Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

JELO'S POV

Nagulat ako sa sarili ko. Hala bat ko ba sya hinug? Sobra sa pagkamiss? Napabitaw agad ako sa kanya at kita ko sa mukha nya yung awkwardness bago napangiti saken

"Hindi ka naman kapandakan ah!" Sabay panggugulo sa buhok ko

"Che! Pampalubag loob mo lang yan saken eh!"

"Oo nga! Hindi nga! Hehe"

"Kaaaaay. Teka pasaan ka pala?" tanong ko

"Actually pauwi na din ako pero nakita kita. Parang wala ka sa sarili kanina. May problema ba?"

Nakita nya siguro yung pagtuktok ko sa ulo ko. "Ah wala naman. Me naisip lang ako bigla."

"Ahhh. Okay. Gusto mo ihatid na kita?" pag-ooffer ni Charles, na ipinasok sa bulsa ng suit nya yung kamay nya, "Catch up naman tayo, oh?"

"Ay nako wag na! Baka mapalayo ka pa, atsaka malapit lang naman ang samen" pagtanggi ko

"Ayun na nga eh. Saglit lang naman, tagal na kitang di nakakausap eh" pagpupumilit nya

Pumayag nalang ako. Antagal ko din syang di nakakausap eh. Habang naglalakad, nagkamustahan na kame

"Saan ka pala nag-o-OJT? Kaka-out mo lang ba?"

"Diyan lang sa municipal hospital naten, pero umaattend pa din akong klase every MWF. 2 to 5."

"Ah! Kaya pala naabutan moko"

"Actually nakita kita nung patawid kana" ngumiti saken si Charles, "ang cute mo na lalo ngayon! Chubby chubby!" sabay pisil sa pisnge ko

"Araaay! Grabe sya!" napahawak ako sa pisnge ko

"Haha sorry. Bat pala di mo kasama yung dalwa mong bodyguards?"

Napakunot ako ng noo, "Ha?"

"Sina Kim at Noel kako, bat di mo kasama?"

"Ah. Nag-motor sila pauwi. Dinako umangkas, malapit lang naman ang samen eh"

"Oooh! Kung ganun, pwede ba kitang ihatid lagi?"

Napatigil ako sa paglalakad at napatingen sa kanya, "Ha? Baket?"

Napakibit-balikat si Charles, "Wala lang. Gusto lang kita. Ihatid."

"Wag na! Eto na yung samen oh!" sabay turo sa gate ng subdivision. "Bawal magpapasok ng bisita, tanungin mo pa si Kuya Guard!"

Tumango lang yung guard samen

"Weh? Kahit na taga-dito lang din ako?" sabe nya

Nanlake mata ko, "Ha? Talaga?"

"Oo! Kakalipat ko lang ng dorm."

"Ahhh saan dito?" pag-uusisa ko

"70 Sierra Madre Street"

"Wait! Samen yun ah?"

"Ah kayo ba yung asa green side ng duplex?"

"Baket? Duon ka sa orange?" Nagpatuloy kame sa paglalakad nang makapasok sa subdivision.

"Oo"

"Hala! Amazing! Magkapitbahay na pala tayo, literal!"

"So pwede na ba kitang ihatid?"

Napakunot ulit noo ko, "Paanong ihahatid mopako e tagadoon ka din naman? Baliw! Dorm pala yung katabi namen?"

"Hindi. Pero nagkasundo kameng magkakaklase na magsama-sama nalang sa paupahan kesa mag-uwian o mag-bedspace. At least kilala na namen isa't isa diba? Andito na tayo!"

"Hello!" Binati ni Mama si Charles "Nak, may kasama ka pala. Naipagluto ko sana kayo ng merienda" sabe ni Mama habang nagmamano si Charles sa kanya

"Hindi na po tita! Dito na po ako nakatira," sabay itinuro ni Charles yung kabilang bahay, na sinundan naman ng tingin ni Mama.

"Ay kayo yung bagong lipat diyan ng family mo?"

"Ay hindi po. Mga kaklase ko po kasama ko diyan"

"Ahhh…Well! Welcome to the neighborhood!"

"Thank you po!" Tumango si Charles ke Mama tapos binuksan na ang gate nila, "Sige po pasok na ko."

"Sige! Ikaw Jelo? Pasok ka na din dito!" sabe ni Mama saken habang binubuksan gate namen

Naggoodnight ako ke Charles habang sinasara gate namen

"Kamusta naman ang first day ng anak ko?" tanong ni Mama habang nakaupo ako sa sofa, naghuhubad ng sapatos, "Hinatian mo ba sina Noel at Kim sa baon mo? Dinamihan ko yung omelet at tonkatsu kase yun ang gustong-gusto nila eh"

"Ayun na nga Ma eh, natapon" sagot ko

Napatigil si Mama sa paghuhugas ng karne ng baboy galing sa ref," Ha? Baket? Anong nangyare?"

Naglakad palabas ng kusina habang ipinupunas ang kamay sa apron na suot, "Nadapa ka na naman ba? Nako! Sinasabe ko na kase sayo magsalamin ka eh," umupo sya sa tabi ko, "Nasugatan kaba?"

Inilabas ko sa bag ko yung baunan ko, "Hindi naman ako nadapa dahil sa nakacontact lens ko. Nadapa ako kase di ko napansin na me mababangga pala ako." sabay abot ng tupperware sa kanya

"Hmmp… Nasayang tuloy ang pinrepare ko para sayo" tumayo na si Mama at dumiretso sa kitchen sink, "Next time titingnan dadaanan ha. Nakakaen kaba? Nakita ko yung wallet mo sa kwarto mo kanina ah"

"Ahmmm…" bigla akong kinilig nang naalala ko yung nilibre ni Allen na lunch for me habang binubuksan ang ref.

Binitawan ni Mama yung tupperware at lumingon saken, "Ayan ang sinasabe ko sayo Angelo eh! Hindi ka tuloy nakakaen!"

Nagulat ako sa conclusion ni Mama at napabackhug sa kanya, "Ma hindi! Nilibre naman ako nung nakabangga ko eh! Ambait nga niya eh! Ang cute pa!"

Napataas kilay ni Mama saken, "At baket me 'Ang cute pa'? Aba! Aba! Aba! Sino yang chix na yan?" Ngumiti na uli si Mama, "Baka gumagaya ka na sa mga barkada mo ha. Panay date ang nasa isip ayaw mag-aral nang ayos"

"Hindi Ma, matino na yung dalwa nina Noel at Kim. Wala nga silang jowa pareho eh"

"Mabuti naman. Tumigil na kamo sila sa pagiging casanova ha!"

"E teka lang, bat iniiba mo usapan?" sabay pamemewang si Mama, "Who's the lucky girl?"

"Ahmmm…" Hindi nga pala alam ni Mama about sa preference ko, kahit yung about ke Joshua, "Secret!"

"Naku kung sino man yan, dapat ipakilala mo saken ha! Wag ang hindi! O sya pumasok ka na sa kwarto't magbihis. Magluluto lang ako ng hapunan"

"Sige po Ma" and pumasok nako sa kwarto ko

Hinayaan kong patay ang ilaw pagpasok ko sa kwarto at umupo sa gilid ng kama bago humiga, sabay kuha ng unan. Mukhang di nako malelate neto ah. Me bago nakong inspiration pagpasok. Si Allen. My Baby Boy.

Pagka-alarm na pagka-alarm ng alarm clock app sa phone ko gising agad ako, bumangon at nag-inat, "Good Morning!"

Pagka-alarm na pagka-alarm ng alarm clock app sa phone ko gising agad ako, bumangon at nag-inat, "Good Morning!"

"Hi Ma! Good Morning!" bati ko ke Mama na na pagkalabas ko ng kwarto ko at mr nakasakbit nang tuwalya

Nagulat si Mama habang hinihigop ang sabaw ng tinola na niluto nya, "Aba! Anong nakain mo? Bat ang aga mo? 8 pa ang pasok mo ah?"

"Inspired eh!" then kumiss sa pisnge nya, "Joke!"

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81