Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 1 - Chapter 1

My BabyBoy (Tagalog)

🇵🇭jelooo81
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 109.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

JELO'S POV

Yung first day of school 'tas late ka? Very nice!

"Ma! Bat di mo naman ako ginising?" Sabe ko habang binobotones yung polo ko.

"Anong di ka ginising? Nakailang balik ako sa kwarto mo hoy! Anong sagot mo? 'Five minutes pa'!"

"Eeeh! Alam mo namang di pako talaga gising pag ganon eh!" sagot ko habang nagsasapatos

"Hayaan mo next time, kukuritin na kita sa singet para sure na gising ka talaga!" sabe ni Mama habang patuloy sya sa pagpapake ng lunchbox ko.

"Ma naman eh!" Sabay beso ke mader dear. Nasa may gate nako nang hinabol ako ni Mama.

"Hoy! Yung baon at salamin mo!" sabay abot ng lunchbox at salamin ko.

"Thanks Ma! Wabyu!" Sabay hug and kiss ulit sa cheeks ni Mama tas tumakbo nako.

"Magsalamin ka! Baka madapa ka, anlampa mo pa naman!" pahabol na sigaw ni Mama.

Napakasupportive talaga ni Mama grabe! Lumingon na lang ako, "Naka-contact lens ako Ma!" at kumaway habang diretso sa pagtakbo.

Di naman kalayuan yung inuupahan namen ni Mama sa school, actually. Mga 20 minutes lang ganon. Duplex yun sa isang subdivision. Kaibigan ni Mama ang nag-suggest sa kanya nIto before ako mag-first year college. And pabor na siya sa'min para naman magkasama na kame ni Mama, bilang dadalawa lang namen kame sa buhay. Pero yung 20 minute walk na tatakbuhin mo? Nakakaloka!

Five minutes na lang time na. Kailangang umabot or mabubugahan ako ng apoy ni Terror Prof.! Paliko nako sa dulo ng hallway paakyat ng hagdan nang nabangga ko yung estudyanteng galing dun.

"Ayyyyy!!!!!" Napa-sudden stop then na-off balance ako at nabulid, natapon pa yung laman ng slingbag ko at yung packed lunch ni Mama.

"Hala sorry! Okay ka lang ba kuya?"

Di ko alam kung saan ako mas magagalit sa taong to. Dun sa bigla nyang pagsulpot na ikinatumba ko, yung pagkatapon ng gamet at pagkaen ko, o yung pagtawag nya saken ng kuya eh. Kalma self! First day!

Habang nililimot at inaayos ko gamit kong nagkalat, nakilimot na din yung nakabangga saken. It was about time! Nang dahil sayo, di nako aabot ke Terr –

Na-lost in thought ang tiya mo! Kneeling before me is a gorgeous young man! Amputi! Anlinis tingnan! Antangkad!

"Sorry po ulit kuya ha! Nag-aayos po kase ako ng necktie nang bigla kayong dumating" sabe nya, habang tumayo na sya hawak gamet ko at nag-offer ng hand para itayo ako, na tinanggap ko naman.

Hindi pa rin ako makasagot. Inaapreciate ko pa din yung kapogian nya. Bagay na bagay sa kanya yung uniform namen! He's how angels should look like in uniform! Yung kwelyo lang, nakataas, at yung necktie tabingi at pulu-pulupot.

"Ahmmmm… Yung necktie mo…" Yun na lang nasabi ko.

"Ay opo," Napahawak sya sa necktie nya, "Eto nga po kanina ko pang inaayos kaya di ko po kayo nakita, pasensya na po talaga ulit kuya ha"

"O-okay lang, tulungan na kitang ayusin yan"

"Ahmmm..sige po" tapos binitawan na nya yung necktie.

Inayos ko yung necktie nya, "Ganto dapat. Sa ilalim dapat manggaling…" Napatingen ako sa mata nya. Emegesh! Ang cute nya talaga as in! At ambango ha! Ano kayang pabango nya?

"Bago ka lang ba dito?" tanong ko

"Ah opo. Galing pakong Bicol kuya"

That's it! Nakakailan ka na! "Pwedeng wag mokong tawaging kuya?"

"Ay sorry po kuya! Ay! Sorry po!"

"Just call me…" Bigla kong naalala si Terror Prof! "Fudge! Late nako!"

Kinuha ko na gamit ko sa kamay nya sabay karipas ng pag-akyat sa hagdan. Kuya na lang ang nadinig kong naisigaw ni batang pogi. Ampogi nya pero nakakainis, kinukuya ako!

Sumilip munako sa room kung andun na si Terror Prof. Wala! Yes! Safe ako! Mag-aaja na sana ako nang biglang…

"Mr. Estella, first day na first day, late!" ani Ms. Jean Guardo aka The Terror Prof.

Fudge! Very wrong! Dahan dahan akong lumingon then kumaway, "Hello po Ms. Jean, good morning."

"There's no good in the morning if you're late! The numbers won't compute by themselves!" Ayan na yung apoy!

"Yes mam! I'm really sorry about this!"

"Your sorry won't do any help. Get your classmates' class cards and distribute these handouts!"

"Yes mam!" sagot ko habang nag-bow

Pumasok na kame sa loob ng classroom. Dinistribute ko na yung handouts at kinollect yung class cards saka iniwan sa table ni Prof. bago tumabi sa friends ko sa me bandang gitna.

"Mr. Estella, first day na first day, late!" pabulong na pang-aasar ni Kim na ginagaya pangsisita sa akin ni Ms. Jean.

"Hoy! Baka madinig kayo." Pabulong na warning ni Noel.

Mga dati ko nang kilala sina Kim at Noel. Classmates kame since high school at pare - parehong piniling mag Accountancy nung nag-college. Si Kim yung tipong matatawag na "crush ng bayan". Maputi, may pagka-chinito, malagong buhok na me sa-KPop, slim at killer smile. Si Noel naman, sya yung "clown of the town" pero moreno, matangkad, bungisngis, happy happy lang.

Teka! Parang nakalimutan kong ipakilala sarili ko ah!

Ako nga pala si Angelo aka Jelo! With a J ha, not a G! 19 years old, third year Accountancy student sa Langdon University. Chinito, sabukot ang buhok, medyo chubby, at pinakamaliit sameng tatlo nina Kim at Noel, malabo pa ang mata. Your typical "panget ng barkada". I live with my mom, Aileen Estella. Teacher sya sa elementary.

So yun na nga, natapos na yung klase nang uneventful! Three hours non-stop lecture and computation with Terror Prof. From 9am-12pm na bawal humikab, eyes on the whiteboard and no talking with seatmates.

So lunchtime na. Nasa cafeteria na kame, sina Noel bumili na ng pagkaen habang ako naman humanap ng pupwestuhan. Paglapit nina Kim, hinahanap ko pa din yung packed lunch ko.

"Madame bang pabaon si Tita Aileen?" tanong ni Kim na umupo sa harap ko then ngumiti sa kabilang table na me chix bago tumingin uli saken, "penge akong kanin at ulam ha. Ang konti ng serving dito eh"

"Ayun na nga eh. Ang alam ko nadala ko yung pinake ni Mama kanina eh. Saan ko kaya nalagay yun?" tuloy ako sa pagcheck sa loob ng bag ko.

"Don't tell me na naiwan mo? Ulyanin na friend?" pang-aasar ni Noel, habang pumupwesto sa tabi ko

"Hindi, sure ako nadala ko yun…Ayyy!" Napatingen yung dalawa saken. "Oo nga pala, natapon sya kanina pagpasok ko!"

"Baket? Anyare?" tanong ni Noel.

"Nabangga kase ako kanina nung paakyat nako ng hagdan. Natumba ako at natapon yung laman ng bag ko pati yung pabaon ni Mama."

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81