Dalawang taon. Dalawa'ng taon ang hinintay ko mula nang makita ko ulit siya, ni wala'ng balita ang magulang niya sa amin ng kapatid niya, dalawang taon na ang nakaka-raan nang dalhin siya sa Turkey para maka-recover. Sana naaalala niya pa rin ako.
Lumuwas ako sa Turkey nuong isa'ng taon pero hindi ko sila nakita, nag-deactivate na rin ang magulang niya, nag-iba na rin ang number nila dahil hindi naman nila magagamit ang sim mula dito sa Pilipinas sa Turkey, pero hindi ko pa rin sila nakita.
Walang araw akong pina-lagpas para tanungin sila Mahara at Sahara kung tumawag na sa kanila ang magulang nila pero hindi pa rin daw ito tumatawag. Matatakot na ako'ng baka dumating ang araw na bumalik si Samara nang hindi niya na ako kilala.
Pero dumating na nga ang araw na iyon, uuwi na siya pati na rin ang magulang niya dito sa Pilipinas, lahat kami ay nagsasaya, nag-handa kami para sa araw nang pagdating niya, at ngayon na nga itong araw na 'yon, ang pinaka-hihintay ko'ng araw.
Pero bawat segundo, maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko, tulad nang maalala kaya niya ako? Mahal pa rin kaya niya ako? Ganon pa rin kaya ang pakikitungo niya sa akin sa lumipas na dalawang taon?
'Yan ang mga tanong na wala pa'ng tanong hangga't hindi pa dumadating si Samara, ang babae'ng pinaka-mamahal ko.
Sana lang talaga maalala niya pa ako dahil hindi ko kakayanin kapag wala siya sa buhay ko.