Ara's Point Of View
"And now, Samara Amore for the valedictorian and salutatorian, congratsulations. She has and average score of 98.88%!" Sabi nung MC, tumayo na ako at umakyat sa stage, kasama ko si Mama, Papa, Sahara at Mahara.
Masyadong kakahiya haha, isinabit na sa akin yung mga medal ko, buti na lang talaga at nakaya ko kasi sobra'ng dami'ng awards.
"Congratsulations Anak!" Sabi ni Mama at Papa.
"Congrats, Sis!" Sabay na sabi nila Sahara at Mahara, ngumiti ako at nag-yakapan kami, bumaba na kami sa stage pero siyempre nag-picture muna kami.
"Ang dami mo'ng medal!" Sabi ni Sahara.
"Don't worry, makakapag-aral ka pa ulit, and we will support you in your education!" Sabi ni Mama kay Sahara.
"Oo nga, magkakaroon ka rin nito!" Sabi ko dito.
"Oh, andyan na si "Love" mo!" Sabi ni Mahara, napa-lingon ako, may nakamit rin siya'ng medals kaya proud ako.
"Congrats, Love Ko!" Sabi nito at hinalikan ako sa lips.
"Ehem" napatingin ako kay Mahara.
Hinablot ko kay Bwi yung tubig niya at ibinigay ko kay Mahara.
"Oh, mukha'ng nauuhaw ka" sabi ko at hinalikan din si Bwi haha.
"Oh andyan na yung love of your life niyo!" Sabi ko sa kanila at lumapit si Dexter at si Callyx na naka-ngiti.
Oo sila na ni Callyx at Sahara, nung prom lang naging sila. Nag-yakapan sila then napag-desisyunan na namin na mag-groupie at kumain sa restaurant.
Pagkatapos nun ay nagsipag-uwian na kami and siyempre, may date kami ni Bwi, sa park namin napag-desisyuna'ng pumunta.
Nag-HHWW kami at nililibot ang buong park, may nakita ako'ng souvenir store, inaya ko si Bwi na pumunta dun.
Nag-tingin tingin ako ng mga key chain, and nakita ko yung isa'ng bilog na may naka-ukit na SS, kinuha ko iyon at kumuha rin ng drinks then binayaran ko na sa counter.
"Para saan yan, ang ganda naman" sabi ni Bwi, ngumiti ako sa kaniya.
"SS kasi Samara and Sebwi, di ba" sabi ko dito.
"Payakap nga!" Sabi niya at niyakap ako, niyakap ko rin siya.
Tinanggal niya yung pagkaka-yakap sa akin at hinalikan ako sa noo, ngumit naman ako sa kaniya.
"Uwi na tayo" sabi niya sa akin.
"Sige!" Sagot ko dito then palabas na kami ng park nang makita namin sila Sam at Amanda.
"Samara!" Tawag sa akin ni Amanda, lumapit sila sa amin ni Bwi.
"Pano mo nga pala ako hinahanap nung prom?" Tanong niya sa akin.
"Kasi... Gusto ko lang mag-sorry sa lahat ng kabaliwa'ng ginawa ko sa iyo nung naga-aral pa tayo, sorry kung sobra na kang yung ginawa ko sa iyo" sabi ko dito.
"Okay lang yun, and sorry rin dun sa pag-agaw ko kay Sam mula sa'yo, sorry rin sa pananakit ko sa iyo nung kayo pa ni Sam, and salamat kasi tinulungan mo ako'ng makumbinsi si Sam na panagutan yung dinadala ko... And one thing, Samara ang ipapangalan ko sa kaniya!" Sabi niya na ikina-tuwa ko, "Ikaw nga pala yung gagawin ko'ng ninang ah, dapat nandun ka!" Sabi niya sa akin.
"Siyempre naman haha, salamat ah. Kailangan na rin nami'ng umalis, sige. Sabihan mo lang ako kung sinasaktan ka ni Sam ah" biro ko dito, nag-tawanan kami ni Amanda.
"Tara na Love ko" sabi ko, tumango si Bwi at umalis na kami ng park, buti na lang talaga at nagka-bati na kami ni Amanda.
Si Bwi ang nag-drive ng kotse and nandito na kami sa highway, kinakausap ko si Bwi at kinu-kwento ko sa kanya yung nangyari sa amin ng pamilya ko.
"Nakaka-awa naman ang Love Ko pero ayos lang yan, nandito na naman ako, I will pretect you!" Sabi niya sa akin.
Napa-tingin ako sa harapan at tila ay nabingi ako nang may makita kami ni Bwi na isa'ng napaka-laki'ng truck na bumangga sa amin.
Hindi ko maatim ang sakit na nararamdaman ko, di ko malaman kung ano'ng gagawain ko pero ang alam ko lang ay masaya ako'ng kasama ang Love ko, si Sebwi Alcantara at magka-hawak kami ng kamay.