Sebwi's Point Of View
"Malapit na daw sila" update ni Hara sa amin, nandito kami'ng lima sa bahay nila Love Ko, si Sahara, Hara, Callyx at si Dexter, naka-handa na ang lahat para sa pagdating niya galing sa Turkey kasama ang mga magulang nila.
Mga kalahating oras ay tumunog ang door bell nang bahay nila Love Ko, lahat kami ay humarap sa pintuan, inaabangan ang pag-pasok ni Love Ko.
Nang bumukas ang pinto, kita ko sa itsura nang lahat ang pagka-gulat, iba'ng iba na siya, maiksi ang buhok, mas pumuti na siya ngayon at mas lalong gumanda na siya, ang Love Ko.
Agad ako'ng sumalubong sa kaniya at niyakap, sunod sunod ang halik na ginawa ko sa kaniya ngunit nang makita ko ang mukha niya, gulat na gulat. Hindi siya makapag-salita, namula ang mukha niya, siguro ay namiss niya ako nang sobra.
"Pervert assh*le! Get off me!" Tinulak niya ako na ikinabigla ko, nakita ko sa mata niya ang sobra'ng galit, hindi ko inaasahan ito.
Lumapit ako sa kaniyang muli pero pinagtulakan niya ako, pumasok sila Tita at Tito, dala dala nila ang bagahe.
"M-Ma, b-bakit parang hindi maalala ni Ara si Seb?" Tanong ni Mahara kay Tita, lumapit sila Mahara at Sahara kila Tita at Tito para yumakap at humalik sa pisngi.
"A-ano? Hindi ba kamo maalala ni Ara si Sebwi?" Gulat di'ng tanong ni Tita kay Hara, itinaas nang mga katulong ang gamit nila Love Ko.
"O-opo Tita, h-hindi po ako maalala ni S-Samara" sana panaginip na lang itong lahat, sana magising ako'ng kayakap ko ang isa'ng Samara Amore, ang nagiisa'ng Love Ko.
"Paano nangyari iyon? Lahat kami ni Sahara, ni Mahara pati na rin sila Dexter at Callyx naaalala niya?" Nagtatakang tanong ni Tita, hindi ko na napigilan pa at tuluya'ng lumabas ang mga luha'ng kanina ko pa pinipigilan.
Maya maya ay hinila ni Tita si Samara sa kuwarto ni Samara, napabalik na lang ako sa sofa at naupo, nilapitan ako nila Callyx at Dexter pati na rin ang kapatid ni Love Ko.
"Ayos lang 'yan pre, makaka-alala din si Samara, maaalala ka pa rin niya" tinapik ni Callyx ang balikat ko, tumango na lang ako habang pinupunasan ko ang luha ko.
"Uminom ka muna nang juice Seb, pampa-kalma" inabutan ako nang juice ni Sahara, nagpasalamat ako sa kaniya at ininom ang juice.
Mga ilang sandali pa at lumabas na sila Tita at si Samara sa kuwarto, tila wala'ng nangyari pero parang nilalayuan ako ni Samara.
"Kain na tayo bago pa lumamig ito'ng niluto namin, Ma, Pa" umupo kami sa sala, tumabi ako kay Samara pero lumayo siya nang kaunti sa akin, nandidiri siya, parang ataw niya ako'ng malapitan.
Kukuha na sana si Ara nang ulam nang unahan ko siya at nilagyan ang pinggan niya, tinignan niya ako nang masama, tumayo siya at umalis.
"Samara!" Pagtawag ni Tita sa kaniya, tumungo na lang ako at huminga nang malalim.
Matagal ko siya'ng hinintay, ganito lang pala ang mangyayari, parang sa sitwasyon niya noon, n'ong hindi niya pa naaalala si Sahara.
Dumating ang ilang araw at pinipilit ko pa di'ng ipa-alala kay Love Ko ang lahat nang tungkol sa amin pero palagi niya'ng sinasabi na sumasakit ang ulo niya, naiintindihan naman ako nila Tita at Tito dahil sadya'ng nais din nila'ng maalala ang naka-raan namin ni Love Ko.
"Samara, anak. Magpa-sama ka kay Bwi pumunta sa mall para naman malibang ka at hindi 'yon namumuti 'yang balat mo kaka-tigil dito sa bahay" sabi ni Tita na ikina-tuwa ko, lumingon si Samara sa gawi ko.
"S-sige po" sa sagot niya'ng iyon, tila ay kumabog ang dibdib ko sa saya, makakasama ko na muli si Love Ko. Hayaan mo Love Ko, babawi ako sa'yo. Dahil mahal na mahal kita, Samara Amore.