Chereads / Heal My Wounds Once Again / Chapter 20 - Muli bang namumuo ang pagmamahal?

Chapter 20 - Muli bang namumuo ang pagmamahal?

Ezekiel's POV

"Papasok ka na agad? Maaga pa ahh, maglalaro ka lang dun ehh" tanong at sabi pa sakin ni mama pero hindi na ako umimik at pumasok nalang, hindi ko nalang sila pinansin kumbaga.

"6:39 na pala, hinihintay na ako nang mga kalaro ko doon sa school" bulong ko pa sa sarili ko at binilisan ang lakad papunta sa school.

Nakapaglaro na ako, at natapos na rin ang klase ng dalawang oras.

Naalala ko, magbi-birthday na pala ako sa susunod na buwan, january 16. Mag-aanim na taon, imblis na ma-excite ako ay hinde ehh, wala manlang akong emosyon ng naalala ko na magbi-birthday na pala ako.

"Ohh, Ezekiel. Magbi-birthday ka na sa susunod na buwan, anong gusto mong regalo?" tanong pa sakin ni papa habang nasa pinto ako at nagtanggal ng sapatos.

Tiningnan ko lang sila ng isang segundo, at sumagot ng walang emosyon.

"Wala akong gusto pa, bahala na kayo sa birthday ko" sagot ko at nagulat silang dalawa sakin. Pumasok na ako sa kwarto at narinig ko nanaman na pinag-uusapan nila ako.

"Mal, limang taon palang si Ezekil, 'di ba?" tanong ni mama kay papa.

"Oo, pero ba't ganon si Ezekiel, ang tahimik na niya, pansin ko bihira pang siya magpakita sa'tin, tapos hindi siya masyadong lumalabas ng bahay at hindi masyadong nagsasalita." sabi ni papa kay mama.

Bigla silang tumahimik ng ilang segundo at...

Narinig ko na pinag-usapan nila ang ginagawa nila sakin nitong mga nakaraang araw.

"MAL!" sabay na sigaw ni mama at papa.

"Lagi nating pinapalo at binubugbog si Ezekiel, mal. Kaya dahil siguro dun, dun siya nagbago." dagdag sabi pa ni mama at umiyak ito.

Dinig ko ang hagulhol ni mama habang sinasabi niya 'yun, hindi ako umiyak, wala pa rin akong emosyon, mas lalo pa akong nagtanim ng galit dahil pumipeke nanaman si mama, nagda-drama nanaman si mama. At ganon din kay papa, wala rin akong pagmamahal na namumuo sa kanya. Wala kahit na isa sa kanila.

"Sa kanya natin nabubuhos ang galit at stress natin mal, wala na tayong ginawang matino sa kanya." dagdag sabi pa ni papa. At dun na ko unti-unting nakakaroon ng emosyon. Hindi ko maipaliwanag pero, parang paluha na ako na wala pa ring emosyon.

"Siguro mal, kailangan nating bumawi sa kanya, baka mag-tanim siya ng galit sa'tin at malayo ang loob niya sa atin, mal. Ayokong mangyari 'yun mal, ayokong pagtabuyan tayo ng sarili nating anak." dagdag sabi pa ni mama habang humahagulhol at si papa naman ay nananahimik lang.

"Siguro nga" at sa wakas narinig ko na rin ang pagsisisi nila.

Nang marinig ko ang mga salitang 'yun, umiyak na ako ng tuluyan, gumaan ulit yung loob ko, parang...

Muli bang namumuo ang pagmamahal ko sa kanila?

Hindi, impossibleng mabuo ulit ang pagmamahal ko ngayon, lalo na't sa sitwasyong ito.

Kinabukasan, kaarawan ko na pero 'di ako naeexcite dahil sa mga nangyari sa'kin nitong mga nakaraang araw.

"Uuwi na po ako, teacher" paalam ko sa teacher ko ngayong araw.

"Sige, ingat. Ezekiel!" sigaw pa ng teacher ko habang tumatakbo ako, pero tumigil ako nung narinig ko siyang sinigaw ang pangalan ko.

"Bakit po teacher?" tanong ko pa sa kanya at hinawakan niya ako sa balikat.

"Happy birthday, Ezekiel" bati niya sakin, hindi ako nagulat o nagreact manlang. Haha siguro dahil nga sa hindi ako excited.

Habang pauwi ako sa bahay ay naririnig ko na binabati ako ng mga kapitbahay ko mula sa kanto at pilit nila akong hindi pinapauwi.

Ganon ba talaga ka-espesyal ang araw ko ngayon? 'Di ko alam, basta hindi ako na-eexcite ngayong araw, ni pagbati nga 'di ko manlang pinansin ko nginitian manlang sa birthday ko pa kaya?

"Ezekiel, ilang taon ka na?" isa sa mga libang na tanong ng kapitbahay ko sakin.

"... Six years old" sagot ko pa na walang 'po' sa dulo at wala manlang ring emosyon.

Makalipas ang 30 minuto na paglilibang sakin ay pumunta si mama sa kanto at tinawag niya ako sa maikling pangalan ko.

"KiEL!" malambing na sigaw ni mama sa maikli kong pangalan at lumapit agad ako sa kanya. Binati niya ako ng 'happy birthday' pero imblis na matuwa ay walang emosyon ang ipinakita ko sa kanya. Kitang-kita sa mga mata niya na parang nadidismaya siya habang hawak-hawak niya ako.

Magiging masaya ba ako kapag pumasok na ako sa loob ng bahay? Kaarawan ko ngayon pero parang ordinaryong araw lang ito para sa akin. Parang ayaw ko pumasok sa loob ng bahay. Kinakahiya ko na naglalabas pasok ako sa mala-impyernong bahay na 'yan, na wala nang ibang ginawa sakin kundi ay bugbugin at paringgan ng mga masasakit na salita.

Habang papunta ako sa street namin ay...