REIKO
ANG ganda ganda ng ngiti ko habang naglalakad sa quadrangle ng SWU. Paulit ulit ko kasing iniisip iyong kahapon.
Pagkatapos kasi naming mag-bake ng cake ni Enzo, doon na rin nila ako pinakain ng dinner tapos katabi ko siya at ang sweet niya sa akin. Pinaglagyan niya ako ng pagkain sa plato, pinaglagyan ng juice, at kulang nalang subuan niya ako.
Huhu, ang puso ko. Nararamdaman ko talagang gusto talaga ako ni Enzo e. Kunwari pa siya!
"Princess Reiko."
Nawala ako sa pag-daydream nang may tumawag ng pangalan ko. Nilingon ko iyon at sumalubong sa akin ang bouquet of roses.
Kumabog ang dibdib ko.
"Flowers for my princess."
Nagulat ako nang ibaba niya ang hawak niyang bulaklak at nakita ko ang mukha niya.
"Theo."
"How are you? Hinahanap kita kahapon pag-out kaso hindi na kita nakita."
Ngumiti ako. "Thank you dito. Ah, maaga kasi akong umuwi kahapon." Sabi ko nalang.
"Ayos lang. Ang mahalaga, nakita kita ngayon. Ang gandang bungad sa umaga."
Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa sinabi niya.
"Wala kang class?" Tanong ko.
"Meron. Pero syempre, mas mahalaga ka pa sa klase ko."
Ang puso ko...
"Grabe ka. Pumasok ka na aa klase mo. Thank you dito sa flowers." Sabi ko.
Tumawa siya. Hindi maitatangging gwapo talaga siya. Kaya siguro gigil na gigil sa akin si Glecy. Hindi ko mga alam kung maniniwala ako sa sinabi niya na ex niya si Theo.
"Reiko? Is there a problem?"
Napansin niya yatang natulala ako. "Ah, wala wala. Sige na pumunta ka na sa klase mo."
"Are you okay?"
"Oo ayos lang ako." Sabi ko.
Tumango siya. "Pupunta na ako sa klase ko. Sa cafeteria ka ba nagla-lunch?"
"Yes."
"Tatabihan kita mamaya ha?" Aniya saka kumindat pa.
Hindi na ako nakapag-react dahil umalis na siya sa harap ko. Napailing nalang ako.
I took a deep breath. Kakaiba ang nararamdaman ko sa puso ko pero kung iisipin, para ko siyang pinapaasa sa wala. Alam ko naman kasi sa sarili kong si Enzo ang gusto ko at hindi ko masusuklian 'yung nararamdaman niya sa akin.
Pero kasi, sabi niya wala siyang pakialam kung may ibang gusto ako. Hindi ko akalaing tulad niya ako na umaasang magugustuhan ng lalaking gusto ko.
Naglakad na ako papunta sa room ko.
Nakita ko agad ai Ciara na busy sa binabasa niyang libro. Umupo aki sa upuan ko.
"Ano 'yan? May quiz ba?" Tanong ko.
"Don't disturb me, besty." Aniya. "Busy ako kasi kailangan kong malaman 'yung story para mai-summarize ko kay Kenzo kapag nirecommend ko sa kaniya 'tong book."
"Wow, kailan ka pa nahilig magbasa? Upgrading ka, ikaw pa talaga ang magre-recommend ng book kay Kenzo."
Umingos siya. "That's what you call love, besty. Parang 'yung paggagawa mo lang ng pakwan cake 'yan kay Enzo."
"Well, well, well. Masaya lang naman ako dahil success kahapon."
Itinigil niya ang binabasa niya saka tumingin sa akin. "Success, you mean? Umamin ka na kay Enzo?"
I rolled my eyes. "Iyong pakwan cake kasi. Success at tuwang tuwa si Enzo."
"Akala ko naman may something na. Jusko, besty e natural lang matuwa si Enzo. Pakwan 'yon e. Huwag kang feeler na sa 'yo siya natuwa. Sa cake, okay?"
"Alam mo, panira ka talaga."
"Hmp, tanggapin mo na kasi na pakwan lang ang dahilan kung bakit inaaya ka nyang si Enzo."
"Wow, coming from you. E kaya ka lang naman tinuturuan ni Kenzo, kasi mapagpanggap kang hindi mo ma-gets iyong lesson tapos mapagpanggap ka rin na mahilig ka sa books."
Sinamaan niya ako ng tingin. "At least hindi mapagpanggap 'yung nararamdaman ko. Duh! Kesa sayo, besty. Kung hindi ka magiging pakwan, wala ka nang pag-asa sa Enzo mo."
Inirapan ko siya. "Nakakainis ka!"
"Kaya dapat doon ka nalang kay pogi."
"Pogi?"
"Si Theo Dean. Doon ka nalang. Patay na patay sa 'yo iyon e."
Hindi ako mag-react kasi naaalala kong ex siya ni Glecy na pinagsawaan daw niya.
"Teka nga, don't tell me sa kanya galing 'yang flowers na dala mo?"
"Napansin mo pala."
"Oo. Hindi ko lang pinansin kasi akala ko dala mo 'yan para kay Enzo."
"Wow, OA mo besty. Ano, ako pa talaga magbibigay ng bulaklak kay Enzo?"
Nandilat ang mga mata niya. "Wow din, besty! E patay na patay ka nga do'n hindi ba? Malamang hindi malabo na gawin mo 'yan."
"Judgmental!" Sabi ko.
"Maganda naman."
Malapit ko na siyang itakwil bilang bestfriend.
"Hoy, Princess Reiko!"
Nag-angat ako ng tingin. Sino pa ba? Sino bang laging papansin sa akin.
"O, girl na feeling magada, mukha namang pala, ano na namang problema mo? Aawayin mo na naman si Reiko?" Sabi ni Ciara.
"Huwag kang makisawsaw. Hindi ikaw si Reiko." Sabi ni Glecy.
"Ano ba 'yon?" Sabi ko.
Tumingin siya sa bouquet ng bulaklak sa may mesa ko.
"Galing ba 'yan kay Theo Dean?" Tanong niya saka tumawa. "Kinilig ka naman? Jusko, Reiko. Feeler ka talaga. Alam mo bang sa akin dapat niya ibibigay 'yan kanina? Kaso tinanggihan ko. I don't like him na 'no! Pero siya habol ng habol pa rin sa akin at kapag hindi ko siya napapansin, sa 'yo siya tumatakbo. Second choice ka lang, girl."
Hindi na talaga ako makapagtimpi sa babaeng 'to. Sa araw araw nalang, palaginsiyang umeepal sa buhay ko.
"Gusto mo ba talaga ng guidance part two?" Sabi ko.
Umiram siya. "Kung 'yang guidance pa rin ang ipapanakot mo sa akin, girl, hindi na gagana sa akin 'yan. Bakit hindi mo ako masagot? Ano, umaasa ka ba talaga na guato ka talaga ni Theo Dean?"
Huminga ako ng malakim saka tumayo. Hinarap ko siya.
"Oo, kay Theo Dean galing ang bulaklak na iyan at wala akong pakialam kung sa 'yo niya 'yan unang ibinigay. Ano naman? Ano pang pinuputok ng butsi mo? Hindi mo tinanggap pero nag iinarte ka dyan. Tanga lang?"
Ayoko siyang patulan hangga't maaari dahil ayoko nang ma-guidance pero inuubos talaga niya ang pasensya ko.
"Ako, tanga?! Ikaw ang tanga dahil naniniwala ka na ikaw talaga ang gusto ni Theo Dean!"
"Alam mo, Glecy? Noong una galit na galit ka sa akin dahil sa Shinwoo triplets at ngayon, dahil kay Theo Dean naman. Lahat nalang ba ng lalaking lalapit sa akin, gagawin mong dahilan para ganyanin ako? Naiinggit ka ba o sadyang epal ka?"
Sasampalin niya ako nang may humawak sa kamay niya.
Hindi ko inaasahan na makita siya dito sa room ko.
"Dumapo lang ang kamay mo kay Reiko, sisiguraduhin kong nakukulong ka."
Napalunok ako. Ngayon ko lang nakita iyong seryosong mukha ni Theo Dean. Hindi ko inakalang susulpot siya rito.
"D-Dean..."
Parang gulat na gulat si Glecy.
"Stop bullying her because of me. Tangina, Glecy. Tigilan mo na ang kaghahabol sa akin. Kahit anong gawin mo, hindi kita magugustuhan. Naiintindihan mo?!"
Oh my gosh. Tama ba iying narinig ko?
"Dean..."
"Shut up. Subukan mong saktan si Reiko, hindi ko alama ang magagawa ko sa 'yo. Naiintindihan mo?!"
Hindi na sumagot si Glecy. Sinundan ko siya ng tingin nang mag-walk out siya palabas ng room.
"Okay ka lang, Reiko?"
Tumingin ako kay Dean. "Ano mo ba si Glecy?" Hindi ko alam kung bakit kailangan kong itanong iyon.
Napansin kong nakikiusyoso na ang mga classmate bamin. Mabuti nalang at wala pa iyong prof namin. Hinila ako ni Theo palabas ng room.
Nagpahila lang ako. Masyado na kaming agaw pansin sa room.
Nakararing kami dito aa may botanical garden. Umupo kami sa bench.
"She's a psycho." Sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Si Glecy?"
"We're living in the same subdivision. She used to stalk me. Lagi siyang pumupunta sa bahay. Nagpakilala pa nga siyang girlfriend ko sa Mama ko kaya pinapatuloy siya sa loob ng bahay namin. Nagugulat nalang ako nakapasok na siya sa kwarto ko. She tried to seduce me. I'm not bragging anything pero may pagkakataon na naghubad na siya sa harap ko just to get my attention."
Hindi ko kinakaya ang malalaman ko.
"Una palang, sinabi ko na sa kaniya na hindi ko siya gusto at may iba akong gusto. I told her na kahit anong gawin niya, hindi niya nakukuha ang atensyon ko."
Sabi ni Glecy, siya ang nagtapon kay Theo na parang basura. Sinungaling talaga.
"I know we're in the same university pero hindi ko akalain na pati ikaw ginugulo na niya. Pumunta siya sa bahay kahapon para sabihin lang sa akin na isa kang... malanding babae."
The audacity!
"Alam kong hindi ka ganoon. Sinabi ko sa kanya na huwag na huwag na niya akong kakausapin."
Grabe pala si Glecy. May sira na nga yata siya sa utak. Ang lakas pa rin ng loob niyang guluhin ako kahit na-guidance na kami.
"Buti nalang naisipan kong puntahan ka dahil walang first class. Damn, hindi ko alam ang magagawa ko kapag sinaktan ka ni Glecy."
"Okay lang ako. Salamat pala." Sabi ko.
Humarap siya sa amin. "Sorry. Dahil sa akin, ginugulo ka ni Glecy."
"Huwag kang mag-alala, Theo. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit niya ako ginugulo. Noon pa man, palagi na niya akong ginaganyan. Hindi na iyon bago sa akin. Halos nasanay nalang ako."
"Kahit na. Naging reason pa rin ako." Sabi niya. "I'll make sure she won't do that again."
Ngumiti ako. "Ayos na 'yon. Thank you ulit, Theo. Babalik na ako sa room."
Tumango siya. Bumalik na ako sa room at naabutan ko si Ciara na nakikipagdaldalan sa mga kaklase namin.
"Reiko, ayos ka lang? Buti nalang talaga dumating si pogi." Sabi niya.
"May iku-kwento ako sa 'yo mamaya." Sabi ko.
"Ano kaya 'yon? OMG, chika ba 'yan?"
"Basta." Sagot ko.
Itinuon ko na ang pansin ko sa lecture notebook ko na nasa table ko. Lumilipad ang isip ko. Hindi ko in-expect na ganoon si Glecy.
Sa madaling salita, soya pala ang patay na patay kay Theo. Bukod sa epal na talaga siya sa buhay ko, lalo siyang naiinis sa akin dahil kay Theo.
"Princess Reiko!"
Huminga ako ng malalim saka nilingon si Glecy.
Kakapasok niya lang ulit dito sa room saka kinuha ang bag niya habang nakatingin sa akin.
"May araw ka rin sa akin!" Sigaw niya saka lumabas ng room bitbit ang bag niya.
"Parang ewan naman 'yung si Glecy. Triggered masyado." Sabi ni Ciara.
"Hayaan na natin siya." Sabi ko.
Subukan niya lang. Kung akala niya, natatakot ako sa kaniya. Pwes, nagkakamali siya.