lang ang sarili ko at masaya ako na maraming nagtanggol sa akin. And besides, I'm not the kind of girl na pumapayag ma-bully. Sabi nga ni Tita Fancy, huwag na huwag akong magpapa-api. Nagtaka pa nga aki kung bakit binigyan ako ni Tita Fancy ng super cute na lighter. Lagi ko lang daw ilagay sa bag ko.

Hindi naman ako naninigarilyo?

Anyway, narito na kami sa room namin at unang bumungad sa akin ay si Glecy. Sinalubong niya ako.

"Reiko, magpasalamat ka dahil malakas ang kapit mo sa school na 'to. Pero sinasabi ko sa 'yo, sa sunod na mag away tayo, ayokong may mga magulang na involved. Magka-alamanan kung sino talaga ang matapang."

"Kaloka ka naman, Glecy! Hindi ka pa rin nakaka-move on? Saka hello, ikaw lang naman palagi ang nagsisimula e. Masyado kang insecure kay Reiko." Sabi ni Ciara.

Sinamaan ng tingin ni Glecy si Ciara. "At ikaw, dakilang bestfriend nitong Reiko na 'to, huwag kang makisawsaw okay? Hindi ka kasali so better shut up."

"Bakit, toyo, ketchup ba iyang away niyo para makisawsaw ako? Natural ipagtatanggol ko si Reiko dahil bestfriend ko 'yan. E ikaw? Hindi ka ba love ng Mama mo?"

Parang umusok ang ilong ni Glecy sa inis. Hindi niya kasi kasama ang mga alipores niya.

"Hindi ako papatol sa tulad mo, duh." Sabi ni Glecy kay Ciara.

"Sino?" Tanong ni Ciara.

"Anong sino? Ikaw kako hindi ko papatul---"

"Sino kausap mo?" Pambabara ni Ciara saka ako hinila papunta sa upuan namin.

Natawa nalang ako nang ma-gets ko iyong sinabi ni Ciara. Pauso e.

Padabog na bumalik si Glecy sa upuan niya. Nagdatingan na din ang ilan pa naming classmates.

"Reiko, may naghahanap sa 'yo."

Tumayo bigla ang tainga ako. May naghahanap daw. How to kalma? I'm sure si Enzo 'yan! Enebe!

"Besty, may naghahanap sa 'yo." Sabi ni Ciara sa tabi ko. "Ang gwapo."

"Ano ba, besty! Matagal nang gwapo si Enzo." Nahihiyang sabi ko. Medyo nakatungo pa ako kasi iniisip ko kung hindi ba ako haggard. Syempre kailangang maganda palagi sa harap ni crush.

"Duh! Hindi naman kaya si Enzo!" Sabini Ciara.

Napatunghay ako at tumingin sa pinto. Kumunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin ang lalaki.

Pero oo, gwapo nga.

Ay ano ba! Nagtataksil ako kay Enzo! Hindi ako pwedeng magwapuhan sa iba.

Tumayo ako saka nilapitan ang lalaki sa may pinto. Naka SWU uniform din siya.

"Uh, anong kailangan mo?" Tanong ko.

Tumikhim siya. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Princess Reiko."

"Huh?"

"Gusto kita. Matagal na kitang crush, simula palang noong grade school tayo pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil nagpapayat pa ako. Dati akong chubby. Pero ginawa kong motivation iyong magpapakilala lang ako sa 'yo kapag hindi na ako iyong datign mataba na laging nabubully."

Napalunok ako. E bakit? Ano 'to? Bigla bigla naman?

"T-Then...?"

Wala akong masabi! Marami namang nagsasabi sa akin na crush nila ako pero hindi naman sa nagmamaganda ako pero sanay na ako pero itong lalaki na 'to, iba!

"Pwede ba kitang ligawan? Noong malaman ko na may nang aaway sa 'yo, lalo akong naging eager na magpakilala na sa 'yo. I can't be your superman or batman but I can be your mobile legend's character. Tower nga kaya kong protektahan, ikaw pa kaya."

Napalunok ako. What is this, my gosh!

"Ano, uh..."

"Hindi mo ako kailangang sagutin agad ngayon. Here's my calling card, nariyan na rin ang mga social account ko, and here's the copy of my birth certificate para mas makilala mo ako. See you around, Princess Reiko."

Natulala ako hanggang makaalis na siya sa harap ko. What the hell is that?

Napatingin ako sa hawak kong calling card at birth certificate? Jusmeanong trip ng lalaki na iyon?

Hindi man lang niya sinabi ang pangalan niy---oh wait, may birth certificate.

Theo Dean Valdez

Grabe, ganito na ba talaga ako kaganda para may mag-confess sa akin ng ganito kaaga?

Pumasok na ulit ako sa room saka bunalik sa upuan ko. Kakaiba naman ang lalaking iyon.

"Sino iyong gwapo na iyon, besty?" Tanong agad ni Ciara.

Umiling lang ako kasi hindi ko pa rin lubos maisip na may lalaking ganoon?

"Ano 'yan, birth certificate, oh my God, may kapatid ka sa labas, besty?!"

Nawala ako sa oag iisip sahil sa sinabi ni Ciara. "Baliw ka talaga."

"E bakit kasi may birth certificate? Ano 'yan? Proof? What, taga NSO ka ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto niyang manligaw at ibinigay niya sa akin 'to para daw makilala ko siya." Sabi ko.

"Oh my, totoo?! Ang gwapo nun, besty ah! Ano lioat na tayo ng crush? Pero seryoso, as in? Kailan mo pa iyin nakilala? Ikaw ha, hindi mo ikinukwento sa akin."

"Ngayon ko lang siya nakilala 'no." Sabi ko.

"Ay iba! Tapos ligaw agad? Kakaiba siya besty! Baka siya na ang forever mo!"

Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Si Enzo ang forever ko 'di ba? Huwag kang imbento."

She rolled her eyes. "Gusto ka ba?"

"E ikaw, gusto ka din ba?"

"Hindi. Kaya nga sabay tayong umaasa e." Humagalpak siya ng tawa.

Si Enzo talaga ang nakikita kong makakasama ko in the future. Wala akong ibang ideal guy kung hindi siya lang.

Itong lalaki na 'to, ewan ko ba pero kakaiba e.

LUMABAS na kami ng classroom ni Ciara. Tapos na ang klase. Grabe, antok na antok kasi naman, trigo ang last subject namin. Pinaka ayaw ko pa naman iyon tapos binigyan pa kami ng apat na page na assignment. Kumusta naman 'yun 'di ba?

"Besty, parang duduguin ako."

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Ciara. "Bakit? Anong nangyari? Duguin? You mean... buntis ka, besty?!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kapag dinugo, buntis agad? Duduguin ako sa sobrang hirap ng trigo tapos paano naman iyonf assugnment natin? E bukas na agad iyon ipapasa. Iyong si Ma'am talaga, ang laki ng galit sa atin e."

"Ano ka ba, kailangan natin 'yan. Kailangan nating mag-aral mabuti para sa future. Syempre para kapag may assignment iyong mga anak namin ni Enzo, matuturuan ko sila."

Kinurot niya ako sa tagiliran. "Ambisyosa! Hindi ka ka nga gusto, anak agad? Advance masyado. Kaya ka nasasaktan e."

"Wow ha! Coming from you! Nagsalita ang hindi ambisyosa!"

"I'm just a fangirl!" Aniya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nagulat ako nang salubungin kami ni... okay, siya na naman.

"Princess Reiko catch!"

Nanlaki ang mga mata ko ng may ihagis siya sa aking paperbag saka siya tumakbo palayo.

"Oh my, ang gwapo niya talaga besty! Bakit hindi ko 'yan nakikita dito?"

"Paano mo 'yan mapapansin kung palaging kay Kenzo lang 'yang atensyon mo." Sabi ko.

"Kaloka, nang realtalk!"

Natawa ako saka ko binuksan ang paperbag na inihagis sa akin ni Theo. Seriously, kailangan ihagis?

Pagbukas ko ay nagulat ako nang may lumabas na balloon na biglang lumipad. May mga nakasabit doong hearts at may naka print sa balloon.

I WANT YOU REIKO!

Napalunok ako.

"OH MY! As in oh my, besty! Kabog ang lolo mo! May pa balloon! Enebe!"

Pakiramdam ki ay namula ang pisngi ko. E ano ba kasi! First time ko iyong ganito na hindi ko expected.

Napatingin rin ang ibang estudyante. Kasi naman nakakaloka ang balloon na ayun, tuliyan nang kumipad ng mataas. Tiningnan ko ang paperbag at may maliit na box pa sa loob.

"Ang effort niya, besty! Hindi ko siya kinakaya! First day of panliligaw palang 'yan ha!"

Binuksan ko ang box na maliit at may laman iyong kwintas na may pendant na letters, Princess. At may katabing maliit na pendant na korona ng queen.

"Grabe, besty, wala akong masabi diyan sa bagong pumoporma sa 'yo. Paano pa kapag naging jowa mo siya, baka mas matinding effort pa ang gawin niya."

Wala akong masabi. Pero aaminin ko, parang nakakatuwa na masarap sa pakiramdam iyong effort na ginawa niya.

Tapos imagine, biglaan lang siyabg lumitaw. Tapos may pasabog agad.

"Tara na nga." Sabi ko saka inilagay ang box na may kwintas sa bag ko.

"So ano, besty, may pag asa?"

"Ewan saka... basta! Huwag ka ngang magulo besty!" Sabi ko.

Malapit na kami sa gate nang makasalubong namin ang triplets. Pauwi na rin yata sila.

"Reiko, sino 'yon?" Tanong ni Renzo. "Pero bago ka sumagot, selfie muna."

Awtomatiko naman akong napangiti.

Naramdaman kong kinukurot ako sa tagiliran ni Ciara. Tinignan ko siya. Mukha na naman siyang mahihimatay sa kilig.

"What?" I mouthed.

Nginunguso niya si Kenzo na may hawak na libro.

"Reiko, tara sa mansyon namin." Sabi ni Enzo.

Sa gulat ko, napanganga ako. Bakit niya ako niyayaya? Kilala na naman ako nina Tita Chelsea at Tito Kyle so hindi na niya ako kailangang i-introduce sa parents niya. Enebe!

"A-Ano, bakit?"

"Bake tayo ng cake." Sabi niya.

Yeee, gusto niya ng quality time with each other. I'm sure gusto niya lang akong ma-solo e.

"Oo nga, Reiko! Sali ako sa pagbe-bake." Sabi ni Renzo.

"Huwag ka nga, Renzo. Hindi ka kasali. Kami lang dapat ni Reiko." Sabi ni Enzo.

Hala! Masyado namang vocal si Enzo na gusto niya akong ma-solo. Ano ba!

"S-Sige. Papaalam lang ako sa driver ko. Tapos tatawagan ko nalang si Mom." Sabi ko.

"Natawagan ko na si Tito Yumiko. Sinabi ko na, okay naman daw kaya tara na? Ikaw nalang hinihintay namin."

Lalo akong nahuhulog, jusko! Pinagpaalam pa ako kay Mom. I cannot! Wala na, wala na talaga! Mamaya ay kaming dalawa so baka... baka mamaya ay maganap na ang first kiss namin? Akitin ko ba siya? Kyaaaaa!

"K-Kenzo, pwede bang ano, ah, kasi may assignment kami sa trigo tapos apat na page. Hindi ko kasi talaga naintindihan iyong turo ni Ma'am Len e."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko si Ciara. Hindi ko napansing nakalapit na siya kay Kenzo. Ay kabog! Lumakas ang loob ng lola niyo!

"Si Ma'am Len? Walang kwenta magturo 'yon. Hindi ako nakikinig doon. Let's go to library. I'll teach you on trigo. Sagutan natin lahat ng assignment niyo."

What the... what the!

Tumingin sa akin si Ciara nang pasimple at jusko, parang titirik ang mata niya sa tuwa. Nagthumbs up pa siya sa akin.

Siguradong narami kaming oagkukwentuhan bukas.

"Mauna na kayo umuwi. Library muna kami." Sabi ni Kenzo kina Enzo.

Umalis na sina Kenzo at Ciara.

May paglingon pa sa akin si Ciara saka nag-sign of the cross. Hala siya? Talagang nagpaturo siya kay Kenzo at nakakagulat na tuturuan nga siya for real!

Sigurado akong hindi siya makakapag-concentrate.

"Reiko? Tara na?"

Napatingin ako kina Enzo. "Ah, sige!"

Grabe, kakaibang araw para sa amin ni Ciara. Emeged. Pareho naming kasama ang mga lalaking gusto namin. Shocks!

Ito na yata ang simula. Ang simula ng pagliwanag ng katotohanang magkakalovelife na kami.

Asa pa more!