Ezekiel's POV
Habang papunta ako sa street namin ay...
Nakita ko sina lola, tita at tito sa tapat ng bahay, medyo ngumiti ako dahil kumpleto kami.
"Happy birthday Ezekiel!" bati nilang lahat sakin.
Ngumiti ako kahit na may galit ako kina mama't papa, pero wala akong magagawa kase sila rin naman ang dahilan kung bakit ako masaya...
Masaya nga ba ako?
"Ezekiel, apo!" tawag sakin ni lola at niyakap niya ako ng napakahigpit.
Ngumiti ako, na may halong pag-iipon ng luha sa mga mata ko.
Masaya nga talaga ako ngayong araw kahit na may galit ako kina mama't papa.
Nag-saya ang lahat nung araw na 'yun, walang malungkot, walang may nadi-dismaya, hindi ko akalain na mapapasaya ako nina mama't papa kahit na may galit ako sa kanila, parang nawala ang galit na 'yun ngayong araw.
Makalipas ang dalawang oras na pag-paparty ay nag-ihip na ko ng kandila sa cake, at ang wish ko nung araw na 'yun, ay ang...
Manirahan sa probinsya kasama si lola at umalis sa demonyong bahay na ito.
Ng matapos na ang pag-ihip ko ng kandila ay kinain na namin yung cake at nag punasan sila ng icing ng cake.
Matapos ang punasan ay dinala ako ni papa at mama sa playground at kina-usap nila ako.
Nag-sorry lang sila sa akin at niyakap ako, wala akong emosyon nung nag-sorry sila dahil naalala ko nanaman ang mga araw na binubugbog nila ako ng walang dahilan, habang yakap-yakap ako ni mama ay may nakita akong bata sa ganitong oras. Gabi na, wala nang masyadong tao, tiningnan ko ang relo ko at nakita ko ang oras na 10:18pm.
Hindi ko masyadong makita ang emosyon ng mukha niya dahil nasa-duyan siya at kami ay malapit sa puno, pero halata sa kanya na malungkot siya at naka-tuon lang ang tingin niya sa sahig na para bang may hinihintay.
Gusto ko siyang lapitan, pero kinaka-usap ako ni mama't papa at umiiyak na si mama. Mga ilang minuto rin ay umalis na kami ng hindi ko manlang kina-usap sina mama't papa at naka-tuon lang ang mga mata ko sa batang lalaki na hindi pa rin umaalis, 10:57pm na pero 'di pa rin siya umaalis at ganon pa rin ang posisyon niya.
Malungkot ba siya? O may hinihintay lang siya? Hayaan ko nalang, wala naman akong papel sa buhay niya.
Ng naka-uwi na kami ay pumasok na ako sa kwarto ko, matutulog na sana ako kaso biglang may kumatok.
"Lola!" sigaw ko nang makita ko kung siya sa harapan ko.
"May sasabihin ako sayo, apo~" malambing na sinabi sakin ni lola.
*******
"Totoo po lola?!" pasigaw na tanong ko sa kanya at nginitian niya ako.
"Oo naman, kaso tuwing bakasyon ka lang dun" dagdag sagot pa niya at ngumiti pa ako.
March 23 ang kaarawan ko, at ngayong araw iyun, bukas ay wala nang pasok, sa susunod na linggo pa raw kami aalis kaya may pagkakataon pa ako na makipagkaibigan sa batang lalaki na nakita ko kanina sa playground— oo nga pala! Nakauwi na ba siya? Sana nga nakauwi na siya, makikipagkaibigan rin kaya siya sakin?
"Lola, alam mo po may nakita akong batang lalaki kanina na nakaupo sa duyan, kani-kanina lang lola" sabi ko pa kay lola at napakunot ang dalawang kilay niya at sinagot niya ako.
"Batang lalaki ba o batang babae?" tanong pa niya sa akin at pinakita ko ang tunay kong emosyon na naaawa ako sa batang lalaki kanina.
"Batang lalaki po lola, balak ko po sanang makipag-kaibigan sa kanya bukas kase sa susunod na linggo pa naman tayo aalis" sagot ko pa kay lola at nginitian niya ako.
" 'Yan ang apo ko eh!" dagdag sabi pa ni lola at hinawakan niya ang buhok ko at lumabas na rin.
"Good night Ezekiel~" bati pa sakin ni lola.
"Good night din po, la" sagot ko pa.
Nandun kaya yung batang lalaki, magka-edad lang siguro kami, siguro nga, kase halata na agad sa kanya. May hinihintay ba siya kanina?Meron siguro, kase 'di naman siya pupunta doon kung wala siyang hinihintay.