Chereads / Heal My Wounds Once Again / Chapter 23 - Bagong Hero?

Chapter 23 - Bagong Hero?

Ezekiel's POV

Habang natutulog ako ng mahimbing ay biglang may kumalampog sa bubongan ng bus na sinasakyan namin, naalipungatan ako kaya nagising ako.

"Hay! Ano ba 'yun?"

"Nakakagulat naman!"

"Ano ba naman 'yan!"

Reklamo ng mga taong naka-sakay sa bus na sinasakyan namin. Agad akong tumingin sa bintana at nasilayan ko ang dalawang villain at isang...

Bagong Hero ba? Siguro.

Nakakatakot ang mga villain na nakita ko, yung isa; napaka-laki ng katawan niya na halos masakop ang kalahati ng bus namin at yung isa, payat pero parang magaling din gumalaw, siguro. Mabuti nalang at malayo-layo ang puwesto namin kaya 'di kami delikado. Naagaw ng bagong Hero na 'yun ang atensyon ko at nagtanong ako kay tito.

"To, kilala mo po ba yung bagong hero na 'yun?" tanong ko sa kanya habang pinapanood niya ang bagong Hero na nakikipaglaban sa dalawang villain.

"Hindi siya bagong Hero, dalawang taon na rin siyang nagta-trabaho sa 'Industry of Hero'..." napatigil sa pagsasalita si tito dahil pinapanood niyang makipag-laban ang Hero na 'yun. Magaling siya, hindi ko siya nakikitang tinatamaan ng malaking villain. Isa't kalahating kilometro lang ang layo namin kaya nakikita ko ang galawan ng Hero na 'yun. Nakakagulat lang kase sinaglit niya lang ang dalawang villain na nakalaban niya. Wala manlang siyang galos, haha nakakatawa lang kase kung kailan nawalan na ng malay ang villain eh, tsaka na dumarting yung mga pulis hero, pati nga si Kapitan Jayce o Captain J ay nandun din at kinamayan niya ang Hero.

"Isa yang Hero na 'yan sa mga paborito ko" dagdag sabi pa ni tito at natuwa ako.

"To, sino ba talaga siya, hindi ko kase siya masyadong nakikita sa TV o nababalitaan manlang?" tanong ko pa sa kanya at ilang segundo rin ang nakalipas bago niya ako sinagot.

"... Siya si 'Yellow Flash'." sagot niya sa tanong ko at nagulat ako sa codename ng Hero na 'yun.

"Kilala mo si 'Lightning Flash'?" tanong ko pa sa kanya at ngumiti siya.

"Oo naman, siya ang pinaka-paborito kong Hero. Siya ang pinaka-malakas na Legendary Hero ng bansa natin."

"Tito, ano bang klaseng Hero si Lightning Flash?" dagdag tanong ko pa.

"... Itinalaga si 'Lightning Flash' bilang pinaka-malakas at pinaka-matalinong Legendary Hero ng ating bansa noong 2000. Sayang lang kase namatay siya nung 2004. Siyam na taon pa lang ang panganay niyang anak at isang taon pa lang ang pangalawa, na ka-edad mo lang, Ezekiel.." kuwento pa sa akin ni tito at medyo nabitin ako dahil tinigil niya ang kuwento ni Lightning Flash.

"Tapos?" dagdag tanong ko pa sa kanya?

"Hindi ko na alam ang ibang kuwento eh, tsaka marami nang nakalimot sa kanya. Pero kahit ganon, kahit na anim na taon na ang nakaraan, 'di pa rin ako nakakalimot kase hindi ko pa alam ang buong pangyayari o yung totoong istorya ni Lightning Flash." pagtatapos ni tito sa kuwento ng kalahating buhay ni Lightning Flash at umandar na ang Bus namin.

Hindi ko akalain na nakatulog ako sa ka-unting kuwento ni tito tungkol kay Lightning Flash, sa totoo lang, may pagkakaparehas sila bukod sa pangalan. 'Di ko pa alam pero nararamdaman ko, eh. Siguro kailangan ko nalang ring kalimutan kase wala na si Lightning Flash.

Habang nasa biyahe kame ay napadaan kami sa highway kung saan ay dagat ang nadaan namin, pinabuksan ko kay tito yung bintana ng bus kase 'di ko kaya.

Ng buksan ni tito ang bintana ay nilabas ko nang ka-unti ang mukha ko at nilanghap ang sariwang-hangin. Senyas na ito na malapit na kami sa bahay ni lola, asul na asul talaga ang dagat, wala kang masisilayan na kulay itim o itim na tubig sa dagat, may mga batang naglalaro sa dagat at mga bangka na nangingisda banda sa kalagitnaan ng dagat, tanaw rin dito sa bus ang napakagandang-ulap at napakataas na bundok o mountain. Buhay na buhay ang presensiya ko sa lugar na ito, ngayon lang ako nakapunta dito pero parang napakatagal ko nang naninirahan dito. Parang gusto kong ilub-lob ang kamay ko sa tubig habang umaandar ang bus namin at parang gusto ko abutin ang bundok at ulap habang umaandar ang bus namin.

Habang nasa-highway kami ay tinanong ako ni tito habang nakalabas ang kalahati ng ulo ko. "Ezekiel, maganda bang tingnan ang dagat mula dito?" tanong niya sa akin tumango ako.

At ng makalampas kami sa dagat ay nakita ko naman ang...