Chereads / Heal My Wounds Once Again / Chapter 25 - Ba't kayo nandito?

Chapter 25 - Ba't kayo nandito?

Ezekiel's POV

Isang linggo na kami dito kina lola at masayang-masaya ako. Hindi ko masyadong naaalala sila mama't papa, sa halip na sila ang alalahanin ko ay si Gussion ang inaalala ko dahil baka wala siyang kalaro sa mga oras na ito.

Lagi kaming umaakyat sa puno, maliit lang ang puno na 'yun sa bakuran nina lola sa likod, may duyan din doon, nakasabit sa sangga.

Lagi kaming nagku-kuwentuhan pero 'di ko kini-kuwento sa kanila kung ano pa ang ibang ginawa nila sa akin. Kase 'di naman nila tinatanong 'yun at kahit na itanong nila eh hindi ko rin naman sasagutin.

Magdadalawang linggo na kami dito, 'di ako nagsasawa sa mga kuwento ni lola at ni tita, kami ni tito, kami ang audience nila kung saan ay nagpe-perform sila. Iba-iba ang kuwento nila, puro pantasya o fantasy. Namamangha ako dahil kathang-isip lang nila 'yun.

Si lola at tita kase eh professional novel writter, hindi naman raw sila masyadong kilala kase codename lang ang ginagamit nila sa author or writter. Ang mga nakakakilala lang sa kanila ay yung mga kamag-anak lang din namin at yung mga taong malapit sa kanila.

"Good night Ezekiel~" bati sakin ni lola habang naka-higa ako sa kama ko. Nagbasa si lola ng libro, alamat siya, isang maikling kuwento. Nagpapabasa lang ako sa kanya tuwing 'di ako makakatulog.

"Good night din po, la-" bati ko pa at nakatulog na ako.

*******

"HaAaaA" paggising ko ay nasilayan ko agad si mama at papa na nasa tabi ng higaan ko. Nakakagulat sila kaya bumangon agad ako at umatras ng ka-unti.

"Ma, pa?! Ba't kayo nandito?!" malakas na tanong ko sa kanila at nagulat sila sa malakas kong tanong na 'yon.

" 'Di ka ba natutuwa na nandito kami, nak?" natatawa si mama nang tinanong niya ako at pumeke nalang ako ng ngiti sa kanila.

Niyakap ako ni mama, nakabukas yung pinto ng kuwarto ko at nakita ko si lola at nakita ko rin siya, iniisip ni lola na siguro pinekean mo si mama ng ngiti kase nung niyakap na ako ni mama ay hindi na ako ngumiti.

"Aray ma, 'di ako makahinga" dagdag sabi ko pa at pinakawalan niya ako, sa totoo lang hindi naman masyadong mahigpit yung yakap, naiirita lang ako.

"Ay sorry nak. Ano? Kumusta naman yung bakasyon?" dagdag tanong pa ni mama at tumayo na ako. Nakita kong nakasunod ang mata ni mama sakin nung tumayo ako. Ang sabi ko, "masaya naman po, ma" at lumabas na nang kuwarto para mag-agahan.

Sumunod sina mama nung lumabas ako, pumunta agad ako sa sala at pumagitna ako kina tita at lola kase alam ko na tatabihan ako ni mama't papa kapag 'di ko sila katabi.

***

"Ma, makulit ba si Ezekiel?" tanong ni mama kay lola habang kumakain ng pandesal.

"Haha, ang apo kong 'to? Syempre naman hindi, ang bait-bait ng batang 'to eh" sagot pa ni lola at niyakap niya ako.

Nang matapos ang kuwentuhan namin ay pumasok ako sa kuwarto ko, ayoko kaseng makipag-laro kina mama ehh, parang ayoko nang masanay sa kanila.

Nanood nalang ako nang pambatang videos sa youtube buong araw, kahit na kinakatok na ako nila mama at lola ay 'di ko pa rin binubuksan ang pinto at sinadabi kong, "naglalaro pa po ako!" sagot ko sa kanila, kahit na naaamoy ko na ang nilutong pagkain ni lola na 'Chicken Carry' ay 'di pa rin ako lumabas. Kahit na takam na takam at gutom na gutom na ako ehh 'di pa rin ako lumabas.

"Ezekiel, nak aalis na kami" pamamaalam pa sakin ni papa habang kinakatok ako sa kuwarto ko.

Binuksan ko yung pinto at sumagot ako sa kanila na, "ingat po kayo ma, pa" nakangiting paalala ko sa kanila at niyakap nila ako.

"Ikaw din, ingat ka, 'wag masyadong makulit" paalala rin sakin ni mama habang yakap-yakap niya ako.

"...opo maah" sagot ko pa at pinakawalan niya na ako sabay halik sa noo-han ko.

Nang umalis na sila ay hindi ko na sila pinansin o tiningnan manlang sa bintana. Pumasok na lang ako sa kuwarto ko at nanood ulit ng pambatang videos.

"Ay, oo nga pala, ba't 'di ko nalang kaya panoorin si Yellow Flash kung pa'no siya makipaglaban." bulong ko sa sarili ko ay nag-search ako sa youtube tungkol sa kanya.

***

"Ahh, ibig sabihin binalita na pala siya. Nung 2007, dalawang taon na nga. Magaling rin siya ahh, parang gusto ko tuloy maging Hero, haha." dagdag bulong ko pa sa sarili ko habang pinapanood si Yellow Flash makipaglaban.