Chereads / Heal My Wounds Once Again / Chapter 24 - Paradise

Chapter 24 - Paradise

Ezekiel's POV

At ng makalampas kami sa dagat ay nadaan naman namin ang purong-puno ng acacia, napakaganda, mayroon itong mga design. Pinasok ko na rin yung ulo ko at hindi ko na nilabas kase marami nang sasakyan dito.

"Tito, sa tingin mo ba may madadaanan tayong 'Paradise'?" tanong ko kay tito na nakatingin sa mga puno ng acacia.

Nginitian niya lang ako at 'di na ako nag-hangad ng kahit ano pang sagot.

Maganda rin itong dinaanan namin, pero mas maganda yung dagat na dinaanan namin kanina.

Nakalampas na kami sa purong-puno ng acacia at napadaan kami sa syudad. Wala kaming makita kundi ay daanan, meron pa ngang sky way sa totoo lang eh, natatakot ako minsan dumaan dun kase baka mahulog kami at hindi kami maasikaso ng mga Hero, 'di ba?

Puro usok, busina ng sasakyan at boses ng mga tao ang naririnig ko. Nakaka-irita kase ang ingay talaga at..medyo traffic pa sa dinaanan namin.

"Ang baho naman"

"Anong klaseng amoy 'yun?!"

"Manong, bakit po dito tayo dumaan?"

Reklamo at tanong ng mga taong nakasakay sa bus na sinasakyan namin, walang ibang sagot ang driver ng bus kundi, "Inaayos po ang daan sa kabila" sagot niya sa mga pasahero niya at patuloy na binigay ang sari-sarili nilang opinyon sa lugar na ito.

Totoo naman kase eh, traffic at ang ingay pa, ang dami pang tao. Hayy.

Natulog muna ako kahit na maingay, hiniram ko yung cell phone ni tita na nasa-likuran ko lang at nag-earphone.

Nagpatugtog ng pampatulog na kanta.

*******

"HaAaaAa"

Paggising ko at nasilayan ko pa rin ang napakaraming sasakyan, isang oras akong natulog pero parang 'di manlang kami gumalaw.

"Tito" tawag ko kay tito na agad na sumagot sa akin.

"Oh, bakit Ezekiel?" tanong niya sa akin.

"May baon po ba tayong baon na pagkain?" sagot na tanong ko kay tito.

"Hmmmm" sagot ni tito habang kinakalkal ang bag na dala-dala niya. "Heto, isang balot ng fudgibar at chocotops ang dala natin kase malayo pa tayo.

"Ha?!" react ko kay tito dahil akala ko ay senyas na ang dagat na dinaanan namin.

"Oh, ba't ka nagulat?" tanong ni tito sakin na ngumiti pa.

"Wala po, buksan na po natin yung chocotops" hiling ko kay tito at binuksan niya ang balot ng chocotops. Binigyan niya ako ng isang piraso kase 'di naman ako matakaw haha.

Malapit na kami sa stop-light, cross way ang daanan dito, 157 seconds pa para makaandar, kapag nakalampas kami dito at dumaan na sa kabilang kalsada ay hindi na traffic. Hindi ko namalayan na may TV pala sa loob ng bus na sinasakyan namin, kanina pa siguro nakabukas ang TV kase nasa-labanan na ang palabas.

Sa halip na manood ng TV ay pinanood ko ang mga Commercial sa mga billboard na nakikita ko sa mga mall, tatlong mall ang nakatayo sa lugar na ito. Sa totoo lang parang SM na rin ang mall na 'yun kase ang laki, haha parang gusto ko tuloy bumaba dito.

Nang maramdaman ko na aandar na kami ay natuloy umiglip muna ako, kase ang totoo niyan nahihilo ako kapag sumasakay sa sasakyang merong aircon.

*******

Nagising ako nang alas-5 ng hapon, nasilayan ko agad ang papalubog na araw o sunset. Inayos ko ang upo ko at nakita ko ang..

Paradise na nasa-kaliwa ko, isang puno ang nakatayo doon sa gitna ng paradise, sobrang laki, at napakaganda. Maraming tao ang nandoon, may mga mag-jowa at may magbabarkada.

"Tito, malapit na ba tayo?" tanong ko kay tito habang nakatingin sa kanan kung saan ay meron ring paradise.

"Malapit na tayo, diyan na tayo bababa sa unang kanto" sagot pa sa akin ni tito.

Ibig sabihin, malapit sa paraisong ito nakatira si lola, woah nakaka-inggit naman. Sana meron ring ganto sa village namin.

Naghintay ako ng ilang segundo at huminto and bus sa stop sign ng bus. Napakaganda talaga, merong isang mall dito, malapit lang sa paradise. Malayo-layo rin bahay ni lola sa paradise, mga tatlong kilometro pa ang layo. Nang pababa ako ay inalalayan ako ni tito at inalalayan niya rin si lola at tita.

Nag-suggest ako sa kanila na pumunta sa paradise at pumayag naman sila. Napakalaki't napakaganda sobra ng paradise, maraming tao at may sari-sarili silang mundo. Nagbonding lang kami nina tita, lola at tito. 'Yun lang ang ginawa namin at nagpiknik. Ang saya ko kase ngayon lang ulit kami naging ganto kasaya. Nung nakaraang tatlong buwan pa ulit kami nagbonding.

Nagpicture-picture kaming apat.