Ara's Point Of View
Nagulat ako ng may sumunod kay Sahara maliban kay Mahara, yung lalaki'ng natarayan at nasipa ko kasi ang gulo niya, sinabihan ba naman ako ng masungit at nagkita raw kami sa overpass at sa palengke.
"Ka-kayo, kayo yung mga nakita ko, bakit... Ang dami niyo, may mga atraso kayo sa akin!" Sabi nung lakaki.
"Oy, ikaw ang may-atraso sa akin, nagli-lipstick ako nun ng bigla mo na lang ako binangga!" Sahi ni Mahara, siya kaya yung naka-bangga nung lalaki?
"At saka, ikaw rin ang may atraso sa akin, sinabihan mo na lang ako'ng masungit at saka may nalalaman ka pa'ng teritoryo ko 'to!" Sabi ni Sahara.
"Oo nga, may atraso ka rin sa akin, may kausap ako nun nung bigla mo na lang ako'ng ginulo, kaya ayun, natuhod kita, at saka bakit ka ba nandito?" Tanong ko.
"Eh, sinundan ko lang siya kasi may... Ako pala yung may atraso, sige sorry!" Sabi nito at bigla na lang tumakbo palabas, sinundan iyon ni Sahara.
Sahara's Point Of View
Palihim ko'ng sinundan yung lalaki, pumasok siya sa public room ng mga pasyente, pumasok ako dun at nakita ko'ng lumapit siya sa isa'ng bata na naka-higa sa hospital bed.
"Sorry huh, wala ako'ng pera, pero ito'ng tatandaan mo, nandito lang ako sa tabi mo, nandito lang si kuya, hindi kita papabayaan!" Sabi nito.
Bigla ko na lang naalala si Nanay Belinda, nasa ambulansya kami, inatake siya sa puso, iyak ako ng iyak nun habang hawak ang kamay niya.
"Miss, may pasyente ka ba'ng hinahanap?" Napalingon ako sa babae'ng nag-salita, nurse pala.
"Miss, alam mo ba yung sakit nung bata na yun at saka ano'ng pangalan?" Tanong ko at itinuro yung bata'ng kapatid ata nung lalaki.
"Ay, check ko lang po!" Sabi nito at hinalungkat yung listahan, "Dengue po yung sakit at Oliver Imperyal po ang pangalan, matagal na po yan dito kasi wala po'ng pam-bayad yung kapatid, ulila na po kasi kaya wala'ng mahingan ng tulong, kaka-awa nga po eh, kaya mas lumalaki yung bill nila!" Sabo nung nurse.
"Okay, thank you" sabi ko dito.
Lumabas na ako ng public room, pumunta ako sa bayaran ng bill, tinanong ko kung magkano yung bill nung bata.
"Ma'am, Php100,000,00 po ma'am, matagal na po yung batang yun dito sa ospital, bakit po ma'am?" Tanong nung nurse.
"Ah, babayaran ko na, puwede ba sa card, wala kasi ako'ng cash eh!" Sabi ko dito.
"Ay okay po!" Sabi nito at inabot ko na yung credit card ko.
"Salamat po ma'am... Den, sabihin mo sa duktor ni Oliver Imperyal na may nag-bayad na ng bill nila!" Sabi nung nurse at umalis na ako, bumalik ako sa room ni Samara.
"Oh, ano?" Tanong ni Mahara.
"Ayun, may kapatid na matagal na rito, kasi wala'ng pambayad!" Sabi ko dito.
"Ano'ng ginawa mo?" Tanong ni Samara.
"Binayaran ko na yung bill, kaka-awa yung bata, may dengue!" Sabi ko dito.
May bigla'ng pumasok na duktor, sinabi na namali lang siya ng sinabi kanina kay Mahara na sa isa'ng bukas pa madidischarge si Samara, at ngayon aalis na kami.
Dumaan kami sa bayaran ng bill at dun ay nakita ko yung lalaki na may atraso sa amin, bigla ito'ng lumingon sa akin kasi bigla ako'ng tinuro nung nurse.
Lumapit sa akin yung lalalaki.
"Miss, ikaw ba nag-bayad ng bill?" Tanong nito.
"Oo" sagot ko.
"Salamat talaga at sorry sa eskandalo'ng ginawa ko, wag ka'ng mag-alala, babayaran ko na lang, pagi-ipunan ko na lang!" Sabi nito sa akin.
"Ayo-" hindi ko na natapos pa kasi bigla na lang niya ako'ng niyakap, sh*t, what's wrong with him?
Tinanggal ko siya sa pagkaka-yakap, pero nakita ko'ng may luha yung mata niya. Luh, nangyari dito?
"Kahit ano gagawin ko, wag lang yung katawan ko, para lang mabayaran ka!" Sabi niya.
"Hay nako, dahil mapilit ka, bayaran mo na lang yung kalahati" sabi ko dito.
"Okay, salamat, eto pala yung calling card ko, salamat ulit!" Sabi niya sa akin bago ito umalis.
Luh, pinaglololoko ba ako nito, wala'ng pambayad sa bill pero may calling card, tinignan ko yung pangalan.
Callyx Imperyal ang name niya tapos dun sa baba naka-lagay yung number niya then address, edi siya na ang may calling card, nahiya naman ako.