Chereads / Samara Amore's Revenge / Chapter 31 - The Graduation

Chapter 31 - The Graduation

Ara's Point Of View

Naka-upo ako sa isa'ng bench ng lumapit si Love ko, yeah naman, siyempre hindi mabubuo ang girlfriend at boyfriend kung wala'ng call sign di ba?

"Oh, bakit nandiyan ka pa, magsisimula na yung prayer!" Sabi niya sa akin

"Mauna na kayo" sabi ko dito.

"Ahh, edi dito muna ako, hintayin na muna kita hanggang sa pumunta ka na dun sa venue!" Sabi niya at naupo sa tabi ko.

"Ang kulit mo talaga, hinihintay ko lang si Amanda" sabi ko dito.

"Nakita ko si Amanda, papunta siya sa comfort room, namumutla siya!" Sabi ni Bwi.

"Sige, puntahan ko lang siya, pumunta ka na sa venue, susunod na rin ako" sabi ko dito, tumango na lang siya at ako naman pumunta na sa C.R.

"Amanda" tawag ko at hinanap siya sa C.R. and nakita ko siya sa isa'ng cubicle na naka-ubob sa bowl, hindi yung naka-pasok talaga ako, sumusuka siya.

"Amanda, okay ka lang ba?" Tanong ko dito.

"O-oo!" Sabi niya sa akin at lumabas ng cubicle, nag-hugas siya ng kamay bago humarap sa akin.

"Ano'ng kailangan mo?" Tanong niya pero bigla na labg ulit siya napa-suka, sumuka ulit siya kaya cinomfort ko siya.

"B-buntis ka ba, Amanda?" Biro'ng tanong ko.

"O-oo" sagot niya na ikina-bigla ko.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko dito.

"Oo" sagot niya at ibinigay sa akin yung pregnant test na hawak niya at nakita ko'ng dalawa'ng pula'ng guhit ang lumabas dun.

"Takte naman, sino'ng ama?" Tanong ko dito.

"Si, si Sam" sagot nito, takte'ng lalaki'ng yun.

"Sandali!" Sabi ko dito at lumabas ng C.R. pumunta ako sa venue at naka-upo na si Sam sa mga lalaki. Lumapit ako sa kaniya.

"Sam, bakit mo binuntis si Amanda?" Tanong ko dito.

"Ano'ng pinagsasa-sabi mo, Ara? Ano'ng binuntis?" Maang maangan niya.

"Takte naman, Sam. Pati ba naman dito lolokohin mo pa ako. Sam puntahan mo si Amanda sa C.R. ng babae, nandun siya!" Sabi ko dito.

"At bakit ko pupuntahan yung babae'ng yun?" Tanong niya, nag-dahil sa nainis ako.

"Eh kasi nga nabuntis mo siya!" Napa-sigaw ako kaya napa-tingin yung iba sa akin, I mean sa amin ni Sam.

"Luh, tol. Sino binuntis mo?" Tanong nung kabarkada niya, di ko na kilala kasi hindi ko na siya inaalala pa.

"Manahimik ka nga, Ara. Alam ko namang nagpapa-pansin ka lang sa akin eh, ano? Tayo na ulit?" Tanong niya. Ng dahil sa inis ko sa kaniya ay nasampal ko siya ng kaliwa't kanan. Ang kapal niya, sobra'ng kapal.

"Manahimik ka Sam. Pupuntahan mo si Amanda o ipaglalandakan ko sa buo'ng HIU na nabuntis mo si Amanda!" Pagtatangka ko.

"Ano'ng kabaliwan nanaman ito?" Napalingon kami ni Sam kay Evelyn.

"Ito'ng boyfriend mo, naka-buntis at si Amanda pa, yung ex niya na fiancè din niya" sagot ko dito, nanlaki ang mata ni Evelyn at pinagha-hampas ito ng gucci bag nito.

"Puntahan mo na si Amanda dun!" Utos ko dito, wala siya'ng choice kaya pumunta na siya sa C.R. ang kapal din ng lalaki'ng iyon, pinag-sabay kami'ng tatlo, ang kapal, kapal, kapal!

"Samara" napalingon ako kay Evelyn.

"Oh?" Tanong ko dito.

"S-sorry nga pala kung nasabihan kita'ng panget, pero mali pala ako, sobra'ng ganda mo, and nabalitaan ko kay Sam na may boyfriend ka na, congrats nga pala, sige alis na ako, susundan ko si Sam!" Sabi nito sa akin at bigla'ng umalis.

"Ay, ang bastos kausap, di man lang ako pina-sagot o pinagsalita man lang" bulong ko, nakita ko si Bwi na naka-tingin sa akin.

Lumapit ako sa kaniya.

"Love ko, buntis ba talaga si Amanda?" Tanong niya sa akin.

"Oo Love ko" sagot ko dito.

"Ayun oh. Love Ko daw oh haha" tawa nung kaibigan ni Bwi.

"Sige na, Love ko, punta na ako sa puwesto ko!" Sabi ko dito, hinalikan niya ako sa cheeks at umalis na ako.

Napa-hinga naman ako ng malalim habang iniisip yung tungkol kay Sam at Amanda, haysss.