Chereads / One-sided Love by pinkyjhewelii / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

REIKO

Hindi ako mapakali. Ayoko din mag-assume pero kasi ano ba! Narito lang naman ako sa kotse ni Enzo. Oo, at kaming dalawa lang. Solo flight! Feeling ko tuloy mag-jowa kami.

Siguro na-fall na talaga siya sa akin tapos tinatago niya lang. Tapos ako, tinatago ko lang din so para kaming naglalaro ng taguan.

"Enzo─"

"Daan muna tayo sa grocery, Reiko. Ayos lang ba?"

Kumunot ang noo ko. "Ah, sure."

"Kailangan natin ng ingredients para sa pakwan cake." Nakangiting sabi niya.

Bibili pala kaming ingredients for cakes o iyon ang gagawin namin sa kanila.

Siguro ginagawang dahilan ni Enzo ang pakwan cake para makasama ako. Enebe! Alam ko na 'yung mga ganyang galawan. Nahihiya siguro siya sa akin? Sabagay, hindi naman kasi niya alam na gusto ko rin siya.

Sa sobrang lutang ko, hindi ko na napansin na ibang daan pala ang tinahak niya kanina at narito na kami sa grocery.

"Tara na, Reiko?"

Tumango ako saka bumaba ng kotse ni Enzo. Ang gqapo niyang tingnan sa jersey short at puting tshirt. Siya iying klase ng lalaki na hindi na kailangang pumorma para magmukhang gwapo. Kahit yata basahan ang isuot niya, gwapo pa rin siyang tingnan. Kinikilig tuloy ako na kasama ko soya ngayon.

Kunwari nalang boyfriend ko siya at mamimili kami ng groceries para sa house namin? Kyaaaaaa! Kinikilig ako sa naiisip ko.

"Okay na 'tong big cart?"

"Oo, para kasya 'yung pakwan." sabi ko.

Napansin ko ang ilang students na nakakasalubong namin na hindi mai-alis ang tingin kay Enzo. Bakit kasi saksakan siya ng gwapo?!

Sorry girls pero sa akin na 'yan.

"Anong mga kailangan? Syempre, hindi mawawala ang pakwan. Dito na tayo bumili dahil bukas pa ang delivery ng mga pakwan sa bahay namin galing sa plantation namin." Nakangiting sabi niya habang tulak tulak ang cart.

Enebe, fall na fall na talaga ako sa lalaking 'to.

"Ikutin nalang natin ang buong grocery store then ako na ang bahalang kumuha ng mga kailangan natin for pakwan cake." Sabi ko.

Yeee! Syempre para matagal kami dito. Masyado kong nafe-feel na parang kami kasi look, dalawa lang kaming magkasama ngayon. Mamaya kasi sa bahay nila, hindi nalang kami ang tao dun. Gusto ko talaga siyang ma-solo.

"Kapag may gusto kang bilhin, kuha ka lang. Ano bang favorites mo?"

Hala hala, d'yan talaga nagsisimula 'yan e. Tatamong kunwari kung anong favorites ko. Getting to know each other very well ba 'to?!

"Hmm, wala namang specific but I like sweets." Sagot ko.

"Chocolates, gusto mo?"

'Yan na nga ba ang sinasabi ki. Pa-simple lang 'yan si Enzo.

Tumango ako saka ngumiti. "Sobrang hilig ko sa chocolates."

"Kuha tayo." Sabi niya saka tumigil sa section ng sweets.

Kumuha siya ng mga chocolate bar na iba't ibang brands. Grabe, ang galante.

"Ano pang gusto mo, Reiko?"

"Ikaw."

"Ano?"

"Ah─" tumawa ako "Sabi ko mahilig din ako sa mga inihaw." Muntik na ako do'n!

"Masarap 'yung nagtirinda doon sa may SWU gate. Na-try mo na? Kain tayo dun minsan. Treat kita."

Napalunok ako. Sumosobra na si Enzo. Grabe! Hindi ko naman in-expect na ganito siya pumorma sa isang babae. Pasimpleng mga tanong tapos kunwari aayain ako. Gusto lang talaga niya akong makasama. Enebe!

"Sige ba!" Sagot ko. Ako pa ba ang tatanggi?!

Naglagay lang ako ng naglagay sa cart ng mga ingredients for pakwan cake habang si Enzo, lagay din ng lagay ng kung anu anong 0agkain na pakwan flavor. Adik talaga siya sa pakwan.

Panahon na ba para maging pakwan ako para ako nalang ang ka-adikan niya?

"Okay na ba ang isang pakwan?"

Ngumiti ako habang nakatingin sa cart namin. Tatlong pakwan kasi ang kinuha niya.

"Oo, Enzo. Okay na 'yung isa. Ibalik nalang natin 'yong dalawa."

"No, Reiko. No."

Nagulat ako sa reaksyon niya.

"Hindi ako bumibili ng isang piraso ng pakwan. Nakakaawa naman kung mag-isa lang. Minimum ko ang tatlong piraso para I love you."

"I love you too─ha, wait ano?"

"Tatlo kaya I love you." Sabi niya habang tinuturo isa isa 'yung tatlong pakwan.

Ang sarap pakinggan nung three words na 'yon. Parang kapag sinasabi niya, pakiramdam ko sa akin talaga niya iyon sinasabi.

"Bayaran na natin 'to." Sabi niya. "Wala ka na talagang ibang gusto?"

Umiling ako habang nakatingin sa mga labi niya. Naaalala ko tuloy noong hinalikan niya ako. "Wala na. Ikaw lang, sapat na "

"Ano?"

Nanlaki ang mga mata ko saka inagaw ang cart sa kaniya. "Sabi ko tara na para hindi tayo gabihin."

Ano ba naman 'tong bibig ko. Ang hirap magpigil kapag si Enzo mismo ang kausap ko e. Nakakahiya!

Nagbayad na kami sa counter. Si Enzo naman ang nagbayad ng lahat. Inabot yata ng five thousand ang pinamili namin. E paano, sa chocolates palang na para sa akin, ang dami niyang kinuha. Mga mamahalin pa. Magkano kaya ang allowance niya? Ako kasi one thousand per day lang pero may atm card naman ako kapag kailangan ko ng pera.

"Ang mahal ng mga pinamili natin, Enzo. Nakakahiya tuloy." Sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng grocery.

Binitbit ko 'yung isang plastic kasi ang dami na niyang bitbit dahil sa mga pakwan.

"Wala 'yon. Barya lang naman 'yon."

Ngumiti ako. Tinulungan ko siyang mag-ayos ng pinamili namin sa compartment ng kotse niya.

Nang makasakay kami sa kotse ay pasimple akong tumingin sa kaniya. Kapag seryoso iyong mukha niya, mas guma-gwapo siya.

"Enzo, pwedeng magtanong?"

"Yep. Ano 'yon?"

Nagsimula na siyang mag-drive. Ayoko sanang itanong pero palakasan nalang ng loob 'to.

"Wala ka bang balak mag-girlfriend?" Nakakahiya pero I need to know!

Humalakhak siya. "Bakit ko pa kakailanganin ng girlfriend kung may pakwan naman. Kuntenti na ako do'n. Loyal ako."

Ano ba 'yan. Paano na kami niyan kung wala pa siyang balak mag-girlfriend? Kailangan ko ba munang ubusin ang pakwan sa mundo bago niya ako mapansin?

"Pero ano bang hinahanap mo sa isang babae? Labas muna ang pakwan." Tumawa ako. "Kumbaga ideal girl mo."

Pakapalan na talaga ng mukha 'to.

"Hmm..." para siyang nag-iisip. "Mabait?"

Ehem, mabait ako.

"Kahit hindi gano'n kaganda basta 'yung simple lang at hindi mahilig mag-make up ng makapal."

Wait, ako din 'yan. Tamang powder at lip tint lang ako.

"Matapang."

"Alam mo, no'ng hinabol kami ni Ciara ng aso, hindi ako natakot e. Sa halip na tumakbo, sinindak ko 'yung aso."

Tumawa siya. "Pero medyo duwag din minsan para mai-comfort ko siya."

"Kaso hindi nasindak 'yung aso kaya naduwag ako at tumakbo nalang din."

Hindi ko alam kung para akong ewan pero humagalpak ng tawa si Enzo.

"Joker ka talaga, Reiko."

Hala ka, joker daw ako. Waaaaa, kailan ba niya ako seseryosohin?

"We're here. Narito na rin siguro sina Renzo at Kenzo." Aniya. "Hindi sila allowed humingi ng pakwan cake, Reiko."

Tumango tango ako. "Sige."

Bumaba na kami. Tinawag niya iyong guard sa may gate nila saka nagpatulong sa pagdala ng mga pinamili namin.

"Pasok ka na sa loob, Reiko. Huwag kang mahiya."

Pumasok na ako sa loob. Naabutan ko si Renzo na nagse-selfie habang nakatumbling sa may carpet sa living room.

"Hi, Renzo." Bati ko.

Nanlaki ang mga mata niya saka siya natumba. Pero agad din siyang tumayo saka lumapit sa akin.

"Hi, Reiko. You're here. Anong meron?"

"Kasama ko siya." Singit ni Enzo.

"Nakasakay ka sa kotse nyan?" Tanong ni Renzo.

Tumango ako. "Niyaya kasi ako ni Enzo na mag-bake ng cake so sabay na kami pauwi dito."

"Selfie muna tayo kung talaga." Sabi niya saka tumabi sa akin habang hawak ang phone niya.

Awtomatiko nalang akong napangiti sa screen ng phone niya.

"Okay. Ang ganda mo talaga."

"Ha?"

"Sabi ko ang ganda nung camera ko."

Ngumiti lang ako.

"Reiko, tara na sa kitchen." Sabi ni Enzo sa akin.

Sumunod naman ako sa kaniya. Naabutan ko sa kusina si Kenzo. Kumakain siya ng chips habang nagbabasa ng libro sa may dining table.

"Reiko, narito ka pala."

"Ah, oo. Niyaya ako ni Enzo."

"Bro, ano 'yang binabasa mo. Tara basahin nating dalawa." Sabi ni Renzo saka tumabi kay Kenzo.

"Leave me alone. You're too obvious, Renzo. Doon ka sa living room." Sabi ni Kenzo.

Natawa nalang ako sa kanila. Basta magiging busy kami ni Enzo.

"Anong mga kailangang gamitin, Reiko?"

"Ako na ang bahalang maghanap sa cabinet niyo, ha." Paalam ko.

Ayoko rin namang utus-utusan si Enzo. Kumpleto naman sila ng gamit kaya binuksan ko nalang ang mga cabinet nila kung saan nakalagay iyong mga kitchen utensils and kung ano ano pa.

"Cake ba gagawin niyo?" singit ni Renzo. Sa isang iglap ay narito na siya sa tabi namin ni Emzo.

"Umalis ka dito baka hindi kita matantya, Renzo." Sabi ni Enzo.

Sumimangot si Renzo saka kami iniwan. Pansin ko talaga sa kanilang tatlo, palaging nag-aasaran.

Naging busy kami ni Enzo. Ayoko rin namang ipakita kay Enzo na chill chill lang ako. Gusto kong magpakitang gilas kaya gusto kong matapos agad 'yung cake.

Habang nagmi-mix ako ng flour at iba pang ingredients ay parang may kuryenteng dumaloy sa sistema ko nang magkasabay kami ng kuha sa itlog ni Enzo.

Nagkatitigan kami habang nakahawak ako sa itlog at siya, nakahawak sa kamay ko.

Napalunok ako nang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. He looks so handsome with his apron.

Dahan dahang lumapit ang mukha niya sa akin. Hahalikan ba niya ako? Ito na ba ang magiginf second kiss namin?

Huminga ako ng malalim saka pumikit. Gusto kong maramdaman ang labi niya. Iba talaga ang lakas ng tama ko kay Enzo.

Halos kapusin ako ng hininga habang hinihintay ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

"Reiko, okay ka lang?"

Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako nang makita si Enzo na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Bapatingin ako sa kamay ko. Wala na ang itlog. Nabasag na at nasa bowl na siya ng flour.

"Ah, ano, napuwing kasi ako."

"Okay ka lang? Patingin ng mga mata mo."

Muntik nang malaglag ang puso ko nang bigla niyang ilapit ang mukha niya aa mukha ko. He's checking my eyes.

Dahan dahan niyang hinipan ang mga mata ko. "Masakit pa?"

Ang puso ko...

"Ah, okay na, Enzo. Salamat."

"Sure ka, okay ka lang?"

Tumango ako. "Okay na okay. Tapusin na natin 'tong cake." Sabi ko.

Alam kong sa mga oras na 'to, ang pula pula ng mukha ko. How dare myself na mag-imagine habang naa harap ni Enzo? Nakakahiya! Bakit kasi ang lakas ng epekto niya sa akin e.

How to unlike him? Ugh, no. Iisipin ko palang yata na na ititigil ko na ang pagkagusto ko sa kaniya, hindi ko na kaya.

Talo na ako. Sigurado akong anytime, aamin na ako sa kaniya tungkol sa nararamdaman ko dahil hindi ko 'to kayang itago pa. Kahit sinabi niyang kuntento na siya sa mga pakwan niya, alam kong kakailanganin pa rin niya ang isang babaeng tulad ko na magpapasaya sa kaniya.

Pwede rin naman niya akong kainin tulad ng pakwan. Wait, ano ba 'tong naiisip ko?!

Ah, basta! Kailangan ko nang mag-confess nang nararamdaman ko. Deal or no deal, deal!

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag