"Tangina, Alston! First day na first day hindi ka papasok?"
Agad kong inilayo ang cellphone sa tainga. Gagong Erald 'to, ang aga-aga walang ginawa kundi sigawan ako. Kung alam ko lang na siya 'tong tumatawag, hindi ko na sana sinagot.
"Ano naman ngayon kung hindi ako papasok? Is there something new with that?" I sarcastically replied as I pulled down the string of the blinds in my room. Pinapatay na naman ng tatay ko 'yung aircon kaya nakataas 'tong blinds. Tss. Akala mo mauubusan kami ng pera kung makapagtipid.
Isang pamilyar na halakhak ang narinig ko mula sa kabilang linya. Pupusta akong si Io 'yon, sa halos anim na taon kong kaibigan 'yung dalawang gagong 'yun, halos kabisado ko na pati paghinga nila. "Sembreak na kasi ni Buenavista! He probably booked a flight for his Boracay getaway, ipag-uwi mo na lang kami ng tig-isang chicks pre," sabay tawa ulit ni Io.
"Gago, babae na naman nasa isip mo." iiling-iling kong sagot sa kabilang linya.
"Doon ka na nga, Ignacio Orlando! Nanggagatong ka lang, lalong 'di papasok 'tong si Alston e," pang-aasar ni Erald. Ilang minuto pa silang nag-asaran, ayaw na ayaw talaga ni Io na binabanggit ang totoo niyang pangalan. Napaka-old fashioned naman kasi, ewan ko ba sa mga magulang niya at iyan ang napagtripang ipangalan sa gagong 'yan.
"Ano na, Erald? May sasabihin ka pa ba? I need to sleep, man!" I complained. Putsa, e halos dalawang oras pa lang tulog ko. Pinuyat na naman ako ng pesteng Clash of Clans na 'yan.
"Tangina mo, Buenavista! Huwag mo kong ini-English English dyan ha! Matulog ka na lang diyan at kalimutan mo na 'yung pangarap mong maging Captain ng team!"
I mentally faceplamed when I heard what Erald said on the other line. Fuck. Muntik na akong mapariwara nang hindi oras! "Tangina mo rin, Hernandez! Nawala sa isip ko na ngayon 'yung announcement ni Coach. Alam mo namang 5AM na ako natulog, mga gago kasi kayo at hinayaan niyo kong mag-isang maglaro!"
"Sana kasi pinatalo mo na lang, pagbigyan mo naman kahit minsan ang kalaban. Hindi nakakatikim ng panalo e," mayabang na sagot nito.
"Yabang mo, gago!"
"Matagal na! Kaya ikaw kumilos ka na diyan kung ayaw mong magmakaawa kay Mang Lito para pagbuksan ka ng gate!" hirit pa ni Erald bago pinutol ang linya. Dali-dali kong kinuha ang charger ng phone ko nang matapos ang tawag. Napatingin ako sa wall clock at napamura nang makitang 7:45 AM na. I need to get there before 8AM, or else I'm fucking done.
Tangina, bahala na.
---
I was out of breath when I reached Veles National High School or commonly known as Veles High, a public highschool here in our town. Halos ilang ektarya din ang sakop ng Veles High, kaya halos dito nag-aaral ang ilang libong kabataan mula sa bayan ng Veles.
Veles High is one of the schools who consistently bring students up to the National Level when it comes to academic competitions. Pati nga sa Palarong Pambansa ay may representative din ang Veles High.
Kaya kahit maraming pera 'yung tatay ko, ipinilit niya talagang ipasok ako rito sa Veles High. Hindi naman ako nagreklamo, sawang-sawa na rin naman 'yung tiyan ko sa Italian pizza at tuna pesto na palaging nasa menu ng pinanggalingan kong International School.
It's already 8:30AM. If I show up at class at this rate, I'll probably get scolded by our new adviser. Siguro pagkatapos na lang ng recess ako magpapakita. Kaya agad akong nagtungo sa 2nd canteen ng school, may tatlo kasing canteen ang Veles High dahil hindi kakayanin ng isang canteen lamang ang dami ng estudyante rito.
Pumasok ako sa canteen at nanibago sa katahimikan nito. Hindi pa kasi recess kaya wala pa ang nakabibinging ingay ng mga kapwa ko estudyante. Ganon pa rin naman ang lugar, may mga upuan at lamesa na maaaring pagkainan ng mga estudyante, at siyempre ang kusina at counter kung saan naroon ang mga pagkaing ibenebenta.
Inilibot ko ang paningin at agad na dumiretso sa kusina nang maamoy ko ang nilulutong menudo. Binati ko ang ilang trabahante na sanay na sa bigla-biglang pagpasok ko rito. Nang matanaw ko ang pamilyar na babae ay agad akong napangiti.
"Nanay Fe! Long time no see!" agad kong bati sa matandang babae na kasalukuyang nagluluto ng menudo.
Napatingin sa akin si Nanay Fe at napangiti, "Ay sus! Narito na pala ang Señorito!"
"Nanay Fe, ilang beses ko bang sasabihin na Alston na lang ang itawag niyo sa akin? Tatay ko lang 'yung mayaman, hindi po ako," paalala ko pa. Nanay Fe was my former nanny when I was in elementary; she resigned when she got the opportunity to work as a cook in our school.
"Ewan ko ba sa'yo, hijo," tumalikod si Nanay Fe at itinuloy ang paghahalo sa niluluto niya. "O siya, ano bang ginagawa mo rito at hindi pa naman oras ng recess?"
Kumuha ako ng kutsarita sa lalagyan at sumalok ng kaunting sabaw sa nilulutong menudo ni Nanay Fe. "Naks, ang sarap nito ah! Mukhang mapaparami na naman ako ng extra rice mamaya," komento ko sa luto ni Nanay nang matikman ko ito.
"Ikaw talaga, hijo! Palagi mo na lang akong binibiro, kaya maraming dalagita ang nagkakagusto sa iyo. Napakagaling mambola!" natatawang sabi ni Nanay Fe habang tinatakpan ang niluto niya, yumuko pa ito nang bahagya at isinara ang gasul.
Umiling-iling ako sa matanda. Lumapit ako sa lababo at saka hinugasan ang kutsaritang ginamit ko. "Hala, hindi po. Wala nga akong girlfriend nay, sinong bobolahin ko?"
"Ako nga ay huwag mong niloloko, Alston. Siya sige, bumalik ka na sa klase ninyo at baka mapagalitan ka pa ng iyong guro," utos nito sabay tinulak-tulak ako palabas ng kusina. Napalingon sa amin ang ibang tao sa kusina at natawa nang makitang pinapaalis na naman ako ni Nanay Fe. I usually go here in the kitchen to chat with Nanay Fe whenever I get bored at class. Kaya sanay na sila sa pagpunta ko rito nang wala sa oras.
Nang nasa pinto na kami ng canteen ay binitawan niya na ako. Talagang hinahatid niya ako palabas, kung hindi nga lang ito nagluluto ay malamang hinatid pa ako sa klase. Nanay Fe wanted to make sure that I go to class, she knows how stubborn I am.
"Nay, hindi po ako nag-cutting. Na-late lang po ako ng gising, kaya kararating ko pa lang."
Umismid ito. Halatang dismayado na naman sa akin. Si Nanay Fe talaga. "Asus! Sinasabi ko sa'yo, anak, huwag kang magpupuyat dahil---"
"---mahalaga ang pag-aaral," dugtong ko sa sinasabi niya. "Memorized ko na linya mo, Nanay Fe. Sige po, I'll go ahead!" sigaw ko sabay takbo paalis ng canteen.
Dahil wala na rin naman akong ibang mapupuntahan, dumiretso na ako sa building ng grade ten. I ran as fast as I can, siguradong lagot talaga ako nito. Once I reached the third floor, I scanned the rooms to find the room for Archimedes, our section. Nang makita ko ito ay dahan-dahan akong kumatok sa front door.
Kasabay nang pagbukas ng pinto ay ang pagkagulat ko nang masilayan ang tuwid na tuwid na buhok ng aming guro. Fucking shit! Si Dragona ang adviser ng section namin! I awkwardly smiled at Miss Hizon and uttered my greeting, "Good morning, Miss Hizon. I am very sorry for being late today."
She stared at me with those criticizing eyes. Napaatras ako nang bahagya nang tumama sa akin ang pamaypay niya. "Sorry? Mister Buenavista, I told you not to say sorry when the damage is already done!"
Napayuko ako. Hindi na naman titigil sa panenermon itong si Miss Hizon. She's one of our teachers last year, and at age 55 she is not yet married. You get the idea, matandang dalaga na nasobrahan sa pagka-istrikta. Isama mo pa ang tuwid na tuwid nitong buhok, halos taon-taon yata ay suki ito ng salon. She's a bit tall, with fair complexion and strong set of eyes.
That's Miss Estelita Hizon or as we call her…Dragona. Para kasing dragon kung magalit—buga dito, buga doon. Walang makakapigil sa kaniya sa panenermon.
"Didn't you know that's it's the first day of class today? You should be responsible since you are now a grade ten student, now tell me, am I wrong?," she asked as loud as she can. I slowly shook my head as a response. "Kinakalawang na naman 'yang mga utak ninyo! Siguro puro bola na naman iyang nasa isip mo. Makakatapos ka ba ng pag-aaral diyan sa pagdidribol mo ha?"
Oh, and I forgot to mention that Miss Hizon hates the basketball team. Sabi ng mga senior noon namin sa team ay madalas pinag-iinitan ng guro ang mga miyembro ng team. Kung bakit ay hindi rin namin alam. Hula-hula lang nila na baka raw basketball player ang dati nitong nobyo na maaaring nang-iwan sa kaniya, dahilan kung bakit napaka-bitter nito.
Biglang nasira ang pananahimik ng buong klase nang tumawa 'yung dalawang gago. I smirked when Dragona suddenly turned her head and shouted, "Anong nakakatawa, Mr. Hernandez at Mr. Esquivel? E puro mga bola naman talaga iyang pinaglalagay niyo diyan sa kakapiranggot niyong utak!"
"Wala po, Ma'am," Erald and Io chorused.
Bumuntong-hininga si Miss Hizon at muling humarap sa akin. "You interrupted my class, Mr. Buenavista. I don't want this to happen again, understood?"
"Yes, Ma'am."
"Good. Now, find your seat and stay quiet!" utos nito at bumalik na sa pagtuturo sa harap.
Pumasok naman ako sa loob ng classroom at sumalubong sa akin ang mga arm chair na puno pa rin ng vandals, gayundin ang dalawang wall fan at apat na ceiling fan. I'm sure this will be another year filled with hotness. Hindi kasi sapat ang mga electric fan para sa mahigit 40 na estudyante. I don't know if there are transferees but everybody seems pretty familiar.
Nang marinig ko ang mahinang pagtawag ni Erald ay lumingon ako sa banda nila. They are seating on the left side of the room, second row from the back. Io, on the other hand, pointed at the empty seat beside him. Nice, mabuti naman at pinagreserve ako ng upuan.
Naglalakad na ako papunta sa row nina Erald nang huminto ako dahil sa biglang pagsigaw ni Miss Hizon. "Mr. Buenavista! Who told you to sit with your friends? Manggugulo na naman kayo sa klase ko kapag nagtabi kayo!"
I mouthed "badtrip" to Erold and Io, to which they silently laughed at. Tangina, sunog na sunog na ako sa sermon ni Dragona. Kung hindi lang talaga announcement ni Coach ngayon, hindi talaga ako papasok.
"Sit at the back row! Hindi ko hahayaang mag-ingay na naman kayo sa klase ko," sigaw ulit nito.
Lumingon ako sa back row at napansing wala namang bakanteng upuan. Matanda na talaga si Miss Hizon, naduduling na yata. "Ma'am, wala na pong bakante sa back row."
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko, "Anong wala? Ako ba ay niloloko mo, Mr. Buenavista?"
"Hindi po, Ma'am."
"Tigilan mo ako sa mga dahilan mo, Mr. Buenavista," sabi nito at naglakad papunta sa kinatatayuan ko. "Matanda lang ako pero hindi ako bulag. Miss Castel, remove your bag from the seat beside you. That will be your seat, Mr. Buenavista."
Pinanood kong tanggalin ni Castel ang bag niya sa katabing upuan. Nang matanggal niya ito ay naglakad na ako papunta sa bago kong upuan. Sa kanang bahagi ang row na ito, malayo sa pintuan ng classroom. Nakaupo sa pinakadulo si Castel, sa tabi ng bintana at sa kaliwa niya iyong bakante.
Sandaling sumulyap sa akin si Castel nang maupo ako sa tabi niya. She has a fair skin complexion, light brown eyes and thin pinkish lips. Ang buhok niya ay kulay tsokolate na lagpas sa balikat, medyo wavy ito at kulot sa bandang dulo.
Matapos akong tignan ng ilang segundo ay bumalik ito sa pagsusulat. Sa lahat naman ng magiging katabi ko, ito pang pinakatahimik sa klase. Ni hindi nga yata 'to nagsasalita.
"Bakit ba nilagay mo 'yung bag mo sa upuan? Akala ko tuloy may nakaupo sa tabi mo," mahinang bulong ko rito.
Hinintay kong magsalita ito at sumagot sa tanong ko pero wala akong narinig ni isang salita. Patuloy lang ito sa pagsusulat sa kaniyang notebook, lahat yata ng sinasabi ni Miss Hizon ay sinusulat niya.
Mas mabuti pang huwag na nga lang itong kausapin. I really hope this is not a permanent seat, kundi mapapanisan talaga ako ng laway.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng katabi."
Napakurap ako nang marinig kong magsalita si Castel gamit ang mahina at malamyos na boses. Natigil ako sa pag-tap ng sapatos ko sa sahig at napalingon sa kaniya.
Tama ba 'yung narinig ko? Nagsalita si Castel? Tinignan ko siya at baka guni-guni ko lang iyon, balik na naman siya sa pakikinig kay Miss Hizon.
Bilang na bilang ko sa daliri ko kung kailan lang nagsasalita itong si Castel. Sa halos apat na taon ko siyang kaklase ay napakadalang kong marinig ang boses nito. Ni hindi ko na nga matandaan kung anong tunog ng boses niya. Nagsasalita lang kasi ito kapag may reporting, may forced/graded recitation at kung teacher ang kumakausap sa kaniya.
Pero tama siya, sa apat na taon ko siyang kaklase sa highschool ay ngayon lang siya nagkaroon ng katabi.
To be continued…