Chereads / Heal My Wounds Once Again / Chapter 22 - Nakakatakot siya

Chapter 22 - Nakakatakot siya

Ezekiel's POV

"Lola, laro lang po ako sa playground" paalam ko kay lola at agad niya akong tinawag.

"Ezekiel, apo! Nag-meryenda ka na ba!?" malakas na tanong pa ni lola.

"Opo lola, nag-meryenda na po ako" sagot ko pa sa kanya sabay takbo paalis ng bahay.

Nandun kaya yung batang lalaki na 'yun?

Makikipag-kaibigan kaya siya sa akin?

Sana naman makipag-kaibigan siya sa'kin.

Nandito na ako sa playground, hinahanap ko yung batang lalaki. Aha, nandun siguro siya sa duyan.

Habang hinahanap ko siya ay nakita kong may bumato sa kanya ng bilog na buhangin sa buhok, isang matabang lalaki at payat na lalaki, mga bata rin sila.

Nakakagulat, bigla niyang tinayuan ang dalawang batang lalaki at binugbog niya. Mga tig-tatlong suntok sila, kawawa sa kanya ang dalawang lalaki at umalis ang mga ito na umiiyak.

Parang natakot tuloy akong makipag-usap sa kanya.

Nakakatakot siya.

Pero susubukan ko pa ring makipag-kaibigan sa kanya, kase mukha siyang malungkot at parang laging nag-iisa.

Habang papalapit ako sa kanya, kakaiba ang nararamdaman ko, parang nananayo ang balahibo ko.

"Bata, anong pangalan mo?.." mahinahong patanong ko sa kanya.

Hindi manlang siya sumagot at nanatiling nakaub-ob.

Inulit ko ang tanong ko sa kanya at hindi pa rin siya kumibo.

Dalawang beses ko lang siyang tinanong at umalis na ako, naglaro ako ng mag-isa sa ride at sa slide.

Hanggang sa may lumapit sakin at kinausap ako, at 'di ko akalain na...

"Ako pala si Gussion. Ikaw anong pangalan mo?" mahinahong sagot at tanong niya sa akin, medyo nagulat ako sa kanya kase sumulpot siya bigla.

"Oh, ba't parang gulat na gulat ka?" dagdag pang-aasar na tanong niya pa sa akin at nginitian ko siya.

"Haha, ako si Ezekiel" sagot ko sa tanong niya at niyaya ko siyang makipaglaro sa akin.

Araw-araw kaming naglalaro pero hindi ko pa rin siya tinatanong kung pwede ba na maging mag-kaibigan kami, hanggang sa huling araw na maglalaro kami dahil magbabakasyon ako sa probinsya, sa piling ni lola.

"Gussion" seryosong tawag ko sa pangalan niya.

".. Bakit?.." tanong niya sa akin.

"Gussion, aalis na ako mamaya, magba-bakasyon na kami sa probinsya, pero panandalian lang kami doon, dalawang buwan lang kami dun" nakangiting sagot ko pa sa kanya at nginitian niya ako.

"Haha, babalik ka naman 'di ba?" dagdag tanong niya pa sa akin.

"Haha, babalik ka naman 'di ba?" dagdag tanong niya pa sa akin.

"Oo naman!" sagot ko pa sa kanya ng malakas at nag hi-five kami.

Hindi ako nag-alinlangan na sabihin sa kanya 'yun kase nalapit na rin ang loob sa kanya. Kahit na hindi ko pa siya tinatanong kung pwede ba kami maging mag-kaibigan ay at least naging mag-kalaro kami at literal na naging mag-kaibigan kami. Hindi lang kaibigan, kundi ay isa na ring kapatid.

Ngayon na ang alis namin, ilang minuto nalang at aalis na kami, 'di ako nagdadalawang isip na umalis kahit na maraming beses na akong tinatanong ni mama't papa na kung tutuloy daw ba talaga ako. Walang pagda-dalawang isip na tinatanggihan ko sila sa bawat pag-pigil nila sa akin at sinasabi kong 'Oo' sa tuwing tatanungin kung tutuloy pa ba ako. Hindi ako nag-dadabog o nagrereklamo sa bawat tanong nila kahit na ang totoo ay nakakarinde talaga.

Habang paalis kami ay niyakap ako ni mama sabay sabing. "Nak, bibisita kami dun, isang beses sa dalawang linggo. Mag-iingat ka dun ahh" payo niya pa sa akinat hindi manlang ako nagpakita ng magandang emosyon sa kanya o kahit na ngitian ko manalng siya ng peke.

Bago kami pumunta sa istasyon ng bus ay pinuntahan ko muna si Gussion sa playground at nag-paalam, ang linis pa rin niya kahit na naglaro kami, parang may respeto siya sa sarili niya at sa iba.

"Gussion, aalis na kami. Sa pasukan nalang ulit" pamamaalam ko pa sa kanya at sumagot siya sakin.

"Mag-iingat ka Ezekiel, kayo rin po" paalala pa niya sa akin at sa mga kasama ko na sina tita, tito at lola at nginitian nila si Gussion.

"Ang bait mo namang bata, para kang si Ezekiel~" makulot na sinabi ni lola kay Gussion at nginitian siya nito, ganon din ako.

"Hihintayin kita, Ezekiel" huling salita na narinig ko sa kanya at kinawayan ko siya't umalis na lang.

Ngayong nasa-istasyon na kami ng bus ay naghintay kami ng ilang minuto bago kami sumakay.

Mahimbing akong natutulog at biglang may...