KIM'S POV
"Hintayin kita sa labas ha!" nadinig kong sigaw nung babae sa di kalayuan
"Sige po Ate Rhek!" sagot naman sa kanya. Parang familiar yung boses nung lalaki ah.
Tinapos ko na pagjingle ko, naghugas ng kamay at sinilip kung sino yung nag-usap. Naabutan ko yung Allen na bagong crush ni Jelo papalayo dun sa babaeng katabi niya maglunch kanina. Now that I'm looking at her at a closer range, ang ganda pala talaga niya. Petite, long hair, at biyaya! Pero tinawag siyang ate nung Allen. Hmmm… Something's fishy…Mausisa nga!
"Hi!" bungad ko habang papalapit sa magandang binibini
Lumingon yung babae at tinanguhan lang ako. Weird. This is the first time na tinanguhan lang ako ng isang babae. Usually, napapatuck-in ng buhok sa likod ng tenga nila yung mga babaeng kakausapin ko.
"Hello. Bago ka lang rito?" tanong ko
"Oo tol. Baket? Teritoryo mo ba 'to?" tanong niya pabalik sa akin
"Ah hindi naman. Ngayon lang kita nakita e. Freshman ka rin ba?"
"Hindi. Nag-transfer lang ako dito."
Makes sense. She could have been one of my GFs by now. "Ah okay. Gusto mo i-tour kita sa uni?"
"No need. Uwing-uwi nako" sabay talikod sa akin
Wow! This is the first time I got turned down on my offer. "Bakit naman? Para mas maging familiar ka at di maligaw sa loob ng uni in the future" at inakbayan ko siya.
Tiningnan niya lang balikat nya bago tuluyang humarap sa akin. Ngumiti nang kaunti at biglang inapakan paa ko
"Aray!" Napatalon-talon ako sa sakit, "Para saan yon?"
Sininghalan niya ako, "Para yan sa pang-invade mo ng personal space ko" sabay talikod at naglakad nang mabilis papalayo sa akin.
Wow! She's totally the first! Napalakad ako pasunod sa kanya.
Natanaw ko sa di kalayuan na umangkas siya sa bike na sinasakyan nung Allen. Saka sila nagbike papalayo. Sinundan sila nina Jel at Noel ng tingin paglampas nila ang kinauupuan nilang dalawa.
JELO'S POV
"Friend! Mukhang di mo na kailangang pumunta sa gymnasium", sabay turo ni Noel sa me kanan nya, "Ayun na yung crush mo oh, nakabike!"
Paglingon ko, nakita ko si Allen, nakatanggal na necktie at botones ng polo nya habang nagbabike. Tumigil sya saglit sa may tapat ng CR bago dumating yung kasama nyang babae during lunch.
Minsan talaga feeling ko nananadya ang tadhana eh. Gusto ko naman talagang makita si Allen, pero hindi naman during the time na iaangkas nya sa bike nya yung girlfriend nya! Bagay sila, inggit ako. Napasunod na lang kame ng tingen ni Noel sa kanila.
"Odeba? Sabe ko sayo eh. Me nanalo na!" sabe ni Noel
"Shut up!" sagot ko
Pagka-angkas nung babae, nagbike na si Allen papunta ng gate. May napapalingon sa kanilang dalawa habang papalapit nang papalapit sa kinapupwestuhan namen ni Noel. Siguro iniisip ng mga yun na super bagay sila. Syempre, pretty girl plus pretty boy nga naman deba? Nakita kame ni Allen kaya napatango sya at nagpa-ring ng bike bell bago kame lampasan. Napangiti na lang ako nang bahagya. Paglabas nila nang gate, sabay namang dating ni Kim na tinatanaw din sila.
"Bat antagal mo? Nag-Mary Palmer ka pa ata eh" sabe ni Noel
"Ulol!" sagot ni Kim habang patuloy sa pagtanaw sa dalawa
"Ano brad? Nabakla ka na rin dun sa Allen?" pang-aalaska ni Noel
"Gago!" tapos tumingen saken si Kim, "Feeling ko hindi sila magjowa" bago nagpatuloy lumakad papalabit samen
"Pano mo nasabe?" pagtatanong ko. Feeling ko mababanat yung pisngi ko sa pagkakangiti nang time na yon.
"Basta, feeling ko magkapatid lang sila," sagot ni Kim na umupo sa tabi ni Noel, "pag ganun nga, liligawan ko yung chika babe na yun"
"Yung magbestfriend nainlove sa mag-jowa? Ibaaa!" pang-iinis ni Noel
Hinatak ni Kim si Noel saka kinusot ng kamao yung ulo, "Hindi brad, tinawag kasi sya nung Allen na 'Ate'"
Yes! "Talaga? Kelan? Saan mo narineg?"
"Dun sa may CR. So may pag-asa ka na Jel. Iyo si Allen, akin yung ate nya!"
"Luh! Ga totoo na kayong dalawa!" sabe ni Noel na inayos ang buhok mula sa pagkakagulo ni Kim, "bago yan, umuwi muna tayo. Asan na motor mo brad?"
Nagulat at napahawak sa bulsa nya si Kim. "Ay oo nga pala! Wait lang kunin ko" sabay tayo pabalik sa pinaggalingan nya kanina.
Mayamaya pa, bumalik na si Kim sakay nang motor nya at nag-aabot ng helmet ke Noel habang nasa labas na kame ng school.
"Ikaw? Sure kang di ka aangkas?" tanong saken ni Kim
"Wag na yan! Malapit lang naman yan dito" sabe ni Noel habang sinusuot ang helmet na iniabot sa kanya at umaangkas sa motor
"Wag na, hiya ko na lang ke Noel. Atsaka alam nyo namang ayaw ko nang mag-aangkas sa motor simula nung nalaglag ako sa motor eh"
"Oo yun, at yung pagkafall mo ke Joshua! Hahaha!"
Tinapik ni Kim sa helmet si Noel, "Basta Jel, tiwala lang tayo. Magkapatid lang sila, okay?"
Napabuntong hininga munako bago ngumite at nagsalita, "sana nga!"
Bumusina muna sina Kim bago nagmotor palayo. Nung lumiko na sila sa kanto, saka naman ako naglakad papunta sa crosswalk at tumawid ng kalsada. Malayo layo na nalalakd ko mula sa school nung nag-wander ulit yung isip ko. Nirereplay ko sa utak ko yung nangyari ng umagang yon. Di talaga ako makaget-over sa kapogian ni Allen my gosh! Mapabuttoned-up or buttoned-down yung polo nya bagay pa din sa kanya! Tapos ang cute nyang ngumiti! Inosente de ti!
Tapos napatingen ako dun sa dalwang babaeng kasalubong ko. Nakatingen sila saken tas nagbubulungan, nagngingitian. Nasobrahan yata ako sa pagngiti, nagmukha na akong tanga habang naglalakad kaya pinagtatawanan nila ako ngayon. Napayuko nalang ako hanggang sa magkalampasan kame, pero kita ko sa peripheral vision ko na nakatingen sila saken, nakangiti.
Jelo! Jelo! Jelo! Sobra sa pag-iimagine! Tinutuktukan ko ulo ko habang naglalakad. Patawid nako ulit ng kalsada nung me kumalbit saken. Paglingon ko, si Charles pala. Kabatch at Lead namen sya sa ROTC. Nursing student at ngayon ay OJT na kaya naka-light blue na scrub suit. Matipuno sya at medyo may pagkabad-boy look.
"Kamusta Jelo? Long time no see ah!" sabe nya saken
"Oo nga eh, eto pandak pa din. Ikaw ba?" sagot ko sabay hug sa kanya
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81