Ara's Point Of View
Nang maka-uwi kami ay napag-desisyonan nami'ng tatlo na dito na tumira si Sahara dahil magkakapatid naman kami at para sa amin ito'ng bahay na binili namin ni Mahara.
"Thankyou sa pag-papatira dito sa akin" sabi ni Sahara.
"That's nothing and we both bought this house for us" Sabi ni Hara, tumango naman ako bilang pag-sangayon.
"Oh, bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ni Sahara.
"Eh kasi... Sila Mama at Papa, sasabihin ko na nandito ka na Sahara" Sabi ko dito.
"Ay wag na, nasabi ko na kahapon, pupunta na raw sila dito" sabi ni Mahara, tumango naman ako.
"Selfie tayo!" Sabi pa ni Mahara at inilabas ang phone niya then nag-picture na kami.
"Manang Duday magluto ka nga po ng makakain!" Tawag ni Mahara kay Nanay Duday.
"Sige, pasok muna ako sa kuwarto, medyo masakit pa yung ulo, nabigla lang siguro ako" sahi ko sa kanila'ng dalawa at pumasok na sa kuwarto ko at nagpa-hinga na, and 11:00 pm na, kailangan ko na'ng mag-beauty rest.
Kinabukasan ay sabado kaya nag-bonding kami'ng tatlo, dinala ko sila sa Mall ko, sa World's International Mall.
Kumain kami sa McDo then nag-take out kami kasi papalapag na raw yung eroplano'ng sinasakyan nila Mama at Papa kaya sobra na kang ang kaba ko. Ano kaya'ng magigi'ng reaksyon nila Mama at Papa?
"Oh, Ara, bakit parang maputla ka?" Napalingon ako kay Hara.
"Ah, wala. Kinakabahan lang" sabi ko dito.
"Bakit ka naman kinakabahan ate?" tanong ni Sahara sa akin.
"Ah... Wala, sige na, uwi na tayo, baka nandon na si Mama at Papa!" Sabi ko dito, tumango naman sila'ng tatlo.
Habang naglalakad kami ay nakita namin si Sam, bigla ito'ng lumapit sa amin, bigla na lang ako'ng hinablot, sinenyasan ko naman sila Hara na umalis na, dinala ako ni Sam sa mini garden nito'ng WIM.
"Let's talk!" Sabi nito.
"Ano nanaman ang pagu-usapan natin?" Tanong ko dito.
"Why did your sister hurt Evelyn?" Inis na tanong nito.
"Actually, it's me. Gusto ko lang maramdaman mo nang masaktan ang mahal mo. Actually, dapat kay Amanda ko 'to ginawa eh pero nanlait si Evelyn!" Sabi ko dito.
"It's just a word, Ara. Pero bakit mo naman pinahiya si Evelyn?" Tanong niya nang may pagka-inis.
"Ayan, lumabas rin ang totoo. Kayo nga talaga. Bakit? Dahil ba panget ako? Ano, nung gumanda ako, nagbago ka, may pa-effect, effect ka pa'ng nalalaman, Sam!" Sigaw ko kay Sam, napa-tingin yung mga tao sa amin ni Sam.
"Ano'ng tinitingin tingin niyo diyan? Palayasin ko kaya kayo!" Sigaw ko sa kanila, bigla na lang sila'ng nagsi-alisan.
Bigla na lang hinablot ni Sam yung kamay at sinabi'ng "Wag mo'ng ibahin ang usapan, aminin mo, may nararamdaman ka pa ba sa akin?" Tanong niya.
"Wala na ako'ng gusto sa'yo!" Sigaw ko dito at akma'ng aalis na pero hinablot niya ulit ang kamay ko.
"Sandali. Sabihin mo harap harapan sa akin na hindi mo na talaga ako mahal!" Sabi nito.
"Ako pa talaga ang hinamon mo. Hindi. Na. Kita. Mahal!" Sabi ko dito at umalis na, hahablutin pa sana niya yung kamay ko kaso tumakbo na ako hanggang sa may maka-bangga ako'ng lalaki kaya napa-upo ako pati na rin siya.
"S-sorry, sorry!" Sabi ko dito at tumayo na pero nalaglag yung salamin ko, wala ako'ng contact lens kaya umupo ako at kinapa yung salamin.
"S-sorry rin, e-eto oh!" Sabi nung lakaki at isinuot yung salamin ko.
"Salamat!" Sabi ko sito at umalis na.
"Welcome!" Pahabol pa niya.
Nang maka-uwi ako ay nandon na nga sila Mama at Papa. Lumapit ako sa kanila para yakapin sila kaso, bigla na lang sila'ng umalis, napa-yuko na lang ako at pumasok na sa kuwarto ko habang umiiyak.
Bigla na lang may pumasok sa kuwarto ko, hindi ko ito nilingon kasi baka sabihin napaka-iyakin ko.
"Sorry" sabi ni Sahara.
"O-okay lang, sanay na naman ako ng wala sila" sabi ko dito.
"Wag ka'ng mag-alala, mamahalin ka rin nila" sabi pa niya, tumango naman ako.
Niyakap niya ako nang may bigla rin pumasok at naki-yakap, ramdam ko si Mahara na yumakap, buti pa sila.
Umiyak na lang ako habang yakap nila ako, nang bigla na lang may nag-salita sa likod.
"Mahara, anak. Sanan kami puwede'ng matulog?" Tanong ni Papa, hindi ko rin ito nilingon.
Si Papa ay filipino at si Mama ang Turkish pero half pinoy rin ito, lumabas si Mahara at sinamahan si Papa.
Naiwan kami ni Sahara hanggang sa may nag-salita sa likod namin, si Mama iyon.
"Sahara, samahan mo ako" sabi niya.
Humiwalay si Sahara sa akin at umalis na, ayos lang naman ako. Siguro masasanay na rin ulit ako ng hindi pinapansin nila Mama at Papa.
Ngayon, magisa na ako'ng umiiyak dito sa kama, masakit man sa dibdib na hindi nila ako pinapansin at hindi nila ako kailangan, pero kakayanin ko to.